"Mag aalas singko na maligo na kayo at ipapahanda ko na ang hapunan ninyong dalawa. Kailangan alas syete ay naayusan na kayo at susunduin na tayo nila Allan mamaya," utos ni Jessa na napansin na nagkatinginan ang dalawang babae."Wag na kayong magtangka na tumakas dahil nagdoble bantay at nagdagdag na rin ng tao si boss para mabantayan kayo," dagdag pang turan ni Jessa.Walang nagsalita kina Trina at Berry at wala ring kumilos sa kanila kaya itinulak ni Jessa si Trina."Mauna ka ng maligo bilisan mo dahil maghahabol na tayo ng oras," pagalit na utos ni Jessa kay Trina na wala namang nagawa kundi sumunod na nga lang din.Makalipas ang ilang oras nakapaligo at nakakain na sina Trina at Berry ng may dalawang bakla na pumasok sa silid nila na bitbit ang susuotin nilang sexy dress at pang make up.Inabot sila ng halos isang oras sa pag aayos."No wonder kung bakit kayo ang napili na ipa-auction ni Madam. Napakaganda ninyong dalawa, dinaig n'yo pa ang ibang artista sa ganda," saad ng isang
"Madam..?!" mahinang sambit muli ni Jessa.Napatingin si Berry kay Jessa ng marining niya na tinawag nito na madam ang babaeng sumampal sa kanya at doon niya naunawaan kung bakit galit sa kanya ang babae."Do you think na masisira mo ang program kung tatayo ka lang na parang tuod sa gitna ng stage? Wag mo kaming artehan ngayong babae ka dahil walang maaawa rito sa 'yo ngayon," bulyaw ni Madam Lorena kay Berry na hawak pa rin ang pisngi niya na nakatungo ang ulo at tahimik na umiiyak."Kagabi pa ako sa inyo nagtitimpi. Ayusin mo 'yang mga alaga mo Jessa, dahil kapag ako napuno hindi ko na siya ipapaauction pa. Tignan ko lang kung hindi ka magsisi sa gagawin ko sa iyo," bantang turan ni Madam Lorena at agad ring umalis sa harapan nila.Mabilis na nilapitan ni Trina si Berry at niyakap ng matagal. "Okay ka na?" tanong ni Trina na tango lang ang naisagot ni Berry."Si Madam na ang nagbanta sa 'yo, isa pang maling gagawin mo Berry hindi ka na makakawala sa masaklap na buhay. Mag isip ka? s
Naiinip na sa kakahintay si Berry, kanina pa siya nagpapalakad-lakad na pabalik-balik sa loob ng silid kung saan siya iniwan ng lalaking naghatid sa kanya roon."Bakit naman napakatagal dumating ng hinihintay ko? gusto ko ng malaman kung ano ang dahilan kung bakit siya nagbayad ng malaking halaga para sa akin?" aniya sa sarili at naupo sa mahabang sofa na naroon sa silid dahil napagod na rin sa kanyang ginagawa."Ano bang balak niyang gawin sa akin? mukha naman siyang mabait kahit na medyo istrikto ang dating niya sa malayuan? Bakit parang kakilala ko na siya?" tanong niya pa sa hangin."Sana yung lalaki na lang na tumulong kay Marife ang nanalo sa bidding kanina. Kung sa kanya ako napunta ay pwede ko ng makasama uli si Marife o kaya kahit na malaman ko man lang kung nasaan ang kaibigan ko. Sino kaya siya? kasama pa kaya n'ya si Marife? sana ay makita kong muli ang gwapong lalaki na yon," wika niya pa sa sarili habang naghihintay sa nag bid sa kanya ng twenty million."Kumusta kaya si
Nagising si Berry na mababanaag ang pagtataka sa kanyang mukha. Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng magising siya at napansin niyang napalitan na ng ternong pajama ang suot niya kagabi bago siya nakatulog.Napabalikwas siya ng bangon ng maisip niyang baka pinagsamantalahan na ang balingkinitan niyang katawan kagabi habang siya ay tulog. Agad niyang sinuri ang kanyang katawan ng paulit-ulit.Napahinga siya ng malalim ng masigurado niya sa sarili na wala namang nangyari sa kanyang masama. Napahawak pa nga siya sa kanyang pagkab*bae para lang masigurado na wala ngang nangahas na gumalaw sa kanyang private part.Nag antanda pa nga siya at umusal ng pasasalamat sa hangin ng wala siyang maramdamang masakit sa maselang parte ng kanyang katawan.Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto, malaki iyon at may sariling banyo. Napansin niya ang damit na nasa ibabaw ng kama na malapit lang din sa kanyang tabi.Dinampot niya iyon at tiningnan. Isang bagong pares na panloob na pamba
