Home / Romance / Ang Pantasya Kong Bilyonaryo / Chapter 4: Ang Aso't Pusa

Share

Chapter 4: Ang Aso't Pusa

Author: CESSYPRINCE
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-04 14:06:45

​Nang masiguradong nakaakyat na si Doña Aurora sa kanyang suite sa second floor, agad na binitawan ni Jaxon ang balikat ko. Para siyang nakahawak ng uling sa bilis ng pag-alis ng kamay niya.

​"Croissants with bagoong?! Are you out of your mind?!" sigaw niya habang niluluwagan ang kanyang necktie. "I told you to act sophisticated, not like a food blogger with a death wish!"

​"Grabe ka naman, Ser—este, Jaxon. 'Yun lang ang pumasok sa isip ko! At saka, totoo namang masarap ang bagoong, malay ko ba kung anong sawsawan nila sa Paris!" sagot ko habang hinuhubad ang sapatos kong masakit na sa paa.

​"Listen to me, Marikit. This is not a joke. One more slip-up like that and my grandmother will realize this is a sham. And if she finds out, I lose my position in the board, and you... you get zero. Nada."

​Naglakad siya palapit sa akin, ang aura niya ay sobrang bigat. "And what's with the 'Honey' thing? You sounded like a dying cat."

​"Aba, ikaw ang unang tumawag sa akin ng 'Honey'! Sumakay lang ako! At saka, pasalamat ka nga at ang galing ko umarte. Nakita mo ba 'yung ngiti ni Lola? Tuwang-tuwa siya sa akin!"

​"She's not happy because of you. She's happy because she thinks she finally has a chance to control my life through a wedding," Jaxon paced back and forth, his hands inside his pockets. "And now she's staying here. This means you can't go back to that... rat hole you call a boarding house."

​"Hoy, hindi rat hole 'yun! May pangalan 'yun, The Palace!" depensa ko. Pero sandali... "Wait, ibig mong sabihin... dito ako titira? Sa mansyon na 'to?"

​"Unfortunately, yes," he looked at me with pure annoyance. "Lola expects us to be inseparable. You’ll stay in the guest room next to mine. But let’s be clear, stay out of my way, stay out of my room, and for the love of God, stay out of my sight unless she's around."

​"Grabe ka naman makapagsalita, parang may nakakahawa akong sakit," bulong ko habang nakatingin sa malaking hagdanan. "Pero sige, deal. Basta ba may aircon 'yung kwarto ko at masarap ang ulam."

​"You're unbelievable. You’re about to live in a fifty-million-dollar mansion and your priority is the ulam?" Jaxon shook his head, looking at me like I was an alien species.

​"Siyempre! Paano ako makakapag-isip ng mga sophisticated na sasabihin kung gutom ako? At saka Jaxon, relax ka lang. Masyado kang seryoso sa buhay. Kaya ka siguro walang girlfriend kasi kahit 'yung hangin, natatakot dumaan sa harap mo."

​Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Ang mga mata niya ay nanliliit. "I don't have a girlfriend because I don't have time for nonsense. And right now, you are the biggest 'nonsense' in my life."

​Lumapit ako sa kanya, hindi nagpapatalo. "Nonsense pala ha? 'E bakit ako ang kinuha mo? Ang dami-daming model d’yan, 'yung mga sosyal na marunong mag-French, pero ako na laking-bukid ang tinawagan mo. Alam mo naisip ko kung bakit..."

​"Why?" he asked, his voice low and dangerous.

​"Kasi alam mong ako lang ang totoong tao na makakatagal sa ugali mong pang-demonyo," sabay ngiti ko nang malapad.

​Napatanga si Jaxon. Marahil ay hindi siya sanay na may sumasagot sa kanya nang ganoon. Akala niya siguro ay mada-daan niya ako sa pa-English-English niya.

​"Just... just go upstairs," he stuttered for the first time. "The butler will show you your room. I have work to do. And please, don't touch anything. Especially the art pieces. They cost more than your province."

​"Opo, Ser Bilyonaryo! I’ll be a good girl!" sigaw ko habang paakyat ng hagdan.

​Habang naglalakad ako, narinig ko siyang nagmura nang mahina. "What did I get myself into?"

​Napangiti ako. Welcome to the Kiket experience, Jaxon Knight Silverio. Hindi mo alam, pero sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan ang araw na pinatuloy mo ang isang Marikit Tolentino sa buhay mo.

