LOGIN02
Claire Andrea “Claire, tumawag si, Sir Redmond. Ang mommy at daddy mo raw sinugod sa hospital!" humahangos na pumasok sa k'warto ko si Ate Lynda. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kitang-kita ko namumula ang kanyang mata senyales na umiyak din ito. Natigilan siya nang makita akong puno ng luha ang aking mata. Mabilis n'ya akong nilapitan at niyakap. "Ate Lynda...w-wala na raw sina daddy at mommy. Ate....natatakot po ako dahil ang bata ko pa para mawalan ng magulang paano ko pamahalaan ang restaurant ni dad kung second year college pa lamang ako at wala pang kaalaman paano humawak ng negosyo," "Kaya mo iyan. Pakatatag ka Claire," tugon nito halata kong nagpipigil lang na umiyak. “Ate Lynda,” iyon lang ang bigkas ko sabay mahigpit akong na yumakap sa kaniya. Mamaya may nag-doorbell kaya umalis ako ng sa pagyakap kay Ate Lynda. “Tinawagan ako ni Sir Redmond kaya nalaman ko. Sasamahan kita magtungo sa ospital para mailabas ngayon ang mommy at daddy mo,” garalgal ang boses na saad ni Ate Lynda. “Driver na po siguro ni Angkol Redmond,” saad ko sa kaniya. “Nandito lang ako hindi ako aalis sa tabi mo kahit na wala na sina Sir Eric at Ma'am Janina," puno ng pangako sa boses ni Ate Lynda. Pero kahit na sinabi n'ya iyon. Iba pa rin kapag nandito pa sina mommy. Paano kung mag-asawa na ang Ate Lynda, ako na lang mag-isa ang maiiwan sa bahay. “A-ate Lynda, hindi ko po kayang mawala sina Mommy at Daddy,” hagulgol ko kaya napasinghap din si Ate Lynda at narinig ko na rin ang impit n'yang pag-iyak. “Shhh....alam ko kaya mo iyan. Ikaw pa ba matalino at matapang ka,” aniya alam ko pinalalakas lang n'ya ang loob ko. “Sana po hindi na lang ako pumayag na umalis sila. Nagdadalawa isip sila ate, dahil may sakit ako pero pinaalis ko pa rin. Ate Lynda…k-kung alam ko lang hindi ko sila pinaalis. Bakit pa kasi ako nagkasakit kasama dapat nila ako,” nahihirapan kong sabi dahil wala akong tigil sa pag-iyak. “Claire…” iyon lang ang nasabi ni Ate Lynda dahil ito rin nagkaroon na ng tunog ang iyak n'ya dahil nahawa na sa akin. Muling nag-doorbell kaya inayos ko ang sarili ko. Nagbihis muna ako ng pants at t-shirt. “Ate Lynda, halika na,” saad ko. Nag-a-antay na sa labas ang driver ni Angkol Redmond. Magalang n'ya akong binati pagkakita sa akin. Simpleng tango lang ang tugon ko sa kaniya pagkatapos walang salita na pumasok ako sa kotse na dala niya at sa habang binabagtas namin patungo sa ospital. Iyak pa rin ako ng iyak. Pagdating ko sa ospital. Nadagdagan ulit ang sakit nang masilayan ko ang mommy at daddy ko na parang natutulog lang sila. Hindi ko pa rin matanggap na wala na sila kaya sobra ang hagulgol ko habang nakayakap sa kanila. Kung hindi pa ako kinuha ng Ate Lynda hindi ako bibitiw gusto ko na lang sumama sa magulang ko dahil mag-isa na rin naman ako. "Claire, hindi matutuwa ang daddy at mommy mo kung makita kang iyak nang iyak. H'wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi natin alam na mangyayari ito. Mahirap pero kailangan mong maging matapang," malumanay na bulong ng Ate Lynda. “Daddy…. mommy,” saad ko. Naramdaman ko mayroon tumayo sa tabi ko. "Claire Andrea," bulong n'ya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Seryoso si Angkol Redmond pero kitang-kita ko namumula ang kaniyang mata. "Angkol Redmond, babalik pa sila diba? Baka natutulog lang ang daddy at mommy ko," ayon na naman ang hagulgol ko. Napasinghap si Angkol Redmond. Nagulat pa ito ng yumakap ako sa kaniya naulinigan ko pa hirap s'yang huminga. Naramdaman ko ang dahan-dahan n'yang paghaplos sa likuran ko para bang pinakakalma niya ako. Nang ma-realize ko basa na ang suot n'yang polo bigla akong kumalas ng pagkakayakap. "S-sorry po," napayuko ako dahil nahihiya ako nabasa ang damit n'ya. Mahina siyang tumawa. Napalunok pa ako ng punasan n'ya ang basa kong pisngi gamit ang daliri niya. "It's okay," seryoso n'ya akong pinagmasdan. “Inayos