Share

Chapter 2

Author: Alshin07
last update publish date: 2026-07-29 00:52:31

Nagising ako sa bigat ng nararamdaman sa katawan ko. Idagdag pang may maselang braso ang nakadagan sa tiyan ko.

Doon lang biglang pumasok sa diwa ko kung anong nangyari.

Inalay ko ang sarili sa isang lalakeng hindi ko naman kilala. Ang malala pa ay ipinagbili ko ang pagkababae ko. Wala ng natitirang dignidad sa sarili ko.

Napapiksi ako nang bigla siyang gumalaw. Nagpalit siya ng pwesto. Nakatalikod na siya sa akin ngayon. Pagkakataon ko na ito para makaalis. Wala nang saysay pa kung mananatili ako rito. Malapit nang mag-umaga dahil nakikita ko na ang papasilip ng haring araw.

Dahan-dahan akong bumangon. Ininda ko ang sakit sa katawan lalo na sa pagkababae ko. Tahimik akong tumayo at isa-isang pinulot ang mga damit ko. Nagbihis at inayos ang sarili.

Papalapit na sana ako sa p***o nang maisipan kong lingunin ang lalakeng mahimbing pa ring natutulog sa kama. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya.

Lumabas na ako ng hotel room at baka magising pa siya. Ramdam ko pa rin ang pananakit sa buo kong katawan. Para akong binugbog at sa bawat lakad ko ay parang napupunit ang pagkababae ko.

Tiniis ko na lang ang lahat ng sakit at dali-daling sumakay ng jeep papunta sa hospital kung nasaan si Carmell. Habang nasa byahe ay napapangiti na lang ako dahil sa wakas ay magiging mabuti na rin ang kalagayan ng kapatid ko. Nag-iisip na rin ako kung anong maliit na negosyo ang gagawin ko. Sigurado akong may sobra pa sa perang naging kapalit ng katawan ko.

Napahinga ako nang malalim. Biglang sumagi sa isipan ko ang lalakeng iyon. Ni pangalan niya ay hindi ko man lang alam. Napapikit ako nang mariin nang maalala ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi. Parang may kung anong parte sa puso ko ang biglang nagkaroon ng emosyon pero hindi ko mapangalanan kung ano iyon.

Noong umpisa ay para akong kandilang nauupos sa bawat haplos at halik niya. Pero nang lumaon at pinwersa niya ang sarili niya sa akin, pakiramdam ko ay nawalan na rin ako ng respeto sa sarili ko.

Sa lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko namalayang huminto na pala ang jeep sa harap ng hospital. Kaagad akong nagbayad at bumaba.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kaagad na tumakbo papunta sa ward kung saan naroroon si Carmell. Panigurado at tapos na ang operasyon niya.

Pero nagtataka ako kung bakit wala siya sa kama niya nang pumasok ako sa ward. Wala na rin ang mga gamit niya.

Baka hindi pa tapos ang operasyon?

"Condolence, hija..."

"Nakikiramay kami..."

Nangunot ang noo ko sa mga narinig. "A-Ano pong sinasabi ninyo?"

Nagkatinginan naman sila.

"Hindi mo ba alam?" tanong ng matanda sa katabing kama. "Patay na ang kapatid mo."

Para akong binuhusan nang malamig na tubig. "P-Paanong nangyari iyon?"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at kaagad na pinuntahan ang doktor ni Carmell. Saktong palabas siya ng opisina niya. "Dok, nasaan ang kapatid ko? Maayos naman po ang naging operasyon ninyo sa kanya, hindi ba?"

Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko nang makita ang nagtataka niyang tingin sa akin.

"Operasyon?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Kaya namatay ang kapatid mo dahil hindi siya naoperahan."

Sumabog ang samu't saring emosyon sa puso ko at mga tanong sa isipan ko.

Hindi ito maaari.

"Nasa morge ang katawan ng kapatid mo."

Sa dami niyang sinabi ay iyon lang ang malinaw kong narinig.

Paanong nangyaring patay na si Carmell? Ang sabi ni tiya ay pupuntahan niya kaagad si Carmell dito sa hospital. Nabayaran ba kami ng isang milyon?

Sa dami ng tanong sa isipan ko ay wala sa sariling naglakad ako papunta sa morge.

Nabayaran ba kami?

O baka naman...