​Pagpasok ko sa kwarto ko, tumalon agad ako sa kama. Sobrang lambot! "Lord, kung panaginip 'to, 'wag niyo muna akong gisingin. Hayaan niyo muna akong makatikim ng aircon na hindi maingay!"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 19

    Kinabukasan, maagang-maaga pa ay abala na si Nanay Myrna sa kusina. Ang amoy ng pritong isda, inihaw na liempo, at sariwang ensaladang talong ay humahalimuyak sa buong bahay. Ngayon ang araw ng boodle fight—isang tradisyon namin sa pamilya tuwing may espesyal na okasyon, at ngayon, espesyal ito dahil nandoon si Jaxon. "Marikit, tulungan mo ako rito sa paglalatag ng dahon ng saging sa mesa," tawag ni Nanay. Nakita ko si Jaxon na lumabas ng kwarto. Mukhang mas maayos na ang kanyang gising kumpara noong unang gabi. Nakasuot pa rin siya ng simpleng t-shirt, at kahit na medyo magulo ang buhok, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa excitement. "May maitutulong ba ako?" tanong ni Jaxon habang papalapit sa amin. "Oo naman," sagot ni Nanay na may ngiti. "Pakikuha mo 'yung mga plato at baso sa labas. At tulungan mo si Tatay na maghain ng kanin sa gitna ng dahon." Sinunod ni Jaxon ang utos nang walang pag-aalinlangan. Hindi ko akalain na makikita ko ang isang taong may-ari ng napakarami

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 18

    Matapos ang nakakapagod na araw sa bukid, ang kalangitan sa San Isidro ay binalot ng kulay kahel at lilang mga guhit, hudyat ng pagtatapos ng araw. Pagdating namin sa aming kubo, amoy lupa at pawis pa rin kami, ngunit may kakaibang saya na namumuo sa aming mga dibdib. Sa labas, nagsisimula nang magtipon-tipon ang mga kalalakihan sa aming baryo. May nagdala ng ilang bote ng lokal na lambanog, at ang usok mula sa inihaw na isda at gulay ay masarap na bumabalot sa hangin. "Jaxon! Halika na, sumama ka na sa inuman!" sigaw ni Mang Berting, ang aming kapitbahay na kilala sa pagiging masayahin. "Isang baso lang para mawala ang pagod sa bukid!" Nag-aalangan si Jaxon. Tumingin siya sa akin, marahil ay sinusuri kung dapat ba siyang makihalubilo sa mga taong hindi niya naman kinagagalawan. Ngunit nang makita niya ang aking ngiti at ang pagtanggap ng mga tao sa kanya, bumaba ang kanyang depensa. "Sige, sasama ako," sagot niya sa wakas, bahagyang nahihiya ngunit desidido. Naupo kami sa mga

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 17

    Ang sikat ng araw ang nagsilbing alarm clock namin, hindi tulad ng digital na orasan ni Jaxon sa kanyang penthouse. Paglabas ko ng silid, nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng banig, hinahaplos ang kanyang likod na mukhang nangangalay pa rin dahil sa tigas ng higaan. Ngunit sa kabila ng kanyang pagod, ang mga mata niya ay hindi na ang mga matang puno ng pagdududa kagabi. Ngayon, may bakas na ito ng kuryosidad. "Magandang umaga," bati ko. "Handa ka na ba? Sabi ni Tatay, kailangan ng dagdag na kamay sa pagtatanim ngayong umaga. Mahuhuli na raw tayo sa schedule ng pagtatanim kung hindi tayo kikilos nang maaga." Hindi na siya nagtanong ng "bakit" o "kailangan ba talaga." Nagsuot siya ng lumang t-shirt na pinahiram ni Tatay, isang shirt na medyo kupas na ang kulay at may punit sa balikat at lumabas kami sa ilalim ng papalakas na araw. Habang naglalakad kami patungo sa malawak na palayan, ang putik ay humahatak sa bawat hakbang niya. Ang kanyang mga mamahaling sapatos ay iniwan na niya s

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 16

    Marikit Tolentino POV Ang bawat hakbang ni Jaxon Knight Silverio sa lupang hindi sementado ay tila isang pagtalikod sa kanyang nakasanayan na buhay. Mula sa kinang ng mga chandelier sa mansyon ng kanyang lola, ang tanging ilaw na sumalubong sa amin ngayon ay ang paos na liwanag ng isang bumbilyang nakasabit sa aming beranda. Ramdam ko ang bigat ng kanyang mga hakbang, ang bawat pagdampi ng kanyang mamahaling sapatos sa tuyong lupa ay tila isang pagrereklamo ng kanyang marangyang pamumuhay. Ang amoy ng gabi sa San Isidro ay kakaiba, hinaluan ng amoy ng damo, basang lupa, at ang matamis na halimuyak ng mga bulaklak sa aming bakuran na hindi kailanman maaamoy sa loob ng isang air-conditioned na sasakyan. "Jaxon, pasensya na talaga," muli kong sambit, bagaman pang-sampung beses ko na itong sinabi ngayong gabi. "Alam kong sanay ka sa higaan na kasing-lambot ng ulap, pero sa amin, ito lang talaga ang kaya naming ialok." Huminto siya sa harap ng aming pintuan na yari sa pinagsamang kah

