Share

Chapter 5

Auteur: Moon
last update Date de publication: 2026-02-01 19:38:17

Dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat.

Ang araw ng paglabas ni Amara sa ospital.

Maagang gumising ang buong floor. May mga nurse na pabalik-balik sa kwarto niya, inaayos ang mga papeles, chine-check ang vital signs, at paulit-ulit na nagpapaalala ng mga dapat at hindi dapat gawin. Para sa kanila, isa itong tagumpay isang pasyenteng dalawang taon nasa coma, ngayon ay pauuwiin na.

Para kay Amara, isa itong simula na hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin.

Nakatayo siya sa harap ng salamin, maingat na inaayos ang coat na ibinigay ng ina niya. Hindi pa rin siya sanay sa sariling repleksyon. May mga araw na parang tanggap na niya ang mukha sa salamin, may mga araw namang pakiramdam niya ay nakatingin siya sa isang estranghera.

“Comfortable ka ba?” tanong ng ina niya, nakatayo sa likuran.

Tumango si Amara. “Yes, Mom.”

Isang simpleng sagot. Isang salitang natutunan na lang niyang gamitin kahit hindi pa rin ganap na kanya.

Pumasok si Sebastian ilang sandali matapos iyon. Nakasuot siya ng dark coat, mukhang diretso mula sa meeting. Hindi niya agad tiningnan si Amara una niyang kinausap ang doktor.

“Everything’s ready?” tanong niya.

“Yes,” sagot ng doktor. “She can continue rehab at home. May therapist na pupunta regularly.”

Tumango si Sebastian, saka saka lang ibinaling ang tingin kay Amara.

“You ready?” tanong niya.

Hindi siya sigurado kung paano sasagot si Amara sa tanong na iyon. Ready ba siya umuwi sa bahay na hindi niya maalala? Ready ba siyang gampanan ang papel ng isang asawang hindi niya kailanman pinili?

“I think so,” sagot niya sa huli.

Paglabas nila ng ospital, sinalubong si Amara ng liwanag ng araw mas maliwanag kaysa sa naaalala niya, mas mainit, mas totoo. Huminto siya sandali, parang kailangan munang iproseso ang pakiramdam ng hangin sa balat niya.

Isang itim na luxury car ang nakaabang sa harap.

Binuksan ng driver ang pinto, at maingat na pumasok si Amara. Umupo si Sebastian sa tabi niya. Tahimik ang biyahe walang music, walang small talk. Tanging ang tunog ng makina at ang lungsod sa labas ng bintana.

Pinagmamasdan ni Amara ang mga building, ang mga taong naglalakad, ang normal na mundong tila ipinagpatuloy lang ang takbo kahit may isang babaeng muntik nang hindi na bumalik.

“This is your city,” biglang sabi ni Sebastian, tila nabasa ang isip niya.

“Our city,” sagot niya, bago pa niya mapigilan ang sarili. Bahagyang tumigil ang paghinga ni Sebastian, pero hindi siya nag-comment. Hindi niya rin alam bakit niya lumabas sa bibig niya ang salitang ‘yun.

Makalipas ang halos isang oras, pumasok ang sasakyan sa isang malawak na gate na may nakaukit na pangalan.

DEVERAUX.

Nanlaki ang mga mata ni Amara.

Sa harap niya ay isang mansyon malawak, elegante, parang hinugot mula sa isang magazine. May fountain sa gitna ng driveway, may mga puno na maingat na inalagaan, at mga bintanang tila may tinatagong mga mata.

“This is… home?” tanong niya, halos pabulong.

“Yes,” sagot ni Sebastian. “Welcome back.”

Pagpasok nila sa loob, sinalubong sila ng katahimikan isang katahimikang mabigat, parang maraming sikreto ang nakatago sa bawat sulok. May mga staff na nakahanay, sabay-sabay yumuko.

“Welcome home, Mrs. Deveraux.”

Nanikip ang dibdib ni Elena sa loob ng katawang iyon.

Mrs. Deveraux.

Umakyat sila sa hagdan, mabagal ang lakad ni Amara pero matatag. Dinala siya ni Sebastian sa isang maluwang na kwarto malinis, malamlam ang ilaw, at may malaking bintana na tanaw ang hardin.

“This is our room,” sabi niya.

Amara ay tumango, pero hindi siya umupo agad. Naglakad siya sa paligid, marahang hinahaplos ang mga gamit ang lamesa, ang kurtina, ang frame ng isang litrato na nakatalikod.

May isang painting sa pader. Isang babaeng nakatalikod, nakatingin sa dagat.

“That was yours,” sabi ni Sebastian. “You chose it.”

Tumingin siya rito. “I like the sea.”

Tumango si Sebastian. “You always did.”

