Share

Chapter 46

Gaya nang sinabi ko ay sinubukan kong tawagan si Luna pagkatapos kumain, ang kaso ay un-attended ang phone niya. Kaya naman nag-iwan na lang ako ng mensahe sa mga social media accounts niya, at sa number niya mismo na tawagan niya ako agad kung may problema man siya.

Iyon nga lang, lumipas ang mga araw na wala pa rin siyang paramdam sa akin na siyang nakakapagtaka. Although naging okay naman na ang lahat, at humupa na ang tungkol sa malaking issue na kinasangkutan ko ay sa kaibigan ko naman ako nag-aalala. Iniisip ko na lang na baka masyado siyang abala sa negosyo niya. Sa kasalukuyan ay nandito ako sa opisina ko at inaabala na lang ang sarili ko sa trabaho. Habang abala na nakaharap sa laptop ko ay may kumatok sa nakasarang pinto ng opisina, napangiti nga ako sa pag-aakalang si Primo iyon pero nang magbukas iyon ay si Lyn ang pumasok.

“Miss, may bisita ka!” nakangiting wika niya kaya tipid na lang akong ngumiti at tumango.

“Si Luna ba? Papasukin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status