Share

Chapter 06

Author: JENEVIEVE
last update publish date: 2026-10-31 23:26:40

06

Claire Andrea

Inantay kong makalabas ng tuluyan sa pintó si Ryza at saka ako nagpasyang lumabas. Ngunit bago ko pa mapihit ang doorknob. Bumukas iyon at si Angkol Redmond ang dumating.

Hindi ba sila nagkita ni Ryza? Magagalit na naman ang fiancée niya kapag nalaman nandito si Angkol Redmond. Bakit kasi pinababayaan niya ang fiancée niya ako tuloy ang napagdidiskitahan.

“Kanina pa kita hinahanap,” seryoso n'yang sabi habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Bakit anong kailangan mo? Hinatid ko ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 07

    07 Claire Andrea Kinabukasan bumalik din sa ibang bansa ang Tita Carina at ang kapatid naman ng daddy umuwi na rin sa province nila dahil parehong mayroon trabaho. Malungkot dahil mag-isa na lang ako ngayon at tanging si Ate Lynda ang aking kasa-kasama. Ngunit kailangan kong magpatuloy kaya hindi ko namalayan dalawang linggo na rin ang lumipas simula ng mailibing ang magulang ko. “Claire, mamayang hapon darating daw si attorney Saures. Kahapon kasi tumawag dito sa bahay nasa school ka naman kahapon, kaya ngayon daw siya pupunta dahil sinabi ko na wala kang klase ngayon." “Sige po ate, wala naman po akong lakad ngayon araw kaya pwede po siya ngayon pumunta," masigla ko pang tugon sa Ate Lynda. "Tumawag din si Sir Redmond. Ano raw ang gusto mong pasalubong?" "Uuwi na po siya?" excited kong tanong sa Ate Lynda. Nagtataka pa ako dahil kung makatitig itong si Ate parang may ibig s'yang sabihin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil ganito naman si Ate, hilig n'ya akong

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 06

    06Claire AndreaInantay kong makalabas ng tuluyan sa pintó si Ryza at saka ako nagpasyang lumabas. Ngunit bago ko pa mapihit ang doorknob. Bumukas iyon at si Angkol Redmond ang dumating.Hindi ba sila nagkita ni Ryza? Magagalit na naman ang fiancée niya kapag nalaman nandito si Angkol Redmond. Bakit kasi pinababayaan niya ang fiancée niya ako tuloy ang napagdidiskitahan.“Kanina pa kita hinahanap,” seryoso n'yang sabi habang nakakunot ang kaniyang noo."Bakit anong kailangan mo? Hinatid ko ang, Tita Carina,"“Hindi ko kayo nakita pumasok sa loob ng bahay. Sumama ka sa akin mayroon lang akong ibibigay sa iyo,""Angkol Redmond, please marami ka ng naitulong sa akin lahat ng gastos nila daddy at mommy kaya tama na po iyon."“May problema ba, Claire Andrea?" nagtanong pa talaga siya, seryoso? Magaling na negosyante pero hina maka-gets tsk.“Sa sunod mo na lang ibigay bakit mo iniwan sa labas ang madam Reana at Sir Edmond at fiancée mo,""Pinauwi ko na late na masyado bawal sa mommy sobra

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 05

    05 Claire Andrea Pagdating ko sa labas. Hindi ako makatingin ng diretso kay Angkol Redmond. Pero alam ko pinanood niya ako habang naglalakad. Magkatabi sila sa upuan ng babae niya este, fiancée niya. Saglit kong tiningnan ang fiancée nito. Hindi maipinta ang mukha nito malala siguro ang away nila ni Angkol Redmond. Nakita ko si Ate Lynda at tauhan ng Angkol Redmond na dinala niya rito. Doon ako pumunta para sa kanila rin sumama. Natulog na kasi ang Tita Carina na tiyahin ng mommy ito kasi ang close ko maliban sa Ate Lynda. “Claire, kumain ka muna tara ipaghahanda kita ng pagkain,” saad ng Ate Lynda. “Ate, dumating po ba si Jason?” sa halip iyon ang sagot ko sa kaniya sabay inilibot ko ang aking mata hinahanap ko sa paligid baka narito pa. “Oo nga pala kanina pa three thirty. Hindi naman nagtagal at may iniwan pala mga notes mo raw iyon na hiniram sa kaniya.” “Nasaan ate? Gagawin ko kasi iyan para may ma-review ako kasi ang dami kong na-miss na exam,” tugon ko. “Si Sir Redmond