Sa mga sumunod na araw, unti-unting nasanay si Amara sa bahay. May schedule ang rehab, may therapist na dumarating, may mga staff na handang tumulong sa bawat galaw niya. Ngunit sa kabila ng karangyaan, pakiramdam niya ay parang bisita siya sa sariling tahanan.

At ramdam niya iyon sa bawat tingin ni Sebastian maingat, mapanuri, parang may hinihintay siyang maling hakbang.

Isang gabi, habang naglalakad si Amara sa hallway, may napansin siyang pinto na bahagyang nakabukas. Sa loob ay isang maliit na study room. Pumasok siya, dahan-dahan.

May mga dokumento sa mesa. Mga larawan. At isang framed wedding photo.

Si Amara o ang babaeng kamukha niya ay nakangiti sa litrato. Masaya. Buo. Hindi niya kilala ang babaeng iyon. Biglang may boses sa likod niya.

“You shouldn’t push yourself.”

Napalingon siya. Nakatayo si Sebastian sa pintuan.

“Sorry,” sabi niya. “I was just… curious.”

Lumapit si Sebastian at kinuha ang picture. “You loved this house,” sabi niya. “You built a life here.”

Tumingin siya sa kanya. “Did I?”

Tumahimik siya saglit. “Yes.”

Pero sa tono niya, may alinlangan.

“Sebastian,” biglang sabi ni Amara. “What kind of wife was I?”

Napatingin siya rito, parang hindi inaasahan ang tanong. “You were… quiet. Strong. You didn’t like lies.”

May kirot sa dibdib ni Elena.

“What about us?” tanong niya. “Were we happy?”

Matagal bago sumagot si Sebastian.

“We were trying.”

Isang sagot na mas masakit pa sa tahasang pagtanggi.

Tumango si Amara. “Then maybe… we can try again.”

Nagtagpo ang mga mata nila.

Sa unang pagkakataon, may emosyon sa mata ni Sebastiang hindi galit, hindi lamig kundi takot.

“We’ll see,” sabi niya sa wakas.

Nang mag-isa na siya sa kwarto, naupo si Amara sa gilid ng kama. Sa labas ng bintana, tahimik ang hardin, parang walang nagbago.

Pero alam niyang simula pa lang ito. Ang pagbabalik niya sa bahay na ito ay hindi pagbabalik sa dating buhay.

Ito ay pagpasok sa isang entabladong puno ng lihim, alaala, at kasinungalingang unti-unti niyang huhubarin.

At sa bawat hakbang niya sa loob ng mansyon, isang tanong ang lalong lumilinaw sa isip niya.

Ano ang tunay na nangyari kay Amara Deveraux? At handa ba siyang harapin ang sagot… kahit masira ang lahat? Ano rin ba ang nangyari sa totoong katawan niya?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 10

    Napangiti na lang siya ng hilaw nang makita ang madilim na mukha ni Sebastian.‘Brown out ata! Ang dilim ng mood niya.’“Bakit ka naman nanggugulat mahal kong asawa?” Nilambingan pa niya ang boses niya. Ngunit mas lalo lang sumama ang mood ni Sebastian.‘Now you're calling me mahal kong asawa. When you're clearly thinking of someone else.’“Mahal mong asawa? Really?”Nanlaki naman ang mata ni Amara nang ilapit ni Sebastian ang mukha nito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap nang matitigan nito ang mukha ng lalaki.“Ang pogi.” Wala sa sarili niyang sambit.Narinig naman ni Sebastian ang sinabi ni Amara.“So, you think, I'm handsome?”Amoy na amoy ni Amara ang hininga nito. Amoy mint na parang may cool air sensation.“Yeah, so handsome.” Para siyang nahihipnotismo. Pero totoo rin naman ang mga sinabi niya. Napatingin naman siya sa labi ng lalaki.‘Shocks! Ano kaya pakiramdam mahalikan niyan.’“Tsk!”Nabalik naman siya sa huwisyo dahil sa pag-asik nito.“Bakit ka pala nandito?” tanong

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 9

    “Bakit ganyan ka makatingin?” Hindi namalayan ni Sebastian na tapos na pala ang asawa sa paghuhugas.“Wala. Naninibago lang ako sa mga kinikilos mo.” Batid ni Elena ang pagdududa sa boses ni Sebastian. ‘Patay! Masyado ko bang ginalingan kaya nahalata niya?’ tanong nito sa isipan. Natatakot siya na baka mabuko na hindi siya ang Amara na nakilala nila.“Bakit hindi ba ako ganito dati?” tanong niya kay Sebastian at tinitigan ito sa mga mata. Ginamit na naman niya ang amnesia card. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ‘yun lang.“Butler?” Nang hindi sumagot si Sebastian ay binalingan niya ang butler na tahimik lang sa sulok. “Kung hindi kapangahasan ang aking sasabihin, My Lady. Noon ay hindi ka kailanman tumapak sa kusina. Palagi mo lamang inuutos ang mga kailangan mo.” Napangiwi naman si Amara sa narinig hindi niya alam kung ano ang isasagot. Marami pang sinabi ang butler na hindi niya akalain na ganun pala ang totoong Amara. “Hindi ko maalala.” Tumawa siya ng pakak. Nahihiya si

