LOGIN"Tol, seriously speaking. Bakit hindi mo na lang ipagtapat kay Mariz ang tunay na ikaw? Sorry, Pare, pero hindi kami manhid upang hindi maramdamang parehas lang kayong dalawa nang nararamdaman." Pukaw ni Bong-Bong sa kaibigang tahimik.
"Ano ang tunay na ako pare? Kahit naman magtapat ako sa kanya ay trabaho lang naman ang maiiba. Wala naman akong ibang pamilya bukod sa inyong tatlo," sagot ni Luther.
Mga kaibigan niyang mukhang siya na naman ang pinagtuunan ng pansin. Sabagay, hindi niya masisisi ang mga ito. Kulang na lamang ay magdugtong-dugtong silang lahat. They know each other inside and out.
"Kasali na iyon, bro. Ang sa akin lang ay hindi ka minamaliit ng mga taong nakapaligid sa atin. Kaming mga kaibigan mo ay walang problema dahil kahit dulo ng kuku mo, dulo ng kulot-kulot mong buhok ay kilala na namin," sabad naman ni Mundo.
Kaya naman ay napalingon siya rito. Kaso napataas ang kilay niya dahil hindi pa niya naibuka ang lahi upang magsalita sana ay naunahan naman siya ng isa
"Tama silang dalawa, Pare. O mas tamang sabihing tayong lahat. Dahil bawat isa sa atin ay kilalang-kilala na natin. Masuwerte ka, bro, dahil kahit nakilala ka ni Mariz bilang preso ay hindi niya iyon alintana. Kahit hindi ka pa sinasagot noon, Pare, ay alam nating lahat na may katugon ang damdamin mo para sa kaniya. Brotherly advice, Pare, do it now than never nor it's too late. Kahit hindi man namin palagiang sinasabi ay susuportahan ka namin kahit buhay namin ang katapat. So go ahead, Curly Boy." Hindi rin nagpatalong si Ron-Ron.
Sa narinig mula sa tatlong kaibigan ay napangiti siya. Ang nakataas niyang kilay ay unti-unting nagniningning na parang bituin sa kailangitan. Tama naman kasi sila, kilala sila ng mga taong-bayan bilang mga suki ng kulungan. Pero wala namang nakakaalam sa tunay na dahilan kung bakit pabalik-balik sila sa kulungan kundi silang magkakaibigan. Ang alam ng mga tao ay galing sa maruming gawain ang kinabubuhay nila. Subalit para sa kanilang nakakaalam ay alam nilang galing sa pawis nila ang lahat. Buwis-buhay ang kanilang trabaho. Sa bawat serbisyong ibinibigay nila ay walang kasiguraduhan ang kanilang kaligtasan.
Kaso!
Napalalim naman yata ang pag-iisip niya. Dahil kulang na lang ay mahulog siya sa kinauupuan nang gulatin siya ng mga luko-luko niyang kaibigan. Mga kaibigan niyang sa hirap man o ginhawa ay laging nasa tabi niya at handa siyang tulungan.
"Tsk! Tsk! Maibabalik n'yo ba ang buhay ko kapag ako ay natuluyan? Nag-iisip ang tao kung ano ang nararapat na gawin eh. Panira talaga kayong tatlo nang moment," nakaismid niyang sabi.
Kaso pinagtawanan lang siya ng tatlo. Talagang pinagtripan na naman siya ng mga lintik niyang kaibigan. Dahil sabay-sabay pang nagwika ang mga ito.
"Curly Boy, there you are again. Sabi ko namang kahit buhok ng junior mo ay kilala na namin. Kaya't wala kang maipagkakaila sa amin. Kung sakali mang dumating sa puntong kailangan ninyong lalayo rito sa siyudad ay kami ang bahala riyan, Parekoy. Basta gawin mo kung ano ang nararapat at asahan mong nandito kami upang suportahan ka." Mula sa nakatawang pananalita ay naging seryoso rin sa huli.
"Alam ko naman iyun mga, Tol. Kung may twins at may triplets, tayo naman ay quadroplets. Laban ng isa, laban nating apat. Aba'y baka nakalimutan n'yo nang sworn brothers tayo. Buhay ng isa, buhay nating apat. Kamatayan ng isa, kamatayan nating lahat. Ganyan tayo mga, Tol.
"Ang iniisip ko lang ay si Miss Mariz, kung itatanan ko siya according to you guys kakayanin ba niya ang magiging buhay mahirap? Or should I say makakaya kaya niya ang buhay nang taong nagtatago? Mga undercovers tayo mga, Tol. Walang kasiguraduhan ang buhay mayroon tayo. Mahal ko siya alam n'yo iyan. Dahil sa mahigit isang dekada nating pagsasama ay sa kaniya lang napukaw ang puso ko. Handa kong gawin ang lahat para sa kanya kaso ang tanong kaya ba niya?"
