LOGIN05
Claire Andrea Pagdating ko sa labas. Hindi ako makatingin ng diretso kay Angkol Redmond. Pero alam ko pinanood niya ako habang naglalakad. Magkatabi sila sa upuan ng babae niya este, fiancée niya. Saglit kong tiningnan ang fiancée nito. Hindi maipinta ang mukha nito malala siguro ang away nila ni Angkol Redmond. Nakita ko si Ate Lynda at tauhan ng Angkol Redmond na dinala niya rito. Doon ako pumunta para sa kanila rin sumama. Natulog na kasi ang Tita Carina na tiyahin ng mommy ito kasi ang close ko maliban sa Ate Lynda. “Claire, kumain ka muna tara ipaghahanda kita ng pagkain,” saad ng Ate Lynda. “Ate, dumating po ba si Jason?” sa halip iyon ang sagot ko sa kaniya sabay inilibot ko ang aking mata hinahanap ko sa paligid baka narito pa. “Oo nga pala kanina pa three thirty. Hindi naman nagtagal at may iniwan pala mga notes mo raw iyon na hiniram sa kaniya.” “Nasaan ate? Gagawin ko kasi iyan para may ma-review ako kasi ang dami kong na-miss na exam,” tugon ko. “Si Sir Redmond ang tumanggap,” sagot nito kinakunot ng aking noo. “Bakit siya? Ate Lynda, pwede po pakikuha mo sa kanya?” pakiusap ko sa Ate. Dahil sa nangyari kanina sa k'warto ko. Nailang na akong lumapit kay Angkol Redmond. Dati walang ganitong pakiramdam pero ngayon hindi na ako makatingin ng diretso rito. Kapag kasi nakatingin ako sa kaniya nahihiya ako na dati naman hindi ako nakararamdam ng ganito. “Halika muna para mag-dinner pinuntahan ka sa k'warto ni Sir Redmond, kanina dahil hindi ka pa nag hapunan. Mahimbing daw ang tulog mo kaya hinayaan ka muna matulog." “Pumunta po siya?” napalunok ako buti na lang hindi napapansin ng ate. Kanina kasi bumukas ang pintó hindi pala nakasarado. Ibig sabihin sumilip siya habang tulog ako. “Oo sinilip ka,” “O-okay,” tugon ko at tipid din na ngumiti. Dahil nagugutom na rin talaga ako kaya sumama na rin ako sa, Ate Lynda. Tahimik lang akong kumain. Hindi rin naman ako iniwan ng Ate Lynda, hanggang matapos akong kumain. Natawa pa kami pareho nang matapos ako dumighay ako sa sobrang kabusugan. “Gutom na nga talaga ako,” nakangiti kong sabi sa Ate Lynda. “Ate Lynda, ano pala ang pangalan ng babaeng kasama ni Angkol Redmond?” biglang naitanong ko. “Ryza,” tugon n'ya sabay tinasaan niya ako ng kilay. “Ay, bakit ganyan naman ang reaksyon mo Ate Lynda?” “Kung may naisip kang kalokohan. Tigilan mo iyan, Claire. Inaanak iyon ng Madam Reana,” saad ng Ate Lynda. Mommy ni Angkol Redmond si Madam Reana. Kung kabaitan ang pag-uusapan. Mas mabiat ang daddy ni Angkol Redmond na si Sir Edmond. Cool ito unlike sa mommy ni Angkol Redmond. Sobrang seryoso ngunit hindi pa naman ako pinakitaan ng sama ng ugali. Gano'n lang siguro talaga dahil nga mayayaman sila kaya nakaiilang makaharap ito. “Ate Lynda masyado kang judgemental. Nagtatanong lang ako hindi kasi binanggit ni Angkol,” tugon pagkatapos niyaya ko ma siyang bumalik. Pagdating namin sa labas, wala na sina Angkol at fiancée nito kaya mas nakakilos ako ng maayos lalo na hindi na ito bumalik hanggang matulog ako ng madaling araw. ------------ Kinabukasan maraming tao dahil last day ng lamay ngayon. Bukas na ang libing ng daddy at mommy ko. