“Ate, halika, may ipapakita ako sa’yo.”
Bigla akong hinila ni Zaria. Hindi ako nakatanggi. Somehow, mas okay na iyon para makaiwas ako kina Tito Clarence. Baka ipiipilit na naman ang pagbibigay ng bodyguard sa akin.
“Zariah, may pupuntahan sana ako.” wika ko nang makita sa suot kong relos na malapit na ang oras sa meeting namin kay Mr. Patopatin. Ayoko sana siyang tanggihan, pero wala na akong choice. Kailangang makabalik ako kay Clyde sa tamang oras, bago niya mapansin na may kulang na naman sa script ng pagpapanggap ko.
“Really?” May halong lungkot ang boses niya. “Sayang, may ibibigay sana akong pasalubong. Ibinalita kasi ni Mommy sa akin na nandito ka na.”
Agad naman akong nakaramdam ng konsensya sa sinabi niya. Ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay.
"Promise mamayang gabi, titingnan ko ang pasalubong mo sa akin. Huwag na muna ngayon, may mahalaga kasi akong lakad.” Mahinahon kong paliwanag sa kanya.
Sandali muna niya akong tinitigan at masiglang sumagot. “Sige, promise mo ‘yan ah.”
Lihim akong nagpasalamat at tinantanan na niya ako. Ngunit akala ko lang pala iyon dahil muli siyang nagsalita.
“Saan ka pupunta, sasamahan na kita.”
Heto na naman.. Napakagat ako sa loob ng labi ko. She’s sweet, pero ang kulit. Pakiramdam ko, may instinct siyang ayaw akong pakawalan. Bahagya akong napailing at pinilit ngumiti ng kaunti.
“Sa mall, naiwan ko kasi ang pinamili ko doon kanina.” sagot ko. Hindi naman pwedeng paiba-iba ang dahilan ko since ito na ang ginawa kong dahilan kay Tito Clarence.
“Tara, samahan na kita. Gusto ko rin gumala.”
Bakit ba pakiramdam ko gustong bumuntot ni Zariah sa akin kahit saan ako pumunta? Paano mamaya pag nagtrasform na naman ulit ako? Bahala na. Hindi naman niya siguro ako makikilala tulad ng ibang body guards.
Nagpatianod ako sa gusto ni Zariah. Matapos magpaalam sa magulang niya, agad na kaming umalis.
Hindi ko alam kung swerte o sumpa si Zariah. Habang palihim akong nagpapanik sa isipan ko, siya naman parang nagpa-party sa kadaldalan niya. Bakit parang siya ang may hawak ng script ngayon? Kinukuwento niya ang mga boyfriend niya na paiba-iba. Pero sa lahat ng mga knuwento niya kalahati lang doon ang pumasok sa isipan ko. Nakatingin ako sa labas ng bintana, pilit iniwasan ang makulit niyang kwento. Pumipikit-pikit ako, hindi dahil inaantok, kundi dahil iniisip ko kung may naiwan ba akong trace bilang Crystal.
“Ate, nagmahal ka na ba?”
Narinig kong tanong niya?
“Huh?” Hindi ko alam ang isasagot, nakakabigla kasi ang tanong. “Hindi pa.” Sagot ko.
“Ibig sabihin hindi kapa na inlove kay Kuya?”
Nakagat ko ang ibabang labi sa kakulitan ng tanong niya. Di ko siya sinagot. Pasalamat na lang ako dahil hindi rin siya nag-usisa pa.
Fully book na kasi ang isipan ko sa kaiisip kung paano ko malulusutan itong pekeng pagmumukha ko. First day palang dito sa pinas hirap na ako. Paano pa kaya ang isang buong taon na pagpapanggap?
“Ate, we’re here na.”
Saka palang ako nakabalik sa aking sarili nang marinig ang pagtawag ni Zariah. Nakababa na pala siya ng sasakyan at nakaabang na sa pintuan. Mabilis din akong lumabas mula sa dilaw niyang bumble bee. Bahagya pa akong napangiti sa mukha ng sasakyan niya. Parang nang-aasar na bubuyog dahil mukhang nakangisi ang disensyo. Parang nang-aasar sa daan ang may-ari ng sasakyan.