Mahaba-haba niyang paliwanag. Subalit sa haba ng sinabi niya ay nakaisip na naman ang tatlo ng pambara sa kaniya.
"You will know the answer, Curly Boy, when you got there," sabay-sabay na sambit ng tatlo bago siya iniwang mag-isa.
KAYA naman ay napakamot na lamang siya sa ulo. Mga kaibigan nga niya sila. Alam na alam nila kung kailan mananahimik, kung kailan magsasalita, at higit sa lahat alam nila kung kailan siya nararapat na mapag-isa.
"Sabagay tama naman kasi silang tatlo. Alam kong mahal din ako ni Mariz kaya't walang masama kung subukan ko ang tanungin siya. Hindi man ako mayamang tulad niya pero kayang-kaya ko naman siyang buhayin ng maalwan kung sakali man," bulong niya saka inayos ang kalat nilang magkakaibigan.
SA kabilang banda, halos kadarating pa lamang ni Mariz Kaye galing sa trabaho ay dinig na dinig na niya ang masayang halakhakan ng mga magulang.
"Mukhang nandito ang mga Saavedra's ah. Hmmm, impossible namang ang mga Dragons(Agatha&BN) iyan eh wala pang isang taon simula nang idinaong nila ang kambal(mga sumunod kay Zurich)," bulong niya saka bahagyang tumigil.
Kaso!
"Yes kami nga, hipag, ang nandito hindi ang mga Dragons according to you. Bakit hindi ka pumasok, Sis, upang makipag-bonding kay misis at mga pamangkin mo?" tinig nang kahit hindi niya lingunin ay kilalang-kilala na niya.
Kaso sa biglang pagsulpot nito ay doon siya nagulat. Tuloy napasimangot siya saka hinarap ito.
"Nahawa ka na ba kay kambal na bigla na lang sumusulpot? Aba'y gusto ko pang magka-love life, bayaw. Kaso malabong mangyari iyan kapag ako ay matuluyan sa panggugulat ninyo ng asawa mo." Nakasimangot niya itong binalingan.
Bagay na ikinatawa ni Tommy. Kung sa iba marahil ay galit na siya. Pero sa pamilyang kinabibilangan niya or his in-laws are different. They're dearly special to him lalo at hindi in-laws ang turing nila sa kanya. They accepted him as their own family.
"Sorry naman, hipag. Kasi naman ay narinig ko ang mga careless whispers mo kaya't sinagot ko na lang. By the way, halika na sa loob I'm sure hinihintay ka nila," tagot na lamang ni Tommy sa hipag.
KASO bago sila makahakbang ay naharangan na sila ng kambal ni Mariz Kaye.
"Mauna ka na sa loob, babes at may girls talk muna kami ng kambal ko. Don't worry we'll follow in short time," anito.
"Sige-sige, babes. Lalo at mukhang naglilikot ang tsikiting natin kina Daddy at Mommy," sagot naman ni Tommy saka humakbang papasok sa kabahayan.
HININTAY ng kambal na nawala sa paningin nila ang asawa ni Cassandra bago sila nagtungo sa mini-garden.
"Emergency ba iyan, kambal? Aba'y talagang hinarang mo pa talaga ako rito sa labas. What's going on, kambal?" agad na tanong ni MK nang nasa mini-garden na silang dalawa.
"Hmmm, sabihin na nating sisters bonding ikaw naman. Bakit ba mainit ang ulo mo lately? May pag-ibig na ba ang kambal ko?" nakangising balik-tanong ni Cassandra.
SA isipan ni Mariz Kaye, ay may nais tumbukin ang kaniyang kambal. Hindi man siya mind reader pero sapat na ang pagsasama nila sa iisang bubong simula pagkabata hanggang sa bago ito mag-asawa para masabi niyang kilalang-kilala niya ito. Even she's so sure na kinausap ito ng mga magulang nila upang kausapin siya.
"May nais kang sabihin ano? Well, inuunahan na kita kambal kung kinausap ka nila Daddy at Mommy tungkol kay Luther ay mas mabuting huwag mo nang ituloy. Dahil ayaw kong maging mitsa iyan ng hindi natin pagkakaunawaan. Mahal ko siya at wala nang iba." Inunahan na niya ito.
