Share

Chapter 8

Brianna

"Oouch...ang sakit ng ulo ko," daing ko nang magising ako sa umaga. Ito yata ang tinatawag nilang hangover. Mayamaya ay napatakbo ako sa loob ng banyo dahil biglang bumaliktad ang aking sikmura. Inilabas ko yata ang lahat ng mga kinain ko kagabi pati na rin ang nainom kong alak. "Kahit kailan ay hindi na ako iinom ng nakalalasing na inumin," mahinang sabi ko sa aking sarili. Nanghihinang napabalik ako sa higaan ko at muling nahiga sa kama. Nahihilo kasi ako at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

"Ate Brin, gising ka na?" tanong sa akin ni Bryle na biglang kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. "Brin" ang palayaw niya sa akin dahil nahahabaan siya sa pagbigkas sa pangalan ko kahit tatlong syllables nga lang ang "Brianna".

"Yes, gising na ako," mahina kong sagot pero sinigurado kong nakaabot pa rin sa pandinig niya. Pagpasok ni Bryle sa loob ng kuwarto ko ay bigla akong nagtalukbong ng aking kumot. Ayokong makita niya ang haggard kong hitsura dahil mahahalata niyang may hangover
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status