Share

Chapter 9

last update Last Updated: 2025-04-18 19:35:58

“Nay, tay... asan naba kayo?”

Naniniwala si Mahalia na hindi pa patay ang kanyang mga magulang. Hanggat wala siyang nakitang katawan ng mga ito, patuloy siyang aasa.

Sinimulan ni Mahalia ang paglilinis sa kanilang kubo. Gusto niya pagbalik ng kanyang mga magulang malinis ang bahay nila. Ayaw pa naman ng kanyang ina na madumi.

May narinig siyang helikopter. Dali siyang lumabas ng kubo at tumingin sa himpapawid.

“Gainne...” bulalas niya sa pangalan ng lalaki. “Hindi naman siya siguro pupunta dito,” dagdag na bulalas niya habang nakatingin sa helekopter na nasa himpapawid.

Bumalik siya sa loob ng kubo. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Hindi na rin niya naririnig ang tinig ng helikopter, nang biglang may kumatok sa pintuan. Dali siyang kumuha ng itak para panlaban niya kung masamang tao man ang nasa labas.

“Mahalia, open the door! Bilisan mo, buksan mo ang pinto!”

Kumunot ang noo ni Mahalia. “Gainne... Binitiwan niya ang kanyang hawak na walis tingting at itak, at pinagbuksan ang lalaki.”

Galit na mukha ang sumalubong kay Mahalia pagbukas niya. Magsasalita sana siya, ngunit naunahan lang siya nito.

“Bakit ka umalis? Wala akong sinabi na umalis ka sa bahay!”

“Pasensya na, hindi ako nakapagpaalam na tatakas kami ni Calla, gusto ko sana kaso ayaw ng babaeng gusto mo.”

Parang yelo na natunaw ang galit ni Gainne sa babae nang marinig ang malumanay na paliwanang nito. Pumasok siya sa loob ng kubo dala ang isang bag at dumeretso sa isang silid. Inaantok na talaga siya, isang gabi siyang tulog dahil marami siyang naging pasyente.

“Anong ginagawa mo, kwarto ko ito,” bulalas ni Mahalia.

He went into Mahalia's room, which had just been cleaned. He lay down on the bed. Even though he was worried it might be broken, he had no choice but to lie down; he really wanted to rest.

“Anong ginagawa ko dito? Matutulog. Wala akong tulog dahil kakauwi ko lang galing sa trabaho,” may panunumbat nitong sabi. Umupo siya sa gilid ng katre na gawa sa kawayan.

“Hindi ka pwede dito matulog. Lumabas kana. Doon ka sa kwarto ng aking mga magulang.”

“Ayaw ko nga. Dito lang ako.” Humiga si Gainne. Umayos pa niya ang katawan niya sa katre saka ipinikit ang mga mata.

Walang nagawa si Mahalia kundi pagmasdan na lamang ang lalaking natutulog sa kanyang higaan. Nagtataka siya kung anong dahilan kung bakit ito sumunod sa kanya.

Mula nang niligtas siya ng lalaki sa kamay Ng Kapatid nito, gumaan ang pakiramdam niya sa lalaki. Pakiramdam niya ligtas siya kapag kasama ito.

“Huwag mo akong titigan ng ganyan, Mahalia. Baka malusaw ang kagwapuhan ko,” mahangin nitong sabi.

“Sobrang yabang!” sabi niya saka humakbang palabas ng kwarto.

Nakadilat ang isang mata ni Gainne habang nakatingin sa likuran ng babae. Nakangisi pa siya nang ipinikit ang mata.

Tinapos ni Mahalia ang ginagawang paglilinis. Pagkatapos nsgpunta siya sa likod ng kubo na may dalang asarul.

GAINNE woke up around one o'clock in the afternoon. He immediately looked for Mahalia. Nahanap niya ito sa kusina.

“Anong ginagawa mo?” tanong ng lalaki kay Mahalia.

