Hindi man magsalita si Mateo, alam n ani Isaac na hindi na ito natutuwa sa pagdaan ng mga oras. Likas na maikli ang pasensya ng boss niya at hindi ito sanay na naghihintay. Dalawang tasa na ng matapang na kape ang naubos nito ngunit imbes na maging aktibo ito---tila lalong lumalim ang inis sa bawat galaw ng kamay ng malaking orasan na nakasabit sa pader.Hindi maisatinig ni Isaac pero hindi niya maiwasang magtanong. “Ano bang ginagawa ni Natalie? Sinasadya ba talaga niyang subukin ang pasensya ni sir?”Palubog na ang araw at humahaba na ang mga anino sa lobby ng family court, wala pa ring pinagbago, mabigat at tahimik pa rin ang atmospera doon. Paminsan-minsan ay sinisira ng malakas na pag-ring ng telepono ni Natalie ang katahimikan. Ngunit, ganoon pa rin. Wala pa ring sagot.**Alas singko na ng matapos ang kabuuan ng operasyon.“Naku po!” bulong ni Natalie sa sarili. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagmadali siyang maligo at magbihis. Pagkatapos ay tinungo ang opisina para kunin a
Kung tutuusin, hindi naman ito ang unang beses na pinuna ni Mateo si Natalie ng ganoon, kung meron mang hindi kumupas, iyon ay ang sakit ng mga salita galing sa kanya. Tumigil sa paghakbang palayo si Natalie. Mistulang napako siya sa kinatatayuan, litong-lito at muling sinubukan unawain kung saan nagmumula ang galit nito.“Mag-isip ka, Natalie! Ano nga ba ang hindi mo maintindihan?” Tanong niya sa sarili. Alam niyang nagkamali siya at alam niyang sa dami ng mga araw na pwede siyang magkamali----nataon pa sa araw na iyon.Umikot siya at humakbang pabalik kung nasaan ito at may sinseridad na nagsalita. “Mali ako dahil na-late ako at dahil sa akin, maantala ang mga plano niyo. Gusto mo bang magpa-reschedule ako para bukas ng umaga?”Humagalpak ng tawa si Mateo. Ang mukha ay nanatiling kalmado ngunit ang kanyang madilim na mga mata ay nag-aalab ng malinaw na mensahe ng pagkadismaya.“Busy akong tao, Natalie at hindi ko pwedeng pagbigyan kung kailan mo lang maisip na gawin ito. May kumpany
Magniningning ang mga mata ni Nilly sa determinasyon habang papalapit kay Natalie. Matagal na niyang kinukumbinsi ang kaibigan na ipaglaban ang karapatan nito. At kahit na may mga inaalok sa kanya si Mateo, alam ni Nilly na hindi to tatanggapin ng kaibigan. Pero ibang usapan kapag sarili niyang karapatan ang nakataya. “Come to think about it, dati, hindi ka lumalaban dahil alam mong wala kang panalo. Pero iba na ngayon---si Rigor mismo ang nagbukas ng pagkakataon para sayo. Senyales na ito galing sa universe, Nat! Kaya pakiusap, huwag mong sayangin ito!”Nag-alinlangan si Natalie, isang palatandaan ang paglalaro niya ng mga daliri sa kanyang kandungan. “Hindi ko lang maintindihan kasi, Nilly. Bakit ngayon? Nagbago na ba talaga siya? Hindi mawala sa isip ko na siguradong may dahilan siya.”“Eksakto!” Sang-ayon ni Nilly. “Isipin mo, kung may plano nga ‘yang tatay mo, may karapatan kang kunin ang nararapat na para sa inyo ni Justin. Nasa tamang gulang ka na at ikaw ang tumatayong guardia
“Rigor!” Sigaw ni Janet, nanggagalaiti ito. “Sinusubukan mo talaga ako!” Dinuro niya ang lalaki, ang mga mata ay nagliliyab. “Ikaw…paano mo nasasabi ang mga bagay na ‘yan? Baka nakakalimutan mo kung sino ang dahilan kung bakit maayos ang buhay mo ngayon? Lahat ng magagandang bagay na nangyayari sayo ay dahil kay Irene! Kung hindi dahil sa kanya, wala na ang lahat sayo! Ang lahat ng swerte na nangyayari sa pamilyang ito ay dahil kay Irene! Naiintindihan mo ba ako?”Tipid na ngumiti si Rigor sa kabila ng paghuhuramentado ng asawa. Inayos pa niya ang natabinging salamin at tinitigan ang babae ng mata sa mata. “Ganoon ba?”Malumanay ang kanyang boses ngunit sapat ang talim. “Hm, maaring ‘yan ang gusto niyong paniwalaan ko. Pero alam ko kung ano ang totoo. Noong gabing iyon sa Golden Palace, hindi si Irene ‘yon---kundi si Natalie.”Nanahimik ang buong silid at tila huminto ang oras kasabay ng bigat ng mga isiniwalat ni Rigor. Nawalan ng dugo ang mukha ni Irene at ng nagtangka itong magsali
