Share

Ava's Playful Boss
Ava's Playful Boss
Author: itsloveren

Chapter 1

Selene is calling you…

Walang tigil ang cellphone ko sa pagtunog. Kanina pa kasi tumatawag ang girlfriend ng boss ko at hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin dito.

For Pete's sake, answer the phone!

Hindi na siguro nakatiis ito at nagsend na lang ng text sa akin. Pero ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya? Na ang boss ko ay nasa loob ng opisina nito at may kasama na namang ibang babae?

Isasara ko na sana ang message nito ng bigla na namang nagring ang cellphone ko.

"Ay, sh*t!" Napamura ako dahil nagkamali pala ako ng pindot at imbes na isara ay na-accept ko ng hindi sinasadya ang tawag nito.

Patay! Lagot ako nito. Wala na akong choice kung hindi ang kausapin si Selene.

"I know that you're listening. Give this goddamn phone to Ethan!" Ni hindi man lang ito nag hello sa akin at agad na lang na sumigaw sa kabilang linya.

Kilala ko ang babae kung magalit. Nagsasalubong ang mga kilay nito. Matapang at ubod ng taray pa. Napalunok ako ng napakalalim bago sumagot.

"Hello, Selene. N-nasa meeting lang si Ethan. Mamaya ay..."

"What are you talking about?! May usapan kaming magkikita sa hotel ngayon. I’m calling him a hundred times! Where is he?!" Matining na sigaw nito na halos magpabingi sa akin. Naiimagine ko na tuloy ang itsura ng mukha nito na nanlilisik na siguro ang mga mata sa galit.

"I will tell you one last time. Give the phone to him now!" Muling sigaw nito ng hindi ako sumagot.

"Y-yes. S-sandali lang." Sagot ko na lang ng dahil sa pagkataranta.

Si Selene Hernandez ang long time girlfriend ng boss ko. Hindi pa ako nagtatrabaho doon ay magkasintahan na daw ang dalawa. Syempre ay maganda ang babae, mayaman at matalino. Business partner ng mga Dela Torre ang pamilya nito kaya naman parang match made in heaven ang dalawa. Yun ay kung sana ay matino ang boss ko kaya lang ay hindi.

Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nahuli ni Selene ang boss ko na may kasamang ibang babae. Ewan ko ba at bakit hindi nito maiwan iwan ang boss ko. May pinag aralan naman ang babae, nakapagtapos ito ng kursong Law pero hindi nakapagpractice dahil sa mas pinili nito ang tumulong sa pag mamanage ng mga negosyo ng pamilya nila.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng opisina ni Ethan at idinikit ang tainga doon. Bahagya pang nakauwang iyon kaya dinig kong lalo ang halinghing ng dalawa sa loob.

Napakunot noo naman si Trinity, ang secretary ng boss ko na ngayon ay nakaupo sa desk nito sa hindi kalayuan.

"Ano bang ginagawa mo dyan?" Tanong nito habang pinagmamasdan ako.

"Pssh." Saway ko dito. Agad naman nitong nakuha ang ibig kong sabihin at bumalik na lang sa ginagawa.

"F*ck Ethan! Harder!" Dinig kong sigaw ng babaeng kasama ni Ethan sa loob.

"You are driving me crazy!" Ganting sigaw naman ng boss ko kay Miley.

Ay nako. Paano ko ba iistorbohin ang lalaking ito sa ginagawa?

"What the f*ck is happening?!" Kahit na malayo sa tainga ko ang cellphone ay dinig ko ang sigaw ni Selene.

"Ah. E-eto na matatapos na ang meeting nila." Pagsisinungaling ko na naman.

"I don't believe you. Kung hindi mo siya ipapakausap sa akin ngayon, I will go there right now!" Pagbabanta nito sa akin. At dahil doon ay nataranta na nga ako. Lagot ako sa boss ko pag hindi ko napigilan ang babae sa pagpunta sa opisina nito.

Sa pagkabigla ay napadausdos ako sa pinto na agad na bumukas. Pumalo pa ang pinto sa dingding na ikinabigla ng dalawang ngayon ay halos hubo't hubad na. Magkasabay na napalingon sa kinaroroonan ko ang mga ito.

Halos manlaki ang mga mata ko sa nakitang posisyon ng dalawa. Nasa kalagitnaan ang dalawa sa pagniniig. Ang babae ay nakaupo sa mahabang desk habang si Ethan naman ay nakahawak sa mga binti nito at… alam niyo na. Ayoko na lang idescribe dahil ang sagwa talaga. Ako naman ay muntik ng matumba pero buti na lang at agad akong nakahawak sa seradura ng pinto.

"Ava?" Napatingin ako sa mukha ni Ethan na halatang gulat din sa pagdating ako.

Ako nga pala si Ava Mae Castillo. Ava na lang for short. Ako ang personal assistant ng lalaking ito na n*******d ngayon sa harapan ko. At yun naman ang isa sa daan daan atang babae niya na si Miley.

Hinire ako ng ama ni Ethan Dela Torre na si Sir Roberto Dela Torre. Gusto kasi niyang mabantayan ang nag-iisang anak sa bawat galaw nito. Walang nagtatagal na bodyguard kay Ethan dahil lagi nitong nakakasuntukan o nakakaaway ang mga iyon.

Mayabang, brusko at bastos ang boss pero hindi sa mga babae. Kilalang womanizer ito, kilabot ng mga kababaihan. Kaya naisipan ni Sir Roberto na maghire na lang ng babaeng assistant nito at ako nga yun.

Ito kasi ang magiging tagapagmana sana ng mga negosyo ng pamilya nila. Kilala ang pamilya Dela Torre sa mga pharmaceutical at courier company nito sa buong bansa.

Malas nga lang dahil ang unico iho nito ay isang babaero, tamad at puro kalokohan lang ang alam sa buhay. Binigyan ito ng mataas na posisyon sa kumpanya nila pero wala naman itong ginagawa kung hindi ang magbilang lang ng mga babae.

Alam ko yun dahil ako ang naghahawak ng lahat ng schedules and appointments nito na kadalasan naman ay puro dates lang sa mga babae ang laman. Ang galing diba?

Pero wala naman akong pakielam dahil mataas ang sahod ko dito. Eh paano nga ba ako napasok sa trabaho na ito? Tapos naman ako ng kursong Office Administration sa isang kilalang unibersidad. Bakit ba ko napadpad sa pagbabantay sa isang spoiled brat at babaero na si Ethan Dela Torre?

"Ava! What the hell?" Muling bumalik ang katinuan ko ng madinig ang sigaw ng boss. Dumako ang mga mata ko sa nagbibihis nang babae na kanina lang ay nakabalandra ang buong katawan.

"Sabi kong walang iistorbo sa akin, diba?" Dagdag pa nito.

"Ah. Sorry Ethan. Si..." Halos pabulong kong sabi habang lumapit ng bahagya sa boss.

Alam kong nakikinig ang girlfriend ng boss sa kabilang linya kaya naman minuwestra ko na lamang na naintindihan naman agad nito. Itinaas nito ang nakababang pantalon nito bago humarap sa akin. Oo, nakabuyangyang ang puwitan ng boss ko kanina pa pero promise hindi ako tumingin.

Mabilis na hinablot nito ang cellphone mula sa kamay ko at lumabas ng opisina.

"Hi honey." Dinig ko pang sabi nito sa kausap bago tuluyang makalabas.

"Is that his girlfriend again?" Napalingon ako kay Miley na tapos na palang magbihis at ngayon ay nagreretouch na ng lipstick nito.

Pinagmasdan ko ang babae na ubod ng puti ang balat at payat ng katawan. Sigurado akong model na naman ang isang ito at nakilala ng boss sa isang bar. Makapal ang make-up nito at amoy na amoy ko ang matapang nitong pabango.

“Ah oo. Halika itatawag na kita ng taxi." Aya ko na lang dito dahil halatang dismayado ang mukha nito.

"Oh, well." Sagot nito bago hatakin ang handbag na nakapatong sa sofa.

Sabay na kaming naglakad palabas ng hallway ng building. Higit na mas matangkad ang babaeng kasama kaysa sa akin, nakasuot pa nga ito ng heels.

