MasukChapter 2
Samantha’s POV
Habang abalang-abala ako sa pag-type ng memo na ipapadala ko sa opisina ng mga executives, biglang dumaan ang napakakisig kong crush na si James Lucas.
Nakasuot siya ng kulay blue long-sleeved polo, pagkatapos ay nakaputing slacks. Ang neat niyang tingnan at mukhang ang bango-bango pa, mukha siyang doktor sa suot niya. Natatawa kong iniisip.
"Siguro kapag siya ang naging boyfriend ko, ako ang magiging pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Mukha kasi siyang loyal." pagpapantasya ko pa.
“Hi Sam, ang Tita Amy?” tanong niya.
“Nasa bahay pa nila at hindi pa dumarating.” maikli kong sagot.
Kahit matagal ko nang kilala si James, lagi pa rin akong kinakabahan kapag kausap ko siya. In love na ata ako sa kanya.
Sino ba namang hindi maii-love sa kanya, bukod sa pogi na, ay napakabait pa. Matalino rin siya, kung kaya't siya ang aming COO. Malaki ang ginagampanan niyang papel sa Soliven Holdings, isang top real estate company ng bansa.
"May kailangan ka kay Ninang?" Tanong ko.
“Oo, may i-consult lang ako tungkol sa bidding ng mga property. Ipapa-advertise ko na kasi iyon; itatanong ko lang kung may idadagdag pa siya,” sabi niya.
“Gusto mo bang sabihin ko sa kanya?”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mahaba kong buhok.
“Puede ba Sam?" sabi niya.
Halos magkahulog ako sa silya ko sa sobrang kilig.
Kuhang-kuha niya ako sa mga ngiti niyang napakatamis. At hindi ko siya mahihindian kahit ano pa ang ipagawa niya sa akin.
Kahit na sa opisina ako, sa tuwing nakikita ko si James, parang napapalibutan ako ng mga bulaklak sa hardin at pagkatapos ay may lumilipad na mga paru-paro.
“Haay James may Dream boy!” Sa isip isip ko.
“Ehem, ehem! Isang boses na mula sa isang nagpapasira ng bawat araw ko.
Si Enrico Soliven
Lumapit din siya sa akin at pagkatapos ay humalik sa aking pisngi. Lagi naman niya itong ginagawa dahil halos nakagawian na niya. May bitbit siyang cold coffee na paborito ko. Nilagay niya sa table ko.
“Hi Rico” Bati ni James.
Tumango lamang siya sa tabi ko at pagkatapos ay siya naman ang humimas sa buhok ko.
Nakakainis din talaga siya. Napakabait naman ni James, pero hindi ko alam kung bakit ayaw niya rito.
“Hindi pala papasok si Mom, kaya ako muna ang pinapunta niya para makipag-meeting with the board.” Sabi niya habang nakatingin kay James na para bang pinaalis na niya ito.
Nakaramdam naman si James, kaya nagpaalam na rin sa akin.
“Ah Sam, gusto mong maglunchout? May bago akong resto na nadiscover , sabi ng aking dreamboy”
Bago pa man din ako makasagot ay inunahan naman ako ni Rico.
“No, hindi siya puwede at may pupuntahan kami.” Masungit na sinabi niya.
“Ah, okay, sige next time na lang siguro.” Pagkatapos ay nagpaalam na sa akin.
Isinarado ni Rico ang pintuan ng opisina ng kanyang ina. At pagkatapos ay umupo na sa executive chair.
“Anong trip mo today, Rico?” Pang-aasar na tanong ko.
“ I was thinking of taking over the company, para hindi ko na nakikitang umaaligid-aligid ang James Lucas na iyan sa iyo. Ipapadala ko siya sa malayo, tama sa Africa,” sabi niya na akala mo naman totoo, eh parang nga siyang sinisilihan tuwing nasa opisina. Tapos siya pa ang mag-take over? Talaga ba?
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
“What's funny?” naiinis niyang sinabi sa reaksiyon ko.
Tumayo na ako para ipakita ang itinerary ng kanyang ina.
“What hanggang 9 pm may meeting si Mom?’ tanong niya.
‘Oh yes, my dear Rico, kailangang mag-work ang mom mo para may pangtustos sa iyo. Pinaghahandaan na niya ang mga magiging apo niya,” sabi ko.
“Bakit payag ka na bang maanakan ko para may maging apo na sila, Mom? “ Nakakainis niyang hirit.
“Ewan ko sa iyo. Puwede ba, Enrico, pakibura mo na ako sa listahan ng mga pinagnanasaan mo.” matalas kong sagot sa kanya.
“Bakit hindi mo kasi ako subukan? Mas pogi naman ako diyan sa James mo. “ Sagot niya.
“Oo nga mas pogi ka nga, pero hindi ka kasing pure niya napakababaero mo,” sabi ko.