Umupo muli ng maayos si Rigor matapos tanggihan ni Natalie ang alok na pagkain. Kalmado ito at maingat. “Kung ganoon, hintayin na lang natin na maihain ang hapunan bago tayo kumain ng sabay-sabay.”Habang sinasabi iyon, nanumbalik ang talim sa kanyang mga tingin at tumigil kina Irene at Janet na para bang pinapaalalahanan sila sa napagkasunduan nila. Pagkatapos ay kay Natalie naman. “Nat, wala ka bang sasabihin sa Tita Janet at sa kapatid mo?”Nanlumo si Natalie sa narinig ngunit inaasahan na niya ang senaryong iyon. Kailangan din niyang manatiling kalmado. Tipid siyang ngumiti at mahinahong sinunod ang utos ng ama.“Good evening po.”Ang ngiti ni Janet ay maaliwalas ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. Gaya ni Natalie, kailangan din niyang magpanggap na natutuwa kahit na naghihimagsik ang kalooban. “Mabuti at napilit ka ng tatay mo. Ang tagal na rin ng huli tayong magkasama sa pagkain, ano? Alam niyo, napakagandang pagkakataon talaga ng birthday ng tatay niyo para magkasama-sam
Hindi natutuwa si Mateo. Ang galit nito ay ramdam ng lahat, parang paparating na bagyo ngunit hinarap ito ni Natalie ng may ngiti na may panunuya. Dati ng naging ugat ng pagaaway nila noon si Rigor dahil inakala ni Mateo na may relasyon sila ni Natalie. Hindi rin malabong iyon ang tumatakbo sa isip nito ngayon nang makita siya. Dahil hindi niya maamin na anak siya ni Rigor at hindi babaeng bayaran, hinayaan niyang iyon nga ang isipin ni Mateo. Hindi naman niya inakalang darating ang araw na magkakaharap sila. Hindi rin mapakali si Rigor.“Wow, anak na ako ngayon ng matagal at mabuti niyang kaibigan,” napangiti si Natalie sa naisip. “Ito pala ang sinasabi niyang gusto niyang magkasama-sama kami.”Nag-alangan si Rigor at mabilis na umiwas sa mga mapanuring mata ni Mateo. “Natalie, Mateo…uhm…”naputol ang kanyang sasabihin at muling iniwas ang tingin mula sa matalim na tingin ni Natalie.Ayaw ni Natalie na maunahan pa siya kaya diretso siyang tumingin kay Mateo at ngumiti ng matipid. “Mag
Nanatili ang malamig na ekspresyon ni Natalie habang pabalik siya sa kanyang upuan. Walang emosyon na maaninag sa kanyang maputlang mukha. Nakasunod sa kanya si Mateo at ramdam pa rin ang masidhing titig nito sa kanya na tila sinusunog ang kanyang likod.“Natalie!”Ang boses nito ay puno ng pinaghalong galit at inis at umalingawngaw iyon mula sa likuran niya. Hindi niya ito pinansi, tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nanatiling taas-noo. Sunod niyang narinig ang mabilis na mga yabag na humahabol sa mga yabag niya ngunit hindi pa rin siya tumigil o lumingon.Hindi pwede.**Nang makabalik na siya sa mesa, agad na tumayo si Rigor at hinila ang silya papunta sa tabi niya. Ang kilos nito ay magiliw at masyadong sabik. “Dito ka na maupo, Natalie.”Nagulat man, magalang pa rin siyang tumango matapos magpasalamat. Walang alinlangan siyang naupo ngunit nanatiling maingat pa rin ang mga galaw.Nakabalik na rin si Mateo sa kabilang dako ng mesa at naupo sa dating pwesto. Nang makita nito ang gin
“Ah,” malakas na hikab ang pinakawalan ni Rigor. Mapulang-mapula na din ang mukha nito at hirap na itong makatayo ng tuwid. Iwinasiwas niya ang kamay sa era, senyales na suko na siya. “Hindi ko na kaya, Mateo. Talon na ako. Panalo ka na. Matanda na ako, hindi na ako dapat nakikipagsabayan sa mga bata pagdating sa inuman.” Dagdag pa nito ng may pilit na tawa.“Talaga ba?” sagot naman ni Mateo na may mapanuyang tono. Nanatili pa rin ang talim ng tingin. “Sayang naman. Gusto ko pa sanang uminom. Sayang ang espesyal na okasyon na ito at ang mga alak na inorder ko.”Samantala, kalmadong pinanonood lang ni Natalie ang mga nangyayari. Napanatili niya ang walang bakas na emosyon. Hanggat maari ay ayaw niyang makialam dahil iba naman ang pakay niya sa lugar na iyon. Tahimik niyang sinenyasan ang isang waiter at humiling ng mainit na tasa ng tubig. Nang dumating ang hininging tubig na mainit, maingat niya itong ipinwesto sa harapan ni Rigor.“Inumin mo ‘yan,” malambing na alok niya. “Makakatul
“Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat
Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n
“Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon
Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r