Ang hindi ko maintindihan ay bakit nagkakandarapa ang mga babaeng tulad ni Miley sa isang lalaki na tulad ng boss ko. Oo, gwapo si Ethan, matipuno, mayaman, matangkad at malakas ang dating. Pero sablay naman sa ugali. Sobrang babaero talaga kaya kung ako ang papipiliin? Ay, hindi ako maghahabol sa lalaking tulad nito.

“She left already?” Bungad na tanong ni Ethan ng makabalik na ako sa opisina nito. Nakaupo na ito sa mahabang lamesa nito na nakatalikod sa full glass window ng kwarto. Tanaw pa ang magandang tanawin ng siyudad.

Tumango lang ako bago kunin ang cellphone ko na nakapatong sa harapan nito.

"I told you not to answer Selene's call." Mahinahon na sabi nito sa akin bago pa ako makatalikod. Moody ang boss ko at sanay na ako dun. Galit ito kanina at ngayon naman ay parang maamong pusa sa isang iglap.

"Alam ko pero napindot ko kasi. Hindi ko sinasadya.” Pagdadahilan ko habang nakatayo sa harap nito.

Tinignan ko ito habang nakaupo sa magarang desk nito. Gulo pa ang buhok, malalalim ang mga mata kakapuyat sa pag-iinom at halatang ilang araw ng hindi nag-aahit. Rugged look ‘ika nga, yung mukhang hindi naligo pero saksakan pa rin talaga ng gwapo. Nakalong sleeves ito na kulay light blue na bahagyang nakatupi. Moreno ito kaya naman lalong nagpapalakas ng dating nito.

Dumiretso ito ng upo, inilapag ang mga kamay sa mesa at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Fine. Just be careful next time, okay?" Tipid pa itong ngumiti kaya lumitaw ang mapuputi at pantay na mga ngipin na lalong nagpapa gwapo sa lalaki. Hindi ko mapagkakaila na iba talaga ang dating nito kaya naman maraming nabibihag na mga babae. Ngiti pa lang ay talaga namang makalaglag panty na.

"Okay, Ethan. I have to go, may pinapakuha kasi ang Daddy mo para daw sayo." Pagpapaalam ko at lumapit ako sa desk ko para maupo. Shinut down ko na muna ang laptop bago muling tumayo.

"What is it? Do you want me to go with you?" Alok nito sa akin na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Sa tatlong taon ko sa kumpanya ay sanay na sanay na ako sa mga titig nito na parang binabasa lagi ang pagkatao ko.

"Ay hindi na. May meeting ka daw ng 3pm sabi ni Trinity.” Pagpapaalala ko pa sa boss.

"Oh, yeah. I almost forgot." Tumingin ito sa relo niya bago napabuntong hininga. Alam kong ayaw nito ang ginagawa pero napipilitan lang dahil na rin sa request ng Daddy niya.

Ay ewan ko sayo, Ethan. Yun na lang ang nasabi ko sa sarili. Lagi naman kasi akong naiipit sa kalokohan nito. Minsan nga ay pakiramdam ko na may alaga akong bata. Kadalasan ay ako ang humaharap sa mga babae nito kapag ayaw na niya o pinagsawaan na niya. Ang hirap mag-imbento ng palusot o dahilan.

Pero masaya naman ako sa trabaho ko. Magaan lang at madalas naman ay nasa opisina lang. Hindi ko din ramdam ang pagiging boss nito dahil halos wala din naman masyadong iniuutos ito. Ayaw din nitong tawagin ko siyang boss o sir man lang.

"Good afternoon, Sir Roberto." Bati ko sa matanda. Naabutan ko itong nakaupo sa sala ng halos malamansyon nilang tirahan.

"Good afternoon, Ava. Kumusta? May ginawa na naman bang kalokohan ang anak ko?" Agad na tanong nito dahil halos lahat naman ay inirereport ko sa matanda. Kaya alam nito ang lahat ng tungkol sa mga babae nito. Napapailing na nga lang ito at naiitindihan naman daw niya. Ang mahalaga daw ay natututo ito sa pagpapatakbo ng negosyo nila.

