Natigilan si Natalie. Nagsimula ng kumulo ang kanyang sikmura at isang matinding alon ng pagsusuka ang sumiklab sa kanya ng napakabilis at hindi siya nakapaghanda. Mabilis niyang tinakpan ng kamay ang bibig at dali-daling tumakbo papunta ng banyo.“Saan ka pupunta?” Sinundan niya si Natalie, puno ng pagkabahala ang boses. “Wala kang tsinelas, Natalie!”Walang pangyapak si Natalie dahil binuhat niya ito kanina. Napagkasunduan nilang maglakad ito pero dahil nagdabog ang babae, binuhat niya ulit kaya nahulog ang suot nitong tsinelas.Nang marating niya ang pintuan ng banyo, si Mateo naman ang napatigil. Dahil ang eksenanang bumungad sa kanya ay naging rason para para mapasinghap siya. Nakayuko si Natalie sa inidoro, nanginginig ang maliit na katawan habang sinusuka ang laman ng kanyang sikmura.Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo.Hindi niya maintindihan. Nitong mga nakaraang araw, maayos naman itong nakakakain. Hindi na ito kagaya ng dati na nararanasan pa ang matinding morning sickn
Muling napuno ng alanganing katahimikan ang silid. Nakatayo pa rin sa gilid ng kama si Mateo, nakasiksik ang mga kamay sa bulsa ng pantalon habang pinagmamasdan si Natalie na lalong binalot ang sarili sa kumot. Kagabi pa masakit ang ulo niya, naglaho ito kahit paano dahil nakatulog siya sa study. Ngunit ngayon, nagsisimula na namang pumitik ang sentido niya.Parang hindi siya nakikita ni Natalie. Batid niyang sinasadya niya ito.Hindi bulag at lalong hindi manhid si Mateo---batid niyang galit ang babae.Ngunit pagod na siya matapos ng magdamag na pag-iisip. Ang daming nangyari kahapon at Milagro niyang maituturing na nalagpasan niya ang buong gabi ng hindi dumedepende sa alak. Maging ang sigarilyo ay hindi niya naubos kagabi. Masasabing ubos na ang lakas at pasensya niya para pagtiisan ang malamig na pakikitungo ng babae sa kanya ngayong umaga.“Bumangon ka at kumain bago matulog.” Utos iyon ngunit hindi matalim.Inilabas ni Natalie ang mukha mula sa kumot at tinitigan si Mateo na pa
Ramdam ni Mateo ang bigat na nasa balikat niya. Malamlam ang ilaw sa silid, ang tanging liwanag ay nagmula sa kanyang desk lamp na nagtatapon ng mahahabang anino sa pader. Niluwagan niya ang kurbata, binagsak ang pagal na katawan sa leather couch at mula sa drawer, kumuha ng isang kaha ng paborito niyang sigarilyo.Ang unang hithit ay nagbigay ng matinding hapdi sa kanyang mga baga ngunit tinanggap niya ito ng buong-buo.Dahan-dahang napuno ng puting usok ang paligid niya at hinayaan niyang palambutin nito ang matatalim na sulok ng kanyang isip. Gaya ng usok na ibinubuga, malabo rin ang utak niya---hitik na hitik ng alingasngas na hindi niya mahanapan ng kasagutan.“M-mateo…ang baby natin…ang baby…”Naririnig pa rin niya ang mga katagang iyon. Ang pira-pirasong hikbi ni Irene.Mariin niyang hinigpitan ang hawak sa sigarilyo at nakagat ang pang-ibabang bahagi ng labi, hanggang sa maramdaman niya ang kirot sa kanyang panga.Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang boses ng kanyang l
Kailangan niya ng sagot. “Irene, tinatanong kita. Totoo ba?”Matigas ang kanyang boses at mahigpit na kinokontrol ang matinding emosyon. Pero ang kanyang kamao ay nakasara, isang malinaw na senyales ng tumitindi niyang galit.Napakagat-labi si Irene. Iniiwas niya ang tingin. “Kahit totoo ang sinabi ni mommy…hindi naman ibig sabihin ‘non na si Lolo Antonio talaga ang may kagagawan…”“Hmph! Hindi pa ba sapat na ebidensya ‘yan?” Singhal ni Janet. Matalim ang boses at puno ng paninisi. “Sino pa ba ang hindi tanggap ang bata kundi ang matandang ‘yon?”“Mommy…please…” mahina ang pagtutol ni Irene, halatang takot sa ina.Napuno ng tensyon at pag-aaway ang silid. Mabigat ang hangin---nakakasakal. Mariing pumikit si Mateo, huminga ng malalim at tumayo.Wala siyang panahon para sa ganitong gulo. “Magpahinga ka na, Irene.”Walang emosyon ang kanyang tinig, pero ang paninigas ng katawan ay nagsasabing hindi siya titigil hanggang hindi niya nalalaman ang totoo.Pagkaalis ni Mateo, agad na hinawaka
“Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat
Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n
“Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala