Se connecterONE day!
"May problema ka ba 'heart?" tanong ni Mariz sa kasintahan.
Yes! Kasintahan dahil sinagot na niya ito makaraan ng ilang buwang panunuyo.
"Wala, sweet. Pero may sasabihin sana ako pero ewan ko kung magugustuhan mo," tugon ni Luther.
"Huh! Ano ba iyon, 'heart? C'mon tell me." Napatingin siya rito. Himala naman kasing seryoso. Hindi siya sanay na nakikita ito sa ganoong pagmumulha. Palagi itong nakangiti sa kaniya.
Dahil dito ay nagpakawala si Luther ng malalim na paghinga bago sumagot.
"Kung yayain ba kitang lalayo ng Maynila ay papayag ka ba? Sasama ka ba sa akin kahit saan man kita dalhin?" Sa wakas ay nasabi niya ang ilang araw din niyang pinag-iisipang ipagtapat dito.
"Seryoso ka, 'heart? What's the matter?" tanong naman nitong halatang hindi makapaniwala sa naging pahayag niya.
"Yes, sweet ko. Gusto kitang makasama ng hindi nagtatago. Ayaw ko rin namang kamuhian ka ng pamilya mo kaya't hindi ako nagpapakita sa kanila. Mahal kita, Mariz Kaye at handa kong gawin ang lahat upang mapatunayan sa iyo ang aking tapat na pagmamahal. Gustuhin ko mang hingin ng formal sa mga magulang mo ang iyong kalayaan upang pakasalan ka pero alam kong tutol sila sa relasyon natin and I'm sure mas hahadlangan nila ang plano kong pakasalan ka.
"Basta tandaan mo, sweet. Hindi lahat nang nakikita at naririnig mo ay totoo. Minsan ay dinadaya tayo ng ating paningin at pandinig. Isa lang ang maipapasigurado ko sa iyo, mahal na mahal kita. Mas mahal pa kita ng higit sa buhay ko. Handa kong itaya ang buhay ko para sa iyo. Ngayon ay inuulit ko, sasama ka ba sa akin upang magpakalayo-layo para makapagsimula sa buhay?" mahaba-haba niyang pahayag sa kasintahan.
SA haba ng paliwanag ng kasintahan ay tumino sa isipan ni Mariz Kaye ang payo ng kaniyang kambal. May mga mensahe na nakapaloob sa bawat salitang binitawan ng kasintahan. Mahihiwaga ang mga pahayag nito. Kaya't hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik pa.
"Panghahawakan ko ang pagmamahal mo, 'heart. Dahil mahal na mahal din kita alam mo iyan. Sasama ako sa iyo kahit saan mo ako dalhin. Pero hindi ba mas maganda kung magpakasal muna tayo kahit sa huwes bago tayo aalis? Siyempre para kahit papaano ay masasabing may basbas ang pagsasama natin. Ano sa palagay mo 'heart?" pahayah niya.
Inaamin niyang may takot siyang nadarama. Subalit mahal na mahal niya ang lalaking nasa kaniyang harapan at handa siyang sasama rito kahit saan man magtungo. Dahil alam niyang hindi rin niya kakayaning mabuhay na malayo rito.
SAMANTALANG hindi makapiwala si Luther sa isinagot ng kasintahan niya. Kaya't bago pa niya napigilan ang sarili ay niyakap na niya ito ng mahigpit.
"Thank you for trusting and loving me, Mariz Kaye. Of course we will. Naunahan mo lang ako sa usaping kasal. And I love it as I love you." Hindi matatawarang kaligayahan ang lumulukob sa kaniya ng oras na iyon. Kaya naman ay isinayaw-sayaw niya ito habang yakap-yakap.
"I have faith in you, 'heart. Alam kong balang-araw ay masasabi mo sa akin ang hiwagang bumabalot sa pagkatao mo. Mahal na mahal kita, Luther Bartolome. The mysterious man of my heart," seryosong pahayag ni Mariz Kaye.