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 15

    Marikit Tolentino POV ​Ang umaga matapos ang madamdaming pag-aamin nina Jaxon at Kiket sa loob ng madilim na kwarto ay hindi naging madali. Habang pababa sila sa grand staircase ng mansyon, mahigpit ang hawak ni Jaxon sa kamay ni Kiket. Hindi na ito ang hawak ng isang boss na nag-uutos, kundi hawak ng isang lalaking natagpuan na ang kanyang sandigan. Sinalubong sila ni Doña Aurora sa hapag-kainan, ang kanyang mukha ay kasing-tigas ng marmol, at ang bawat kalansing ng kanyang kubyertos ay tila babala ng isang darating na bagyo. ​"Maupo kayo," maawtoridad na wika ng matanda. "Narinig ko ang inyong mga drama kagabi. Jaxon, Marikit, alam ko na ang engagement na ito ay nagsimula sa isang kontrata, isang transaksyong may presyong limang milyong piso. Bilang isang Silverio, ang panloloko sa pamilya ay isang kasalanang hindi ko basta-basta mapapalampas." ​Naramdaman ni Kiket ang panlalamig ng kanyang mga palad. "Lola, patawad po. Alam ko pong mali ang magsinungaling, pero kailangan ko l

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 14

    Marikit Tolentino POV Nanatiling tahimik ang garden matapos ang biglaang pagsabog ko. Ang tauhan ni Jaxon na kadarating lang ay napatigil din, tila naramdaman ang bigat ng hangin sa pagitan naming tatlo. Hindi makapaniwala si Doña Aurora, habang si Jaxon naman ay dahan-dahang napapikit, pilit na kumakalma bago harapin ang kanyang lola. "I-ito ba ang totoo?" mahinang tanong ni Lola Aurora. Ang kanyang boses na laging puno ng awtoridad ay bakas ngayon ang lungkot. "Jaxon? Marikit? Isang palabas lang ba ang lahat ng ito?" Hindi ako makahinga. Gusto kong bawiin ang lahat, pero huli na. Tumingin ako kay Jaxon, umaasang ililigtas niya ako, pero nanatili siyang nakatalikod. "Lola, pumasok na po tayo sa loob," malamig na sabi ni Jaxon. "Marikit, bumalik ka na sa kwarto mo. Ngayon din." Wala akong nagawa kundi sumunod. Habang naglalakad ako palayo, narinig ko ang mahinang pag-uusap nila, pero hindi ko na binaling ang tingin ko. Pagpasok ko sa kwarto, agad akong napaupo sa sahig. Ang

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 8

    Marikit Tolentino POVPagbalik namin sa mansyon, pakiramdam ko ay lumipas ang isang linggo sa loob lang ng dalawang oras. Pagkapasok na pagkapasok pa lang, sinalubong na kami ni Doña Aurora sa sala. Nakaupo siya sa isang antigong sofa, habang may hawak na makapal na notebook. "Good, you're back,"

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 5: First Breakfast

    Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ako. Sanay kasi ako sa probinsya na kasabay ng tilaok ng manok ang pagbangon. Pero sa kwarto ko rito sa mansyon, walang manok—puro mamahaling kurtina lang na kulay ginto at aircon na parang nasa loob ako ng freezer. ​"Lord, salamat po sa malambot na kama, pero

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 13

    Makirit Tolentino POV Lumipas ang ilang araw matapos ang gabing tinawag ni Jaxon na isang pagkakamali. Namayani ang isang malamig na pader sa pagitan namin. Tuwing magtatagpo ang aming mga mata sa hapag-kainan sa harap ni Doña Aurora, pilit ang aming mga ngiti, pero sa sandaling tumalikod ang mat

  • Ang Pantasya Kong Bilyonaryo   Chapter 9

    Makirit Tolentino POV Hindi ako nakatulog nang maayos. Naka ilang ikot na ako sa malawak na kama sa aking silid. Ang kama ko sa mansyon ay sobrang lambot kumpara sa matigas at tanging banig na nakasanayan ko sa San Isidro. Alas-tres pa lang ng madaling araw, nakabukas na ang mga mata ko at nakatit

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status