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 04

    04Claire Andrea"Dad? Mom?" masaya akong napangiti at mabilis akong bumangon para salubungin sila. Totoo po ba ito? Buhay kayo ni daddy, mommy?" walang kasing saya na saad ko pagkatapos mahigpit na niyakap si mommy. Napangiti rin ako nang sumali si daddy niyakap n'ya kami pareho ni mommy.Hindi sila sumagot basta pareho lang sila nakangiti at marahang hinahaplos ang buhok ko. "Mommy I miss you so much," saad ko lalong sumiksik sa pagkakayakap ko sa kanila ni dad."I miss you too, baby," bulong ni mommy."I miss you too, princess," sabi naman ni dad. Iyan kasi ang palagi n'yang tinatawag sa akin kapag ganitong naglalambing ako sa kanila."Mahal na mahal ka namin," sabay na sabi nila at sabay rin na humalik sa buhok ko at naulinigan ko ang pag-iyak nila ni daddy."Mom? Dad? Bakit po kayo umiiyak?" tanong ko pagkatapos mahigpit ko pa ulit silang niyakap. "Mommy? Daddy?" gulat na gulat ako ng maramdaman ko lumuwag ang pagyakap nila ni Daddy."Mommy...." yayakapin ko sana ulit siya nguni

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 03

    03 Claire Andrea "Claire, bago pala umalis si Sir Redmond, nagbilin magpahinga ka raw muna marami naman nag-aasikaso sa mga taong nagpupunta," Umiling ako kaya naningkit ang mata ni Ate Lynda. Nagpapunta si Angkol Redmond ng anim na tao galing sa mansyon niya. Kaya kasama namin ni Ate Lynda mag-asikaso sa mga naglalamay. "Ate Lynda, hindi ako inaantok," tugon ko kaya napapakamot siya sa ulo n'ya. Hindi ako makatulog kaya anong gagawin ko. "Hindi raw pero naghihikab ka?" nakairap n'yang sabi. "Wala naman siya at hindi naman n'ya malalaman. Chill ka lang Ate Lynda, dahil kayang-kaya ko pa. Kapag naman hindi ko na kaya matutulog ako," laban ko sa kaniya. "Pupunta pala ako ng kitchen kung hahanapin ako ng mga Tita at Tito," dagdag kong sabi. "May kukunin ka?" "Wala ate, nauuhaw lang ako," "Ikuha na lang kita—" "Ako na lang po," sabay nilayasan si Ate Lynda para hindi na makaangal. Pagdating ko ng living room may tumatawag sa phone ko. Nang makita ko na si Angkol Redm

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 02

    02 Claire Andrea “Claire, tumawag si, Sir Redmond. Ang mommy at daddy mo raw sinugod sa hospital!" humahangos na pumasok sa k'warto ko si Ate Lynda. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kitang-kita ko namumula ang kanyang mata senyales na umiyak din ito. Natigilan siya nang makita akong puno ng luha ang aking mata. Mabilis n'ya akong nilapitan at niyakap. "Ate Lynda...w-wala na raw sina daddy at mommy. Ate....natatakot po ako dahil ang bata ko pa para mawalan ng magulang paano ko pamahalaan ang restaurant ni dad kung second year college pa lamang ako at wala pang kaalaman paano humawak ng negosyo," "Kaya mo iyan. Pakatatag ka Claire," tugon nito halata kong nagpipigil lang na umiyak. “Ate Lynda,” iyon lang ang bigkas ko sabay mahigpit akong na yumakap sa kaniya. Mamaya may nag-doorbell kaya umalis ako ng sa pagyakap kay Ate Lynda. “Tinawagan ako ni Sir Redmond kaya nalaman ko. Sasamahan kita magtungo sa ospital para mailabas ngayon ang mommy at daddy mo,” garalgal ang bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status