Home / Romance / BETWEEN LOVE & LIES / Chapter Three: The Confrontation

Share

Chapter Three: The Confrontation

last update Last Updated: 2025-10-27 21:56:46

“Alexa! Alexa!” 

Boses ni Jake iyon.

Tiyak na mainit na naman ang ulo ng lalaki. Mula nang nanggaling sila sa hospital halos dalawang buwan na ang nakalipas, naging kapansinpansin na  ang pagiging mainitin ng ulo ng lalaki.

Noon naman ay hindi ito ganito. Ngayon lang. Ngayon lang siguro dahil iritable siya sa sarili. Marami na kasing bagay na dati ay ginagawa niya pero ngayon ay hindi na niya magawa.

Dali-dali niyang iniwan ang pagsasalansan ng mga damit ng lalaki sa built in closet at tinungo ang kinaroroonan nito.

“J…Jake? Ano yun may kailangan ka?” ani Alexa. Gagawaran sana niya ng masuyong halik sa pisngi ang lalaki ngunit umiwas ito.

Nasaktan man ang kalooban ay pilit na pinasaya ni Alexa ang boses.

“Jake may masakit ba sa'yo?”

“Kanino ang mga iyan?!”  pabulyaw na sabi ng lalaki sabay may inihagis na kung ano sa sahig.

Napansin niya ang paniningkit ng mga mata ni Jake. Galit ang naka rehistro sa mukha ng lalaki.

Naka upo ito sa sofa habang nanonood ng telebisyon kanina lang, ang akala niya ay nalilibang ito sa panonood kaya sinamantala na niya na makagawa sana ng mga gawaing bahay habang namamalengke ang ina ng binata. Ngunit heto at mukhang mainit na naman ang ulo ng kaniyang kasintahan.

“Jake? Ano ba ang problema?!”

“Bakit hindi mo subukan na tanungin ang sarili mo!” asik pa ng lalaki.

Nanginig ang buo niyang katawan nang mapansin kung ano ang bagay na inihagis ng lalaki sa sahig.

Yung Pregnancy Test kit ……napalunok siya nang sariling laway nang tumambad sa kaniyang harapan ang mga iyon.

“Kanino yan?! Sa'yo hindi ba? Imposible naman na kay Mama! Dalawa lang kayong babae sa bahay na ito Maria Alexandra!” ani Jake na nanlilisik ang mga mata. 

Nakakuyom ang kamao ng lalaki dala marahil ng matinding pagtitimpi.

“Babe let me explain kaya kong ipaliwanag ang lahat!” ani Alexa sa pagitan ng paghikbi.

Ang araw na kinakatakutan niya ay dumating na. Buong akala niya ay naitapon na niya sa trash bin ang mga pregnancy test na iyon at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nahalukat pa rin pala iyon ni Jake.

“Alexa alam mo na hindi ko t*nga! That child is not mine alam mong all these years ay iginalang kita” 

“Jake!” Gusto sana ni Alexa na maipaliwanag ang sitwasyon niya sa lalaki ngunit hindi niya magawa. Pakiramdam niya may kung anong naka bara sa kaniyang lalamunan at walang lumabas na tinig mula sa kaniyang bibig.

“What now? Sasabihin mo sa akin na nagawa mo lang yan dahil kinailangan mo na isalba ang buhay ko, ganun ba Alexa?  At sa akala mo ba naniwala ako nang sinabi mo kung paano ka nakalikom ng malaking halaga para sa operasyon ko? Hindi ako naniwala Alexa, alam ko… sa puso ko na galing sa masama ang pera na ‘yun! ” wika ng lalaki na hilam ng luha ang mga mata.

“Paano kung sabihin ko sa'yo na oo?!”

“Paano kung sabihin ko na wala ako choice kung hindi ibenta ang sarili ko para lang mabuhay ka Jake?!”

“Paano kung sabihin ko sa'yo na hindi ko ginusto ang mga nangyari? Jake wala akong choice that time kung hindi ang kumapit sa patalim para mailigtas kita!” ani Alexa sa pagitan ng mga hikbi.

Umaasa ang dalaga na makakaya ni Jake unawain ang sinasabi niya.

Baka sakali na makinig ito bago magalit.

Baka sakali na maayos pa niya ang lahat.

“Then sana hinayaan mo na lang akong mamatay Alexa! Mas gugustuhin ko pa iyon!” hiyaw ng binata.

“At sa palagay mo ba ay makakaya ko na hayaan kang mamatay ng ganun na lang Jake?”

