Share

Chapter 03

Author: JENEVIEVE
last update publish date: 2026-10-31 23:24:16

03

Claire Andrea

"Claire, bago pala umalis si Sir Redmond, nagbilin magpahinga ka raw muna marami naman nag-aasikaso sa mga taong nagpupunta,"

Umiling ako kaya naningkit ang mata ni Ate Lynda. Nagpapunta si Angkol Redmond ng anim na tao galing sa mansyon niya. Kaya kasama namin ni Ate Lynda mag-asikaso sa mga naglalamay.

"Ate Lynda, hindi ako inaantok," tugon ko kaya napapakamot siya sa ulo n'ya. Hindi ako makatulog kaya anong gagawin ko.

"Hindi raw pero naghihikab ka?" nakairap n'yang sabi.

"Wala naman siya at hindi naman n'ya malalaman. Chill ka lang Ate Lynda, dahil kayang-kaya ko pa. Kapag naman hindi ko na kaya matutulog ako," laban ko sa kaniya. "Pupunta pala ako ng kitchen kung hahanapin ako ng mga Tita at Tito," dagdag kong sabi.

"May kukunin ka?"

"Wala ate, nauuhaw lang ako,"

"Ikuha na lang kita—"

"Ako na lang po," sabay nilayasan si Ate Lynda para hindi na makaangal.

Pagdating ko ng living room may tumatawag sa phone ko. Nang makita ko na si Angkol Redmond. Hindi ko pinansin at diretso lang akong lumakad patungo sa kitchen.

Pagdating ko roon binalot ako ng lungkot lalo maraming alaala ang dining area na ito. Bakit kung sino pa ang mabait sila pa ang kinuha bakit hindi iyong mga criminal na walang puso.

Umupo muna ako sa dining table namin. Uminit ang aking mata dahil bigla kong naalala si Daddy at Mommy ang masaya naming pagsasalo ng almusal, kulitan sa tanghalian at chismisan sa dinner. Kaya impit na naman akong napaiyak.

"Claire may boyfriend ka na ba anak?" biro ni mommy.

"Mommy wala po," tugon ko.

"Dapat lang dahil kailangan muna nila pumasa sa akin bago kita payagan mag-boyfriend," nakataas pa ang kilay ni dad.

"Kung hindi lang kagaya sa ugali mo dad at kasing g'wapo mo. Nevermind na lang," kandahaba ang nguso ko habang nangatwiran sa daddy.

"D-daddy...mommy," bulong ko. Sumikip lang ang dibdib ko kaya tumayo muna ako para kumuha ng tubig.

Kasasarado ko lang sa ref at hawak ko pa ang tumbler ko nang nagitla ako sa pagtawag ni Angkol Redmond sa akin.

“Claire Andrea,” napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Angkol Redmond. Lagi itong naka buntot sa akin simula pa sa ospital. Medyo naiinis ako dahil siya ang nagdesisyon sa lahat pero dito sa burol. Pinauwi ko ang daddy at mommy sa bahay namin bale two days lang sa memorial chapel na pinili ni Angkol Redmond.

Pinagtalunan pa namin ito dahil gusto ko kahit na natutulog na sina daddy at mommy maramdaman pa rin nila nasa bahay sila bago man lang ihatid sa huling hantungan.

Napalunok ako ng seryoso s'yang pinagmamasdan ako. “May kailangan ka po Angkol?” pinaseryoso ko ang boses ko.

“Magpahinga ka muna—”

“Ayaw ko!” maagap kong sagot sa kaniya.

Napamasahe siya sa batok niya habang walang kangiti-nguti nakatingin sa akin.

“Kahit na two hours lang. Kagagaling mo lang sa trangkaso baka magkasakit ka naman sa ginagawa mo—”

“Mas gusto ko nga iyon para sumunod kina daddy at mommy,” saad ko sabay napatingala ako dahil bumuhos ulit ang luha ko.

Marahas siyang huminga pagkatapos mabilis akong nilapitan nagulat ako ng niyakap niya ako.