Tumahimik na siya. Siguro dahil may point ako. Walang araw na hindi ako hinihiritan ni Rico. At nasanay na ako sa kanya. Alam ko namang nagbibiro lang siya at hindi totoo na may interes siya sa akin. Eh sino ba naman ako. Isang babaeng napulot lang ng nanay niya.
Naalala ko noon kung paano ako tinulungan ni Tita Amanda. Pinalayas kasi ako noon ni Papa sa bahay nila. Si Nanay naman noon ay nasa ospital dahil sa kanyang kanser.
Kaya si Ninang ang nagpaaral sa akin hanggang sa maging assistant niya ako. Kapag may problema ako, lagi siyang nariyan para sumaklolo.
Masasabi kong siya ang pangalawa kong ina na nagpakita ng tunay na pagmamahal sa akin. At si Enrico halos sabay na kaming lumaki, para na kaming magkapatid. Nagkahiwalay lang kami nang nag-aral na siya sa kolehiyo sa Europe. Kaya napakahalaga ng kanilang pamilya sa akin at gagawin ko ang lahat para sa kanila.
Chapter 91Samantha’s POV“Where are we going?” tanong ko kay Bastien pagkatapos niya akong isakay sa sports car niya at malagyan ng seatbelt.“Sa bahay mo.”“Teka, alam ko namang uuwi tayo sa bahay pero, bakit tayo nagmamadali?”“Madami na kasi tayong bisita doon.”“Ha?”Napatingin ako sa kanya.“Anong bisita?”“Di ba sabi ko sa iyo, we are getting married?”“Kaya we are getting married.” inulit pa niyaParang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya.Para sa akin, parang napakalaking prank ito sa buhay ko.Mas baliw pa pala talaga si Bastien sa akin.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sa bilis ng mga pangyayari.Kaninang umaga, boyfriend ko siya.Ngayon, bigla na lang kaming magpapakasal.Ano ito?Express wedding?Pero kung tutuusin, kung si Bastien ang kasama ko, parang wala na rin akong karapatang magreklamo. Kilala ko siya. Kapag may naisip siya, lalo na kapag tungkol sa akin, mahirap na siyang pigilan.Pagdating ko doon sa bahay namin, halos mapahinto ako sa paghing
Chapter 90Bastien’s POV“What?”“Ano naman ang ginagawa mo dito?”“Stay where you are.”Napalingon si Samantha sa akin nang magulat ako sa tawag na natanggap ko.Dumating kasi si Janett, and when she is around, mas malaking gulo ang dala niya.Siya lang naman ang pangalawang kapatid kong babae.Matapang, masungit, matapobre.Nasa kanya na lahat ng masamang ugali.Maliban sa pagiging maalalahanin niya sa aking ina.Siya lagi ang nagiging boses ng aming pamilya sa mga board meetings, at kapag nagsalita na siya, tumahimik ang lahat.May awtoridad daw siya na namana sa aking ama.Kaya ngayon nandito siya sa bansa.Hindi ko alam kung matutuwa ako.O matatakot.Dahil siya, alam kong kakampi siya ni Camille.Nahulaan ko na kung ano ang misyon niya.“She will make Sam’s life miserable.”At iyon naman ang hindi ko hahayaan.Hindi ko hahayaang pati si Samantha ay madamay sa gulo ng pamilya namin.Hindi na.Sapat na ang sampung taon na nawala sa akin.Sapat na ang sampung taon na parang ninakaw
Chapter 89Samantha’s POV“Hala ka, Nay, hinahighblood si Bastien!”Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang BP ni Bastien.Ang BP kasi ni Bastien ay nag-raise ng 160/100.Mataas daw iyon sabi ni Tito Anton.Mabuti na lang at naroroon siya nang sumakit ang ulo ni Bastien. Kung wala siya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Siguro matataranta ako nang husto at hindi ko na alam kung saan kami pupunta.Grabe ang panic ko.Kanina lang ay masaya pa kaming nag-uusap at kumakain. Ngayon, nakaupo siya habang hawak ang sentido niya, pilit na kinakaya ang sakit ng ulo.Maganda naman ang katawan niya at mukha siyang healthy.Kaya hindi ko talaga inakala na bigla siyang magkakaroon ng ganitong problema.Pero ngayon mataas ang presyon niya.“Have you ever been like this, Basti?”“No, it’s my first time.”Napatingin ako sa kanya.First time?Mas lalo akong kinabahan.Hindi ko maiwasang isipin ang mga posibleng dahilan kung bakit biglang tumaas ang BP niya. Baka sa pagod. Baka sa s