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na wala na ang magulang ko. Gabi na ng dumating si Angkol Redmond. Kasama nito ang magulang n'ya at s'yempre bumuntot pa rin ang fiancée nito. “Claire, nakikiramay kami, hija,” saad ng Sir Edmond sumunod din nagsabi si Madam Reana. “Maraming salamat po,” magalang kong tugon sa kanilang dalawa. “Dito po kayo Sir Edmond, Madam Reana,” saad ko naunang lumakad sa unahan na upuan para ihatid sila. “Salamat Claire,” sabi ng daddy ni Angkol Redmond nang maihatid ko sila. “Walang anuman po. Doon lang po ako sa Tita ko at kung mayroon po kayo kailangan, ipatawag niyo na lang po ako,” magalang kong paalam sa kanila. “Claire Andrea, sandali,” sabi ng Angkol Redmond kaya lumingon ako. "Angkol Redmond?" “Bakit hindi mo kinuha sa ‘kin ang notebook ng classmate mo?” “May nahiraman na po ako,” sagot ko kahit nagsinungaling ako. Nang tumango siya nagpalam na akong aalis na. Doon ako pumunta sa Tita Carina. Tita siya ng mommy ayaw n'yang magpagtawag ng lola dahil magiging matanda raw siya. Matandang dalaga na nga raw siya patatandain ko pa raw siya lalo. Kaya malapit ako rito dahil apat na beses na itong nagbakasyon sa amin. Isa pa madalas din itong makipag video call sa mommy at nakakausap ko rin kaya nakagaanan ko ito ng loob. “Hija, anong plano mo after ng libing?” malungkot n'yang sabi habang hinahaplos ang buhok ko. Gusto niya akong isama pagbalik ng ibang bansa ngunit paano ang restaurant ni daddy? Kaya hindi ako pumayag sa alok niyang roon ko na raw ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Dumating din ang isang kapatid ng daddy na si Tito Julio. Buong pamilya sila kasama ng asawa nitong si Tita Mina at anak nila na si Carmina na maarte. Dati pa talaga feeling mayaman na ito porket may trabaho ang magulang niya kung umasta ay mayaman. Same teacher ang Tito Julio at Tita Mina. “Nag-aalala lang ako sa iyo dahil mag-isa ka lang dito,” wika nito. “Tita ayaw ko po iwanan ang bahay namin,” saad ko nakauunawa naman siyang tumango. “Basta kung gusto mong magbakasyon sa Canada. Magsabi ka lang sa akin ako na ang bahala sa lahat ng gagastusin mo," aniya niyakap ako. “Salamat po Tita Carina. Hayaan mo po pag-iisipan ko po para din makapag-relax muna ako," tugon ko. Pagdating ng hating-gabi. Inaantok na ang Tita Carina kaya hinatid ko siya sa k'warto niya. Hindi ako nagtagal dahil narito pa ang magulang ni Angkol Redmond baka mayroon kailangan gusto ko ako pa rin ako ang mag-asikaso sa kanila. "Ryza?" nagulat ako nang pagdating ko sa baba naroon ito sa living room namin nakaupo sa sofa. Agad na tumayo. "Sandali lang Claire," sabi n'ya kaya inantay ko. Hindi ako nagsalita inantay ko siya unang magsabi kung anong kailangan n'ya. Humalukipkip din ako habang inaantay siya magsalita. "Sabihin mo kay Redmond, hindi na kailangan tuparin ang promise sa magulang mo," walang paligoy-ligoy n'yang sabi. "Edi ikaw na ang magsabi total ikaw ang nakaisip. Hindi ko rin naman gusto ang pakikiaalam ni Angkol sa buhay ko, siya lang talaga ang punta nang punta rito." Tumalim ang mata nito. "Ungrateful bítch! Pasalamat ka na lang may tumulong sa iyo mag-asikaso sa