Share

Chapter 32

Madeline's P. O. V.

Hindi ako sinundo ni Raven, hindi ko rin alam kung bakit ako naghintay sa kaniya. Nang pumatak ang 5 pm, umuwi akong mag-isa. Nag-taxi lang ako, habang pauwi ako ay dama ko ang pagod sa buong maghapon. Ang hirap mag-aral. Sa Thursday at Friday ay exam na namin, kailangan ko mag-review.

"Ma'am, nandito na po tayo sa subdivision, papasok po ba ako sa loob?" tanong ng driver.

Umayos ako ng upo.

"Opo, kuya. Pasok po kayo. Ituturo ko na lang po yung bahay."

Sumunod sa akin ang driver. Maayos at ligtas akong nakauwi sa bahay ni Raven. Matapos kong magbayad sa driver ng taxi ay bumaba na ako. Binuksan ko ang naka-lock na gate, matamlay kong kinuha ang susi ng bahay. Nang buksan ko ang pinto ay tahimik ang buong kapaligiran.

"Hindi pa pala siya umuuwi," bulong ko.

Akmang aapak na ako sa loob ng bahay pero nakita ko ang tsinelas na bigay sa akin ni Raven. Hinubad ko ang aking sapatos at sinuot 'yon.

"Wala namang ganito noon sa amin, na palaging nandyaan si Yaya para salub
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
thanks sa update...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status