Napabuntong hininga na lang ako bilang sagot at alam kong alam na nito ang ibig kong sabihin.

"Sir, ano po pala yung ipapadala niyo para kay Ethan?" Pagpapaalala ko. Gusto ko na din kasing makabalik agad sa opisina ng makauwi na din ng maaga.

“Well I want you to give this to him.” Sagot nito bago iabot ang isang envelope. Saglit kong pinagmasdan iyon, mukhang confidential ang laman nun kaya naman hindi na ako nagtanong pa.

Pinagkakatiwalaan ako ni Sir Roberto. Pero bakit nga ba ako napunta sa trabaho kong ito?

Ang nanay ko ang mayordoma sa bahay ng mga Dela Torre noon. Malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa kanila dahil halos sila nga ang nagpaaral sa akin. Pero ng makagraduate ako at makapasok ng trabaho bilang secretary sa isang communications company ay pinagresign ko na si nanay. Pero madalas ay bumibisita pa rin ito sa bahay ng mga Dela Torre para mangumusta.

Halos anak na rin kung ituring nito si Ethan dahil napakabait nga ng mag-anak sa kabila ng mataas na estado nito sa buhay. Madalas ko na ding makita si Ethan kahit noong mga bata pa kami at nakakalaro ko pa.

Pero isang araw nga ay bumisita kami doon ni nanay ng biglang alukin ako ni Sir Roberto ng trabaho. Gusto daw nila akong ihire bilang personal assistant ni Ethan dahil ayaw nilang kumuha ng hindi nila kakilala. Katabi nito noon si Ma'am Charita, ang asawa nito.

Tahimik si Ma’am Charita. Lagi ay ngumingiti lang ito at nakaupo sa tabi ni Sir pero bihirang magsalita. Kahit si nanay ay sinabing bihira nga niya ding makausap ang babae.

Tungkol naman sa inalok na trabaho ng mag-asawa sa akin ay sa totoo lang ay ayaw ko nga sanang tanggaping pero sa pangungumbinsi ni nanay ay napapayag na nga din ako. Isa pa ay dinoble nga nito ang sahod ko sa dati kong pinagtatrabahuhan. Sino ba naman ang makakatanggi sa offer na ganun?

Nang makabalik sa opisina ay agad akong sinalubong ni Trinity. Halos isang taon pa lang itong magtatrabaho doon at mas higit na bata sa akin. Siguro ay 22 lang ang edad nito samantalang ako ay 25 na. Mahinhin at laging nakangiti, magiliw at mabait ito kaya naman naging kaclose ko na rin. Maganda ang mukha nito at ang hubog ng katawan. Sabagay, wala naman atang hindi maganda sa kumpanya na yun at halos lahat ng empleyado ay babae. Si Ethan pa? Eh kilalang womanizer ang lalaki.

"Wala si sir, umalis na."

"Ha? Saan pumunta?" Taka kong tanong. Ang alam ko ay wala naman itong ibang appointment sa araw na yun.

"Hindi ko alam. Pagkatapos ng meeting niya ay umalis na eh." Sagot nito bago bumalik sa upuan niya at may tinype sa kaharap na computer.

Siguro ay umuwi na ang boss dahil wala naman ng gagawin sa opisina. Madalas naman ay ganun yun. Tatawagin lang ako nito kapag may kailangan.

        

Tumalikod na ako para pumasok sa opisina. Gulo-gulo pa ang mesa nito na kanina lang ay nakapatong ang babaeng kahalikan ng boss. Inayos ko lang ang mga gamit na nalaglag bago ipatong sa mesa ang envelope na galing sa ama nito.

Napatingin ako sa malaking wall clock na nasa dingding. Alas-5 na din pala ng hapon. Siguro maya-maya ay magsisiuwian na din ang ibang mga kaopisina ko.

Minasdan ko muna ang paligid at ang magandang tanawin sa labas. Maaliwalas at malaki ang opisina. Puting-puti ang mga dingding at ceiling nito pero itim naman ang flooring. Elegante ang dating na binagayan pa ng mga puti ding furnitures na may touch ng itim. Sa gilid ng itim na mesa nito ay ang mahaba at mataas na book shelve. Napakarami at sari-saring mga libro ang nandoon na malamang ay hindi naman binabasa ng boss ko. Marami din doong mga simpleng dekorasyon na puti at itim lang din ang kulay.

