Share

Chapter 2

Author: Aria
last update Last Updated: 2025-09-30 20:32:36

TATLONG araw na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga. Malayo ang hospital sa lugar na tinitirhan ni Dominic. Kaya naisipan niyang dalhin ito sa kanilang bahay.

Nang gabing iyon gulat na gulat ang kanyang tatay maging ang dalawang kapatid nang makita nila ito na buhat buhat ang walang malay na babae. Mabilis niyang ipinaliwanag ang nangyari, pagkatapos ay mabilis niyang tinawagan ang kaibigang Doctor. 

Napabuntong hininga nalang siya habang pinagmamasdan ang dalaga, mabuti nalang at bakasyon ngayon at wala siyang pasok bilang isang professor. 

Hindi naman sila ganoon kayaman, sakto lang ang kinikita niya bilang isang teacher para pang-tustos sa pang araw-araw nila, dahil siya rin ang breadwinner ng kanilang pamilya.

Sa sariling kwarto niya hinayaang manatili ang dalaga, nag-aalala siya ng husto rito kahit pa na hindi niya ito kilala. Bumukas ang pinto kaya napatingin siya doon, pumasok ang kanyang nakababatang kapatid.

“Kuya di pa po ba gising si Ate Ganda?” tanong ng walong taong gulang niyang kapatid na lalaki. Malungkot siya ditong ngumiti at ipina-upo sa kandungan niya ang kapatid.

“Hindi pa, pero malapit na siyang magising. Ipag-pray mo siya ha?” mahinahon niyang tanong sa kapatid, mabilis namang tumango ang bata sa kanya.

“Kuya tawag ka po ni tatay, kain ka na daw po.” Sabi ng kanyang kapatid, kaya ibinaba niya ito sa pagkakakandong.

“Ikaw muna magbantay sa kaniya, babalik rin ako pagkatapos kong kumain. Bantayan mo,” utos niya sa kapatid bago tuluyang lumabas ng silid.

Naabutan niya ang kanyang ama na nasa kusina nila habang nagkakape, lumapit ito rito at umupo sa katapat nitong upuan.

“Gising na ba siya anak?” tanong ng kanyang ama sa kaniya, napabuntong hininga siya bago sumagot.

Umiling siya. “Hindi pa po,”

“Anong gagawin mo kung gising na siya?” tanong muli ng kanyang ama.

“Hindi ko po alam pa, bahala na,” aniya at inilibot ang tingin. “Niel, pagtimpla mo nga ako ng kape!” sigaw niya.

Lumabas mula sa sala ang kapatid niyang lukot lukot ang mukha habang may hawak na cellphone. “Kuya naglalaro ako ng ml hindi ko pwedeng ihinto, matatalo ako!” naiinis na paliwanag ng kanyang kapatid habang may kinakalikot sa cellphone nito.

“Ipagtitimpla mo ako o babawasan ko ang baon mo?” banta niya sa kapatid, dahil sa sinabi niya hindi pa lumilipas ang segundo nagtitimpla na ang kapatid niya ng kape para sa kaniya, napangisi siya iyon ang katapat ng kapatid niya, baon!

Inilapag ng kapatid niya ang kape sa mesa. “Ito na po mahal na prinsipe ang kape ninyo, masamid sana kayo,” sarkastikong sabi ng kapatid niya bago ito umupo sa katabing upuan na kinauupuan niya.

Hindi niya na ito pinansin at humigop ng kape ng biglang sumigaw ang bunsong nilang kapatid mula sa kwarto na kinaroroonan ng babae, sa kwarto niya. Bigla niyang naibuga ang kapeng kakahigop pa lang at dali daling pumunta sa kwarto kasunod niya ang kanyang tatay at kapatid.

“Bunso anong nangyari?” tanong nito sa kapatid na nagbabantay sa babae.

“Kuya gising na si Ate ganda! Tignan mo oh!” sigaw ng kapatid niya, kaya napatingin siya sa babae na ngayon ay mulat na ang mga mata.

Mabilis siyang lumapit dito. “Miss naririnig mo ba kami?” tanong niya ng masalubong niya ang maamo at maganda niyang mukha at mapang-akit nitong kulay itim na mga mata.