Nagulat si mahalia sa biglang pagsalita ni Gainne mula sa kanyang likuran. Dali siyang humarap dito.

Daling lumapit si Gainne dito. “ I'm sorry kung nabigla kita. Ano ba yang ginagawa mo?” muling tanong niya.

“Nagsasaing ng makakain natin.”

“Ah ganun ba. Ako na ang magluto. Umupo ka na muna,” offered ni Gainne.

Walang pag-aalinlangan na sumunod si Mahalia sa lalaki. Pagod na rin siya.

Napatingin si Gainne sa malakas na apoy mula sa mga kahoy na nagliliyab sa niluluto ni Mahalia. Pakiramdam niya masusunog ang buong kubo sa lakas nito.

“Luto na iyan, Gainne, kailangan lang ihain,” ani Mahalia.

“Pero ang lakas ng apoy, Mahalia, paano ko ito mahain?” inis niyang sabi.

“May hawakan iyang kaldero, Gainne. May basahan d'yan, gamitin mo.”

Napakamot na lamang si Gainne habang kinuha ang basahan na nakasabit sa dingding. Ginamit niya ito at kahit na kinakabahan siya sa gagawin, nagawa naman niya ito ng tama. Naihain niya ang kaldero.

Natawa naman si Mahalia na nakatingin sa lalaki. Kitang-kita niya kung paano ito nahirapan.

“Huwag ka ngang tumawa, hahalikan kita.”

Naitakip agad ni Mahalia ang kanyang bibig dahil sa sinabi ni Gainne. Natawa naman ito sa kanya.

“Dadalhin ko ba ito d'yan?” tanong ng lalaki.

“Oo,” sagot ni Mahalia. Tumayo siya at kumuha ng gagamitin nila sa pagkain.

Inilapag ni Gainne ang kaldero sa mesa. Binuksan niya ito. Kumunot ang noo niya nang makita ang laman.

“Kakain na tayo,” bulalas ni Mahalia habang inaabot niya ang plato at kutsara kay Gainne. “Anomg problema? Hindi ka pa ba gutom, Gainne?”

“Walang problema, kain na tayo,” biglang naging masigla nitong sagot. Tinanggap nito ang mga binigay ng dalaga.

Bumalik si Mahakia sa inupuan niya habang nasa harapan niya umupo si Gainne. Nilagyan niya ang isang kamote ang plato nito, kasunod ang kanya.

Tahimik silang kumakain. Ganadong kumain si Mahalia, ilang araw rin siyang hindi nakakain ng kamote dahil sa pagdukot sa kanya. Natigilan siya nang maalala niya ang pagdukot sa kanya. Dumako ang paningin niya kay Gainne.

“May sasabihin ka, Mahalia?” Tanong ni Gainne nang mapansin ang titig ng babae sa kanya.

“Gainne, may itatanong ako... Huwag po sana ikaw magalit.” Lumunok siya. “Ikaw po ba ang dumukot sa akin?”

Natigilan si Gainne sa pagsubo at nakuha ang kanyang pansin sa babae. “No, Mahalia. Hindi ako ang nagpapadukot sayo. At hindi ko alam kung sino iyon,” sagot niya.

“Paano ako napunta sayo?”

Biglang sumakit ang tiyan ni Gainne dahil sa kinain niya. Hindi naman ito ang unang beses niyang kumain ng kamote. Pero ito ang unang beses niyang kumain na walang ibang kinain.

“Anong nangyayari sayo, Gainne?” nag-aalalang tanong ni Mahalia nang biglang hindi maipinta ang mukha ni Gainne.

“Masakit ang tiyan ko, kailangan ko ng banyo,  Mahalia. Meron ba kayo nun?”

“Nasa labas,” sagot nito.