“Don't you dare to say that!" saad nito halos madurog ako habang yakap niya.

“Angkol Redmond, hindi po ako makahinga,” nauutal kong sabi. My God bakit ganito ang nararamdaman ko. Nawala lang sina mommy at daddy. Naiilang ako kapag madikit ang katawan ni Angkol sa akin. Dati naman yumayakap din ako pero hindi ako naiilang.

Natigilan ito mabilis akong binitiwan at tila kahit ito hindi rin makapaniwala sa ginawa n'ya. “Sorry, nag-alala lang ako dahil laging bukambibig ng daddy at mommy mo alagaan kita at ‘wag pababayaan,” bulong nito.

Napatda ako dahil tama si Angkol Redmond. Ilang ulit talaga nila mommy at daddy sinabi sa kaniya tuwing nadalaw siya rito. Hindi ko naman iyon binibigyan ng pansin kasi kahit nga si Angkol Redmond tinatawanan lang sina daddy.

“Hindi mo naman kailangan tuparin dahil malaki na ako.”

Umigting ang kaniyang panga kaya napayuko ako. Nagulat pa ako ng hawakan n'ya ang panga ko dahil inangat n'ya iyon kaya nagtama ang aming mata.

Hinaplos nito ang pisngi ko kaya kumunot ang aking noo. “Bata ka pa Claire Andrea at ‘wag mong ipilit ang gusto mo dahil kapag hindi ka sumunod ako ang magpapaspok sa iyo sa k'warto mo,”

“May inaantay akong darating!”

“Who?”

“Si Jason. Ngayon darating kaya mamaya na ako matutulog—”

“Iyong nanliligaw sa iyo?” saad nito halata ang inis kaya lihim akong natuwa nakaisip akong asarin siya.

"Maraming mag-aasikaso sa kaniya magpahinga ka muna—"

“Ayaw ko nga! Tatay ba kita para higpitan ako!” walang preno kong sabi.

“Magpahinga ka muna," mariin n'yang saad pagkatapos ay iniwan ako. Masama ang tingin ko sa kaniya masyadong bossy.

Nagmamadali akong sinundan ito pero bago ko pa ito maabutan may sumalubong na rito na maganda at sexy babae. Nakasimangot ako dahil masayang nakangti ang bagong dating na babae. Wait lang. Kaya ba umalis itong si Angkol Redmond dahil sinundo itong babae niya?

"Honey, siya na ba ang anak ni, Eric?" maarteng sabi nito kaya pinaikot ko ang aking mata.

Lumingon si Angkol Redmond nahuli ako nakaikot ang aking mata habang nakatingin sa babae, at dahil nakita na niya hindi na ako nagkunwari.

Naabutan ko sila lalampasan ko sana ngunit nahawakan ni Angkol Redmond ang braso ko.

"Ouch," masakit naman talaga dahil hinila n'ya ako.

"Ihahatid kita sa k'warto mo," malamig n'yang sabi para bang kahit anong paliwanag ko sa kaniya hindi n'ya iyon pakikinggan.

"Sabi ko may bisita akong darating," galit ang boses ko na sabi sa kaniya.

"Honey, mayroon naman pala inaantay hayaan mo na si, Claire,"

Pero hindi lang ito sumagot sa babae. Nagulat pa ako ng pinangko n'ya ako. "Angkol Redmond, bitiwan mo ako!" nauurat kong sabi ng mahimasmasan ako sa pagkagulat. Wala itong narinig nagtuloy-tuloy lang lumakad kaya nga pinalo ko na sa balikat n'ya, ngunit wala lang dito hanggang makarating kami sa k'warto ko at nilapag n'ya ako sa kama.

"Claire!" mariin n'yang sabi ng bumangon ako. Napalunok ako dahil kapag Claire, na lang ang tawag ni Angkol Redmond, ibig sabihin naubos na ang pasensya n'ya galit na ito sa akin.

