Share

Chapter 67

Author: TheVeeWriter
last update Last Updated: 2025-07-31 13:15:00

Nang sumunod na araw din, maaga siyang bumangon para salubungin ang magandang araw. Sa una at muling pagkakataon din ay niligpit ni Coreen ang kaniyang pinaghigaan. Matapos niyon, kumuha siya ng bagong susuotin mula sa closet kung saan ang ilang damit at bagong undergarments na binili sa kaniya ni Anabeth. Napakabuti nito at maging mga kailangan niya bilang babae ay binili nito.

Nang matapos ay naligo siya. Tumapat siya sa ilalim ng shower at matagal na tumayo roon. Pinaanod niya sa tubig ang paghihirap, pagod, lahat-lahat ng naramdaman niya nitong nakaraang buwan. Hindi siya umiyak kagaya ng madalas niyang gawin. Kahit na may malaking puwang pa rin at pagkukulang sa pagkatao niya.

Matapos maligo at magbihis ay lumabas siya ng kwarto para saluhan ang magkasintahang naroon.

"Magandang umaga." Bati niya sa mga ito na may tipid na ngiti sa labi. "May maitutulong ba ako?"

Halatang nagulat ang dalawa nang makita siya dahil mula nang dumating siya sa bahay na iyon ay nagkulong na siya s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 72

    Nang akmang gagamitin na nito ang hawak sa kaniya ay may lumitaw na mas malaking anyo mula sa likuran nito. Mabilis nitong pinigilan ang kamay ng lalaki kaya naman napahiyaw ito sa sakit at nabitawan si Coreen. Dahil sa impact ay bahagya siyang napaatras pero agad namang nabalanse ang sarili, at minasahe ang nasaktang pulso habang pinapanuod ang dalawang lalaking nagsimulang magpambuno.Ang madilim na lugar na iyon ay napuno ng daing at hiyaw mula sa lalaki, habang pinapaulanan ito ng suntok ni Uriah. "Go. Ako na ang bahala rito. Umuwi na kayong dalawa at susunod ako," Pagtataboy sa kaniya ni Uriah habang hawak ang lalaking ngayon ay wala nang malay. "We are so close to ending him, don't lose the chance."Napatango-tango si Coreen. "Mag-iingat ka, Uriah."Nagmadali na siyang puntahan ang van kung saan naghihintay si Anabeth at kasalukuyang hawak ang cellphone sa tenga. "Uriah is not answering his phone." Nag-aalalang sabi nito matapos niyang isara ang pinto. "Ah, may nangyaring ab

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 71

    Sinimulan siyang ilibot ng malaking lalaki at halos hindi niya mabilang ang mga computer na nandoon. Ang lahat ay nakatutok ang atensyon sa screen na kaharap, ang mga kamay ay walang patid sa pagtipa, habang ang ilan ay may kausap. Pasimpleng hinahawakan ni Coreen ang salamin para mag-capture ng picture sa screen ng mga ito at sa buong lugar. "Pinagkatiwalaan ka ni boss na maglinis dito kaya makinig kang maigi. Bibigyan ka ng access dito para maglinis, pero kapalit noon ay ang panabahimik mo. Oras na magsalita ka at ipagkalat mo ang mga makikita mo rito o magsumbong ka sa pulis, nakita mo naman siguro ang nangyari kanina?" Pagpapaliwanag ng lalaki na may kasamang pananakot. "Duda naman akong paniniwalaan ka nila sa hitsura mong iyan pero hindi ka naman siguro tanga." Kung sinisipa kaya kita sa bay*g? Gusto niya sanang isagot pero sa halip ay mabilis siyang tumango bilang sagot. "Hindi mo na kailangang malaman pa ang detalye o mga nagaganap sa kwartong ito basta kapag nandito ka, p