Maganda ang theme ng opisina nito, very masculine. Sa kabilang gilid naman ay ang munti kong mesa na kulay puti.

Maya-maya ay nainip na din ako kaya naisipan ko na lang na umuwi na.

Ethan, I’m leaving. Please message me kapag may kailangan ka.

Agad na sinend ko ang message na yun sa boss. Kapag wala na ito ay pwede naman na akong umuwi.

Pagsakay ko sa bus pauwi sa amin ay nagring ang telepono ko.

"Hi, love. Nasaan ka na?" Bungad sa akin ng boyfriend ko na si Ian. Yes, may boyfriend na po ako.

"Kakasakay ko lang ng bus. Ikaw?” Malambing pero mahina kong sagot. May katabi kasi ako sa bus na matandang tulog at ayoko na makaistorbo.

"I’m still at work. Do you want to have dinner later?" Tanong nito sa malumanay na tono.

Si Ian ay nobyo ko simula pa lang nung college kami. Siya ang una kong boyfriend at sana ay ang huli na din. Maalaga ito at sweet sa akin. Nagtatrabaho ito bilang Manager sa isang kilalang restaurant sa Makati. Ang opisina naman namin ay nasa Pasig.

Sa loob ng anim na taon ay naging maganda ang relasyon namin kaya naman alam ko na siya na ang para sa akin. Inaantay ko na nga lang na ayain ako nitong magpakasal.

"Wag na, love. Sa susunod na lang, alam kong pagod ka na. Pauwi na din kasi ako." Tanggi ko sa boyfriend. Ayoko naman kasing mapagod ito sa byahe tapos ay late na makakauwi sa kanila.

Maaga itong pumapasok sa restaurant at madalas ay late na din kung umuwi. Bihira na kaming magkita simula ng malipat ito sa restaurant na yun isang taon na ang nakaraan. Pero okay lang sa akin dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon nito.

"Okay. Text me pag nakauwi ka na.” Bilin nito sa akin.

"Okay. I love you.” Malambing kong sagot.

"Love you, too." Sabi nito bago ibaba ang tawag.

Wala na nga akong hihilingin pa sa buhay ko. Maayos ang pamilya ko, maganda ang trabaho at masaya ang love life.

Siguro kung may kulang sa buhay ko ay ang pagkakaroon lang ng isang ama. Noong mga bata palang kasi kami ay iniwan na kami nito para sumama sa ibang babae. Simula nga noon ay wala na kaming nadinig na balita mula sa ama. Hindi na din kami nagtangkang hanapin pa ito dahil mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.

Naging mahirap ang buhay namin noon kaya naman ang nanay ko ay napilitang pumasok bilang kasambahay na kalaunan ay napromote sa pagiging mayordoma. Malaki nga ang naitulong ng pamilya Dela Torre sa amin lalo na ang sa pagpapaaral sa akin.

Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Ang kapatid ko na si Jeremy ay nasa high school na at si Angela ay nasa college na ngayon. At dahil nga nagtatrabaho na ako ay ako na ang nagpapaaral sa mga kapatid ko. Kaya laking pasalamat ko sa pamilya Dela Torre dahil sa pagtulong nito sa amin ng nanay ko.

Naalala kong bigla nung tuwing nasa bahay kami ay nakakalaro ko pa ang batang si Ethan. Tatlong taon lang ang tanda nito sa akin. Naalala ko nung elementary pa lang kami ay kalaro ko pa ito ng tagu-taguan at bahay-bahayan. Kasama ang ibang bata na anak ng mga kasambahay din nila ay ginagawa naming playground ang malaking garden nila.

Mabait naman si Ethan noong bata pero may pagkabully. Naalala ko pa ng minsang naglaro kami ng tagu-taguan ay nilock nito ang cabinet na pinagtataguan ko. Halos maihi ako noon sa takot kaya hindi ko makakalimutan iyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe nmang pagka babaero pala ng boss mo ava
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status