ko na lahat kailangan mo lang ng pirma para dalhin na si Eric at Janina sa chapel para sa burol,” malambing nitong sabi. Tumango ako't walang imik. Maya-maya mayroon staff ng ospital ang lumapit sa amin pinapirma nito ako at para akong robot sumusunod lang bawat sabihin ng Angkol Redmond. “Iyong driver ng truck na nakabangga sa daddy at mommy, nahuli ba?" bulong ko. Ayaw kong isipin na tinakbuhan lang ang magulang ko pagkatapos ng aksidente. Mostly may balasubas na driver 'wag naman sana dahil hindi ako papayag hangga't hindi managot ang may sala. Napalingon si Angkol Redmond sa akin. Nasa biyahe na kami papunta sa chapel kung saan ibuburol sina Daddy at Mommy para antayin ang kamag-anak nila lalo na ang dalawang kapatid ni daddy. Si mommy walang kapatid ngunit mayroon siyang mga Tita at Tito nasa ibang bansa. Kanina narinig ko kinontak naman lahat ni Angkol Redmond dahil wala pa ako sa aking sarili dahil hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ito sa magulang ko. “Kailangan nilang makulong,” mariin kong sabi nang wala akong nakuhang sagot galing kay Angkol Redmond. “Yeah, nasa presinto sila nakakulong habang inaantay pa ang kung anong result ng investigation. Don't worry, I'll take care of it,” malumanay n'yang sabi. "Bakit aantayin pa. Wala na sina daddy at mommy, hindi ba iyon sapat na evidence?" irritable kong sabi. Malalim s'yang napabuntong-hininga. "Claire Andrea, lahat dumadaan sa investigation," saad nito parang paslit akong pinangangaralan. Hindi na ako umimik dahil tama rin naman si Angkol Redmond. Gusto ko lang naman mabigyan agad ng justice ang nangyari sa magulang ko kaya ganito ako umakto. "Naiintindihan kita," bulong nito kaya napalingon ako sa kaniya. Hindi nga lang ako tiningnan ni Angkol Redmond sa unahan lang siya nakatingin kaya nagkibit balikat na lamang ako.07 Claire Andrea Kinabukasan bumalik din sa ibang bansa ang Tita Carina at ang kapatid naman ng daddy umuwi na rin sa province nila dahil parehong mayroon trabaho. Malungkot dahil mag-isa na lang ako ngayon at tanging si Ate Lynda ang aking kasa-kasama. Ngunit kailangan kong magpatuloy kaya hindi ko namalayan dalawang linggo na rin ang lumipas simula ng mailibing ang magulang ko. “Claire, mamayang hapon darating daw si attorney Saures. Kahapon kasi tumawag dito sa bahay nasa school ka naman kahapon, kaya ngayon daw siya pupunta dahil sinabi ko na wala kang klase ngayon." “Sige po ate, wala naman po akong lakad ngayon araw kaya pwede po siya ngayon pumunta," masigla ko pang tugon sa Ate Lynda. "Tumawag din si Sir Redmond. Ano raw ang gusto mong pasalubong?" "Uuwi na po siya?" excited kong tanong sa Ate Lynda. Nagtataka pa ako dahil kung makatitig itong si Ate parang may ibig s'yang sabihin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil ganito naman si Ate, hilig n'ya akong
06Claire AndreaInantay kong makalabas ng tuluyan sa pintó si Ryza at saka ako nagpasyang lumabas. Ngunit bago ko pa mapihit ang doorknob. Bumukas iyon at si Angkol Redmond ang dumating.Hindi ba sila nagkita ni Ryza? Magagalit na naman ang fiancée niya kapag nalaman nandito si Angkol Redmond. Bakit kasi pinababayaan niya ang fiancée niya ako tuloy ang napagdidiskitahan.“Kanina pa kita hinahanap,” seryoso n'yang sabi habang nakakunot ang kaniyang noo."Bakit anong kailangan mo? Hinatid ko ang, Tita Carina,"“Hindi ko kayo nakita pumasok sa loob ng bahay. Sumama ka sa akin mayroon lang akong ibibigay sa iyo,""Angkol Redmond, please marami ka ng naitulong sa akin lahat ng gastos nila daddy at mommy kaya tama na po iyon."“May problema ba, Claire Andrea?" nagtanong pa talaga siya, seryoso? Magaling na negosyante pero hina maka-gets tsk.“Sa sunod mo na lang ibigay bakit mo iniwan sa labas ang madam Reana at Sir Edmond at fiancée mo,""Pinauwi ko na late na masyado bawal sa mommy sobra