'Alam kong hindi ka ordinaryong preso. Ngunit hindi ako sigurado kung tama ang hinala ko. Balang-araw ay sana masabi mo kung ano iyon,' nais sana niyang sabihin ngunit ngumiti na lamang siya.
Kaya naman!
Hahalikan na sana ni ito Luther kaso eksakto namang sumulpot ng mga kaibigan niywng may kasamang abogado! Mali! Ang judge pala! Ang hukom sa siyudad ang kasama ng tatlo niyang kaibigan. Kilala niya ito dahil minsan na nilang iniligtas sa panganib at sabi nito ay maari nila itong lapitan anumang oras na kailanganin nila ang tulong nito.
"Oh, siya ba ang magiging asawa mo, Hijo? Hindi na ako magtataka kung halos hilain ako ng mga kaibigan mo upang bigyan kayo ng basbas. She's indeed beautiful. Sigurado akong nagmamadali kayong magkaroon ng basbas." Masayang pinaglipat-lipat ng judge ang paningin kina Luther at Mariz Kaye.
"Yes, judge. Kaya't ngayon na ang kasal para marehistro mo bukas sa korte," agad namang sagot ng binata.
"I'll do it, Luther Hijo. Huwag kang mag-alala dahil kagaya nang sinabi ko dati ayy maari n'yo akong lapitan kahit ano mang oras. Ang pagpaparehistro ko sa inyo ay maliit na bagay lang iyan kumpara sa nagawa n'yo sa akin. Hala, dito kayong dalawa, permahan n'yo ang mga papeles na ito. Alam ko namang parehas kayong nasa tamang edad na. Your friends will be our witnesses." Nakangiting inilapag ng judge ang attaché case saka kinuha ang wedding papers.
Hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa! Pinermahan nila ang lahat nang pinapirmahan ng hukom!
In just a blink of their eyes they're already legally married! Mr and Mrs Bartolome.
"Judge, wala bang kiss the bride?" Panunukso pa ni Bong-Bong.
"Bahala na silang magtukaan, anak. Dahil ako ay babalik na sa opisina at ma-encode ko ito sa computer ko upang maipasa ko bukas." Tumatawang panggagatong pa ng judge.
Tuloy!
Ang instant wedding ay nauwi sa halakhakan!
"Masaya kami para sa inyong dalawa, Tol, Sis Mariz," sabay-sabay pa talagang pahayag ng tatlo.
"Thank you mga, Tol---"
"No, Parekoy. Kami ang dapat magpasalamat sa inyong dalawa. Nakahanda na ang lahat kaya't maari na kayong humayo at magpakarami." Putol ni Ron-Ron.
"Sis Mariz, alam naming nahihiwagaan ka sa aming apat. Ngunit darating ang araw na mauunawaan mo ang lahat lalo't mag-asawa na kayo ng utol namin. Sigurado naman akong may sinabi na ang asawa mo kaya't itatanong ko lang kung hindi ka ba uuwi upang kukuha ng gamit mo?" sabi naman ni Mundo kay Mariz.
"Uuwi mga kuya este mga kapatid. Hmmm, Kuya na lang ang itawag ko sa inyo, puwede? Total kayo ang mga kuya-kuyahan ko. Let's make a plan. Uuwi ako ngayon pero sundan n'yo ako or puntahan n'yo ako mamayang gabi upang kunin ang maleta ko. Makakahalata sila kung may hatak-hatak akong maleta bukas sa pagpasok ko kuno sa theatre kaya't mamayang gabi ay maging akyat bahay kayo kuno. Okay lang ba mga Kuya?" may ngiti sa labing paliwanag ni Mariz Kaye bago binalingan ang asawa.
"Mukhang naging tahimik ka na, 'heart? Hmmm, sabi nga ni Kuya Bong-Bong kanina ay wala bang kiss the bride? Sige ka baka mapanis ang laway mo diyan." Panunukso pa niya rito.
Kaso!
