Mag-log inNagising ako sa ingay sa paligid. Idagdag pang nanginginig ako sa lamig. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata pero napapikit din muli dahil sa nakakasilaw na liwanag.
Ang ingay ay unti-unting naging klaro sa pandinig ko. "The bidding starts at one million pesos." "Okay, we have one million. Do we have one million and five hundred thousand?" "And we have now one million and five hundred thousand, do we hear two million pesos?" Dahan-dahan akong bumangon. Walang saplot sa katawan. Sa sobrang liwanag ay hindi ko alam kung ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin ngayon. "We now have five million pesos, do we hear six million?" patuloy na pag-announce ng babae. Ilang linggo na rin akong narito. Ilang linggo ko nang nasasaksihan ang iba't ibang babaeng binibenta sa pamamagitan ng bidding. Lust auction kung tawagin nila. Nagbebenta sila ng mga babae at bumibili naman ang kung sino man sila para gawin nila ang kahit ano sa babaeng mabibili nila. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Nang mawalan ako ng malay noon sa bahay, paggising ko nandito na ako. Hindi ako makapanlaban. Pinapatay nila kaagad ang kung sino mang sisigaw, iiyak, o magwawala. Parang gusto ko na ring mamatay pero naduduwag ako. Takot na takot ako. "Do we hear ten million?" Patuloy pa rin ang bidding. Hindi ko rin alam kung nasaan na si Marion. "Do we have one billion?" Nagulat ako sa inabot ng halaga. Fifty million lang narinig kong pinakamataas na inaabot. Mas lalo tuloy akong nabalutan ng takot at kaba. Kapag malaki ang halaga, malaki rin ang kapalit. Anong gagawin sa akin ng nagbi-bid nang malaki? "Do we hear five billion?" Tama na... Parang awa na ninyo. Maawa kayo! "Sold for fifteen billion!" Napuno ng palakpakan ang buong paligid na para bang ngayon lang sila nakatanggap nang magandang balita matapos ang sampung taon. Habang ako naman ay unti-unting nanlalambot. Nawalan ng pag-asa. Nawalan ng lakas. Nawalan ng karapatan para sa sarili kong buhay. Fifteen billion. Nakakatawa lang dahil kaya ko pa lang kumita nang ganito pero buong buhay ko ay hirap pa akong makahanap ng kinse pesos. Iyon nga lang ay hindi naman sa akin mapupunta ang perang iyon kung hindi sa mga taong wala na yatang natitirang konsensya sa budhi nila. Na para sa kanila ay isang kasangkapan lamang ang tao na pwedeng ibenta na parang laruan. Wala akong magawa nang marahas akong hinila ng isang lalakeng bantay. Ano pa ang silbi kung manlaban ako? Wala. Isa lamang akong babaeng mahina, walang kakampi sa mundong mapang-api. Dinala ako sa isang walang kalaman-lamang kwarto. Baka ang susunod na papasok ay iyong taong binili ako sa halagang fifteen billion. Gaano siya kayaman para magwaldas ng ganoong halaga sa isang babaeng nagmistula ng basura? Kahit pa sabihing gagawin niya akong alipin, o kung ano pa man, masyadong malaki ang fifteen billion. Biglang bumukas ang p***o at may isang babaeng pumasok. "Ako si Ellen, ang magiging personal assistant mo, Ma'am Rain." Ano raw? Kailan pa naging Rain ang pangalan ko? At tinawag niya ba akong ma'am? "Nagkakamali ka yata, Rania ang pangalan ko," sagot ko naman sa mababang tinig. Hindi niya ako pinansin at kaagad na tinulungan akong magbihis. "Simula ngayon ay ikaw na si Maria Rain Samonte, ang fiance ko." Mula sa likod ng nagpakilalang si Ellen ay may pumasok na isang matangkad na lalake. Nananaginip ba ako? Akala ko ay isang matandang panot at malaki ang tiyan ang nakabili sa akin. Tapos sasabihin niyang gagawin niya akong alipin sa kama at papatayin niya ako kapag nagsawa na siya. Pero ano itong