“Umalis ka na Alexa! I don't want to see your face! Leave!!!!!”, asik ng binata Kay Alexa.

Daig pa ni Alexa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Ang taong naging kaibigan niya at kakampi sa mahabang panahon bago niya naging kasintahan ay galit na galit na sa kaniya ngayon. 

Bakit ganun ? Bakit galit ang naging kapalit ng kaniyang sakripisyo sa halip na pangunawa.

Itinaya niya ang kaniyang sarili.

Para lang kay Jake.

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo ha Jake?!”, hindi makapaniwalang tanong ni Alexa habang luhaan ang mga mata.

“Sigurado ka ba na kaya mo nang itapon lahat ng pinagsamahan natin dahil lang sa hindi na ako malinis ngayon? Kaya hindi mo na ako kayang tanggapin pa?”

“I said leave! Hindi ko kayang makita ka Alexa knowing na may nakasiping ka nang iba dahil isipin ko pa lang kung paano ninyo nabuo ang batang iyan nasusuklam na ako!” 

May sasabihin pa sana si Alexa ngunit hindi na niya nagawang magsalita.

Masakit na talikuran siya ni Jake bilang kasintahan pero mas masakit na tila ang pagiging magkaibigan nila simula pagkabata ay tinalikuran na rin ito.

“ Kung iyan ang gusto mo Jake sige aalis na ako pero ito ang tatandaan mo hinding-hindi na ako makikita pa! Simula ngayon tuluyan na akong mabubura sa buhay mo!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Thirteen: Caught in the Middle

    "Lu—Luis!" mahinang daing ni Alexa habang sige ang lalaki sa ginagawa ng paghalik sa kaniyang dibdib. Mainit ang mga palad nito na humahaplos sa kaniyang batok. Hanggang sa gumapang ang mga halik ng lalaki sa kaniyang leeg at tinungo ang kaniyang mga labi. Mapusok ang labi ni Luis, mapangahas, at mapag angkin na para bang pinapaalala sa kaniya na siya ay pagmamay-ari lamang nito. "Love me Alexa and I will give you everything! mahinang usal nito sa pagitan ng mga halik. Hindi na niya namalayan napahawak na pala siya sa batok ng lalaki at gumaganti siya sa mga halik nito. Halos hindi siya makahinga. Kumakalabog ng malala ang kaniyang dibdib. Hindi rin niya ito magawang itulak palayo dahil bawat haplos at yakap ni Luis pakiramdam niya ay kuryente na nagbibigay buhay sa buo niyang kaluluwa. Isang bagay na hindi naman niya naramdaman Kay Jake noon! Bahagya siyang nahiya nang bahagyang tumigil ang lalaki sa ginagawa upang titigan ang kaniyang mga mata. Blanko ang ekspresyo

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Twelve: Love Me Alexa!

    "What?! Nahihibang ka na ba Mr.Luis Antonio dela Merced?""Why? Do I look crazy? Hindi ako nagbibiro Alexa alam ko sa sarili ko ang gusto ko at ang gusto ko ay mahalin mo ako!",determinadong ani Luis.Bumalik ito sa kinauupuan na swivel chair at diretsang tiningnan sa mga mata ang babae habang nilalaro laro sa kaliwang kamay ang fountain pen."Hindi kita maintindihan Luis, kanina lang sinasabi mo sa akin ang prenuptial agreement nating dalawa... it is clearly stated there na hindi ako makakakuha ni isang kusing sa'yo sa sandali na maghiwalay tayo...and now all of a sudden uutusan mo ako na mahalin ka? Ano ba talaga ang tinutumbok ng salita mo! Kindly explain po at hindi ko maintindihan", Alexa says sarcastically."As simple as this Alexa... kailangan mo akong mahalin upang hindi tayo magkahiwalay! And kung hindi tayo magkakahiwalay mapapasayo ang lahat ng meron ako!", tahasang ani Luis.Daig pa ni Alexa ang sinampal.Ibigsabihin inuutusan siya ni Luis na mahalin siya upang walang magi