Pumasok na kami sa entrance ng mall. Binalingan ko si Zariah.
“Gumala ka muna riyan. Kunin ko lang sa VIP lounge ang gamit ko.” Paalam ko sa kanya. Sumang-ayon naman agad siya sa akin.
“Wait…ate, kunin ko pala ang number mo.” Pahabol niyang wika sa akin.
Bumalik na rin ako at binigay sa kanya ang number ko nang hindi nag-iisip.
“Number mo din pala.” Humingi din ako ng number niya para mamaya, text ko na lang siya na mauna nang umuwi dahil may iba pa akong lakad. Hindi pwedeng sumama pa siya sa akin sa DelCas gayung iba na ang mukha ko mamaya. Matapos kunin ang number niya agad na akong tumalikod.
Dumiretso ako sa VIP Lounge at kinuha nga doon ang damit na hinubad ko kanina as Crystal Delmar. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka nandyan lang sa tabi-tabi si Zariah. Nang makitang wala, deretso na ako sa fitting room.
Isang minuto lang akong nagbihis. Mabilis kong iniba ang ayos ng aking buhok. Naka lose bun na naman ulti ito at hinayaan nakalugay ang ilang hibla sa aking makinis na pisngi. Malinis na rin ang aking mukha at muli na naman lumitaw ang aking tunay na kagandahan.
Message ko na lang si Zariah na huwag na akong hintayin. Binuksan ko ang pintuan ng fitting room para lang masindak sa aking nakita. Si Zariah, pasimpleng nakaabang sa akin.
“Wow, new transformation ate? Ito ang gusto kong mukha. May aura nang pagkamahinhin, di makabasag pinggan, mahiyain, pero ramdam mo ang tapang sa loob. That’s great!”
Napakurap ako ng ilang beses habang nakatitig kay Zariah. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Tila natigilan ako at nanigas sa kinatatayuan. Hindi ako agad nakapagsalita. Kakaiba siya. Paano niya ako nakilala? Si Clyde nga hindi ako nakilala, bakit siya? Habang nahuhhulog ako sa malalim na pag-iisip, tawa ng tawa naman sa akin si Zariah.
“Oy…ano ba ang iniisip mo?” Nagtataka niyang tanong nang makitang tulala pa rin ako.
“Nag…Nagtataka kasi ako kung paano mo ako nakilala?” Pag-amin ko. Mas lalo siyang pumalatak ng tawa.
“Of course I will. Hindi na pala kita tatawagin na ate, nagmumukha kang mas matanda sa akin. Ate lang naman tawag ko sa’yo since asawa ka ni Kuya, pero mas matanda ako sa’yo.”
“Mas mabuti pa nga.” Sagot ko agad ngunit halata na ng excited sa paliwanag niya bakit niya ako nakilala. “Paano mo pala ako nakilala?” Muling tanong ko.
“Syempre, dahil lagi akong sumasama kina Mom and Dad sa San Francisco dahil gusto kong kalaro ka. Wala kasi akong kapatid. Hindi na ako binigyan ni Mom kahit gusto ko. Kaya sa tuwing pumupunta sila ng states sumasama talaga ako dahil excited akong kalaro ka. Wala ka pa yatang natatandaan dahil 1-2 years old ka palang nun nang nilalaro kita. Sobrang baby pa. Ang mukha mo wala kayang maraming nunal. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit ka nagkaroon. Tinitigan ko talaga kanina, sabi ko baka nagkasakit ka ng ketong. Ako na ang magpresenta na gamutin ka.”
Gusto ko siyang hampasin sa paratang niya sa akin. Ngunit natawa pa rin ako sa mga banat niya.
“Si Clyde, bakit hindi niya ako kilala?”
Napayuko ako. Bakit nga ba?