Ngunit hindi sumagot ang babae, nagtaka naman siya, inalalayan niya itong makasandal sa headboard ng kama. 

“Miss anong pangalan mo?” tanong ng pangalawa niyang kapatid na si Niel.

Ngunit kagaya kanina ay hindi rin ito nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa kaniya. Natigilan silang lahat ng may butil ng luha ang tumulo galing sa mga mata niya.

“Lagot ka kuya, pinaiyak mo si Ate ganda!” naiinis na sabi ng bunso niyang kapatid. 

Hindi niya ito pinansin at nag-aalalang tumingin sa babae, wala sa sariling iniangat niya ang kamay at pinunasan ang butil ng luha na tumakas sa mga mata ng babae.

“Tay, iwan niyo po muna kami at susubukan ko siyang kausapin,” mahinahon niyang sabi sa kanyang tatay at mga kapatid. Tumango ang mga ito, binuhat ni Niel ang kapatid niya na parang sako dahil parang ayaw pa nitong umalis.

“Miss wag ka ng umiyak, may masakit ba sayo?” tanong niya sa babae, ng makalabas na ang pamilya niya. 

Nakatitig lang sa kanya ang babae at hindi nagsasalita, “Miss anong pangalan mo?” muli na naman niyang tanong.

Ngunit kagaya kanina wala siyang nakuhang sagot mula sa babae, napabuntong hininga nalang siya at tinitigan ang maganda at maamo nitong mukha. 

“Ano naman kayang itatawag ko sayo kong ayaw mong magsalita?” tanong niya rito, para siyang sira na kinakausap ito kahit na nakatingin lang naman ito sa kaniya. 

Napaisip siya sa kung ano ang itatawag sa dalaga, pangalan na babagay sa kanya. Sumagi sa isip niya ang nakita sa f******k habang nagbrobrowse. “Ara.” Means ‘brings rain.’

Para itong ulan na dumating sa buhay niya na bigla nalang bumagsak at dumating, ang lanta niyang buhay ay parang nadiligan ng ulan ng dumating ito sa kanyang buhay.

“Gusto mo bang tawagin kitang Ara?” tanong niya rito, dahan dahang tumango ang babae na tila naiintindihan siya at gusto niya iyon.

“Kung ganon Ara, ang itatawag ko sayo ” aniya at ngumiti. “Gusto mo bang kumain?” 

Hindi sumagot ang babae, kaya inalalayan niya na lang itong tumayo, hanggang ngayon ay may benda pa rin ang kanyang ulo.

Lumabas silang dalawa ng silid at pumuntang kusina. Naabutan nila ang kaniyang dalawang kapatid, at kanyang tatay na kumakain. Ngumiti siya sa mga ito. 

“Hi po ate ganda, kain po tayo,” pag-aaya ng bunsong kapatid bago tinulungang alalayang umupo ang dalaga.

Ang nakahanda lang sa hapag ay tinapay at palamang peanut butter para sa almusal nila. “Niel, pagtimpla mo si Ara ng gatas,” utos niya sa kapatid gulat silang tumingin sa kanya.

“Ara?” sabay sabay nilang tanong.

“Oo, Ara ang pangalang ibinigay ko sa kanya,” aniya at tumingin kay Ara kung tawagin niya. Ngunit nakatingin lang si Ara sa peanut butter. 

“Gusto mo ‘yan iha?” tanong ng tatay ni Dominic. Nagliwanag ang mukha ng dalaga ngunit hindi ito sumagot. Kaya ang ginawa na lang niya ay kumuha ng tinapay at nagpalaman ng peanut butter at inabot kay Ara. 

“Here ” aniya, mabilis na kinuha yon ni Ara at kinagatan. Nangiti si Ara ng malasahan niya iyon. 

Problemado si Dominic dahil sa walang maisusuot na damit si Ara, napakamot siya sa kaniyang batok. “Now, what should I do?” paramg tangang tanong niya sa sarili.

Bumukas ang pinto at iniluwa non si Ara. Hindi maipinta ang mukha nito, “Bakit?” tanong niya ngunit hindi sumagot si Ara. 

Tumingin lang ito sa damit niya kaya napatingin rin doon si Dominic, napailing siya. “Bakit basa yang damit mo?” tanong niya rito yumuko lang si Ara.

