เข้าสู่ระบบEVELYN'S POV
“Evelyn, tinatanong kita. Sino ang lalaking ito?”
Halos idikit ni Alexander sa mukha ko ang kaniyang cellphone. Muli kong tiningnan ang litrato, umaasang may maaalala ako tungkol sa lalaking katabi ng orihinal na Evelyn.
Pero wala talaga!
“Hindi ko siya kilala,” sagot ko habang inilalayo ang kamay niya.
Matalim niya akong tiningnan. “You expect me to believe that? Magkasama kayo sa litrato, tapos sasabihin mong hindi mo siya kilala?”
“Bakit? Bawal bang makalimot?”
“Evelyn, don't play games with me.”
Napabuntong-hininga ako. Kahit anong sabihin ko, mukhang hindi niya ako paniniwalaan. Hindi ko naman puwedeng ipaliwanag na dalawang oras pa lang akong nabubuhay sa katawan ng babaeng nasa litrato!
“Kung gusto mong malaman kung sino siya, ipa-investigate mo. Mayaman ka naman, hindi ba?”
“Already planning to.”
“Good. Sabihin mo rin sa akin kapag nalaman mo na.”
Naglakad ako patungo sa p***o, pero muling nagsalita si Alexander.
“Is he the stranger you were talking about?”
Napapikit ako sa inis. “Alexander, ang sabi ko, mas pipiliin kong magpakasal sa estranghero. Hindi ko sinabing may boyfriend ako!”
“Then why are you suddenly desperate to leave me?”
Humarap ako sa kaniya. “Dahil ayoko na. Kailangan ko pa bang magbigay ng isang daang dahilan bago mo tanggapin ang katotohanan na ayaw ko na?”
Saglit siyang natahimik. Akala ko ay papayagan na niya akong umalis, pero inilagay lamang niya ang cellphone sa bulsa.
“Your father wants you home. My driver will take you.”
“Kaya kong umuwi mag-isa.”
“Consider it a precaution. Someone deliberately sabotaged Sophia's dress, and now someone's sending anonymous photographs of you.”
May punto siya dun. Kung mayroon ngang taong gustong ipahamak ang orihinal na Evelyn, mas mabuting mag-ingat muna ako.
“Fine. Pero huwag mong isipin na dahil pumayag ako, papayag na rin akong pakasalan ka.”
Bahagya siyang ngumiti. “We'll see.”
Nakakainis talaga ang lalaking ito!
Pagkaraan ng halos apatnapung minuto, huminto ang sasakyan sa harapan ng napakalaking mansiyon.Napatingala ako sa matataas na gate na may gintong letrang M. Sa loob ay may malawak na hardin, fountain, at isang puting bahay na parang palasyo.
Ito pala ang tahanan ng Montgomery family.
“Miss Evelyn, nandito na po tayo,” sabi ng driver.
“Salamat.”
Pagkababa ko, agad akong sinalubong ng isang matandang kasambahay.
“Miss! Buti nakauwi na kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Master Victor.”
Halatang kinakabahan siya habang sinusulyapan ang punit kong gown.
“Nasa sala po siya. Galit na galit.”
Ayos! Mukhang may panibago na naman akong problema.
Pagpasok ko sa mansiyon, isang malakas na boses ang agad kong narinig.
“EVELYN!”
Napahinto ako.
Isang lalaking nasa edad singkuwenta ang nakatayo sa gitna ng sala. Nakasuot siya ng mamahaling polo at hawak ang isang basong may alak.
Si Victor Montgomery. Ang ama ng orihinal na Evelyn.
“Ano itong narinig kong sinira mo ang engagement gown mo at pinahiya mo si Alexander sa harap ng mga empleyado niya?”
“Dad, hindi ko siya pinahiya. Sinabi ko lang na ayoko nang magpakasal.”
“ANO?!”
Malakas niyang ibinagsak ang baso sa mesa.
“Alam mo ba kung magkano ang ginastos natin para sa kasalang iyan? Ilang buwan nating pinaghandaan ang engagement ninyo!”
“Hindi naman kasal ang solusyon sa lahat ng problema.”
“Watch your mouth, young lady!”
Napakuyom ang mga kamay ko. Sa unang buhay ko, pitong taon akong sumunod sa kagustuhan ni Adrian. Ngayong nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon, hindi ko hahayaang kontrolin na naman ako ng ibang tao.