Harangan man siya ng pamilya niya sa pakikipagrelasyon sa farmer of her eyes ay wala siyang pakialam. Mahal nila ni Luther ang isa't-isa kaya't ipaglalaban niya ito sa lahat including her parents.
"Narinig ko na ang nais kong marinig mula sa iyo, kambal. Alam kong hindi ka nagbibiro tungkol diyan. Though, tama kang kinausap ako nila Daddy at Mommy upang kausapin ka ay iba ang nais kong sabihin sa iyo," makahulugan nitong saad kaya naman agad siyang napatingin dito.
"What do you mean, kambal?" tanong niya rito.
"Well, you are old enough to decide for yourself, kambal. Sundin mo ang alam mong tama and make sure wala kang pagsisisihan sa bandang huli. Kambal tayo kaya't ramdam ko ang hirap mo sa pagdepensa sa Luther mo so go ahead and achieve your goal in life with him," pahayag ni Cassandra bago lumapit sa kambal saka muling nagwika kaso pabulong na.
"Alam kong ikaw ang babae pero walang mangyayari sa buhay pag-ibig mo kung hahayaan mong harangan kayo ng hindrances. Kahit ikaw ang babae kambal ikaw na ang magyaya sa kaniya upang magtanan kayo. Magpakalayo-layo kayong dalawa at mamuhay nang naaayon sa kagustuhan ninyo. Doon sa lugar na walang nakakakilala sa inyo. And for your information, hindi farmer of your eyes ang nahanap mo kundi prisoner of your heart," pabulong nitong wika.
Kaya naman!
Ang manager ng Herrera Theatre ay napamulagat dahil sa tinuran ng kambal niya!
"May lagnat ka ba? Huh! Baka naman may sakit kang itinatago? Naku, kambal, sabihin mo lang kung may dinaramdam ka't ako na mismo ang magdadala sa iyo sa pagamutan. O baka naman sa Mandaluyong ang tungo mo sa lagay na iyan?" Hindi siya makapaniwalang napalingon dito kasabay nang pagmulagat niya.
Kaso!
"I'm not kidding, my dearest twin sister. It's a matter of now or never. If you will miss this chance I'm pretty sure you will regret for the rest of your life. So, if I were you, make the decision as soon as possible. Maybe our parents are not showing you about how they feel so disappointed with you but I'm telling you my twin they both disagree with that man of yours. Pero sa akin ay wala kang dapat alalahanin dahil alam kong natagpuan mo na ang tunay mong pag-ibig," muli ay pahayag Cassandra na hindi pinansin ang binitiwang salita ng kakambal.
Magsasalita pa sana si Mariz Kaye kaso kaso eksakto namang tumikhim ng bayaw niya. Hindi niya alam kung plano lang ng kambal niya ang sinabi sa kaniya o silang mag-asawa. May punto naman ito kaso nandoon pa rin ang pagka-babaeng Filipina niya.
"Ahem, mukhang seryoso masyado ang women's talk ninyo, babes, hipag? Aba'y naiinip na yata ang mga magulang natin sa paghihintay sa inyo kaya't kung maari ay magsipasok na tayo," ani Tommy sa asawa't hipag.
"Kanina ka pa riyan, babes? Aba'y mukha ka namang hangin na bigla na lamang nararamdaman sa tabi," tugon ni Cassandra na tinatantiya kung may narinig ba ito sa pinag-uusapan nilang magkambal.
"No, babes. I just came here. Kagaya nang sinabi ko ay naghihintay sina Mommy at Daddy sa loob kaya't tara na. Mamaya n'yo na lang ituloy ang women's talk na iyan," tugon nito.
Kaya naman ay pasimpleng sinulyapan ni Cassandra ang kambal niya na wari'y sinasabing 'it's alright' saka tumango-tango. Nauna na silang mag-asawang pumasok kaya't hindi na nila narinig ang sinabi nito.
"I'll cross the bridge when I got there," bulong ni Mariz Kaye bago sumunod sa loob ng kabahayan. Sabi nga ng kambal niya ay now or never. So, she will do what's the best for them. It's her life by the way.
SAMANTALA, sa kabilang banda.
"Boss, may tao---boss, nandito ang Papa mo," nautal na pukaw ni Romano sa among nakapikit.
Sa narinig ay bigla siyang napaupo na naging dahilan ng pagkauntog niya sa double deck na higaan nila ni Romano.
"Open the cell," dinig nilang utos nito sa guwardiya.
"Pero, boss, walang utos ang warden na palayain ang taong iyan." Salungat nito.
"Yes I know pero galing na kami roon sa opisina niya," giit naman ni Boss Jolbon.