Daling tumakbo si Gainne palabas ng kubo. Nakangiwi naman si Mahalia na nakasunod ang paningin sa lalaki. Napatingin siya sa kinain nila. Tiyak siyang ito ang naging dahilan ng pagsakit ng tiyan ni Gainne. Bigla tuloy siyang nakonsensya kahit na hindi naman niya alam na mangyayari ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 93

    Muling umupo si Gainne sa kanyang upuan. Naglagay siya ng pagkain sa kanyang plato saka sinubuan ang sarili. Napalingon siya sa kanyang anak na pakiramdam niya nakatingin sa kanya. Hindi nga nagkamali ang pakiramdam niya. Kumukurap-kurap ito na halatang nagpapapansin.Gainne smiled. “Eat now, Gyvanne. Huwag kang gumaganyan-ganyan sa akin,” bulalas niya.Walang salitang kumain si Gyvanne. He ate the food in his plate. Ganoon din si Mahalia, kumain na rin. Kumakain sila na isang masaya at buo na pamilya.Pagkatapos kumain, dinala ni Gainne ang anak sa sala habang nililigpit ni Mahalia ang kinainan nila. Mayroon naman silang limang katulong ngunit hindi sila nakadepende sa mga ito. Mas gusto ni Mahalia siya ang mag-aasikaso sa kanyang mag-ama. She loves to take care of them.“Diba papa, where going to mall this day. Sinabi mo iyon sa akin kahapon. Ilalabas mo ako diba…” ani Gyvanne habang nakaupo sa sofa, katabi ang kanyang ama.“Oo nga no. I almost forgot, kiddo.” Ginulo niya ang buhok

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 92

    Nakatayo si Gainne sa harapan ng kaniyang mag-ina na nakahiga sa kama. Nagdadalawang-isip siya kung tatabi ba siya ng higa dito. Nakapikit ang mga mata ni Mahalia, ngunit halata naman na hindi pa ito tulog. Gumalaw ang mga pilit-mata nito.Umupo si Gainne sa gilid ng kama, lumingon muna siya kay Mahalia saka tumabi dito ng higa. Nakaharap siya sa nakatalikod na babae sa kanya. Bigla itong bumaling sa kanya sabay bukas ng mga mata dahilan nang pagtagpo ng kanilang paningin.“A-anong tinitingnan mo?” biglang tanong ni Mahalia.Tipid na ngumiti si Gainne. “Nothing.”“Matulog na nga tayo.” Ipinikit ulit ni Mahalia ang mga mata nang biglang may humawak sa kanyang kamay na may yakap na unan. Binuksan niya ulit ang kanyang mga mata. “Bakit Gainne?”“Are you really okay na matulog tayo ng magkatabi? What I mean, asawa muna ngayon si Primo, brother-in law muna ako. Hindi ka ba naiilang sa akin?”“Bakit naiilang ka ba sa akin?” balik tanong ni Mahalia.“Nope.”Ngumiti si Mahalia. “Iyon naman pa

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 91

    At night, pagkatapos kumain, pinaliguan muna ni Mahalia ang anak bago pinahiga sa kama para patulogin. Nasa loob sila ng kwarto ni Gainne na kasalukuyan na hindi pa pumasok. “Mama, nasaan si papa?” tanong ni Gyvanne sa ina. “Gusto ko nandito siya sa tabi habang natutulog ako.”“Nasa labaas pa si papa mo anak e, baka papasok lang iyon maya-maya,” sagot ni Mahalia. “Baka kasi nag-uusap pa sila ng tito Cris mo.”Gyvanne pouted. May namuo na luha sa gilig ng kanyang mga mata. “Gusto ko siyang katabi mama, papuntahin mo na siya dito,” may pagmamakaawa niyang wika. “Takota ko baka mawala na naman siya pagising ko.” Niyakap ni Mahalia ang anak. Damang-dama niya ang takot sa puso nito dahil sa lakas ang kabog. “Hindi iyon mangyayari, Gyvanne. Hiindi ka niya iwan. Mahal na mahal ka ng papa Gainne mo.” Hinapuhap niya ang bandang likuran nito.“Pero mama, paano kung iwan niya ulit tayo? Natatakot na akong walang papa,” Gyvanne insisted.Hindi alam kung anong isasagot ni Mahalia sa anak. Mahigp