“Dad, ayaw naman talaga sa akin ni Alexander. Bakit kailangan pa nating ituloy?”
“Dahil kailangan natin ang Blackwood family!”
Natigilan ako.
Napansin niyang napalakas ang kaniyang boses kaya agad siyang tumingin sa paligid. Nang makitang may dalawang kasambahay na nakikinig, pinapunta niya muna ang mga ito sa kusina.
“Come here,” mahina ngunit mariin niyang utos.
Lumapit ako, kahit labag sa loob ko.
“Makinig kang mabuti, Evelyn. Hindi maganda ang sitwasyon ng kumpanya natin ngayon.”
Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”
“May ilang investment tayong nalugi. May mga utang na kailangang bayaran, at ang Blackwood Group ang pinakamalaking investor na maaari nating sandalan.”
“E ano ang kinalaman ng kasal namin doon?”
Malalim siyang huminga. “Kapag naging asawa ka ni Alexander, mas magiging matatag ang partnership ng dalawang pamilya. May mga bagong proyektong papasukin ang kumpanya natin.”
Hindi ako makapaniwala.
Ibig sabihin, ginagamit niya ang sariling anak para iligtas ang negosyo!
“Dad, anak mo ako. Hindi ako investment na puwede mong ipamigay kapag nalulugi ang kumpanya!”
“Ginagawa ko ito para sa kinabukasan mo!”
“Kinabukasan ko o kinabukasan ng negosyo mo?”
Namula ang mukha niya sa galit.
“Evelyn, huwag mong subukan ang pasensya ko! Ikaw ang nagpilit na makipag-engage kay Alexander. Ngayong nakukuha na natin ang gusto natin, bigla kang aatras?”
Hindi ako agad nakasagot. Tama siya sa isang bagay. Ang orihinal na Evelyn ang gumawa ng paraan para mapilit si Alexander.
Pero bakit parang may mas malalim na dahilan ang pamilya niya para suportahan ang engagement?
“Gusto kong pag-isipan ito,” sabi ko.
“Wala kang dapat pag-isipan pa! Tatawagan mo si Alexander bukas at hihingi ka ng tawad.”
“Hindi ko ipinapangako iyan.”
Tinalikuran ko siya bago pa kami muling magtalo.
“Evelyn! Hindi pa tayo tapos!”
Hindi na ako lumingon.
***
Pagdating ko sa ikalawang palapag, saka ko napagtantong hindi ko alam kung saan ang kuwarto ko.Mabuti na lamang at nakita ko ang kasambahay na sumalubong sa akin kanina.“Excuse me, nasaan ang room ko?”Nagulat siya. “Miss, nasa dulo po ng hallway. Katabi ng malaking painting.”“Ah, oo nga pala. Salamat.”Mabilis akong naglakad bago pa siya magtanong.Pagbukas ko ng p***o, bumungad sa akin ang isang napakalaking kuwartong halos kulay pink ang lahat.May mamahaling handbags, sapatos, alahas, at isang walk-in closet na mas malaki pa yata sa dati kong apartment.Grabe. Ganito pala kayaman ang orihinal na Evelyn!Pero hindi ako narito para humanga sa kaniyang mga gamit.Kailangan kong malaman kung sino ang lalaking nasa litrato.Binuksan ko ang kaniyang handbag at kinuha ang cellphone. Mabuti na lamang at gumana ang fingerprint ng katawan ko.Sinuri ko ang messages, call history, at gallery.Puro litrato ni Alexander ang laman!May mga kuha mula sa business events, restaurant, at maging sa labas ng kaniyang opisina. May ilang mensahe rin na paulit-ulit na humihingi ng atensyon sa kaniya.Napailing ako.Talagang obsessed ang babaeng ito!Pero habang sinusuri ko ang gallery, napansin kong may ilang larawan na kamakailan lamang binura.Binuksan ko ang recently deleted folder.Wala.Kahit isang litrato ng lalaking nakita ko kanina, hindi ko mahanap.“Bakit parang may naglinis ng cellphone na ito?” bulong ko.Sinubukan kong buksan ang mga drawer ng dressing table. May mga lumang resibo, invitation cards, at ilang mamahaling relo, pero walang kapaki-pakinabang.Pagdating ko sa pinakahuling drawer, napansin kong hindi ito bumubukas nang maayos.May nakaharang sa likod.Hinila ko ito nang bahagya at nakita ang isang maliit na kahong nakatago sa ilalim ng mga dokumento.May laman itong lumang cellphone. Napakunot ang noo ko. “Bakit may nakatagong phone?”Pinindot ko ang power button. May baterya pa! Ilang segundo akong naghintay hanggang lumitaw ang lock screen.Muli kong sinubukan ang fingerprint, pero hindi ito gumana. Bago pa ako maghanap ng ibang paraan, biglang may lumitaw na notification.**UNKNOWN NUMBER:**