magulang mo dahil ang kapatid ng Daddy mo walang pakialam." "Iyan lang ba ang sinadya mo rito? Pwede na siguro akong lumabas?" "Iwasan mo rin magpa-cute kay Redmond," wika nito kinasalubong ng kilay ko. Ngumiti lang itong si Ryza. "Hindi ka na bata dalaga ka na alam mo ang ibig kong sabihin," dagdag nito agad akong iniwan.07 Claire Andrea Kinabukasan bumalik din sa ibang bansa ang Tita Carina at ang kapatid naman ng daddy umuwi na rin sa province nila dahil parehong mayroon trabaho. Malungkot dahil mag-isa na lang ako ngayon at tanging si Ate Lynda ang aking kasa-kasama. Ngunit kailangan kong magpatuloy kaya hindi ko namalayan dalawang linggo na rin ang lumipas simula ng mailibing ang magulang ko. “Claire, mamayang hapon darating daw si attorney Saures. Kahapon kasi tumawag dito sa bahay nasa school ka naman kahapon, kaya ngayon daw siya pupunta dahil sinabi ko na wala kang klase ngayon." “Sige po ate, wala naman po akong lakad ngayon araw kaya pwede po siya ngayon pumunta," masigla ko pang tugon sa Ate Lynda. "Tumawag din si Sir Redmond. Ano raw ang gusto mong pasalubong?" "Uuwi na po siya?" excited kong tanong sa Ate Lynda. Nagtataka pa ako dahil kung makatitig itong si Ate parang may ibig s'yang sabihin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil ganito naman si Ate, hilig n'ya akong
06Claire AndreaInantay kong makalabas ng tuluyan sa pintó si Ryza at saka ako nagpasyang lumabas. Ngunit bago ko pa mapihit ang doorknob. Bumukas iyon at si Angkol Redmond ang dumating.Hindi ba sila nagkita ni Ryza? Magagalit na naman ang fiancée niya kapag nalaman nandito si Angkol Redmond. Bakit kasi pinababayaan niya ang fiancée niya ako tuloy ang napagdidiskitahan.“Kanina pa kita hinahanap,” seryoso n'yang sabi habang nakakunot ang kaniyang noo."Bakit anong kailangan mo? Hinatid ko ang, Tita Carina,"“Hindi ko kayo nakita pumasok sa loob ng bahay. Sumama ka sa akin mayroon lang akong ibibigay sa iyo,""Angkol Redmond, please marami ka ng naitulong sa akin lahat ng gastos nila daddy at mommy kaya tama na po iyon."“May problema ba, Claire Andrea?" nagtanong pa talaga siya, seryoso? Magaling na negosyante pero hina maka-gets tsk.“Sa sunod mo na lang ibigay bakit mo iniwan sa labas ang madam Reana at Sir Edmond at fiancée mo,""Pinauwi ko na late na masyado bawal sa mommy sobra
05 Claire Andrea Pagdating ko sa labas. Hindi ako makatingin ng diretso kay Angkol Redmond. Pero alam ko pinanood niya ako habang naglalakad. Magkatabi sila sa upuan ng babae niya este, fiancée niya. Saglit kong tiningnan ang fiancée nito. Hindi maipinta ang mukha nito malala siguro ang away nila ni Angkol Redmond. Nakita ko si Ate Lynda at tauhan ng Angkol Redmond na dinala niya rito. Doon ako pumunta para sa kanila rin sumama. Natulog na kasi ang Tita Carina na tiyahin ng mommy ito kasi ang close ko maliban sa Ate Lynda. “Claire, kumain ka muna tara ipaghahanda kita ng pagkain,” saad ng Ate Lynda. “Ate, dumating po ba si Jason?” sa halip iyon ang sagot ko sa kaniya sabay inilibot ko ang aking mata hinahanap ko sa paligid baka narito pa. “Oo nga pala kanina pa three thirty. Hindi naman nagtagal at may iniwan pala mga notes mo raw iyon na hiniram sa kaniya.” “Nasaan ate? Gagawin ko kasi iyan para may ma-review ako kasi ang dami kong na-miss na exam,” tugon ko. “Si Sir Redmond
