Partager

Still Young

Auteur: Ely
last update Date de publication: 2026-06-01 14:54:55

Chapter 14

Samantha's POV

Naroon pa rin ang pagtataka sa isip ko habang nagmamaneho pauwi.

Pagod ako galing trabaho at ang tanging iniisip ko lamang ay makapagpahinga, makakain ng masarap na hapunan, at makipagkuwentuhan kay Nanay. Pero pagliko ko sa kalsadang papunta sa bahay namin, agad akong napakunot-noo.

May nakaparadang mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay.

Napabagal ako ng takbo.

Hindi ko kilala ang sasakyang iyon.

Imposibleng kay Enrico iyon dahil kabisadong-kabisado ko ang lahat ng sa
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   The Fire

    Chapter 28Samantha's POVNagpatuloy ang party matapos ang mga programa. Unti-unti nang nagsisimulang magpaalam ang mga bisita sa isa't isa. Kanina lamang ay puno ng tawanan ang buong venue—may mga nagkukuwentuhan, nagkukuhanan ng litrato, at may ilan pang hindi matapos-tapos ang kuwentuhan dahil sa sobrang pananabik na muling magkita pagkatapos ng napakaraming taon.Ngayon naman ay isa-isa nang naglalabasan ang mga tao habang may mga pangakong "Magkita ulit tayo" at "Keep in touch, everyone.""Mauna na kami sa kotse, Enrico," sabi ni Ninang habang inaayos ang kaniyang bag."Sige po, Mom," sagot ni Enrico.Lumapit naman ako kay Nanay."Nay, magkita na lang tayo sa bahay. Mukhang hindi pa kayo tatantanan ni Papa. “Ewan ko ba diyan sa tatay mo, feeling close”"Sige, anak mag-iingat kayo."Ngumiti rin ako bago siya tuluyang sumunod kina Ninang.Napatingin ako sa paligid.Hinahanap ko pa kasi si Mitch.Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang naging usapan namin kanina. Ang dami ko pang gust

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   The Parents

    Chapter 27Samantha's POVPagkatapos ng masayang pag-uusap namin ni Mark Spencer ay naiwan na lamang kaming dalawa ni Enrico sa aming mesa.Abala na ang ibang alumni sa pakikipagkuwentuhan. Ang ilan ay abala sa pagkuha ng litrato sa photobooth, habang ang iba naman ay nagsimula nang magtungo sa dance floor nang tumugtog ang isang klasikong love song.Tahimik kaming dalawa.Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin.Hindi iyong simpleng tingin.Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan.Napangiti tuloy ako."Ayaw mo ba talagang magsayaw, Enrico?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay."Maghahanap ako ng ibang kapareha."Bahagya siyang napailing at napabuntong-hininga na parang wala na siyang kawala.Tumayo siya at bahagyang yumuko na tila isang gentleman sa mga lumang pelikula."If you'll insist..."Inilahad niya ang kanyang kamay."May I have this dance, Samantha?"Hindi ko napigilang matawa."Grabe ka naman.""Parang nasa royal ball tayo."

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Old Friend

    Chapter 26Samantha’s POVBago makapasok sa hall ay kailangan muna naming magparehistro. Nandoon ang mahahabang mesa na may nakalinyang attendance sheets, mga pangalan ng bawat batch, at mga volunteer na abala sa pagtanggap ng mga alumni.Isa-isa kaming pumirma ni Nanay.Habang sinusulat ko ang pangalan ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko akalaing dadalo ako sa reunion na ito. Sa totoo lang, kung hindi lang dahil sa pamimilit ni Nanay at sa walang tigil na pangungulit ng mga kakilala namin, baka nasa bahay lang ako ngayon.Pagkapasok namin sa loob ng hall ay agad kaming sinalubong ng masayang ingay.May nagtatawanan.May nagbabatian.May mga nagkakayakap na parang kahapon lang sila huling nagkita.May ilan ding nagtititigan muna bago magtanungan ng..."Ikaw ba si ano?""Oy, ikaw pala iyon!"Kasama ko noon si Nanay at siya yata ang mas excited sa aming dalawa.Para sa kanya, halos apatnapung taon na ang lumipas mula nang huli niyang makita ang karamihan sa mga kaklase niya.Hind

