Share

CHAPTER 13

"Hindi po kami magkasintahan, manong. Magkaibigan lang po kami," nakangiting paliwanag ko sa kaniya na tila naman nagulat sa mga sinabi ko.

"Naku, akala ko pa naman kasintahan mo siya. Hayaan mo't doon naman na rin papunta iyon," biro niya kaya bahagyang napahagikgik ako. Si manong talaga oh. Si Blue naman ay pangiti-ngiti lang.

"Mauna na ho kami, manong!" pagpapaalam ni Blue, dahilan para hindi na ako muling makasagot sa sinabi ni manong.

"O sige. Mag-iingat kayong dalawa."

"Kayo rin po!" sabay naming sabi ni Blue at nagsimula na lumakad papalayo kay manong.

"Biruin mo iyon napagkamalan pa tayong magkasintahan," pabirong sabi ni Blue. Akala ko nainis siya kanina.

"Kaya nga e. Teka... May girlfriend ka na ba?" lakas loob kong tanong. Mas better iyong aware ka sa relationship status ng taong nakakausap at nakakasama mo para hindi ka magsisi sa huli. Sa huli kung kailan nahulog ka na.

"Oo... dati." Paligoy-ligoy naman kung sumagot.

"Ah..."

"Ikaw?" Gulat akong napatingin sa kaniya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status