*You ignored my instructions.*Nanlamig ang batok ko. Anong instructions? May isa pang mensaheng dumating.*We had an agreement, Evelyn. Don't tell me you've forgotten everything.*Mabilis kong sinubukang buksan ang conversation. Sa pagkakataong iyon, gumana ang facial recognition.Bumungad sa akin ang sunod-sunod na mensahe mula sa parehong numero.Make sure Alexander sees Sophia crying.Don't let anyone suspect that we planned this.Once he humiliates you, follow the next instruction.Napaatras ako habang hawak ang cellphone.Hindi maaari! Sa orihinal na nobela, kusang sinira ni Evelyn ang damit ni Sophia dahil sa selos. Walang nabanggit na taong nag-uutos sa kaniya!Ibig bang sabihin, may ibang taong kumokontrol sa mga pangyayari?Biglang nag-vibrate ang cellphone. Isa na namang mensahe. Nang mabasa ko iyon, halos mabitawan ko ang hawak ko.Why didn't you destroy Sophia's wedding dress today, Evelyn?Napahawak ako sa dibdib ko.May nakakaalam na hindi ko sinunod ang orihinal na kuwento.At kung sino man ang taong ito, malinaw na may plano siyang ipahamak ang kontrabida.EVELYN'S POV“Evelyn, bukas ang engagement announcement ninyo ni Alexander. Siguraduhin mong hindi ka gagawa ng iskandalo.”Halos mabitawan ko ang cellphone nang marinig ko ang sinabi ni Papa Victor. Kakalabas ko pa lamang ng ospital matapos ang nangyaring pag-atake sa amin ni Noah, pero kasal pa rin ang unang pumasok sa isip niya. Para bang mas mahalaga ang reputasyon ng Montgomery family kaysa sa katotohanang muntik nang mapatay ang sarili niyang anak.“Papa, muntik na akong mamatay. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung okay ako?”“Sinabi sa akin ni Alexander na wala kang malubhang pinsala. Mabuti at ligtas ka. Pero hindi ibig sabihin niyan ay maaari mo nang balewalain ang responsibilidad mo sa pamilya.”Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa gilid ng kama. May pasa ang balikat ko at masakit pa rin ang ilang bahagi ng katawan ko, ngunit wala namang natuklasang malubhang pinsala ang mga doktor. Pinayuhan nila akong magpahinga, bagay na mukhang hindi kasali sa mga plano ni Papa.“
EVELYN'S POV“Evelyn, yumuko ka!”Hindi pa man ako nakakakilos, isang malakas na pagbangga ang yumanig sa sasakyan namin. Napasigaw ako nang sumayad ang ulo ko sa sandalan, habang pilit na kinokontrol ni Noah ang manibela. Mabilis na lumapit ang itim na SUV sa aming likuran, at kahit sinubukan naming lumipat ng lane, agad nitong hinarangan ang dadaanan namin.“Damn it! Binabangga nila talaga tayo!” sigaw ni Noah.“Noah, tumawag na tayo ng pulis!”“Gamitin mo ang phone ko! Nasa dashboard!”Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang kaniyang cellphone. Agad kong tinawagan ang emergency hotline at ibinigay ang lokasyon namin, pati ang paglalarawan sa sasakyang sumusunod. Sinabi kong ilang beses na kaming sinubukang banggain at hindi namin alam kung hanggang kailan kami makakatakas.“Ma'am, stay on the line,” sabi ng operator.“Please, bilisan ninyo! Hindi ko alam kung gaano pa katagal naming maiiwasan sila!”Biglang lumiko si Noah sa mas makitid na kalsada, umaasang maiiwan namin ang huma