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Reunion

    Chapter 25Samantha’s POV“Samantha, aatend ka ba sa reunion natin? Malaking event ito kasi lahat ng alumni invited. May nag-sponsor na kaya pasensya na lang natin ang dadalhin, wala na tayong iintindihin tungkol sa mga bayad,” sabi ni Mitch sa akin sa telepono. Isa siya sa mga kaklase ko noong high school at isa rin sa mga taong hindi nawawalan ng enerhiya kapag may school activities.“Sino naman ang nag-sponsor?” tanong ko habang inaayos ang mga papeles sa mesa.“Yun ang hindi ko alam. Surprise daw.”Napataas ang kilay ko.“Naku, payabangan lang iyan. Parang ayokong pumunta.”Agad siyang tumawa.“Grabe ka naman, Sam. Hindi naman lahat ng reunion ay payabangan. Pag-isipan mo muna. Malay mo, makilala mo doon ang prince charming mo.”“Naku, ikaw talaga. Naniniwala ka pa rin sa mga ganyang bagay?” pang-aasar ko.“Wala namang masama sa pag-asa.”“May masama kapag puro pag-asa tapos wala namang resulta,” sagot ko.Pareho kaming natawa.“Basta, Sam, pag-isipan mo muna.”“Diba si Enrico Sol

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Holding On To The Truth

    Chapter 24Samantha’s POVDumaan si Tito Arthur sa opisina ko nang hapong iyon. Medyo nagulat pa nga ako nang makita siyang pumasok sa glass door ng conference area.Hindi naman niya nakaugaliang dumalaw sa opisina ko.Karaniwan, kapag may sasabihin siya ay tumatawag na lang o kaya'y hinihintay kaming magkita sa mga family gatherings.Kaya alam kong may dahilan kung bakit siya napadpad doon.“Uy, Tito Art,” bati ko habang tumatayo mula sa upuan ko.“Busy ka ba?” tanong niya.“Hindi naman po. Katatapos lang ng meeting.”“Good.”Naupo siya sa tapat ko at agad na nagseryoso ang mukha.“Oh, Sam, nabalitaan ko ang ginawa ng tatay mo, ah.”Agad akong napailing at napabuntong-hininga.Pakiramdam ko ay ilang araw na akong paulit-ulit na nagtatanong sa sarili kung paano nagawa iyon ni Papa.Hindi ako agad nakasagot.Pero dahil malapit sa akin si Tito Arthur, kusa na lamang akong nag-open up.Sa totoo lang, gusto ko rin ng opinyon ng isang taong mas mature mag-isip.Si Nanay kasi, kapag humihin

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Living and Expenses

    Living and ExpensesChapter 23Samatha’s POVMedyo lumuwag-luwag na ang loob ko pagkalipas ng mga araw.Unti-unti ring humupa ang bigat na matagal kong pinasan. Hindi man tuluyang nawala ang sakit, natuto akong mabuhay kasama iyon. Mga buwan na rin ang lumipas mula nang tuluyan kong tanggapin ang katotohanan.Hanggang dito na lamang ang pakikipag-ugnayan ko sa aking ama.Hindi na ako aasa ng kahit ano mula sa kanya.Wala nang paghihintay sa tawag na hindi naman darating. Wala nang pag-asang isang araw ay bigla niyang maiisip na anak niya rin ako. Wala nang mga tanong kung bakit hindi niya ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya sa iba.Tinatapos ko na ang lahat.Pagkatapos ng lahat ng luha, lahat ng sama ng loob, at lahat ng pagkadismaya, napagtanto kong wala akong kontrol sa nararamdaman ng ibang tao. Kahit gaano ko kagustuhing maging mabuting anak, kung ayaw niya akong makita bilang mahalagang bahagi ng buhay niya, wala na akong magagawa roon.At sa unang pagkakataon matapos ang

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Colors of Jealousy

    Chapter 17Samantha’s POVMga ilang araw ang lumipas nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Nanay. Maikli lamang iyon ngunit sapat na para mapakunot ang noo ko."Anak, nasaan ka?Bakit kaya?May problema ba?May ipapakisuyo na naman ba siya?O baka naman may bagong tsismis na gusto niyang ikuwent

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Well and Alive

    Chapter 15Samantha's POVNatuloy na ang turnover ng appointment for the CEO’s position at ibinigay na ito nang tuluyan kay Enrico. Proud na proud ang kanyang mga magulang dahil finally ay tinanggap na niya ang appointment. May after-party pagkatapos ng appointment, kaya inimbitahan ang lahat ng

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   Get Well

    Chapter 13Samantha's POVSobrang pag-aalala ang bumalot sa akin nang makita ko si Rico sa ganoong kalagayan.Hindi ko siya sanay makita na mahina.Hindi ko siya sanay makita na walang kalaban-laban.Sa pagkakakilala ko kay Enrico, siya ang tipo ng taong laging matatag. Siya iyong taong kahit pagod

  • Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare   I'm not a Brother

    Chapter 7Enrico Soliven’s POVHabang nagmamaneho ako pauwi sa aming bahay. Nilalanghap ko pa rin ang naiwang scent ni Samantha sa sasakyan ko. Mukhang hindi ko muna ito ipapacarwash para manatili pa rin ang alaala ng kanyang bango.Alam kong hindi naman kasalanan na mahalin si Samantha. Pero ba

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status