Share

Chapter 81

Penulis: Chelle
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-02 21:23:52
Chapter 81

Margarita

Parang isang masayang pamilya kami kung titignan. Masayang-masaya ang dalawang bata na kausap si Sir Harrison. Ganoon din ang lalaki sa mga bata.

Mukhang bumalik sa dating aura nito na maaliwalas at masayahin. Malambot ang ekspresyon ng mukha at laging nakangiti. Nakita ko na 'yang mukha niya dati noong wala pang nangyaring hindi maganda.

Kumakain na silang tatlo habang ako ay naglalatag pa ng ibang ulam na requested nilang tatlo. Gusto ko sanang umangal, kaya lang nasa hapag-kainan kami.

Feeling maasekasong ina naman ako sa mag-aama ko. "Hayyyy..." buntonghininga ko.

Sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa akin. Bahagya akong nagulat. Hindi ko na lang sila pinansin at lalabas na muna sana ako para tingnan si Lala sa labas nang sabay-sabay na naman silang nagsalita.

"Huwag labas, Nanay," si baby Molly.

"Saan ka pupunta, Nanay?" si baby Hollis.

"Where are you going, Mahal?" feeling ng lalaking ito tawagin akong mahal! Pero ang puso ko kinikilig.

Chelle

Thank you so much sa support my dear readers. Pa-drop po ng comment sa review section salamat po 🫶🏼 And thank you sa mga nagbigay ng gems 🫶🏼🫶🏼🫶🏼

| 56
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (10)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Ayiee,,pakilig din itong si sir Harrison eh,mahal daw marga pagbigyan mo na kse..kinikilig ka nmn aminin…🩷🩷🩷🩷🩷🩷🩷
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
maganda n story.. sna Wala Ng mangulo
goodnovel comment avatar
Ardie Benitez
more update po please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 164

    Chapter 164 Margarita "May nangyari na ba sa inyo ni Mateo?" alanganin kong tanong. Tumitig ako sa kanya ang mga mata nito'y may takot at pandidiri sa sarili. 'Tama ba ang hula ko?' tanong ko sa sarili. "G-Ginahasa niya ako," sabay yuko niya ng ulo. Napasinghap ako at napanganga sa siniwalat ng kaibigan ko. "G-Galit na galit siya noong umalis ka sa restaurant niya. Nagwala siya sa restaurant isang beses at alam ko na ikaw ang dahilan ng ikinagagalit niya noon," huminga siya ng malalim. Masamang-masama ang loob na tumingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan niyang hirap sa buhay. "Lahat sila sinaktan ako. Wala akong laban. Wala akong magawa. Wala akong ginawa kundi tanggapin na lang ang pananakit sa akin ni Mateo. Kapag umangal at magreklamo ako, sampal at suntok ang matatanggap ko mula sa kanya. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang babuyin niya ako! Takot na takot ako dahil parang baliw na talaga siya," masakit na masakit sa dibdib ang kwento nito. "S

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 163

    Chapter 163 Margarita Biglang natawa si Harrison nang may maalala siguro. Bumulong ako sa kanya habang nasa elevator kami. "May naalala ka na naman bang katangahan ko ha?" kurot ko ng mahina sa tagiliran nito. Tumawa lang naman ito sa sinabi ko. Umakbay sa akin. Napalingon ako kay Bella na tahimik lang sa gilid. Ang laki na ng pinagbago ng katawan niya, parang biglang bumagsak ang katawan niya. Nangangati na talaga akong magtanong sa kanya. "Ang tagal naman ng elevator na ito. Next month pa yata tayo makakarating sa opisina ni Attorney Harrison Dela Berde. Kung sakaling natatae na ako, baka di na ako umabot sa toilet, dito na lang sa elevator ako nagdumi! My gosssss!" sabay paypay ko pa ang kamay ko sa mukha ko. Niyakap naman ako ni Harrison mula sa likuran ko. "Kanina ka pa daldal nang daldal, Mahal! Nagugutom ka na ba?" natatawang puna ni Harrison. Tumingala ako sa kanya sabay ngiti at bumulong, "Gusto kong kainin si ampalaya," sabay kindat ko! Sumama na naman ang

