Share

Chapter 2

"Ava, may appointment ba si sir sa hapon?" Tanong ni Trinity ng madaan ako sa mesa nito isang umaga.

Lahat ng schedule ni Ethan ay dumadaan muna sa akin. Para sigurado na walang conflict sa ibang meetings nito.

"Meron daw siyang date kay Selene mamaya eh.” Sagot ko pero hindi din ako sigurado kung mamaya na nga ba yun o bukas pa.

"Alam mo ba kung anong oras?” Sunod na tanong ng secretary.

"Wait lang ah. Ichecheck ko muna sa calendar niya." Para sigurado lang. Kaya agad akong pumasok sa opisina ng boss.

Naabutan ko itong may kausap sa telepono habang nakataas pa ang mga paa sa mesa. Parang hindi boss kung gumalaw eh. Dinig ko pa ang malakas na tawa nito bago ako pumunta sa mesa ko. Agad kong binuksan ang laptop para tignan ang calendar nito.

Lumakas pa ang tawa ni Ethan kaya napalingon akong muli dito.

"Yes, darling. I really do. Do you know what I miss about you the most?" Sabi pa nito sa kausap bago umayos ng upo.

Napalingon din si Ethan sa akin at ngumiti. Mabait naman ito sa akin dahil nga kapamilya na ang turing sa amin. Hindi nga ako magawang bastusin nito tulad ng ginagawa nito sa ibang babae dahil tiyak na magagalit ang Daddy nito sa kanya.

Pinagmasdan ko ang mukha nito. Sa totoo lang ay sawang sawa na ako sa mukha nitong gwapo. Mas madalas ko pa itong nakikita kaysa sa boyfriend ko. Himala at bagong shave ito ngayon. Nagmukha tuloy na mabango. Ah sabagay, kikitain nga pala nito ang girlfriend niya na si Selene mamaya.

Nang makita ang schedule ng boss sa araw na yun ay tumawag na lang ako kay Trinity dahil tinatamad na akong lumabas pa ng opisina.

 

“Yeah? I can take you to dinner tonight, baby. What do you think?”

Baby naman ngayon? Kanina lang darling ang tawag sa kausap nito ah. Lumingon akong muli dito at napansin ko ang envelope na inilagay ko sa mesa nito kagabi. Mukhang hindi man lang nagalaw iyon.

At dahil busy ito sa pakikipaglandian sa telepono ay minuwestra ko na lang na buksan nito ang envelope sa harapan niya. Baka kasi importante o urgent ang laman nito.

Napakunot ang noo nito sa akin at medyo natagalan bago nito nagets ang gusto kong sabihin. Tumango ito pagkatapos ng ilang segundo at agad nga na binuksan iyon.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang dumilim ang mukha nito pagkakita sa laman niyon. Nakita ko ang pagbabagong bigla sa ekspresyon ng mukha nito.

“I will call you back.” Paalam nito sa kausap at nagdial ng numero sa cellphone.

Ano kaya ang nangyari dito? Bumalik na lamang ang tingin ko sa computer na kaharap at napansing lumabas ito dala ang envelope.

Ava, I need you to clear up Selene’s stuff from my condo. ASAP!

Alas-8 na ng gabi at kasalukuyan akong nanonood ng pelikula ng tumunog ang cellphone ko. Halos mapatalon ako sa nabasang text ni Ethan.

ASAP? Ibig sabihin ba ay ngayon na?

Tiningnan ko ang damit, nakashorts pa ako ng maikli at t-shirt na pambahay.

ASAP means NOW!

Sunod na text nito na parang nabasa ang nasa isip ko. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumayo. Pagkasuot ng flip flops kong kulay pink ay halos mapatakbo na ako palabas ng bahay.

Tiyak na may babae na namang dadalhin ang boss sa condo niya. Kaninang hapon lang ay kasama nito si Selene at ngayon naman ay ibang babae na. Talagang damay ako lagi sa kalokohan niya eh.

Buti na lang at may dumaan kaagad na taxi at halos paliparin nito ang sasakyan dahil sinabi kong may emergency ako. Halata naman kasi sa itsura ko na nagmamadali ako. Sino ba namang babae ang lalabas ng ganito ang suot?

Pagkahinto pa lang sa harap ng Fort Adelaide kung saan nakatira ang boss ay mabilis na akong humakbang pababa. Pero syempre ay nagbayad muna ako.

Dire-diretso lang ako sa lobby at tinanguan ang mga gwardya at receptionist ng gusali. Kilala na kasi ako doon dahil lagi naman akong pumpunta sa condo unit nito at hindi ito ang unang beses na nangyari ang tulad nito.

May duplicate ako ng susi kaya nagmamadali na akong pumasok doon. Bumungad sakin ang makalat nitong condo.

Malaki ang unit ni Ethan, 2 bedroom and 2 baths at may balcony pa. Ang isa ay ang master’s bedroom ang isa naman ay ang guest room. Malapad din ang open kitchen nito at malawak ang sala na may 360 view ng siyudad. Nasa 21st floor ito at bukas ang lahat ng kurtina kaya naman tanaw ang magandang city lights.

Halos mapangiwi ako sa sakit ng maapakan ang isang matulis na bagay. Pagtingin doon ay corkscrew pala. Gwapo nga ang boss ko pero burara naman.

Napabuntong hininga na lang ako bago nagmamadaling sinupin ang mga gamit na pwede kong itago. Kumuha ako ng isang garbage bag at isa-isang inilagay dun ang gamit ni Selene. Madalas kasi ay nagsstay dun ang babae kaya naman marami-rami na din ang mga gamit nito doon.

Mula sa mga pictures, make-up, sapatos, damit at toiletries nito ay pinaglalagay ko lang sa plastic. Aayusin ko na lang muli mamaya o bukas kapag umalis na ang babae nitong kasama.

Halos mapatalon ako ng madinig ang seradura ng pinto. Andito na sila kaagad? Mabilis kong tinali ang garbage bag at nagtago sa gilid ng pinto ng guest room. Sigurado naman na tutuloy ang dalawa sa master’s bedroom.

Pagpasok pa lang ng dalawa ay agad na nagtukaan na ang mga ito at halos hubaran na ni Ethan ang babae. Napatulala ako sa babaeng ngayon ay kahalikan ng amo dahil napakaganda nito. Blonde ang buhok at halatang hindi ito pinay.

Halatang gigil na gigil nga si Ethan sa pagpisil nito sa katawan ng babae at sa paraan nito kung halikan ang kasama. Ilang beses ko na bang nakita ang boss na may kahalikan? Ay, hindi ko na nga mabilang.

Aantayin ko na lang sila na pumasok na sa kwarto para makalabas na. Gusto ko nang umuwi at nang makatulog na sana.

Nakasilip lang ako mula sa gilid ng pinto para makita ko sila agad kapag pumasok na. Pero hindi ko inaasahan na igigiya pa nito ang babae sa sofa para doon ituloy ang halikan.

Ano ba naman yan? Matagal pa ba ang dalawang ito? Malapit na kasi akong masuka sa nakikita. Lislis na ang suot na dress ng babae at panay na ang hagod ni Ethan sa napakaputi nitong hita. Ang manyak talaga ng boss ko kahit kailan. Saan naman kaya niya nakilala ang babaeng iyon ngayon?

Tinignan ko ang cellphone para makita ang oras. 9:30 na pala ng gabi kaya parang inaantok na ako. Alas-10 pa lang kasi ay natutulog na ako kapag may pasok sa trabaho kinabukasan.

Itext ko na lang kaya ang boss para malaman nya na nandito pa rin ako? Kaya lang ay sigurado naman na hindi nito papansinin ang tunog ng cellphone nito ngayon. Ay ang hirap naman.

Siguro ay libangin ko na lang ang sarili habang inaantay ang dalawang matapos sa ginagawa nila. Alagay naman kasing panuorin ko sila, para naman akong namboboso nun.

Natawa ko sa naiisip kong iyon. Ang weird ng trabaho ko noh?

Dahan dahan akong sumalampak sa sahig at binuksang muli ang cellphone ko.

Nakakatawa pero meron akong listahan ng mga babae ng boss ko sa G****e sheet ng cellphone ko. Agad kong binuksan iyon para iupdate. Kaya ako mayroong ganito ay minsan na kong muntik na mapahamak ng nalito ako sa mga pangalan ng mga babae nito.

Nang matapos magloading ay agad akong nag add ng column sa ibaba. Iaadd ko ang detalye ng bagong babae ni Ethan.

Name? Unknown

Age? Unknown

First date? March 15

Hair color? Blonde

Nationality? Unknown (Maybe Russian?)

Skin color? Pale White

Eye color?

Muli akong sumulyap sa sala para sana makita ang kulay ng mga mata ng babae. Pero halos mapasigaw ako sa nakita. Buti na lang ay agad kong natakpan ang mga bibig gamit ang palad. Hindi ko inaasahan na nagniniig na pala ang dalawa sa mismong sofa.

Agad akong bumalik sa paghalukipkip at napatulala. Ano ba yung nakita ko? Parang gusto kong burahin ang ala-ala na yun. Erase! Erase! Paulit-ulit kong sabi sa sarili. Ayoko na ngang idescribe dahil mas masagwa pa ang pwesto ng dalawa na ito kaysa noong nakaraan kay Miley.

Isinara ko na ang application sa cell phone ko at tumayo na lang. Pumunta ako sa kama at nahiga. Mukha naman kasing matatagalan pa ang dalawa sa ginagawa eh. Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari.

"Ava?" Naalimpungatan ako sa boses na nadidinig ko at marahang pagtapik sa balikat ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at bumungad ang mukha ni Ethan. Agad itong ngumiti sa akin pero pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ang isip ko sa kaantukan.