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Eleven: The Agreement

    "Ma'am Alexa pinapasabi po ni Sir Luis na gusto po niya kayo makausap",ani Manang Luz. Hindi na niya namalayan ang oras at nakatulog na pala siya. Minabuti na niya na umidlip muna habang hinihintay ang pagdating ni Luis sa mansiyon. Ang sabi ng mga kasambahay ay nasa palayan raw kanina si Luis at may mga inaasikado doon. "Sige Manang Luz saan ko po ba matatagpuan si Luis?" "Nasa third floor po si sir Luis sa opisina niya ma'am".,masayang wika ng ginang. "Okay po pupunta na po ako doon",nakangiti naman niyang sabi. Nang makaalis na ang ginang ay minabuti niya na buksan ang built in closet at tingnan kung ano ang damit na maari niyang isoot upang maging kumportable. Naka T-Shirt at pants siya na hiniram niya Kay Jane at aaminin niya na hindi siya gaano g kumportable dahil maluwag iyon ng bahagya sa kaniya. Nangangayayat siya dala ng paglilihi at malimit ay inululuwa rin niya ang inilalaman niya sa kaniyang tiyan, kaya marahil siya namamayat. Tumambad sa kaniya ang ibat-ibang dam

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Ten: Luis Antonio's ex-girlfriend is a bitch!

    "Ma'am! Ma'am Trina h'wag na po kayong mag eskandalo dito! Wala po dito sa mansiyon si sir Luis!"ani Manang Luz ang mayordoma sa mansiyon. Naghuhurumintado ang babae pagpasok pa lang ng mansiyon at gaya ng dati wala itong pakundangan kung tama pa ba o mali na ang ikinikilos nito."And who do you think you are! Katulong ka lang sa mansiyon na ito!", asik ng magandang babae.Nakasoot ito ng fitted na skirt na 3 inches above the knee at sleeveless na top kaya litaw na litaw ang makurba nitong katawan. May katangkaran ang babae, idagdag pa na naka high heels rin ito kaya naman kahit na anong pigil ni Manang Luz at Letty ay sumasalya lang sila sa tabi.Napahawak na lang sa sariling noo si Letty."Ma'am wala po talaga si sir Luis dito!" wika ni Letty, isa rin sa mga kasambahay."Eh kung ganun nasaan ang malanding babae na ipinalit sa akin ni Luis? I want to see her!" wika ng babae."Ma'am hindi naman po pwede ang gusto ninyo. Mas mabuti pa po ay bumalik na lang kayo sa ibang araw kung nand

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Nine: New Home,New Life

    "Bessy! Grabeng ganda naman dito! Tiyak yung maids' quarter maganda pa sa bahay ko!", maarteng ani Jane."Shhh!" sinenyasan ni Alexa si Jane na kung pwede ay itikom nito ang kaniyang bibig.Kung minsan talaga sumusobra ang kadaldalan ni Jane at nakakalimutan na nito ang pumreno.Kanina pa kasi itong puri nang puri sa mansiyon. Mula sa mga kagamitan hanggang sa malawak na garden at malaking swimming pool na natanaw nito kanina lang."Bessy gusto ko mag swimming tayo mamaya ha?",pilyang wika ng babae."Jane!" kunway saway niya sa kaniyang kaibigan.Masyadong halata na excited si Jane sa pagtira nilang dalawa sa mansiyon at ayaw naman niya na may masamang isipin tungkol sa kanila ang sinuman na makakarinig. Kaya pinandilatan talaga niya ito ng mga mata hanggang sa makuha nito ang gusto niyang iparating.Nang dumating sila ni Jane dito sa mansiyon ay wala si Luis nasa palayan raw ito at kinakausap ang mga magsasaka doon kaya sila lang dalawa ang magkasama na kumain ng tanghalian. Hindi

  • BETWEEN LOVE & LIES   Chapter Eight: Adjustments

    "Wow! Talaga ha? Pack up na ba tayo?! "Oo pumayag si Luis na isama kita sa mansiyon!" Hindi magkanda tuto si Jane sa pag iimpake ng mga gamit. Mula mga beauty products at skin care hanggang sa mga damit. Mukhang mas excited pa sa kaniya ang kaniyang kaibigan. "Grabe Bessy pati naman ako ay makakatira sa mansiyon. Pangarap ko lang iyon dati!", masayang sabi ng dalaga. "Ikaw talaga! Sinabi ko kay Luis na kailangan kita para alalayan ako sa aking pagbubuntis." "Kaya nga Bessy ang saya ko! Makakasama na kita tapos may trabaho pa ako. Mula ngayon ako na ng personal assistant mo Bessy!" Masayang masaya ang kaniyang matalik na kaibigan sa balita na hatid niya. Kinuha na ni Luis si Jane bilang personal na tagapangalaga niya habang buntis siya. Malaking bagay rin naman para sa kaniya na may makasama sa mansiyon lalo na ngayon na nag- aadjust pa siya sa bagong buhay na tatahakin niya. Tiyak na ikakagulat ng buong bayan ng Magallanes ang pagpapakasal ni Luis Antonio dela Merced

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status