Naglakad papuntang closet si Dominic para kunin ang damit na hindi na kasya sa kaniya. Kulay itim na damit ang nakuha niya iniabot niya ito kay Ara. 

“Ito na ang ipalit mo,” aniya  ngunit tinignan lamang ‘yon ng dalaga. Napailing nalang siya at napakamot sa pisngi. 

“Hindi mo alam magpalit ng damit?” tanong na naman niya kahit pa na hindi sumasagot ang dalaga. 

Wala siyang choice, “Wag kang mag-alala pipikit ako para hindi ko makita,” aniya bago itinaas ang damit ng dalaga habang nakapikit ang mga mata, itinapon niya ang damit na natanggal kung saan at lumingon ng kaunti sa babae at muli na naman niyang ipinikit ang mata ng isusuot niya na rito ang panibagong damit. 

Nakahinga lang siya ng maluwag ng mabihisan niya na ang babae, makapigil hininga ang ginawa niya. Tumingin siya sa mukha ng dalaga ngunit wala itong emosyon. 

“Baka galit? Wag kang mag-alala wala akong nakita,” mabilis niyang depensa. 

Ang balak ni Dominic ngayong bakasyon ay magpahinga at pumasyal ngunit mukhang kabaliktaran no’n ang mangyayari.

Ang unang planong nabuo sa isip niya ay turuang magsalita si Ara. “Oh great idea! Tuturuan kitang nagsalita, so bear with me okay?” pagtatanong niya pero syempre hindi sumagot ang dalaga.

Napasabunot nalang sa sariling buhok si Dominic. “This is so great! I will babysit you.” Puno ng sarksatiko ang boses na sabi niya. 

Ngunit nagulat siya ng lumapit sa kanya ang dalaga at iangkala ang braso nito sa braso niya. “Hey, anong ginagawa peanut?” 

Natigilan siya sa sariling sinabi, peanut? Yeah dahil mahilig ang babae sa peanut butter then he will call her peanut instead.

 Ngayon ay nakaharap siya kay peanut habang nakapamaywang, “Can’t you really talk?” tanong na naman niya rito nasa sala sila ng bahay at sinusubukan niya itong turuang magsalita. 

Napabuntong hininga siya ng walang nakuhang sagot. “Hindi mo ba alam kung saan ka nakatira?” tanong na naman niya. 

At sa wakas umiling ang babae, “Okay ganito nalang, I will ask you a question at sasagot ka ng iling kung hindi at tatango ka naman kung oo, maliwanag?” umiling ang dalaga, napasuklay siya sa sariling buhok. Ngumiti ang dalaga na parang masaya siya na nakikitang naiinis si Dominic. 

“Silly naughty peanut,” aniya sa babae. Kapagkuwan ay lumapit siya rito at hinawakan ito sa ulo. “Sumasakit ba ang ulo mo?” mahinahon niyang tanong, umiling ang dalaga natigilan siya ng hawakan ni peanut ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito at pinisil pisil iyon at mas nagulantang siya ng ilapit ni peanut ang kamay nito sa bibig niya at kinagat kagat iyon hindi siya nakaramdam ng sakit bagkus ay pinigilan niyang mapadaing sa ginagawa ng dalaga sa kanya. 

“Stop that!” ngunit hindi ito tumigil, “I said stop that peanut.” Mariing utos niya at marahang tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ng dalaga. 

Sumimangot ang mukha ng dalaga at tumingin sa ibang direksyon. 

“What you do is bad, don’t do that again,” pangangaral niya rito, nang biglang dumating ang bunso niyang kapatid. 

“Hi Ate ganda, gusto mo po laro tayo?” masayang tanong nito sa babae. Hindi sumagot ang babae.

“Hindi siya pweding makipaglaro sayo,” sabi ni Dominic at hinila ang babae papasok ng silid nilang dalawa.

Naiinis siyang tinignan ng babae ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Umupo siya sa upuang nasa silid habang nakatayo ang babae. 

Muli siyang napatingin dito at natigilan siya ng nakahawak na sa sariling tiyan ang dalaga. “Hey masakit ba ang tiyan mo?” tanong niya rito. Tumango ang dalaga.