Natulala na lang ako nang buksan ng staff ang puting kumot at nakita ang maputlang katawan ng kapatid ko.

"H-Hindi..." napapailing kong sabi sa kawalan. "P-Paano nangyari ito?"

Nanaginip lang ba ako?

Pero ang mga luha ko ay parang may sariling pag-iisip at kusa na lang silang dumaloy sa pisngi ko. Nawalan ng lakas ang tuhod ko at napasalampak na lang sa malamig na sahig. Idagdag pa ang sakit ng buong katawan ko ay nawalan na ako ng kontrol sa emosyon ko at doon mismo ay napahagulhol ako.

Bakit?

Bakit ito nangyayari sa amin?

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganoong ayos. Tumigil na ako sa pag-iyak dahil pakiramdam ko ay wala na akong luhang mailuluha pa.

"Kailangan po ninyong i-fill out ang ilang documents, ma'am," sabi ng staff sa akin.

Tumayo ako at tinanggap ang mga papel. Nang mabasa ko ang pangalan ni Carmell sa death certificate form ay umagos muli ang mga luha ko. Parang doon pa lang natanggap ng sistema ko na totoo ngang patay na siya. Sa nanginginig na kamay at nanlalabong mga mata ay nagsulat ako ng mga detalye na hinihingi.

Nang bigla kong maalala si Marion, ang buso naming kapatid. Dali-dali kong tinapos ang pagsusulat at kumaripas ng takbo pauwi.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Simula pa kahapon ay sobrang daming nangyari. Kaya marahil ay parang nakatatak na sa isipan ko na masamang balita na naman ang madadatnan ko sa bahay.

At hindi nga ako nagkamali.

Parang dinaanan ng bagyo ang bahay.

Wasak ang tanging mesa at apat na bangkong gawa sa kahoy. Nagkalat ang mga gamit sa munti naming kusina. Natanggal pa ang dingding na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping sako.

"Marion..." tawag ko sa pangalan ng bunso naming kapatid pero parang bulong na lang iyon sa hangin.

"Marion?" tawag ko ulit pero kahit hangin ay wala akong marinig.

Pumasok ako sa maliit na kwarto at nakitang nagkalat din ang mga damit namin. Pumunta ako sa isa pang maliit na kwarto kung saan natutulog si Tiya Adella.

Nagtataka ako kung bakit wala na ang mga damit niya. Nawawala rin ang nag-iisang bag na dala niya noon nang lumipat siya rito sa amin.

"Narito ka na pala, Rania."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Namumukhaan ko siya. Minsan ko siyang nakikita na kausap si tiya.

"Nasaan ang walang hiya mong madrasta?" tanong niya habang nilalaro ang isang maliit na kutsilyo.

"H-Hindi ko alam. Hinahanap ko rin siya," sagot ko naman habang nakatingin sa kutsilyong hawak niya at baka bigla niya lang itapon sa akin.

"At talagang tinangay niya ang isang milyon mula sa pagkabirhen mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-Anong tinangay?"

"Balita ko kasi binenta ka niya. Malaki ang utang ng tiya mo sa amin. Nagagawa niyang magbisyo at magsugal pero hindi niya mabayaran ang utang niya?"

"Ate!"

Hindi na ako nakasagot sa lalakeng may hawak ng kutsilyo nang makita ko si Marion na puro pasa ang mukha at katawan. Hawak siya ng isa sa mga lalake.

"Bitiwan ninyo ang kapatid ko!"

Akma kong lalapitan si Marion nang itutok ng lalake ang kutsilyo kay Marion.

"Huwag!" sigaw ko at natigil sa paglapit.

"Huwag ka sanang magalit sa amin, Rania," sabi ng lalake at unti-unting lumalapit sa akin. "Sisisihin mo ang tiya mo dahil sa iyo kami maniningil."

Sa isang iglap ay nakalalpit siya sa akin at tinakpan ng kung anong tela ang ilong at bibig ko. Nagpumiglas pa ako pero pumasok na sa sistema ko ang matapang na amoy na nalanghap ko.

Unti-unti akong nawawalan ng lakas at bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Anong trahedya na naman ba ang nakaabang sa akin?

Sana...