Ang hindi napaghandaan ay hinapit siya nito saka siniil nang halik na walang pasintabi!
Napa 'oooh' na nga lamang ang tatlo sabay talikod dahil sa biglang pagyakap at paghalik ng kaibigan nila sa asawang naisipang kantiyawan ito nang harapan-harapan.
SA isipan ni Mariz Kaye ay may kalokohan ding itinatago ang mahal niyang asawa. Ngunit sa kabilang bahagi rin ng utak niya ay kinikilig. Kaya't imbes na awatin ito lalo at nasa tabi nila ang mga kaibigan nito ay ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito saka tinugon ito sa makapugtong halik.
"Ha! Sino ang nakita mo, boss?" hindi makapaniwalang tanong ni De Silva sa amo."Ikaw naman, De Silva. Ang linaw-linaw nang pagkasabi ko eh," nakangiwing tugon ni Boss Jolbon. Hindi naman siya galit sa paraan nang pagtanong nito pero hindi pa rin siya makapaniwala't makahuma sa nasaksihan. Mag-asawa na ang anak niya at dalaga ng mga Mondragon, at higit sa lahat ay may apo na sila. Nanganak na ang manugang niya.Kaso dahil na rin sa malaliman niyang pag-iisip ay maaring inakala ng right hand man niyang hindi siya nakikinig. Kaya't muli itong nagwika."Haist, bossing naman eh. Kanina pa ako daldal nang daldal dito sa harapan mo. Baka naman maaring sabihin mo sa akin kung bakit ka napatulala? Ah, mali pa rin. Ano ba kasi ang nakita mo, boss? Sabi mo malinaw ang pagkasabi mo pero hindi ko naman naunawaan." Sa pagtataka y kakamot-kamot na rin si De Silva sa ulo.Tama, tauhan lang siya ng boss Jolbon niya pero parehas silang pamilya ang turing sa isa't-isa. Sabi nga ng iba ay mag-asawa sil
"Move faster! We're running out of time!" sigaw ng unipormadong Thai Commander."Sabi ko naman kasing ihanda ang mga iyan kahapon pa pero hindi kayo nakinig sa akin eh." Paninisi pa nito sa isang tauhan."Sorry po, Sir. Wala naman po kasing mag-aakalang dadalaw ngayon si boss Ram," tugon ng isa."Kaya nga lagi kong sinasabi sa inyong lahat na maging cowboy kayo na laging handa. Hindi iyong saka pa lang kayo magliligpit kapag darating si boss. Pasalamat kayo't hindi strikto ang boss natin eh," sagot ng Thai Commander."Sorry na, Commander. Sisikapin naming gawin at sundin ang lahat," muli ay wika ng isa."Dapat lang, Sao. Dahil kapag si Boss Ram ang magalit ay lagot tayong lahat. Mabait ang Boss natin ngunit alalahanin nating mahirap abusuhin ang tiwala niya," saad ng Thai Commander.Sasagot pa sana ang isa pero eksakto namang paglapit ng isa pang tauhan. Kaya't napabaling sila rito."Sir, nandiyan na sa labas si Boss Ram. Sabi niya ay sa library daw kayo mag-usap," bulong nito.Bulong
"Welcome to our home, officer Xavier, officer Andaya I never expected you two to rushed here in our home. Have a sit." Masayang sinalubong ni Clarence ang mga maaga nilang panauhin."Thank you, Captain Mondragon, pilot Herrera," tugon ni boss Jolbon."Naipasa ko na sa panganay kong anak ang pagka-captain ko, officer Xavier. Pero teka lang, hindi inaasahang magkakilala kayo ng balae ko. How do you know each other?" Pinaglipat-lipat ni Clarence ang paningin sa dalawang panauhin.Kaya naman si Jhay-R ang sumagot. Well, nais sana niyang sabihing masyadong formal kaso sinarili na lamang niya. Dibale na lamang total masaya naman ito na nandoon sila. Ganoon pa man ay nagsalita siya. Ayaw na ayaw naman kasi niyang tinatrato siyang VIP lalo at in-laws ito ng pamangkin niya."Magkakilala na kami noong nasa serbisyo pa kami balae or should I say noong parehas kaming nagsisimula pa lamang sa bokasyong tinahak namin. At kalaunan ay naging best buddies na kahit bihirang magkita ay handang supurtaha