“Natatae ka ba?” umiling ang dalaga, “Gusto mo ulit kumain nagugutom ka ba ulit?” sunod niyang tanong, mabilis na tumango ang babae napapantastikuhan niya itong tinignan katatapos lang nilang kumain kanina ngayon ay gutom na ito? May dragon ba ito sa tiyan?

“Okay, come with me,” sabi niya, natigilan siya sa paglalakad ng ipuluput ng dalaga ang kamay nito sa bewang niya, sa simpleng yon naramdaman niya ang pagtibok ng puso niya ng mabilis ngunit isinantabu niya iyon at hinayaan ang dalaga. 

“Now, what do you want to eat?” tanong niya sa dalaga ng nasa kusina na sila. Tumingin ang dalaga sa slice bread at peanut butter na para bang sinasabi nito na ‘yon ang gusto niyang kainin.

Napabuntong hininga siya at kinuha yon, naglagay siya ng palaman sa tinapay pagkatapos ay iniabot ‘yon sa kaniya. “Here.” 

Mabilis na kinuha yon ng dalaga at nilantakan na para bang wala ng bukas, gulat siyang pinagmamasdan ang dalaga ng mapansin niyang halos mabilaukan ito ay tiyaka siya mabilis na kumuha ng tubig at inabot sa dalaga para pa inumin. 

“Be careful peanut. Hindi ka maubusan ng pagkain,” aniya, at marahang pinunasan ang naiwang peanut butter sa gilid ng labi ng dalaga gamit ang hinlalaki, pagkatapos ay dinala niya yon sa sariling labi at tinikman. 

Hapon na ng nasa maliit na hardin silang lahat kasama ang dalaga. Naglalaro sila Niel, Mark at ang dalaga. Samantala nasa may mahabang bangko at doon nakaupo si Dominic at ang kanyang ama, masinsinan silang nag-uusap.

“Anak paano kung hinahanap na siya ng pamilya niya?” tanong ng kanyang ama sa kaniya. 

Nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa dalaga na nakikipaglaro sa mga kapatid niya, “Yon din ang iniisip ko tay, Paano kung hinahanap na siya ng pamilya niya. Huwag kayong mag-alala hahanap ako ng paraan.” 

Malalim na buntong hininga ang kanyang tatay, “Sige anak, ngunit habang nandito siya sa atin. Kailangan natin siyang alagaan.”

Tumango siya habang nandirito sa puder nila ang dalaga hindi niya ito pababayaan at aalagaan niya ito. Sana nga ay hindi siya mahulog sa dalaga dahil masama ‘yon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 1

    “UNCLE thank you for coming here,” salubong ni Amara sa uncle niya at hinalikan ito sa pisngi. “Don’t mention it my niece, so why do you want to talk to me?” her uncle asked. “Uncle I want you to pay a visit everyday here in my company, because I do not trust the vice president who will manage my company while I’m gone,” seryosong sabi ni Amara sa uncle niya na para bang nakikipag-usap lang sa isang business partner.“Where are you going?” nagtatakang tanong ng uncle niya. She massages her temple when she remembers why she needed to leave for a while.“Something happened in my company in Hong Kong, that’s why I need to go there. Ayokong ipagkatiwala sa iba at baka mas malugi pa ako,” walang emosyon niyang sabi sa kaniyang uncle. She’s very hands-on when it comes to work. Kaya nang malaman niya na may nangyaring hindi maganda sa kumpanya sa Hongkong ay hindi siya nagdalawang isip na ipahanda ang private jet niya. At mamayang gabi ang alis niya, gusto niyang bago siya umalis ay maih