05 Claire Andrea Pagdating ko sa labas. Hindi ako makatingin ng diretso kay Angkol Redmond. Pero alam ko pinanood niya ako habang naglalakad. Magkatabi sila sa upuan ng babae niya este, fiancée niya. Saglit kong tiningnan ang fiancée nito. Hindi maipinta ang mukha nito malala siguro ang away nila ni Angkol Redmond. Nakita ko si Ate Lynda at tauhan ng Angkol Redmond na dinala niya rito. Doon ako pumunta para sa kanila rin sumama. Natulog na kasi ang Tita Carina na tiyahin ng mommy ito kasi ang close ko maliban sa Ate Lynda. “Claire, kumain ka muna tara ipaghahanda kita ng pagkain,” saad ng Ate Lynda. “Ate, dumating po ba si Jason?” sa halip iyon ang sagot ko sa kaniya sabay inilibot ko ang aking mata hinahanap ko sa paligid baka narito pa. “Oo nga pala kanina pa three thirty. Hindi naman nagtagal at may iniwan pala mga notes mo raw iyon na hiniram sa kaniya.” “Nasaan ate? Gagawin ko kasi iyan para may ma-review ako kasi ang dami kong na-miss na exam,” tugon ko. “Si Sir Redmond
04Claire Andrea"Dad? Mom?" masaya akong napangiti at mabilis akong bumangon para salubungin sila. Totoo po ba ito? Buhay kayo ni daddy, mommy?" walang kasing saya na saad ko pagkatapos mahigpit na niyakap si mommy. Napangiti rin ako nang sumali si daddy niyakap n'ya kami pareho ni mommy.Hindi sila sumagot basta pareho lang sila nakangiti at marahang hinahaplos ang buhok ko. "Mommy I miss you so much," saad ko lalong sumiksik sa pagkakayakap ko sa kanila ni dad."I miss you too, baby," bulong ni mommy."I miss you too, princess," sabi naman ni dad. Iyan kasi ang palagi n'yang tinatawag sa akin kapag ganitong naglalambing ako sa kanila."Mahal na mahal ka namin," sabay na sabi nila at sabay rin na humalik sa buhok ko at naulinigan ko ang pag-iyak nila ni daddy."Mom? Dad? Bakit po kayo umiiyak?" tanong ko pagkatapos mahigpit ko pa ulit silang niyakap. "Mommy? Daddy?" gulat na gulat ako ng maramdaman ko lumuwag ang pagyakap nila ni Daddy."Mommy...." yayakapin ko sana ulit siya nguni
03 Claire Andrea "Claire, bago pala umalis si Sir Redmond, nagbilin magpahinga ka raw muna marami naman nag-aasikaso sa mga taong nagpupunta," Umiling ako kaya naningkit ang mata ni Ate Lynda. Nagpapunta si Angkol Redmond ng anim na tao galing sa mansyon niya. Kaya kasama namin ni Ate Lynda mag-asikaso sa mga naglalamay. "Ate Lynda, hindi ako inaantok," tugon ko kaya napapakamot siya sa ulo n'ya. Hindi ako makatulog kaya anong gagawin ko. "Hindi raw pero naghihikab ka?" nakairap n'yang sabi. "Wala naman siya at hindi naman n'ya malalaman. Chill ka lang Ate Lynda, dahil kayang-kaya ko pa. Kapag naman hindi ko na kaya matutulog ako," laban ko sa kaniya. "Pupunta pala ako ng kitchen kung hahanapin ako ng mga Tita at Tito," dagdag kong sabi. "May kukunin ka?" "Wala ate, nauuhaw lang ako," "Ikuha na lang kita—" "Ako na lang po," sabay nilayasan si Ate Lynda para hindi na makaangal. Pagdating ko ng living room may tumatawag sa phone ko. Nang makita ko na si Angkol Redm
02 Claire Andrea “Claire, tumawag si, Sir Redmond. Ang mommy at daddy mo raw sinugod sa hospital!" humahangos na pumasok sa k'warto ko si Ate Lynda. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kitang-kita ko namumula ang kanyang mata senyales na umiyak din ito. Natigilan siya nang makita akong puno ng luha ang aking mata. Mabilis n'ya akong nilapitan at niyakap. "Ate Lynda...w-wala na raw sina daddy at mommy. Ate....natatakot po ako dahil ang bata ko pa para mawalan ng magulang paano ko pamahalaan ang restaurant ni dad kung second year college pa lamang ako at wala pang kaalaman paano humawak ng negosyo," "Kaya mo iyan. Pakatatag ka Claire," tugon nito halata kong nagpipigil lang na umiyak. “Ate Lynda,” iyon lang ang bigkas ko sabay mahigpit akong na yumakap sa kaniya. Mamaya may nag-doorbell kaya umalis ako ng sa pagyakap kay Ate Lynda. “Tinawagan ako ni Sir Redmond kaya nalaman ko. Sasamahan kita magtungo sa ospital para mailabas ngayon ang mommy at daddy mo,” garalgal ang bose