nangyayari? Fiance ko ang isang lalakeng ito na may makalaglag pangang kagwapuhan? Binili niya ako sa halagang fifteen billion para maging asawa niya? Sa taglay niyang kagwapuhan at mayaman pa siya, sigurado akong maraming gustong magpakasal sa kanya. Pero sa akin? Bakit? Adik ba siya? "Mag-usap na lang tayo sa mansyon," tinalikuran niya ako. "Ellen, alalayan mo siya." "Yes, sir." Parang gusto kong sampalin ang mukha ko dahil sa mga nangyayari. Baka kasi nawala na ako sa katinuan at nag-iilusyon na lang. Inalalayan nga ako ni Ellen palabas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalakeng bantay na nakahandusay at nagkalat ang dugo sa sahig. Kaagad na may humarang na mga lalakeng armado sa dadaan namin. "Mukhang hindi naman ito makatarungan, Mr. Del Amore," sabi ng lalakeng nasa gitna. "Pinatay mo ang isa sa mga tauhan namin." Naaalala ko. Siya ang bumabaril sa mga babaeng hindi sumusunod sa utos niya. "Dapat lang sa kanya iyon," walang emosyon na sagot ng lalakeng bumili sa akin. "Marahas niyang hinawakan ang fiance ko, mababayaran niya ba ang fifteen billion? Ibabalik ba ninyo sa akin ang halagang iyon kapag nasugatan siya?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit kung tratuhin niya ako ay parang isa akong mamahaling gamit? Kung sa bagay, fifteen billion iyon. Isa nga talaga akong mamahaling gamit. "Anong karapatan mong kwestyunin si Mr. Del Amore?" biglang tanong ng lalakeng nasa unahan. "Baka gusto mong mawasak itong munti mong negosyo?" Munting negosyo pa ba ito? Sa akin pa lang ay naka-fifteen billion na sila. Ilang babae ba ang nabebenta nila kada may auction? Higit pa sa isang daan babae. Kung munting negosyo pa ito ay gaano ba kayaman ang Mr. Del Amore na ito? "Hindi naman sa ganoon," pagdedepensa ng lalakeng may ari yata ng ilegal na negosyo na ito. "Pwede naman ninyong sabihin sa akin at kami na ang—" "Tapos ka na bang magsalita?" malamig na tanong ni Mr. Del Amore. "Mahalaga ang bawat segundo sa akin." Hindi niya na hinintay pang makasagot ang lalake at nauna na sa paglalakad. Inalalayan naman ako ni Ellen at inakay sa paglalakad. Hindi na ako naglakas ng loob na lumingon sa kung saan-saan at diretso lang ang tingin ko. Pakiramdam ko kasi kapag lumingon ako ay hindi na ako makakalabas dito. Kung anong mang dahilan ng Mr. Del Amore na ito sa pagbili niya sa akin, magpapasalamat pa rin ako. Nang tumama ang sariwang hangin sa balat ko ay saka ko lamang tuluyang napagtanto na hindi pala ako nag-iilusyon lang. Unti-unting nag-init ang gilid ng mga mata ko. Ilang saglit pa ay pumatak na ang mga luha ko. Akala ko hindi na ako makakalabas sa impyernong iyon. Akala ko ay katapusan ko na. Nanghihina ang mga tuhod ko at nang tuluyan itong mawalan ng balanse ay natumba ako. Mabuti na lang at nakaakay sa akin si Ellen, kung hindi ay baka tuluyan akong napasalampak sa lupa. "Ayos lang ba kayo, ma'am?" tanong ni Ellen at tinulungan akong makatayo nang maayos. Sasagot na sana ako nang biglang umikot ang paningin ko at tuluyan nang natumba sa lupa. Nahihilo ako. Bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang sinabi ni Mr. Del Amore. "Ako na ang magbubuhat sa kanya."Nagising ako at ang unang bumungad sa akin ay ang napakagarang kisame. Hindi pa ako nakakakita nang ganito kagandang kisame.OA man pero sa isang tulad ko na lumaki sa isang bahay na butas-butas ang atip, masasabi kong ang swerte ko na kapag nagising akong ganito ang nakikita.Nang maalala ko ang mga nangyari kanina ay saka pa lamang ako napabalikwas ng bangon. Siniguro kong hindi ako nananaginip. Napansin ko ring iba na ang suot ko at magaan ang pakiramdam ko. Pinaliguan ba at binihisan nila ako?Bigla akong nahiya. Ibig sabihin ay nakita nila ang katawan ko. Napapailing na lang ako. Mahihiya pa ba ako kung ilang lalake na ang nakakita sa hubad kong katawan sa aution na iyon?Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Del Amore. "You're awake."Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan."Don't worry, ako ang nagpaligo at nagbihis sayo.""A-Ano?" Nanlaki ang mga mata ko. "B-Bakit mo ginawa iyon?""Ayos lang naman iyon dahil ikakasal naman tayo," sabi niya na para bang maliit na
Nagising ako sa ingay sa paligid. Idagdag pang nanginginig ako sa lamig. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata pero napapikit din muli dahil sa nakakasilaw na liwanag.Ang ingay ay unti-unting naging klaro sa pandinig ko."The bidding starts at one million pesos.""Okay, we have one million. Do we have one million and five hundred thousand?""And we have now one million and five hundred thousand, do we hear two million pesos?"Dahan-dahan akong bumangon. Walang saplot sa katawan. Sa sobrang liwanag ay hindi ko alam kung ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin ngayon."We now have five million pesos, do we hear six million?" patuloy na pag-announce ng babae.Ilang linggo na rin akong narito. Ilang linggo ko nang nasasaksihan ang iba't ibang babaeng binibenta sa pamamagitan ng bidding. Lust auction kung tawagin nila.Nagbebenta sila ng mga babae at bumibili naman ang kung sino man sila para gawin nila ang kahit ano sa babaeng mabibili nila.Hindi ko alam kung paano ako napunta r
Nagising ako sa bigat ng nararamdaman sa katawan ko. Idagdag pang may maselang braso ang nakadagan sa tiyan ko.Doon lang biglang pumasok sa diwa ko kung anong nangyari.Inalay ko ang sarili sa isang lalakeng hindi ko naman kilala. Ang malala pa ay ipinagbili ko ang pagkababae ko. Wala ng natitirang dignidad sa sarili ko.Napapiksi ako nang bigla siyang gumalaw. Nagpalit siya ng pwesto. Nakatalikod na siya sa akin ngayon. Pagkakataon ko na ito para makaalis. Wala nang saysay pa kung mananatili ako rito. Malapit nang mag-umaga dahil nakikita ko na ang papasilip ng haring araw.Dahan-dahan akong bumangon. Ininda ko ang sakit sa katawan lalo na sa pagkababae ko. Tahimik akong tumayo at isa-isang pinulot ang mga damit ko. Nagbihis at inayos ang sarili.Papalapit na sana ako sa pinto nang maisipan kong lingunin ang lalakeng mahimbing pa ring natutulog sa kama. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya.Lumabas na ako ng hotel room at baka magising pa siya. Ramdam ko pa rin
"Kailangan ng kapatid mo na maoperahan kaagad at hindi biro ang kakailanganing pera...""Magkano po, dok?" wala sa sariling naitanong ko habang nakatingin lang sa sahig na para bang naroon ang solusyon sa lahat ng problema ko ngayon."Kalahating milyon para sa operasyon kasali na ang chemotherapy para masigurong ligtas na siya sa cancer.""G-Ganoon po ba?" Tumayo na ako at hinarap ang doktor. "B-Babalik po ako, dok."Lumabas na ako ng opisina ng doktor at naglakad sa tahimik na hallway palabas ng hospital.Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Iniwan kami ni nanay noong isang taong gulang pa lang ang bunso namin. Hindi ko naman siya masisisi dahil bukod sa wala nang matinong trabaho si tatay ay lagi pa siyang sinasaktan at laging lasing.Pero sana, isinama niya na lang kami.Hindi man lang ako nakatuntong ng high school kaya wala rin akong mahanap na matinong trabaho. Kung ano-ano na lang ang pinasok ko para lang may makain kami. Minsan naaabutan ko ang mga kapatid ko na namu