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 2

    TATLONG araw na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga. Malayo ang hospital sa lugar na tinitirhan ni Dominic. Kaya naisipan niyang dalhin ito sa kanilang bahay.Nang gabing iyon gulat na gulat ang kanyang tatay maging ang dalawang kapatid nang makita nila ito na buhat buhat ang walang malay na babae. Mabilis niyang ipinaliwanag ang nangyari, pagkatapos ay mabilis niyang tinawagan ang kaibigang Doctor. Napabuntong hininga nalang siya habang pinagmamasdan ang dalaga, mabuti nalang at bakasyon ngayon at wala siyang pasok bilang isang professor. Hindi naman sila ganoon kayaman, sakto lang ang kinikita niya bilang isang teacher para pang-tustos sa pang araw-araw nila, dahil siya rin ang breadwinner ng kanilang pamilya.Sa sariling kwarto niya hinayaang manatili ang dalaga, nag-aalala siya ng husto rito kahit pa na hindi niya ito kilala. Bumukas ang pinto kaya napatingin siya doon, pumasok ang kanyang nakababatang kapatid.“Kuya di pa po ba gising si A

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 3

    "TAY, hindi sa akin pwedeng sumama si Ara, paano kung mawala yan sa bayan? At saka makikipagkita ako sa kaibigan ko." may pagpapasensya niyang sabi sa tatay niya. "Tignan mo naman siya Dom, halos maiyak na at gustong sumama sa'yo." pangungunsensiya nang tatay niya, napabuntong hininga siya at napatingin sa deriksyon ni Ara.Her eyes are pleading while looking at him, nagsusumamo ang mga mata nito. Naglakad ito palapit sa kaniya at humawak sa bisig niya. "Look Ara, hindi kita pwedeng isama. Paano na lang kung mawala ka sa bayan?" problemadong tanong niya at napakamot sa batok, "Marami pa namang manloloko doon." Umiling ang dalaga sa kaniya at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa kanya.Muli na namang napabuntong hininga si Dominic. "Come with me." wala na siyang nagawa kundi ang isama ito.Mahigit kalahating oras ang biyahe papuntang bayan mula sa bahay nila at talagang malayo 'yon. Dahil kasama nga niya ang dalaga hindi nalang siya makikipagkita sa kaibigan niyang doktor."Huwag

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 4

    "CAN'T you really remember your name? And who you are?" nakapalumbabang tanong niya sa dalaga at napakamot sa pisngi.Hindi sumagot ang dalaga bagkus ay kumagat lang ito sa tinapay na hawak hawak niya na may palamang peanut butter. Marahas siyang napabuntong hininga, ayaw makinig sa kanya ng dalaga sa mahigit dalawang linggo na ang nakararaan pero hirap pa rin siyang turuan ang dalaga, dahil puro pagkain ang inaatupag nito. Hindi naman tumataba, she's still sexy. He knows that. "Read this," utos niya, sabay pakita ng flashcard sa dalaga. Tinignan lang siya nito pagkatapos ay sinunod nitong tignan ang flashcard na hawak niya. May pagtataka sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa flashcard pagkatapos ay hinablot niya iyon sa kaniya. Puno ng kuryusidad na tinignan ng dalaga ang flashcard at dinala ito sa bibig niya at nginatngat. Napasabunot sa sariling buhok si Dominic dahil sa ginawa ng dalaga, pakiramdam niya maaga siyang mababaliw sa pag-aalaga dito."Hindi 'yan pagkain, huwag mo

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 5

    "PASS the ball," sigaw niya sa dalaga, kaya sinunod naman nito ang sinabi niya. Mabuti naman at nakakaintindi na ito at hindi na mahirap kausapin kagaya ng dati. Ngayon ay naglalaro sila ng batuhang bola, at ang magaling niyang kapatid na si Niel ang nakaisip nito. Nakausap na niya ang buong pamilya tungkol sa dalaga. At gusto niyang gumawa ng magandang ala ala kasama ito at ito nga ang isa sa naisip ng kapatid niya, maglaro. At mamaya lang ay pupunta sila ng dagat na malapit lang sa kanila para pagmasdan ang paglubog ng araw.Nang masalo niya ang binatong bola ni Ara o Mara ay binato niya si Niel na natamaan sa paanan. "Ang daya!" pagpapalatak ng kapatid."Bye! Bye Kuya," natatawang sabi ni Kian ng ito na lang ang natira. Kinuha ng dalaga ang bola."Pass the ball again Ara," utos na naman niya na ginawa naman ulit ng dalaga. Nang masalo niya ang ibinato ng dalaga ay saka niya binato si Kian ngunit dahil maliit na paslit ito at maliksi ay nailagan niya iyon. Pinulot ng dalaga ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status