Chapter 88Bastien’s POV“Tito Arthur!”Masayang pagsalubong ni Sam sa lalaki.Paglingon ko, parang kung anong sakit ang naramdaman ko. Isang kakaibang kirot na hindi ko maipaliwanag ang biglang dumaan sa dibdib ko.Hindi ko na lamang ipinahalata kay Sam at sa mga taong naroroon.Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito, pero bakit parang kilalang kilala ko na siya?Parang may bahagi sa akin na matagal nang nakakakilala sa kanya.Pero ang nakakapagtaka...Bakit parang nasaktan ako nang makita ko siya?Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng katawan ko. Wala naman akong dahilan para makaramdam ng ganoon. Wala naman akong alaala tungkol sa kanya.At least, wala akong maalala.Pero nang makita ko siya, parang may kung anong bagay na pilit na bumabalik sa isip ko.Isang mukha.Isang boses.Isang yakap.Hindi ko lang mahawakan ang mga alaala.“Inaya ako ng nanay mo, sabi niya nagluto siya ng pares.”“Alam mo namang paborito ko iyon.”“Kaya hindi ko tinanggihan.”Masaya siyang
Chapter 88Samantha’s POVTinupad namin ang hiling ni Nanay na dalawin namin siya ni Bastien at Ezee sa kanilang bahay ni Tito Anton.At ibang klase ang saya niya.Halatang-halata sa mukha niya na matagal niyang hinihintay ang araw na iyon. Aligagang-aligaga siya sa pag-aasikaso kay Bastien. Kung anu-anong pagkain ang ipinahanda niya, kung anu-anong bagay ang itinatanong, at halos ayaw na niyang paupuin si Bastien dahil gusto niyang siya mismo ang mag-asikaso rito.“You know what, Bastien, you are my favorite person now,” habang nakaabresiyete pa siyang naglalakad papalapit sa akin.Ang nanay ko talaga, napaka-impressive ng pagkabolera.“Really, Nanay?” tanong sa kanya ni Basti.“Ulitin mo nga uli ang tawag mo sa akin,” kilig na kilig siya.“Nanay!” malambing na tugon naman ni Bastien.Halatang-halata ang nanay kong boto na boto kay Bastien.Napapangiti na lamang ako habang nakikita sila.Parang matagal na nilang magkakilala ang isa't isa.At sa totoo lang, nakakataba ng puso na makit
Chapter 87Samantha’s POVHindi gaya noon na panay ang tago namin, naging mas bukas na ang relasyon namin ni Bastien sa lahat.Hindi na namin kailangang magtago kapag magkasama kami.Hindi na namin kailangang mag-isip kung may makakakita ba sa amin.Kahit pa maraming nagbubulungan sa likod namin, hindi na lamang namin pinapansin.Pagod na rin kasi kami sa mga opinyon ng ibang tao.Ang mahalaga, alam namin kung ano ang meron sa pagitan namin.Ilang buwan na ang lumipas nang naging tahimik ang buhay namin.At sa totoo lang, gusto ko ang ganitong klaseng buhay.Tahimik.Simple.Walang kailangang patunayan.Nakikipagtulungan pa rin si Bastien sa negosyo ni Camille.Pero sabi niya, hanggang doon na lamang iyon.Dahil sa investment ng kanyang pamilya ang ginamit ni Camille sa negosyo.Ayaw niyang basta na lamang talikuran ang isang bagay na may kinalaman sa pamilya niya.Naturuan siya ng kanyang ina na anumang personal na bagay ay hindi dapat hinahalo sa pagnenegosyo.Kahit magkaaway kayo
Chapter 5Samantha’s POVBiglang nag-ring ang phone ko habang kausap ko si Enrico. “Si Papa”Mukhang nakapagsumbong na ang mag-ina kay Papa. Siguro pinalabas na naman nila na sila ang dehado. “Samantha, ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Bakit na naman iyak siya nang iyak? Hindi ka na ba ma
Chapter 4Samantha’s POVNautusan ako ni Ninang Amanda na makipag-meet sa client. Dapat kasama ko si Enrico, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam. “Ha? Wala pa siya diyan? He agreed with me last night. If hindi siya dumating, ok lang naman diba Sam, I think you can do it.”sabi ni
Chapter 3Samantha's POV“ I don't like this proposal, scrap it! “ sigaw ni Enrico sa board“We think na hindi ganyan ang sasabihin ni Chairman” Sabi ni Mr. Bagatsing“You want to bet?” Sabi ni RicoTinawagan niya ang kanyang ina at pagkatapos ay niloudspeaker niya ito. “Mom, I have here a piece o
Chapter 1:Samantha Gomez POVNautusan ako ni Ninang Amanda na pumunta sa kanilang bahay para makuha ang ilang dokumentong naiwan niya sa kanyang home office.Umakyat na ako sa hagdan nang marinig kong parang may nagkakarambola sa isang silid na naroon. Bahagyang nakabukas ang isang pinto, kaya da