Kaso ang guwardiya ay hindi kumbinsado kaya't itinawag pa nito sa warden kung totoo nga bang lalaya na ang dalawa.
"Sorry, boss, pero sana ay maunawaan mo ako. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko." Hingi nito ng paumanhin saka binuksan ang selda.
"It's alright, guard," maagap na sagot ni boss.
Agad namang lumabas ang mag-among Skyler at Romano saka nagbigay galang sa ama ng una.
"I'm hoping that both of you Skyler and Romano that this will be the last time for you to be in like this situation," anito.
"Sorry po, Papa. Hindi na po mauulit," seryosong sagot ng una.
Hindi niya alam kung paano nalaman ng kaniyang amang nasa kulungan siya. Wala itong kaalam-alam sa tunay na trabaho niya. Isa siyang unit leader sa pagiging undercover pero lingid iyon sa kaniyang ama. Hindi ito ang inaasahan magpapalaya sa kaniya kundi ang boss nila kaya't parang pakbet ang nasa utak niya.
"Sorry, boss. Kasalanan ko naman po kung bakit nandito kami ni Boss Sky kaya't ako na lang ang parusahan mo boss," ani Romano.
Kaya naman ay lihim na nakunsensiya ang boss. Alam naman niya ang rason ng dalawa kung bakit nasa Left Wing Jail ang mga ito. Lahat iyon ay bahagi ng kanilang trabaho pero iyon ay "lihim" kuno ng anak sa kaniya. Wala itong kamalay-malay na isa siya sa boss ng grupo nila na nagpapalaya sa kanila tuwing pumapasok sa kulungan.
"No problem, Romano. Just do your best not to come back to this place," tugon na lamang niya.
Hindi na rin sila nagtagal sa JWL, agad silang umuwi sa tahanan nila na may kanya-kanyang iniisip.
"Ha! Sino ang nakita mo, boss?" hindi makapaniwalang tanong ni De Silva sa amo."Ikaw naman, De Silva. Ang linaw-linaw nang pagkasabi ko eh," nakangiwing tugon ni Boss Jolbon. Hindi naman siya galit sa paraan nang pagtanong nito pero hindi pa rin siya makapaniwala't makahuma sa nasaksihan. Mag-asawa na ang anak niya at dalaga ng mga Mondragon, at higit sa lahat ay may apo na sila. Nanganak na ang manugang niya.Kaso dahil na rin sa malaliman niyang pag-iisip ay maaring inakala ng right hand man niyang hindi siya nakikinig. Kaya't muli itong nagwika."Haist, bossing naman eh. Kanina pa ako daldal nang daldal dito sa harapan mo. Baka naman maaring sabihin mo sa akin kung bakit ka napatulala? Ah, mali pa rin. Ano ba kasi ang nakita mo, boss? Sabi mo malinaw ang pagkasabi mo pero hindi ko naman naunawaan." Sa pagtataka y kakamot-kamot na rin si De Silva sa ulo.Tama, tauhan lang siya ng boss Jolbon niya pero parehas silang pamilya ang turing sa isa't-isa. Sabi nga ng iba ay mag-asawa sil
"Move faster! We're running out of time!" sigaw ng unipormadong Thai Commander."Sabi ko naman kasing ihanda ang mga iyan kahapon pa pero hindi kayo nakinig sa akin eh." Paninisi pa nito sa isang tauhan."Sorry po, Sir. Wala naman po kasing mag-aakalang dadalaw ngayon si boss Ram," tugon ng isa."Kaya nga lagi kong sinasabi sa inyong lahat na maging cowboy kayo na laging handa. Hindi iyong saka pa lang kayo magliligpit kapag darating si boss. Pasalamat kayo't hindi strikto ang boss natin eh," sagot ng Thai Commander."Sorry na, Commander. Sisikapin naming gawin at sundin ang lahat," muli ay wika ng isa."Dapat lang, Sao. Dahil kapag si Boss Ram ang magalit ay lagot tayong lahat. Mabait ang Boss natin ngunit alalahanin nating mahirap abusuhin ang tiwala niya," saad ng Thai Commander.Sasagot pa sana ang isa pero eksakto namang paglapit ng isa pang tauhan. Kaya't napabaling sila rito."Sir, nandiyan na sa labas si Boss Ram. Sabi niya ay sa library daw kayo mag-usap," bulong nito.Bulong