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 162

    Chapter 162 Margarita Sumimangot ako habang nakahaplos sa labi ko. "You’re teasing me! You know that my baby is Marupok, di ba? Niloloko-loko mo pa kung wala lang akong respeto sayo. Kanina pa kita inangkin dito kahit pa may kasama tayo!" inis na sambit nito. Gigil na gigil e. "Ang gwapo mo kasi, mainis," hagikhik ko. "Oh, sorry na! Nagsungit ka na naman. Tignan mo na ang reply ni Bella," sabi ko na lang at malambing na yumakap kay Harrison. Bumuntong-hininga ito. "Alam kong gwapo ako kaya tigilan mo na ang pabiro at pang-aakit mo sa akin, Mahal," seryosong sabi nito. "Bakit ayaw mo ba?" nguso ko. "God! Of course gusto ko, lalo na kapag ikaw ang umaakit sa akin. But, please, wag dito sa loob ng sasakyan. Pwede sa mansyon dahil kaya lang kitang ipuslit agad-agad. Mapagbigyan ko lang ang sarili ko," sagot niya agad. "Okay, sa mansyon na lang mamayang gabi," biro ko naman. Napatigil ako. "Iyon lang, inagawan na ako ni baby Molly, hindi siya nakakatulog kapag hindi

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 161

    Chapter 161 Margarita Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Harrison sa mansyon. Nandito si Lala, kasama si Lolo at Lola, na magbabantay sa mga bata with Hershey. "Saan mo siya kikitain, Mahal?" tanong ni Harrison habang nasa loob na kami ng sasakyan. "Sa labas daw ng Alin Mall sa Cubao," sagot ko. "Saan kayo mag-uusap? Natanong mo ba kung may communication pa sila ni Mateo?" usisa nito. "Hindi ko na tinanong eh. Tsaka empleyado siya at amo niya ang lalaking iyon. May gano'ng communication? Hindi naman siya secretary o manager sa restaurant, eh," tanong ko. "Sabi mo ayaw siyang payagan na umalis sa trabaho niya. So it means ginagamit niya si Bella para makakuha ng impormasyon tungkol sayo," seryosong sabi ni Harrison sa akin. Hindi ko naisip iyon. Kaya ba siya nagpumilit na samahan ako? "At isa pa, bakit hindi niya papayagan na mag-resign ang isang empleyado niya? Hindi naman niya pagmamay-ari si Bella, na ayaw nitong payagan na umalis sa trabaho. Ayon lang kun

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 160

    Chapter 160 Margarita Ilang buwan bago bumalik sa dati ang anak kong si baby Molly. Grabe ang trauma nito halos ayaw na niyang maligo, baka daw malunod. Hirap namin siyang paliguan, kahit ang uminom ng tubig natatakot na rin. Naiiyak na lang ako kapag bigla na lang siyang sumisigaw at umiiyak ng malakas. Si Harisson madalas ang umaagapay sa anak namin, matyagang kinakarga siya. May mga gabi rin na hindi makatulog ang anak namin. Ang ama ang ginawang higaan niya hanggang sa makatulog na siya. Ngayon ay medyo maayos na siya. Nakakalaro na at masigla na ulit. "Happy na ba ang baby namin na iyan?" lambing ko, dahil may mga regalo na naman silang natanggap mula sa Lolo at Lola nila. Malaking stuffed toy ang pinabili nila na puwedeng higaan na rin. Tuwang-tuwa silang dalawa sa sorpresa ng mag-asawa. "Lambot po, Nanay! Ganda-ganda pa!" matinis na sigaw nito. Masayang nagtatalon sa ibabaw ng malaking stuffed toy. Napangiti ako dahil bumalik na ang sigla niya. Pero patulo

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 159

    Chapter 159 Margarita Bumisita ang mga kaibigan ni Harrison dito sa hospital at nagpahayag ng suporta kay Harrison. Tutulong raw sila para mahanap na agad si Mateo. Kahit ang mga ito ay hindi makapaniwala na magagawa ni Mateo na saktan ang inosenteng bata. "Takot na takot 'yung asawa ko nang mapanood nito ang ginawa ni Mateo sa bata. Close rin kasi si Mateo sa mga anak namin. Tapos pinagbantaan ako ng asawa ko na hihiwalayan niya ako kapag patuloy pa rin akong makipagkaibigan kay Mateo," napakamot pa na saad ni Stephen. Mahina silang natawa sa kwento ni Stephen. "No wonder kapag magkasama kami, sometimes nababanggit niya ang pangalan ni Marga. Tapos ang bitter niya dahil biglang umalis si Marga sa restaurant niya dahil kay Harrison. Ang dami niyang hanas sa buhay," kwento naman ni Oliver. "Parang alam na namin ang dahilan ng pag-iiba ng ugali niya. At parang na-trigger ang ego niya." Hindi ko naman binigyan ng pahiwatig ang kabaitan ni Mateo sa akin noon. Nababa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status