Siya lang talaga ang tumatawag sa buo kong pangalan kahit ang dad at mom ko, Claire lang din ang tawag nila sa 'kin.

"Fine!" pagsuko ko kaya napa buntong-hininga ito. Pero kung akala n'ya makikinig ako sa utos n'ya hindi, ano? Aantayin ko lang makaalis at saka ako lalabas ng k'warto ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 07

    07 Claire Andrea Kinabukasan bumalik din sa ibang bansa ang Tita Carina at ang kapatid naman ng daddy umuwi na rin sa province nila dahil parehong mayroon trabaho. Malungkot dahil mag-isa na lang ako ngayon at tanging si Ate Lynda ang aking kasa-kasama. Ngunit kailangan kong magpatuloy kaya hindi ko namalayan dalawang linggo na rin ang lumipas simula ng mailibing ang magulang ko. “Claire, mamayang hapon darating daw si attorney Saures. Kahapon kasi tumawag dito sa bahay nasa school ka naman kahapon, kaya ngayon daw siya pupunta dahil sinabi ko na wala kang klase ngayon." “Sige po ate, wala naman po akong lakad ngayon araw kaya pwede po siya ngayon pumunta," masigla ko pang tugon sa Ate Lynda. "Tumawag din si Sir Redmond. Ano raw ang gusto mong pasalubong?" "Uuwi na po siya?" excited kong tanong sa Ate Lynda. Nagtataka pa ako dahil kung makatitig itong si Ate parang may ibig s'yang sabihin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil ganito naman si Ate, hilig n'ya akong

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 06

    06Claire AndreaInantay kong makalabas ng tuluyan sa pintó si Ryza at saka ako nagpasyang lumabas. Ngunit bago ko pa mapihit ang doorknob. Bumukas iyon at si Angkol Redmond ang dumating.Hindi ba sila nagkita ni Ryza? Magagalit na naman ang fiancée niya kapag nalaman nandito si Angkol Redmond. Bakit kasi pinababayaan niya ang fiancée niya ako tuloy ang napagdidiskitahan.“Kanina pa kita hinahanap,” seryoso n'yang sabi habang nakakunot ang kaniyang noo."Bakit anong kailangan mo? Hinatid ko ang, Tita Carina,"“Hindi ko kayo nakita pumasok sa loob ng bahay. Sumama ka sa akin mayroon lang akong ibibigay sa iyo,""Angkol Redmond, please marami ka ng naitulong sa akin lahat ng gastos nila daddy at mommy kaya tama na po iyon."“May problema ba, Claire Andrea?" nagtanong pa talaga siya, seryoso? Magaling na negosyante pero hina maka-gets tsk.“Sa sunod mo na lang ibigay bakit mo iniwan sa labas ang madam Reana at Sir Edmond at fiancée mo,""Pinauwi ko na late na masyado bawal sa mommy sobra

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 05

    05 Claire Andrea Pagdating ko sa labas. Hindi ako makatingin ng diretso kay Angkol Redmond. Pero alam ko pinanood niya ako habang naglalakad. Magkatabi sila sa upuan ng babae niya este, fiancée niya. Saglit kong tiningnan ang fiancée nito. Hindi maipinta ang mukha nito malala siguro ang away nila ni Angkol Redmond. Nakita ko si Ate Lynda at tauhan ng Angkol Redmond na dinala niya rito. Doon ako pumunta para sa kanila rin sumama. Natulog na kasi ang Tita Carina na tiyahin ng mommy ito kasi ang close ko maliban sa Ate Lynda. “Claire, kumain ka muna tara ipaghahanda kita ng pagkain,” saad ng Ate Lynda. “Ate, dumating po ba si Jason?” sa halip iyon ang sagot ko sa kaniya sabay inilibot ko ang aking mata hinahanap ko sa paligid baka narito pa. “Oo nga pala kanina pa three thirty. Hindi naman nagtagal at may iniwan pala mga notes mo raw iyon na hiniram sa kaniya.” “Nasaan ate? Gagawin ko kasi iyan para may ma-review ako kasi ang dami kong na-miss na exam,” tugon ko. “Si Sir Redmond