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 8

    “Good Morning.” Napatingin naman sila sa babaeng kadarating lang malawak ang ngiti nito sa labi habang nakatingin kay Sebastian. ‘She looks familiar. I think I've seen her somewhere. Hmmmm… Saan nga ba?’ “What are you doing here, Selene?” tanong naman ni Seb. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang babae. Patuloy lang ito sa pagkain. Naglakad naman si Selene palapit kay Sebastian at umupo ito sa tabi ng lalaki.Hindi alam ni Amara kung hindi ba talaga siya nakikita ng babae o sadyang di lang siya nito pinapansin. Nakatuon ang atensyon nito sa asawa. Napataas naman ang kilay niya ng inilingkis ng babae ang kamay sa braso ng asawa. Lihim naman siyang napangiti nang tanggalin ni Sebastian ang kamay ni Selene. “Ahemmmm! HUBBY,” nilambingan ni Amara ang boses niya. Nakuha naman nito ang atensyon ni Selene. “Kumain ka pa o baka kasi mangayayat ka nakapitan ka pa naman ng bacteria.” nakangiti niyang turan. “Butler,” binalingan nito ng tingin ang butler. “Pakikuha ako ng alcohol.” Tumang

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 7

    Maagang nagising si Amara, napatingin naman siya sa mukha ni Sebastian na mahimbing pa ring natutulog. Napatitig siya sa mukha ng asawa niya mala anghel ang mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi na para bang ang sarap halikan. ‘Ang pogi naman ng asawa ‘ko’Napakagat naman siya labi, pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. ‘Lord, ito ba ang gantimpala mo sa akin dahil sa mga naranasan ko dati? Thank you so much!’Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay nito sa bewang niya at bumangon. Ingat na ingat siya at baka magising ang asawa niya. Nagbihis muna siya at lumabas na papunta sa kusina para magsimula na magluto. “Good Morning, Madame,” bati sa kanya ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na tuxedo may suot din itong puting gloves. Sigurado siyang butler ito. “Good Morning,” pabalik kong bati sa kanya. “Saan ang punta mo?” tanong nito. Napanguso naman siya dahil sa tanong nito na para bang pinagdududahan siya nito. “Sa kusina po, balak ko sanang ipagluto

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 6

    Hindi agad nakatulog si Amara noong gabing iyon.Tahimik ang kwarto masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay tinatawag na “tahanan.” Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang ang ilaw mula sa hardin ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng kurtina. Sa tabi niya, naroon si Sebastian, nakahiga rin, nakatalikod sa kanya.Magkalapit ang katawan nila, pero parang may invisible na distansya isang puwang na hindi kayang punuan ng isang kama lang.Naririnig niya ang mahinang paghinga nito. Mabagal. Kontrolado. Parang sanay laging magbantay, kahit sa pagtulog.Dahan-dahan siyang gumalaw, maingat na parang takot siyang magising ito. Napaupo siya sa kama, hinila ang kumot sa balikat. May kirot pa rin sa katawan niya kapag masyadong matagal sa isang posisyon.“Hindi ka ba makatulog?” Napapitlag siya.Hindi pala tulog si Sebastian.“Sorry,” mahina niyang sabi. “I didn’t mean to wake you.”Umangat siya nang kaunti, sumandal sa headboard. Nakasuot siya ng simpleng shirt, walang coat,

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 5

    Dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat.Ang araw ng paglabas ni Amara sa ospital.Maagang gumising ang buong floor. May mga nurse na pabalik-balik sa kwarto niya, inaayos ang mga papeles, chine-check ang vital signs, at paulit-ulit na nagpapaalala ng mga dapat at hindi dapat gawin. Para sa kanila, isa itong tagumpay isang pasyenteng dalawang taon nasa coma, ngayon ay pauuwiin na.Para kay Amara, isa itong simula na hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin.Nakatayo siya sa harap ng salamin, maingat na inaayos ang coat na ibinigay ng ina niya. Hindi pa rin siya sanay sa sariling repleksyon. May mga araw na parang tanggap na niya ang mukha sa salamin, may mga araw namang pakiramdam niya ay nakatingin siya sa isang estranghera.“Comfortable ka ba?” tanong ng ina niya, nakatayo sa likuran.Tumango si Amara. “Yes, Mom.”Isang simpleng sagot. Isang salitang natutunan na lang niyang gamitin kahit hindi pa rin ganap na kanya.Pumasok si Sebastian ilang sandali matapos iy

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status