Hindi na lang ako magising.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 4

    Nagising ako at ang unang bumungad sa akin ay ang napakagarang kisame. Hindi pa ako nakakakita nang ganito kagandang kisame.OA man pero sa isang tulad ko na lumaki sa isang bahay na butas-butas ang atip, masasabi kong ang swerte ko na kapag nagising akong ganito ang nakikita.Nang maalala ko ang mga nangyari kanina ay saka pa lamang ako napabalikwas ng bangon. Siniguro kong hindi ako nananaginip. Napansin ko ring iba na ang suot ko at magaan ang pakiramdam ko. Pinaliguan ba at binihisan nila ako?Bigla akong nahiya. Ibig sabihin ay nakita nila ang katawan ko. Napapailing na lang ako. Mahihiya pa ba ako kung ilang lalake na ang nakakita sa hubad kong katawan sa aution na iyon?Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Del Amore. "You're awake."Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan."Don't worry, ako ang nagpaligo at nagbihis sayo.""A-Ano?" Nanlaki ang mga mata ko. "B-Bakit mo ginawa iyon?""Ayos lang naman iyon dahil ikakasal naman tayo," sabi niya na para bang maliit na

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 3

    Nagising ako sa ingay sa paligid. Idagdag pang nanginginig ako sa lamig. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata pero napapikit din muli dahil sa nakakasilaw na liwanag.Ang ingay ay unti-unting naging klaro sa pandinig ko."The bidding starts at one million pesos.""Okay, we have one million. Do we have one million and five hundred thousand?""And we have now one million and five hundred thousand, do we hear two million pesos?"Dahan-dahan akong bumangon. Walang saplot sa katawan. Sa sobrang liwanag ay hindi ko alam kung ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin ngayon."We now have five million pesos, do we hear six million?" patuloy na pag-announce ng babae.Ilang linggo na rin akong narito. Ilang linggo ko nang nasasaksihan ang iba't ibang babaeng binibenta sa pamamagitan ng bidding. Lust auction kung tawagin nila.Nagbebenta sila ng mga babae at bumibili naman ang kung sino man sila para gawin nila ang kahit ano sa babaeng mabibili nila.Hindi ko alam kung paano ako napunta r

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 2

    Nagising ako sa bigat ng nararamdaman sa katawan ko. Idagdag pang may maselang braso ang nakadagan sa tiyan ko.Doon lang biglang pumasok sa diwa ko kung anong nangyari.Inalay ko ang sarili sa isang lalakeng hindi ko naman kilala. Ang malala pa ay ipinagbili ko ang pagkababae ko. Wala ng natitirang dignidad sa sarili ko.Napapiksi ako nang bigla siyang gumalaw. Nagpalit siya ng pwesto. Nakatalikod na siya sa akin ngayon. Pagkakataon ko na ito para makaalis. Wala nang saysay pa kung mananatili ako rito. Malapit nang mag-umaga dahil nakikita ko na ang papasilip ng haring araw.Dahan-dahan akong bumangon. Ininda ko ang sakit sa katawan lalo na sa pagkababae ko. Tahimik akong tumayo at isa-isang pinulot ang mga damit ko. Nagbihis at inayos ang sarili.Papalapit na sana ako sa pinto nang maisipan kong lingunin ang lalakeng mahimbing pa ring natutulog sa kama. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya.Lumabas na ako ng hotel room at baka magising pa siya. Ramdam ko pa rin

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 1

    "Kailangan ng kapatid mo na maoperahan kaagad at hindi biro ang kakailanganing pera...""Magkano po, dok?" wala sa sariling naitanong ko habang nakatingin lang sa sahig na para bang naroon ang solusyon sa lahat ng problema ko ngayon."Kalahating milyon para sa operasyon kasali na ang chemotherapy para masigurong ligtas na siya sa cancer.""G-Ganoon po ba?" Tumayo na ako at hinarap ang doktor. "B-Babalik po ako, dok."Lumabas na ako ng opisina ng doktor at naglakad sa tahimik na hallway palabas ng hospital.Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Iniwan kami ni nanay noong isang taong gulang pa lang ang bunso namin. Hindi ko naman siya masisisi dahil bukod sa wala nang matinong trabaho si tatay ay lagi pa siyang sinasaktan at laging lasing.Pero sana, isinama niya na lang kami.Hindi man lang ako nakatuntong ng high school kaya wala rin akong mahanap na matinong trabaho. Kung ano-ano na lang ang pinasok ko para lang may makain kami. Minsan naaabutan ko ang mga kapatid ko na namu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status