Sinagot naman agad ni Zariah ang tanong ko. “Malamang hindi ka talaga naaalala ni Kuya. One year ka pa lang nang dinala ni Tita Mylah sa bahay. That time bagong kasal sina Mom at Dad. Yun din ang time na you and kuya are both forced into marriage. Ayaw kasi ni Dad na baka anak ng kalaban niya ang mamahalin ni Kuya later on tapos paghihiganti lang naman pala ang pakay. Simula n’on hindi na nagawang sumilip ni Kuya sayo. Ayaw ka niyang makita. Dad knows na masama ang loob ni Kuya kaya hindi na nila pinilit pa si Kuya na kargahin ka. Kahit nga ang sumama sa states para makita ka, ayaw ni Kuya.”
Habang sinasagot niya ang tanong ko, ramdam kong unti-unti akong lumulubog sa mga alaala ng batang ako na kailanman ay hindi naging bahagi ng puso ni Clyde.. “Kaya pala.” mahinang usal ko.
“So, anong nasa isip mo ngayon ba’t bigla ka naman bumalik sa dati mong ganda?”
Hindi na ako makakatakas pa. Nakatitig siya sa akin, hindi na bilang si Zariah lang, kundi bilang kapamilya ng lalaking asawa ko sa papel. Kailangan ko nang sabihin ang totoo. Dahil ngayon, may isa nang tao sa mansion na may hawak ng lihim ko. After all, maintindihan naman niya siguro bakit ko nagawa ito?
CLYDE’S POV“We’re here to discuss business, not your shared past with her.” Hindi ko alam kung halata ang iritasyon sa boses ko habang nagsasalita. Ngunit wala akong paki-alam. Gusto ko nang matapos itong business meeting namin ni Mr. Patopatin. Tila nawalan ako ng gana para tumagal pa na magkasama kami ni Crystal. “Apologies, I didn’t mean to cross a line. It’s just hard to believe that the woman I’ve been looking for all this time is here… working for your com—.”“Let’s get straight to the business.”Maagap kong pinutol ang sinasabi ni Mr. Patopatin. Hangga’t maaari gusto kong manatiling kalmado ang aura ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi ko alam bakit ako naiinis? “Sure..I’m sorry.” Binuksan niya ang dalang folder. Nagkunwari pa akong hindi nakita ang matamis na ngiti ni Mr. Patopatin habang nakatingin kay Crystal. Nanatili lamang akong kalmado ngunit ramdam ko nang nang-iinit na ako sa inis. “As for the current standing of Topworld Airlines, we suggest a…………..Sinimula
Nanigas ang panga niya habang dahan-dahan akong umaatras. Agad kong tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanyang matipunong dibdib. Nanginginig ang mga daliri ko habang bumababa ang titig ko sa sahig."If this is how you are on day one, I can't wait to see what kind of mess you'll bring on the next." Mababa at mariin ang kanyang boses, tila nagbabanta kahit hindi sumisigaw. Maging ang mga balahibo ko gustong tumayo sa lamig ng boses niya tila pinaparamdam sa akin na wala akong silbi.“Kuya, it’s all my fault.” Napapikit na lang ako ng mga mata habang nagpapasalamat kay Zariah. Agad siyang pumagitna sa aming dalawa ni Clyde.Ang kaninang paninilim ng mga mata ni Clyde ay napalitan ng pagtataka habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Zariah. Tila nagtatanong kung paano kami nagkakilala.“Pinigilan ko kasi si Chris—” Kinabahan ako ng muntik nang banggitin ni Zariah ang pangalan ko. Napakapit ako sa braso niya. “Crystal,” Pabulong kong sabi na kaming dalawa lang ang nakakari