Naramdaman ko na lang ang pagyugyog ng kama, naupo na pala ang boss.

"I’m sorry. Hindi ko alam na nandyan ka pa pala. If I have known, sana we didn't do it sa sofa." Mahinang sabi nito.

Nagising akong bigla ng maalala ko ang nasaksihan kanina at agad na napabangon.

"Oh, easy." Saway nito sa akin.

Naupo ako sa kama at kaharap ko na si Ethan ngayon. Mukhang bagong shower ito at nakapagpalit na ng damit. Nakashorts ito at puting t-shirt lang. Pero hapit na hapit iyon sa bandang braso.

"Anong oras na?” Tanong ko na lang habang hinahanap ng mga mata ang cellphone.

"Hmm. I think it's 2am.” Sagot nito na nakamasid lang sa akin.

"2am na?! U-umalis na ba yung babae?” Bigla kong naalala. Baka naman kasi nasa kwarto lang iyon at nagpapahinga.

"Yes. Her name is Sachna.” Tumango ito at gumuhit ang pilyong ngiti sa labi. Mukhang inaalala pa nito ang ginawa nila kanina at sa akin naman ay rumehistro ang posisyon ng dalawa sa sofa kanina.

Nag-iwas ako ng tingin at pilit ko na lang na binalewala ang naalala.

"Ah. Okay." Ayun na lang ang nasabi ko. Atleast ngayon ay alam ko na ang pangalan ng babae.

Tumingin akong muli kay Ethan na maaliwas ang awra ng mukha. Ganito ito kasaya kapag may bago siyang babae. Kabisado ko na ata ang boss ko.

Tumayo na ako ng maalalang hindi ako nakapagpaalam sa nanay ko ng umalis ako kanina. Kailangan ko ng umuwi ng makapagpahinga na din.

"You can do that tomorrow. There is no need to hurry." Sabi nito na nakamasid pala sakin ng dinampot ko ang garbage bag.

Ibabalik ko na sana ang mga gamit ni Selene para naman makauwi na ako pagkatapos. Antok na antok pa kasi talaga ang pakiramdam ko.

"Nako, baka biglang dumating si Selene at magtaka yun.”

"She won't come. Flight niya kanina and she will stay in Singapore for a week." Natigilan ako sa sinabi nito. Kaya naman pala malayang malaya ito ngayon na mag-uwi ng ibang babae.

Binuksan ko ang cabinet sa kwarto at ipinasok doon ang plastik. Kinuha ko ang cellphone na naiwan pala sa nightstand. Kanina ko pa iyon hinahanap.

"Sige, edi uuwi na lang muna ko. Bukas ko na lang aayusin ito.” Sabi ko.

"No, wait. Dito kana matulog. You can stay here sa guest room." Aya ng boss ko pero sa totoo lang ay ayoko. Hindi pa ako nakakatulog sa condo nito kahit kelan dahil hindi naman magandang tignan lalo na at may boyfriend ako. Hindi naman sa may malisya ako kay Ethan, kaya lang ay umiiwas ako sa mga chismis.

Naalala ko tuloy bigla si Ian. Ni hindi pala ako nakapag goodnight sa kanya kagabi.  Nagmamadali ko ng kinuha ang cellphone. Hindi nga ako nagkamali at may 10 missed calls at 5 text messages sa akin ang boyfriend ko.

Hindi ko muna yun binuksan para basahin dahil kinakabahan ako. Hindi pa naman namin pinag-awayan ang tungkol sa trabaho ko lalong lalo na ang tungkol sa boss ko pero ayokong humantong yun sa ganun.

"H-hindi na. Uuwi na ako." Agad ko na lang na tanggi.

"What? It's 2am. You can just stay here for the night or do you want me to drop you home?” Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa kama.

"Ha? Nako hindi na. Matulog kana dyan." Tanggi kong muli bago nagmamadaling lumabas sa kwarto. Pero nakasunod pala ang boss sa akin.

"Hey, I will go with you.” Habol nito na mabilis na palang nakuha ang susi ng kotse nito.

"Hindi na nga." Pagmamatigas ko at tatalikod na sanang muli.

"Come on. Look at you. Gusto mo bang marape sa daan? Stay here or I will drive you home, okay?” Natigilan ako sa sinabi nito at muling humarap. Nahuli ko ang mata nito na hinahagod ng tingin ang legs ko na litaw na litaw dahil sa suot na maikling shorts.

Napangiwi ako sa nakitang ginagawa nito. Mukhang mas delikado pa ang buhay ko pag nagstay ako sa unit nito.

"Kaya ko ang sarili ko." Masungit kong iwas dito. Pero wala naman na akong nagawa ng sumunod naman ito sa paglalakad ko. Hinatid na ako nito sa bahay na hindi din naman din kalayuan.

"Thanks, Ethan." Sabi ko ng nasa tapat na kami ng bahay ko. Agad na din akong bumaba.

"You're welcome. Goodnight." Sagot nito bago ko isara ang pinto ng kotse nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status