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 04

    04Claire Andrea"Dad? Mom?" masaya akong napangiti at mabilis akong bumangon para salubungin sila. Totoo po ba ito? Buhay kayo ni daddy, mommy?" walang kasing saya na saad ko pagkatapos mahigpit na niyakap si mommy. Napangiti rin ako nang sumali si daddy niyakap n'ya kami pareho ni mommy.Hindi sila sumagot basta pareho lang sila nakangiti at marahang hinahaplos ang buhok ko. "Mommy I miss you so much," saad ko lalong sumiksik sa pagkakayakap ko sa kanila ni dad."I miss you too, baby," bulong ni mommy."I miss you too, princess," sabi naman ni dad. Iyan kasi ang palagi n'yang tinatawag sa akin kapag ganitong naglalambing ako sa kanila."Mahal na mahal ka namin," sabay na sabi nila at sabay rin na humalik sa buhok ko at naulinigan ko ang pag-iyak nila ni daddy."Mom? Dad? Bakit po kayo umiiyak?" tanong ko pagkatapos mahigpit ko pa ulit silang niyakap. "Mommy? Daddy?" gulat na gulat ako ng maramdaman ko lumuwag ang pagyakap nila ni Daddy."Mommy...." yayakapin ko sana ulit siya nguni

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 03

    03 Claire Andrea "Claire, bago pala umalis si Sir Redmond, nagbilin magpahinga ka raw muna marami naman nag-aasikaso sa mga taong nagpupunta," Umiling ako kaya naningkit ang mata ni Ate Lynda. Nagpapunta si Angkol Redmond ng anim na tao galing sa mansyon niya. Kaya kasama namin ni Ate Lynda mag-asikaso sa mga naglalamay. "Ate Lynda, hindi ako inaantok," tugon ko kaya napapakamot siya sa ulo n'ya. Hindi ako makatulog kaya anong gagawin ko. "Hindi raw pero naghihikab ka?" nakairap n'yang sabi. "Wala naman siya at hindi naman n'ya malalaman. Chill ka lang Ate Lynda, dahil kayang-kaya ko pa. Kapag naman hindi ko na kaya matutulog ako," laban ko sa kaniya. "Pupunta pala ako ng kitchen kung hahanapin ako ng mga Tita at Tito," dagdag kong sabi. "May kukunin ka?" "Wala ate, nauuhaw lang ako," "Ikuha na lang kita—" "Ako na lang po," sabay nilayasan si Ate Lynda para hindi na makaangal. Pagdating ko ng living room may tumatawag sa phone ko. Nang makita ko na si Angkol Redm

  • Angkol Redmond's Secret Obsession    Chapter 02

    02 Claire Andrea “Claire, tumawag si, Sir Redmond. Ang mommy at daddy mo raw sinugod sa hospital!" humahangos na pumasok sa k'warto ko si Ate Lynda. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kitang-kita ko namumula ang kanyang mata senyales na umiyak din ito. Natigilan siya nang makita akong puno ng luha ang aking mata. Mabilis n'ya akong nilapitan at niyakap. "Ate Lynda...w-wala na raw sina daddy at mommy. Ate....natatakot po ako dahil ang bata ko pa para mawalan ng magulang paano ko pamahalaan ang restaurant ni dad kung second year college pa lamang ako at wala pang kaalaman paano humawak ng negosyo," "Kaya mo iyan. Pakatatag ka Claire," tugon nito halata kong nagpipigil lang na umiyak. “Ate Lynda,” iyon lang ang bigkas ko sabay mahigpit akong na yumakap sa kaniya. Mamaya may nag-doorbell kaya umalis ako ng sa pagyakap kay Ate Lynda. “Tinawagan ako ni Sir Redmond kaya nalaman ko. Sasamahan kita magtungo sa ospital para mailabas ngayon ang mommy at daddy mo,” garalgal ang bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status