Share

New Beginning

Penulis: Ely
last update Tanggal publikasi: 2026-08-29 16:43:39

Chapter 58

Samantha’s POV

“Napakaguwapo naman talaga ng apo ko.”

Gigil na gigil na hinahalikan ni Nanay si Enrico Zarich.

Halos hindi na siya makahinto sa paghalik at pagkarga sa anak ko. Nakikita ko kung gaano siya kasaya sa bawat pagkakataong kasama niya si Ezee.

“Kamukhang-kamukha ng ama niyang si Enrico. Pilyo din kaya ito paglaki?”

Napatawa ako.

“Naku, Nay, walang tatalo sa pagkapilyo ni Enrico noon.”

Napailing si Nanay habang nakangiti.

“Pero kahit ganoon siya, aminado tayo na kamahal-mah
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Winny
bakit naman pinatay si enrico?
goodnovel comment avatar
Mendoza, Kristina Cassandra L.
ang ganda ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   It Ends Here

    Chapter 122Bastiens's POVPero huli na ang lahat sa kanya.Dahil nakaresponde agad ang mga pulis sa akin nang makita nilang akmang babarilin ako ng lalaki.Nabaril na nila siya bago pa niya tuluyang maiputok ang baril. Ngunit nang tangkain pa niyang gumanti at abutin muli ang sandata, nabaril siyang muli para tuluyan siyang mapabagsak.Nanghina ang mga tuhod ko nang tuluyang bumagsak ang lalaki.Hindi dahil sa takot para sa sarili kong buhay, kundi dahil sa iisang bagay na patuloy na gumugulo sa isip ko.Si Samantha.“Si Samantha?” agad kong tanong sa mga pulis na papalapit sa akin.“Sir, narecover na po namin si Mrs. Montclair. Ligtas na po siya.”Parang nabunutan ako ng napakalaking tinik sa dibdib.“Where is she?”“Sa labas po, Sir. Kasalukuyan na pong inaasikaso ng medical team.”Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Mabilis akong lumabas ng lugar na iyon.At doon ko nakita si Samantha na nakasilong sa isang ambulansiya. Ginagamot ang mga sugat niya sa kanyang mga pulsuhan dulot ng

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Found You

    Chapter 121Bastien’s POVDahil sa Bounty Money na ipinangako namin sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Samantha, mas maraming tao ang tumulong sa paghahanap sa kanya. May mga nagbigay ng impormasyon, may mga nagbahagi ng mga posibleng lokasyon, at may ilan ding personal na nakipagtulungan sa mga awtoridad.Mas mabilis na natunton ang kinaroroonan niya. At nang makumpirma iyon, agad na kumilos ang buong kapulisan para maisagawa ang rescue operation.Hindi na ako mapakali habang papalapit kami sa lugar kung saan umano ikinulong ang asawa ko.“Mr. Montclair, huwag na po kayong sumama sa loob. Kami na po ang bahala,” paalala sa akin ng isang pulis.Pero hindi ako tatayo lang sa isang tabi at maghihintay. Hindi ko kayang gawin iyon habang alam kong nasa loob ng gusaling iyon ang babaeng pinakamamahal ko. Kailangan kong masigurado na ligtas na ligtas si Samantha. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikita at nayayakap.“I understand, Officer, but

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Search

    Chapter 120Bastien’s POV“Where is my wife?”Iyon ang unang tanong na paulit-ulit kong ibinato sa mga taong nasa paligid ko. Halos mabingi na ako sa sarili kong boses, pero wala akong pakialam. Ang tanging gusto kong malaman ay kung nasaan si Samantha.Nagkakagulo na kami sa bahay. Nandoon na rin si Nanay Stella. Umiiyak na siya habang hindi mapakali sa kakahintay ng anumang balita tungkol sa kanyang anak.“Please, Bastien, hanapin mo ang anak ko!”Halos hindi na rin ako makatingin sa kanya. Hindi ko kayang makita ang pagluha niya dahil alam kong pareho lang kami ng nararamdaman. Pareho kaming takot. Pareho kaming nag-aalala. At pareho naming hindi alam kung ano ang nangyayari kay Samantha sa mga sandaling iyon.“Don't worry, Nay. I will find her. I promise.”Pero kahit ako, hindi ko alam kung paano ko tutuparin ang pangakong iyon.Kausap ko na ang mga pulis at imbestigador. May nakuha na silang CCTV footages sa parking area. Nakita sa mga kuha na may dumukot kay Samantha nang makaba