“Zariah, nagtataka ka ba kung bakit minabuti kong maging pangit sa harap ninyong lahat?” Napatingin ako sa malayo habang tinatanong ito, pilit pinapakalma ang sarili.Sandaling nag-isip si Zariah bago sumagot. “Hmmm…dahil kay Kuya?” Umangat ang isa niyang kilay, parang sinusubok kung tama ang hinala niya.Tumango ako. “Excatly. Hindi ko pa nakikilala ang kuya mo noon, ayaw ko rin sa set-up ng kasal namin. Kaya ang mga pangit na mukha ko sa pictures ang pinapadala ko sa kanya upang hindi siya mainlove sa akin.” Bahagya akong ngumiti, tila ako na rin ang natawa sa pinaggagawa ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.“Yun pala, hindi ko na dapat ginawa iyon, dahil simula’t-sapul galit na pala siya sa akin.” Napalunok ako, pilit nilulunok ang pait na nararamdaman habang sinusubukang panatiling matatag ang boses. “Not totally, na galit si Kuya sa’yo. Mas tamang sabihin na ikaw ang napagbuntunan ng galit niya dahil hindi niya magawang magalit kay Daddy.” Paliwanag ni Zariah. Malumanay ang to
“Ate, halika, may ipapakita ako sa’yo.”Bigla akong hinila ni Zaria. Hindi ako nakatanggi. Somehow, mas okay na iyon para makaiwas ako kina Tito Clarence. Baka ipiipilit na naman ang pagbibigay ng bodyguard sa akin.“Zariah, may pupuntahan sana ako.” wika ko nang makita sa suot kong relos na malapit na ang oras sa meeting namin kay Mr. Patopatin. Ayoko sana siyang tanggihan, pero wala na akong choice. Kailangang makabalik ako kay Clyde sa tamang oras, bago niya mapansin na may kulang na naman sa script ng pagpapanggap ko.“Really?” May halong lungkot ang boses niya. “Sayang, may ibibigay sana akong pasalubong. Ibinalita kasi ni Mommy sa akin na nandito ka na.” Agad naman akong nakaramdam ng konsensya sa sinabi niya. Ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay. "Promise mamayang gabi, titingnan ko ang pasalubong mo sa akin. Huwag na muna ngayon, may mahalaga kasi akong lakad.” Mahinahon kong paliwanag sa kanya.Sandali muna niya akong tinitigan at masiglang sumagot. “Sige, promise mo ‘yan
“Nice one, huh? Pati dila mo wala na rin palang inaatrasan ngayon.” May banayad nang pang-iinsulto ang boses niya.Umarko naman ang isang kilay ko. “Nagpapatawa ka ba, Mr. DelCastrillo? Huwag mong sabihin na nakaurong ang dila mo kapag kaharap mo ako?”Tumaas ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nanatiling nakataas ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin. Kung yelo lang ako, kanina pa ako natunaw sa mainit na titig niya. Tila ba sinusuri niya ang buong pagkatao ko gamit lang ang kanyang mga mata. Kumakabog ang dibdib ko pero hindi ako nagpadaig, ayokong ipakitang natitinag ako.“Excuse me, senorito, tinatawag na po kayo ng Daddy mo. Kasama po si Senorita Christine. Kakain na raw po.”Napalingon kami nang marinig ang tuloy-tuloy na pagsasalita ng kanilang kasambahay. Naalarma ako, panandaliang pahinga mula sa tensyon pero ramdam kong hindi pa tapos si Clyde.Muli akong pinasadahan ng tingin ni Clyde, tila walang balak na tantanan ako. Tumagilid ang ulo niya, bahagyang nagtaas ng ki
Maagap akong nagsalita. “Sir, magpapaalam sana ako na pupunta ng mall. Since first day ko rito sa pilipinas, gusto kong gumala muna. Babalik ako at one p.m. sharp para sa meeting natin with Mr. Patopatin.”Agad siyang sumang-ayon. “Sa mall din naman ako pupunta, sasamahan na kita.”Pumayag na ako sa offer ni Clyde para mas mapabilis ang aking transformation. Pagdating sa mall, mabilis akong nagpaalam kay Clyde.“Sorry, Sir. I need to pee.” Pagdadahilan ko para makalayo ako sa kanya. Sumang-ayon din siya ngunit nakita kong nagsisimula nang maglikot ang kanyang mga mata tila may hinahanap. Alam kong hinahanap nito si Christine.Mabilis akong pumasok sa fitting room at hinanap sa bag ko ang suot ko kanina. Inayos ko ang paglagay ng makapal na kilay, makapal na labi at maraming nunal sa pisngi. Mga fake moles na binili ko pa sa states at ibinaon dito sa pinas. Nang makitang ako na naman ulit ang pangit na Christine, lumabas na ako ng fitting room. Gumala-gala ako sa loob ng mall at nag