"Welcome to our home, officer Xavier, officer Andaya I never expected you two to rushed here in our home. Have a sit." Masayang sinalubong ni Clarence ang mga maaga nilang panauhin."Thank you, Captain Mondragon, pilot Herrera," tugon ni boss Jolbon."Naipasa ko na sa panganay kong anak ang pagka-captain ko, officer Xavier. Pero teka lang, hindi inaasahang magkakilala kayo ng balae ko. How do you know each other?" Pinaglipat-lipat ni Clarence ang paningin sa dalawang panauhin.Kaya naman si Jhay-R ang sumagot. Well, nais sana niyang sabihing masyadong formal kaso sinarili na lamang niya. Dibale na lamang total masaya naman ito na nandoon sila. Ganoon pa man ay nagsalita siya. Ayaw na ayaw naman kasi niyang tinatrato siyang VIP lalo at in-laws ito ng pamangkin niya."Magkakilala na kami noong nasa serbisyo pa kami balae or should I say noong parehas kaming nagsisimula pa lamang sa bokasyong tinahak namin. At kalaunan ay naging best buddies na kahit bihirang magkita ay handang supurtaha
"Ano ngayon ang plano mo, Pare?" tanong ni Jhay-R sa kaibigang hindi na niya mabilang kung ilang beses nang nagpakawala ng malalim na hininga."Alam kong nagtataka na ang buong organisasyon kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan kong mahanap si Luther. Ngunit wala akong pakialam, Pare. Dahil sa ilang buwan simula nang nawala ito ay mas naisip kong mali ang naging desisyon ko noon," anito imbes na sagutin ang tanong niya."Tama ka, Pare. Subalit malayong-malayo naman yata ang pahayag mo sa naging tanong ko." Seryoso ang usapan nila ngunit sinadya niyang ngumiti upang pukawin ang agam-agam nito.Dati na itong seryoso maliban na lamang kung nagbibiruan sila ngunit mas naging seryoso ito ilang buwan na ang nakaraan. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil anak nito ang sangkot. Kaso nais rin niya itong sapakin dahil hindi rin masabi-sabi sa legally adopted child nitong si Skyler ang katotohanan tungkol sa katauhan nito."Tsk! Tsk! Alam kong pinapatawa mo lang ako, Pare. Ngunit tama ka
"Tol, mukhang hiyang n'yong mag-asawa dito ah," ani Mundo."Tama ka, Tol. Ilang buwan na simula noong napadpad kami rito sa Albay and as you can see malaki na rin ang ipinagbago ng paligid even the house that you prepared for us." He smiled to them."Ikaw naman Tol para kang others. Bahay n'yo na ito dahil kayo ang nandito. By the way, total nakasunod na kami rito nang walang aberya ay balak naming magpagawa ng isa pang bahay diyan para may matirhan kaming tatlo---"Kaso ang pananalita ni Bong-Bong ay agad ding pinutol ni Mariz Kaye. May dala-dala itong meryenda para sa kanilang lima."Mawalang-galang muna, Kuya Bong at pasensiya na dahil narinig ko ang sinasabi mo. Kung tutuusin, no, mali pala dahil kayo naman talaga ang may-ari ng bahay. Bakit pa kayo magpapagawa ng samantalang may bahay na tayo rito? Hindi ba't kami dapat ng asawa ko ang magpagawa ng sarili namin. Naku, Kuya Bong, kasya naman tayo rito. Kaya't huwag na kayong magpagawa ng ibang bahay," sabi ni Mariz Kaye sabay lapa
"Ito na nga ba ang sinasabi ko sa iyo dati pa, Pare. ano ngayon, naglayas na ang anak mo. Naglayas man o nagtanan ganoon pa rin iyon. Dahil sigurado akong nagmamahalan sila ng dalagang Mondragon," sabi ni Jhay-R sa kaibigang hindi mapakali.Paanong hindi siya aligaga samantalang huli na rin nang nalaman niyang anak ng may-ari ng MARGARITA INTERNATIONAL CRUISE SHIP ang nobya ng anak niya. Magsisi man siya ay huli na dahil wala nang nakakaalam kung nasaan ang mga ito. Kahit ang mga tauhan nito ay wala silang makuhang sagot kahit takutin niya. Mga sworn brothers nitong kahit yata tanggalin niya sa trabaho ay wala ring saysay. At sa kaisipang iyon ay napahinga ng malalim si Boss Jolbon. Maaring hindi mahintay ng kaibigan niyang sasagot siya kaya't muli itong nagwika."Manugang ng kambal ko ang kapatid itinanan niya, pare. Panganay na anak ni Clarence ang manugang namin kay Agatha kaya't sigurado akong hindi sila titigil hangga't wala silang nalalaman. Alam kong hindi ka magpapatalo sa yam