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Unravel

    Chapter 119Samantha’s POV“Akin ka lang, Samantha. Akin ka lang.”Iyon ang mga salitang patuloy na umaalingawngaw sa isip ko. Ang pagbabalik ni Mark Spencer Espiritu ay tila nagbukas ng panibagong kabanata ng mga problemang akala ko ay tuluyan ko nang nalampasan. Hindi ko alam kung ano ang tunay niyang pakay, pero alam kong hindi magiging maganda ang lahat.Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Parang naulit na naman ito. Isang bangungot na pilit kong tinatakasan, pero sa tuwing akala kong nakalaya na ako, muli na naman akong hinihila pabalik ng nakaraan.Kailan ba niya ako talaga titigilan?Marahil kapag patay na ako.“Mark, kailan ka ba titigil?”“Why, Samantha? Hindi mo ba nagustuhan ang drama natin ngayon?”“Pakawalan mo ako, palayain mo ako!”Lumapit siya nang buong dahas. Hindi man lang siya nagdalawang-isip na lapitan ako habang nakangisi, na para bang nasisiyahan siya sa takot na nakikita sa mukha ko.Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Kitang-kita ko kung paano nanli

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Threatened

    Chapter 118Samantha’s POV“Anak, tumawag ang Ninang Amanda mo.”“Ha?”Napalingon ako kay Nanay na abala sa pag-aayos ng mga gamit sa sala. Hindi ko inaasahan na tatawag ang Ninang Amanda ko, lalo na't matagal na rin kaming walang balita sa isa't isa.“Wala naman siyang binanggit tungkol sa pagbabalik ni Enrico?”“Tinanong ko siya. Patay na raw ito.”“Kaya huwag ko na raw hanapin, sabi pa niya.”“Kailan babalik si Ninang?”“Hindi niya sinabi. Kinamusta niya lang ako.”“Nasabi ninyo po bang may apo na siya?”“Hindi eh, mabilis lang ang tawag eh. Hindi na nga kami nakapagkuwentuhan nang matagal.”“Pero kamusta na siya, Nay?”“Walang masyadong detalye. Basta ang sinabi lang niya, babalik siya para sa isang negosyo.”“Hindi pa rin pala nagbabago si Ninang. Sa negosyo pa rin tumatakbo ang buhay niya.”Napangiti ako. Ganoon talaga ang Ninang Amanda ko. Kahit anong mangyari sa buhay niya, hindi niya kailanman nakakalimutan ang mga negosyo niya. Isa siya sa mga taong hindi kayang manatiling w

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Ready or Not

    Samantha’s POVHinintay kong tumawag o magmensahe ang lalaki tungkol sa sinabi niyang buhay si Enrico at babalik nang muli. Nagtapang-tapangan na lang ako bawat araw, pilit na kinokontrol ang sarili ko sa tuwing sumasagi sa isip ko ang boses ng lalaking iyon. Pero hindi pa uli siya nagparamdam. Siguro nagpaprank lang talaga. And it almost shook me to my thinnest bone.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa takot na nararamdaman ko. Paano kung totoo ang sinabi niya? Paano kung buhay nga si Enrico at may posibilidad na bumalik siya sa buhay namin ng anak ko? Ilang beses kong sinubukang kumbinsihin ang sarili ko na huwag masyadong mag-isip. After all, wala naman siyang ibinigay na patunay. Isang tawag lang iyon mula sa isang estranghero na maaaring gustong guluhin ang tahimik naming buhay.Hinahatid at sinusundo na ako ni Bastien sa opisina. Natatakot din siyang bigla akong mawala. Naikuwento pa kasi ni Nanay na die-hard din kasi si Enrico kapag tungkol sa akin ang pinag-uusapan

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   My Dream Boy

    Chapter 2Samantha’s POVHabang abalang-abala ako sa pag-type ng memo na ipapadala ko sa opisina ng mga executives, biglang dumaan ang napakakisig kong crush na si James Lucas. Nakasuot siya ng kulay blue long-sleeved polo, pagkatapos ay nakaputing slacks. Ang neat niyang tingnan at mukhang ang ba

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Forever Family

    Chapter 5Samantha’s POVBiglang nag-ring ang phone ko habang kausap ko si Enrico. “Si Papa”Mukhang nakapagsumbong na ang mag-ina kay Papa. Siguro pinalabas na naman nila na sila ang dehado. “Samantha, ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Bakit na naman iyak siya nang iyak? Hindi ka na ba ma

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Attention

    Chapter 3Samantha's POV“ I don't like this proposal, scrap it! “ sigaw ni Enrico sa board“We think na hindi ganyan ang sasabihin ni Chairman” Sabi ni Mr. Bagatsing“You want to bet?” Sabi ni RicoTinawagan niya ang kanyang ina at pagkatapos ay niloudspeaker niya ito. “Mom, I have here a piece o

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Explosive

    Chapter 1:Samantha Gomez POVNautusan ako ni Ninang Amanda na pumunta sa kanilang bahay para makuha ang ilang dokumentong naiwan niya sa kanyang home office.Umakyat na ako sa hagdan nang marinig kong parang may nagkakarambola sa isang silid na naroon. Bahagyang nakabukas ang isang pinto, kaya da

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status