04Claire Andrea"Dad? Mom?" masaya akong napangiti at mabilis akong bumangon para salubungin sila. Totoo po ba ito? Buhay kayo ni daddy, mommy?" walang kasing saya na saad ko pagkatapos mahigpit na niyakap si mommy. Napangiti rin ako nang sumali si daddy niyakap n'ya kami pareho ni mommy.Hindi sila sumagot basta pareho lang sila nakangiti at marahang hinahaplos ang buhok ko. "Mommy I miss you so much," saad ko lalong sumiksik sa pagkakayakap ko sa kanila ni dad."I miss you too, baby," bulong ni mommy."I miss you too, princess," sabi naman ni dad. Iyan kasi ang palagi n'yang tinatawag sa akin kapag ganitong naglalambing ako sa kanila."Mahal na mahal ka namin," sabay na sabi nila at sabay rin na humalik sa buhok ko at naulinigan ko ang pag-iyak nila ni daddy."Mom? Dad? Bakit po kayo umiiyak?" tanong ko pagkatapos mahigpit ko pa ulit silang niyakap. "Mommy? Daddy?" gulat na gulat ako ng maramdaman ko lumuwag ang pagyakap nila ni Daddy."Mommy...." yayakapin ko sana ulit siya nguni
03 Claire Andrea "Claire, bago pala umalis si Sir Redmond, nagbilin magpahinga ka raw muna marami naman nag-aasikaso sa mga taong nagpupunta," Umiling ako kaya naningkit ang mata ni Ate Lynda. Nagpapunta si Angkol Redmond ng anim na tao galing sa mansyon niya. Kaya kasama namin ni Ate Lynda mag-asikaso sa mga naglalamay. "Ate Lynda, hindi ako inaantok," tugon ko kaya napapakamot siya sa ulo n'ya. Hindi ako makatulog kaya anong gagawin ko. "Hindi raw pero naghihikab ka?" nakairap n'yang sabi. "Wala naman siya at hindi naman n'ya malalaman. Chill ka lang Ate Lynda, dahil kayang-kaya ko pa. Kapag naman hindi ko na kaya matutulog ako," laban ko sa kaniya. "Pupunta pala ako ng kitchen kung hahanapin ako ng mga Tita at Tito," dagdag kong sabi. "May kukunin ka?" "Wala ate, nauuhaw lang ako," "Ikuha na lang kita—" "Ako na lang po," sabay nilayasan si Ate Lynda para hindi na makaangal. Pagdating ko ng living room may tumatawag sa phone ko. Nang makita ko na si Angkol Redm
02 Claire Andrea “Claire, tumawag si, Sir Redmond. Ang mommy at daddy mo raw sinugod sa hospital!" humahangos na pumasok sa k'warto ko si Ate Lynda. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kitang-kita ko namumula ang kanyang mata senyales na umiyak din ito. Natigilan siya nang makita akong puno ng luha ang aking mata. Mabilis n'ya akong nilapitan at niyakap. "Ate Lynda...w-wala na raw sina daddy at mommy. Ate....natatakot po ako dahil ang bata ko pa para mawalan ng magulang paano ko pamahalaan ang restaurant ni dad kung second year college pa lamang ako at wala pang kaalaman paano humawak ng negosyo," "Kaya mo iyan. Pakatatag ka Claire," tugon nito halata kong nagpipigil lang na umiyak. “Ate Lynda,” iyon lang ang bigkas ko sabay mahigpit akong na yumakap sa kaniya. Mamaya may nag-doorbell kaya umalis ako ng sa pagyakap kay Ate Lynda. “Tinawagan ako ni Sir Redmond kaya nalaman ko. Sasamahan kita magtungo sa ospital para mailabas ngayon ang mommy at daddy mo,” garalgal ang bose