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 90

    Magkasabay silang kumain ng tanghalian. Hindi maipinta ang mukha ni Gyvanne dahil sa broccoli na nasa kanyang harapan. Katabi niya si Mahalia habang nasa nakaupo si Gainne sa harapan ng kanyang mag-ina.“Kumain ka na, anak. Maglalaro tayo mamaya sa labas,” wika ni Gainne sa anak niya.“Hindi siya pwede lumabas, maalikabog sa labas, Gainne,” sabat ni Mahalia.Nakatingin ang anak sa ina na may namumuo na luha sa mga mata. “Pero mama, gusto ko maglaro sa labas…” ngumuso siya para maawa ang kanyang ina.“It’s safe outside the house, Mahalia, Sasamahan ko naman siya, don’t worry hindi ko hahayaan na may mangyari sa anak ko. He is my son too, hindi ako papyag na may mangyari sa kanya.”Bumuntonghininga na lamang si Mahalia. Sa pagkakataon, pakiramdam niya pinagtutulungan siya sa kanyang mag-ama. Umiling-iling na lamang siya habang nagsimulang subukan ang anak.“Mama payag kana po, behave naman ako sa labas, hindi po ako hahawak ng madumi.”Nakaramdam ng awa si Mahalia sa anak. Pakiramdam ni

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 89

    Tumayo si Gainne at lumapit kay Mahalia. Walang pagdadalawang-isip na niyakap niya ito. Lalong humahagulhol ang babae habang nasa bisig niya ito.“Ang anak ko, Gainne.”“Hindi ko hahayaan na mapahamak ang anak natin, kahit pa buhay ko ibibigay ko sa kanya para maligtas lamang siya.”Kahit papano gumaan ang nararamdaman ni Mahalia dahil sa sinabi ng lalaki. She hugged him back. Ang dala-dala niyang bigat sa puso ay unti-unting nababawasan. Alam niya sa pagkakataon na ito mayroon na siyang katuwang sa pag-aalaga sa anak nila. Sigurado siyang hindi nito hahayaan na mawalay sa kanila si Gyvanne.Bumitaw sila sa isa’t isa. Pinunasan ni Gainne ang pisngi ni Mahalia na basa sa luha. Humihingus-hingos ang babae. Napalayo na lamang sila sa isa’t isa nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon si Crisostomo na hawak-hawak ang kamay ni Gyvanne at hila-hila palapit sa kanila.“Huwag ninyong subukan na sundan itong anak ninyo dahil hindi ako magyayo,” bulalas ni Crisostomo.Dumako ang paningi

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 88

    Chapter 88 Seeing his son eating ice cream makes gainne’s heart ache with regret. Nasasaktan siya dahil kung nalaman lamang niya ng maaga na anak niya ang batang nasa harapan niya ngayon, marami na sana silang masasayang alaala na nabuo. Pakiramdam niya kulang na kulang na ang mga araw na gumawa nang masayang alaala. Pinunasan ni Gainne ang gilid ng bibig ni Gyvanne na nagkalat ng ice cream. Tumigil naman rin ito sa pagsubo at hinayaan ang ama na gawin ang paglilinis sa nakakalat sa bibig. “Ayaw mong kumain, papa?” tanong ng bata sa ama. “ayaw mo ba sa ice cream?” Natapos na punasan ni Gainne ang gilid ng labi ng bata. “Of course, gusto ko rin iyan. Bibigyan mo ba ako?” nakangiti siya sa anak niya. Tumango si Gyvanne. Nilahad niya ang isang box ng ice cream sa harapan ng ama niya. Masaya siya na ishe-share niya ang paborito niyang ice cream sa kanyang ama. tinanggap naman ito ni Gainne. Dinampot niya ang kutsara at sumalok sa ice cream saka sinubo. Ngayon hindi na siya nagtataka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status