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 70

    Pinilit ni Coreen na iwaksi ang imahe ni Royce at inisip na ito ay produkto lamang ng guni-guni. Normal lang na dayain siya ng mga mata at isip na makita ang isang taong labis niyang pinangungulilaan kahit na hindi na ito babalik pa. Sa halip ay sa misyon niya itinutok ang atensyon. "This might sound dangerous and crazy, but I think this would be the only way. Wala tayong nakukuha o nakikita pa.""Ano 'yun, Uriah? Nakahanda akong gawin ang kahit na ano. Sa tagal ng pananatili ko roon, sa tagal kong nakikita ang mga taong sinasamantala nila, hindi ko na rin maatim na makita ang pagmumukha ni Zyke." Nanggagalaiti niyang sabi habang nakakuyom ang kamao. Kasalukuyan sila ngayong nasa sala ng paupahang kinuha nila. Isa lang itong simpleng bungalow pero malawak ang paligid. Ito ang pinili nila dahil malayo sa ibang bahay, malayo sa mapanuring mga mata. "I know, I feel you. Kahit sa camera mo lang ko siya nakikita ay gusto ko na siyang kalmutin." Gigil din namang sabi ni Anabeth. Inilapa

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 69

    Mabilis niyang pinag-isipan kung ipagpapatuloy ba niya ang pagpasok sa loob at magpapanggap na hindi ito narinig, o haharapin ito. Sa huli, marahang lumingon si Coreen kay Zyke, nakahandang tumanggi o lumaban kung kinakailangan para hindi mabuko. Bahala na! Sa paglingon niya ay sinalubong siya ng likod nitong nakatayo lang roon. "Huwag mo akong tinatarantadò, ha? Baka masamain ka sa akin." Angil nito sa kausap at muling naglakad palayo, at noon lang lumuwag ang paghinga niya nago napalingon sa van nila na naka-park sa hindi kalayuan. Muli niya nang inihakbang ang mga paa papasok at sumalubong sa kaniya ang mga taong paroon at parito. Tatlong palapag ang building, ngunit ayon kay Anabeth na nagawang pumasok sa system ng kumpanya, dalawa lang ang accessible habang isa naman ay hideout ni Zyke, at doon malamang nagaganap ang ilegal na gawain nito. Sa kasamaang palad ay walang CCTV sa parteng iyon kaya naman iyon ang misyon niya, ang makapasok doon para maghanap ng ebidensya. Lumapit

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 68

    "As you two know, the moment I betrayed the family, I practically lost everything. My money, my influence, hell, even my restaurant," Pagbubukas ng paksa ni Uriah habang magkakaharap sila isang araw at inilalapag sa lamesa ang mga bagay-bagay sa plano nila. "May sapat naman akong pera pang-araw-araw natin. Pero kailangan nating magtipid. It's a good thing I saved up since I joined the clan. Hindi nila alam na may burner account ako.""Sapat ka riyan, sanay ka lang sa gastos kamo. Konti ba ang isang daang milyon mahigit para sa'yo?" Napapaikot ang mga matang sabi ni Anabeth at hindi alam ni Coreen kung matatawa ba siya nang bahagyang ngumuso si Uriah. "Do you know how expensive my taste is? I can spend half a million in just a day itself." Pagrereklamo nito. "Well, kailangan mo nang matutong magtipid. At please lang, huwag ka nang magluto ng bongga. Kahit isang ulam lang sa isang araw ay pwede na." "It's for your sake. I want some meat on you, babe. I love you the way you are, but y

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 67

    Nang sumunod na araw din, maaga siyang bumangon para salubungin ang magandang araw. Sa una at muling pagkakataon din ay niligpit ni Coreen ang kaniyang pinaghigaan. Matapos niyon, kumuha siya ng bagong susuotin mula sa closet kung saan ang ilang damit at bagong undergarments na binili sa kaniya ni Anabeth. Napakabuti nito at maging mga kailangan niya bilang babae ay binili nito. Nang matapos ay naligo siya. Tumapat siya sa ilalim ng shower at matagal na tumayo roon. Pinaanod niya sa tubig ang paghihirap, pagod, lahat-lahat ng naramdaman niya nitong nakaraang buwan. Hindi siya umiyak kagaya ng madalas niyang gawin. Kahit na may malaking puwang pa rin at pagkukulang sa pagkatao niya. Matapos maligo at magbihis ay lumabas siya ng kwarto para saluhan ang magkasintahang naroon. "Magandang umaga." Bati niya sa mga ito na may tipid na ngiti sa labi. "May maitutulong ba ako?"Halatang nagulat ang dalawa nang makita siya dahil mula nang dumating siya sa bahay na iyon ay nagkulong na siya s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status