"Ano ngayon ang plano mo, Pare?" tanong ni Jhay-R sa kaibigang hindi na niya mabilang kung ilang beses nang nagpakawala ng malalim na hininga."Alam kong nagtataka na ang buong organisasyon kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan kong mahanap si Luther. Ngunit wala akong pakialam, Pare. Dahil sa ilang buwan simula nang nawala ito ay mas naisip kong mali ang naging desisyon ko noon," anito imbes na sagutin ang tanong niya."Tama ka, Pare. Subalit malayong-malayo naman yata ang pahayag mo sa naging tanong ko." Seryoso ang usapan nila ngunit sinadya niyang ngumiti upang pukawin ang agam-agam nito.Dati na itong seryoso maliban na lamang kung nagbibiruan sila ngunit mas naging seryoso ito ilang buwan na ang nakaraan. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil anak nito ang sangkot. Kaso nais rin niya itong sapakin dahil hindi rin masabi-sabi sa legally adopted child nitong si Skyler ang katotohanan tungkol sa katauhan nito."Tsk! Tsk! Alam kong pinapatawa mo lang ako, Pare. Ngunit tama ka
"Tol, mukhang hiyang n'yong mag-asawa dito ah," ani Mundo."Tama ka, Tol. Ilang buwan na simula noong napadpad kami rito sa Albay and as you can see malaki na rin ang ipinagbago ng paligid even the house that you prepared for us." He smiled to them."Ikaw naman Tol para kang others. Bahay n'yo na ito dahil kayo ang nandito. By the way, total nakasunod na kami rito nang walang aberya ay balak naming magpagawa ng isa pang bahay diyan para may matirhan kaming tatlo---"Kaso ang pananalita ni Bong-Bong ay agad ding pinutol ni Mariz Kaye. May dala-dala itong meryenda para sa kanilang lima."Mawalang-galang muna, Kuya Bong at pasensiya na dahil narinig ko ang sinasabi mo. Kung tutuusin, no, mali pala dahil kayo naman talaga ang may-ari ng bahay. Bakit pa kayo magpapagawa ng samantalang may bahay na tayo rito? Hindi ba't kami dapat ng asawa ko ang magpagawa ng sarili namin. Naku, Kuya Bong, kasya naman tayo rito. Kaya't huwag na kayong magpagawa ng ibang bahay," sabi ni Mariz Kaye sabay lapa
"Ito na nga ba ang sinasabi ko sa iyo dati pa, Pare. ano ngayon, naglayas na ang anak mo. Naglayas man o nagtanan ganoon pa rin iyon. Dahil sigurado akong nagmamahalan sila ng dalagang Mondragon," sabi ni Jhay-R sa kaibigang hindi mapakali.Paanong hindi siya aligaga samantalang huli na rin nang nalaman niyang anak ng may-ari ng MARGARITA INTERNATIONAL CRUISE SHIP ang nobya ng anak niya. Magsisi man siya ay huli na dahil wala nang nakakaalam kung nasaan ang mga ito. Kahit ang mga tauhan nito ay wala silang makuhang sagot kahit takutin niya. Mga sworn brothers nitong kahit yata tanggalin niya sa trabaho ay wala ring saysay. At sa kaisipang iyon ay napahinga ng malalim si Boss Jolbon. Maaring hindi mahintay ng kaibigan niyang sasagot siya kaya't muli itong nagwika."Manugang ng kambal ko ang kapatid itinanan niya, pare. Panganay na anak ni Clarence ang manugang namin kay Agatha kaya't sigurado akong hindi sila titigil hangga't wala silang nalalaman. Alam kong hindi ka magpapatalo sa yam