EVELYN'S POV“Paano kung hindi ako ang unang nakatuklas ng sikretong ito?”Hindi ko namalayang nasabi ko iyon nang malakas habang nakatitig sa mga dokumentong ibinigay ni Alexander. Kung kusang nakipagkita ang orihinal na Evelyn sa lalaking nasa litrato, maaaring may dahilan siya bukod sa paghahabol sa pagmamahal ng bilyonaryo.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Alexander.“Wala,” mabilis kong sagot habang isinasara ang folder. “Gusto ko lang malaman kung bakit niya kinausap ang lalaking iyon.”“Then tell me what you know.”Napatingin ako sa kaniya. Kung sabihin kong wala akong maalala tungkol sa litrato, lalo lamang siyang magdududa. Pero hindi ko rin maaaring ipaliwanag na ang babaeng nasa larawan ay ibang Evelyn.“Hindi ko pa alam kung ano ang kinalaman niya sa lahat ng ito,” sagot ko. “Pero hahanapin ko ang sagot.”“Hindi mo kailangang gawin ‘yan nang mag-isa.”“Alexander, kaya kong alagaan ang sarili ko.”Bahagyang tumigas ang kaniyang ekspresyon. “Someone is threatening you, E
EVELYN'S POV“Kung gusto mong mabuhay, huwag kang magtiwala sa kaniya.”‘Yan ang mga salitang unti-unting bumalik sa alaala ko habang nakatitig sa litrato ng sarili kong bangkay.Hindi ko maalala kung sino ang bumulong sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay sa bilangguan. Ngunit isang bagay ang sigurado ako, may nakasaksi sa pagkamatay ko, at maaaring siya rin ang taong nagpapadala ng mga mensahe ngayon.Muli kong binuksan ang litrato. Malabo ang paligid, pero malinaw ang duguang unipormeng suot ko. Hindi iyon larawang maaaring matagpuan sa internet, lalo na sa mundong hindi naman dapat umiiral ang dati kong buhay.Sinubukan kong i-save ang larawan, ngunit biglang nagdilim ang screen. Nang bumalik ang messaging application, wala na ang litrato at ang mga mensahe.“Hindi maaari!”Agad kong tiningnan ang gallery at downloads. Wala akong nakita. Kahit ang numero ng sender ay nawala sa conversation history.Napahawak ako sa noo. Kung kaya niyang burahin ang mga mensahe sa nakatagong c
EVELYN'S POV*You already died once, Evelyn. Do you really want to die again?*Halos hindi ako makahinga habang nakatitig sa mensaheng natanggap ko. Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng building kung saan naroon ang opisina ni Noah, pero pakiramdam ko ay bumalik ako sa malamig na sahig ng bilangguan.Walang sinuman sa mundong ito ang dapat nakakaalam na namatay na ako. Kahit si Alexander, na halos araw-araw akong iniimbestigahan dahil sa bigla kong pagbabago, ay walang ideya tungkol sa tunay kong pagkatao.Pero paano nalaman ng taong ito?Mabilis kong tinawagan ang numerong nagpadala ng mensahe. Ilang segundo lamang ang lumipas bago sumagot ang isang automated voice na hindi available ang numero. Sinubukan ko ulit, pero ganoon pa rin ang resulta.“Damn it!” bulong ko habang napapatingin sa paligid.May mga taong naglalakad sa bangketa, at ilang sasakyan ang nakaparada sa kabilang kalsada. Hindi ko malaman kung may nagmamasid sa akin o kung dala lamang iyon ng takot.Nag-book ako
EVELYN'S POV *Why didn't you destroy Sophia's wedding dress today, Evelyn?*Mahigpit kong hawak ang cellphone habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe. Kanina pa ako nakaupo sa gilid ng kama, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit may taong nagbibigay ng ganitong mga utos sa orihinal na Evelyn.Binuksan ko ang mga naunang conversation. Karamihan ay tungkol sa kung paano niya dapat guluhin ang relasyon nina Alexander at Sophia. May mga detalyadong instructions kung kailan siya dapat magpakita, ano ang sasabihin, at kung paano niya magagalit si Alexander.Ang mas nakakagulat, paulit-ulit siyang pinapangakuan ng sender na mapapasakanya rin ang bilyonaryo kapag sinunod niya ang lahat.“Gaano ka ba kadesperadong mahalin ka ni Alexander?” bulong ko habang nakatingin sa screen.Pero agad akong natahimik nang maalala ko si Adrian. Hindi rin naman ako naging matalino pagdating sa pag-ibig. Pitong taon kong inialay ang buhay ko sa lalaking iyon, at ang kapalit ay lab
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