"Fe, hindi ako mapakali. Iniisip ko kung paanong si Jayden ang kasama ko ngayon at hindi ang lalaking nagbayad ng dalawampung milyon para sa akin?" nagugulumihanang tanong pa rin ni Berry ng hindi pa rin sila binabalikan ng lalaki sa hapagkainan."Hindi ko rin alam ang sagot eh!. Ang alam ko lang ay sinigurado niya sa akin na maiuuwi ka niya rito sa bahay niya pagbalik niya galing ng auction," wika ni Marife."Nakita ko nga kase si Jayden sa harapan ng stage pero ang lalaking nag bid ng twenty million sa akin ay nasa itaas at hindi ko namukhaan kaya sigurado akong hindi siya," saad pa ni Berry."Ganito na lang para maliwanagan ka, tanungin mo siya mamaya kapag kayo na lang dalawa ang magkausap," suhestyon ni Marife sa kaibigan."Nakakahiya, pwede bang ikaw na lang ang magtanong para sa akin. Malapit ka naman na sa kanya di ba, kaya okay lang siguro kung ikaw na ang magtanong sa kanya," wikang nakikiusap ni Berry kay Fe na inilingan siya ng ulo nito."Bakit ako ang magtatanong? Ikaw da
"Tapos na kayong mag usap ni Jayden?" tanong ni Fe kay Berry ng makalapit sa kanya ang kaibigan."Oo, iniwan ko siya sa library.""Ang bilis naman ng pag uusap ninyo. Naitanong mo ba sa kanya ang gusto mong malaman?" muling tanong ni Marife at hinawakan si Berry at inakay palakad papunta sa likod ng kusina.Nagpatianod naman si Berry sa kaibigan. Naupo sila sa upuan na naroon."Anong sabi n'ya sa iyo, nagpaliwanag ba?" tanong ni Marife."Naipaliwanag niya na sa akin. Siya ang nagbayad ng twenty million, Kaibigan niya ang nakipagbid para sa kanya dahil yun talaga ang plano nila.""Siya nga ang bumili sa 'yo sa auction?" "Oo, Marife. Siya ang nakabili sa akin kaya pagmamay ari niya na ako," at napahinga ng malalim si Berry."Bakit parang hindi ka natutuwa na si Jayden ang nakabili sa 'yo, Berry?" komento ni Marife."Sino naman kayang tao Marife ang matutuwa na binili ang buong pagkatao mo. Pasalamat na lang ako dahil sa mabuting tao naman ata ako napunta. Pero kase Marife sinabi niya s
Inaya ni Marife si Berry na pumasok ng kwarto ng makaalis na si Jayden."Fe, anong gagawin ko? kami lang dalawa ang pupunta ng isla," saad ni Berry na parang bata na nagsusumbong."Ano bang ginagawa sa isla, Berry?" natatawang balik tanong ni Marife sa kanya."Naman eh! Fe, hindi ako komportabke na nasa tabi ko si Jayden," pagmamaktol pa ni Berry."Gaga, pagmamay ari ka na nung tao di ba at alam mo 'yon. Ikaw pa nga ang nagsabi sa akin kanina," pa angil na wika ni Marife."Yun nga!, sinabi ko naman sa kanya na hindi pa ko handa. Paano kung pilitin niya ako roon kapag kami lang ang magkasama?" nangangambang wika ni Berry."Ay ang arte mo Berry ha! ilang taon ka na nga uli? bente dos ka na, hindi ka na teenager, okay! Isa pa alam kong naaattract ka rin naman kay Jayden, nagpapakipot ka lang eh!" saad pa ni Marife na hindi mapigilan na hindi bumungisngis."Bakit, sinabi ko ba na ayaw ko sa kanya? Ano naman pati kinalaman ng edad ko? Hindi naman sa nagpapakipot ako, natatakot lang ako Fe.
Nakaidlip na si Berry ng balikan siya ni Marife sa silid niya. Hindi naman nakalock ang pinto kaya malayang nakapasok si Marife sa loob."Berry, gising..," tinapik tapik pa ni Marife ang braso niya."Uhmm..," ungol ni Berry."Anong uhmm..? gumising ka na at ayusin mo ang sarili mo. Nandiyan na yung secretary ni Jayden," saad ni Marife at umupo sa tabi ni Berry na ayaw pang bumangon."Inaantok pa ko, Fe." tinatamad na wika ng dalaga."Mamaya mo na ituloy ang tulog mo. Bumangon ka na at ayusin mo ang sarili mo dahil susukatan tayo ni Arianne. Nakakahiya na humarap ka sa kanya na may panis na laway ka at muta. Baka sabihin kay Jayden, nakakahiya naman di ba?!." turan ni Marife na ikinabangon agad ni Berry."Ayos ah ang bilis nakabangon!" natatawang wika ni Marife.Hindi na siya pinansin pa ni Berry at dumiretso na ng pasok sa banyo ang dalaga.Mabilis na naglinis ng katawan, mukha at nagsepilyo. Nagsuklay lang siya at inayos ang suot na damit."Okay lang ba ang ayos ko?" tanong ni Berry