Mag-log inSa pag iisip tungkol kay Ethan, na madaling nagapi ang mga propesyonal na maton na ipinadala ni Rheagan. Nagsimula nang mabahala ang pamilya Luiz sa aspetong ito.“Mga kasama, si Ethan ang walang puso at basurang ito! Ay may alam sa Kung Fu at may pambihirang galing, sa tingin ko may pinuntahan siya na isang mayaman na tao upang mag apply bilang personal na bodyguard. Sinong makakaharang sa landas niya?” sabi ni Rheagan.Nanahimik ang paligid. Masyadong maraming mayaman sa Salvacion at walang sinuman ang naglakas loob na sabihing kilala nilang lahat o may impluwensya sila sa harap ng mga ito.Sa sandaling iyon, isang babaeng kanina pa tahimik sa kanyang upuan, ang biglang nagpakawala ng isang mapang akit na tawa.Lumingon ang lahat sa pinagmulan ng tunog at nakita ang isang babaeng nakasuot ng pulang CEO suit habang naka de kwatro—napakalakas ng karisma. Nasa edad na 30, ngunit umaapaw ang ganda at alindog bilang isang mature na babae.Maputi ang kanyang balat, mapang akit ang kanyan
Sa pagkakataong ito, tumawa na rin si Ethan kasabay ng mga bisita ni Madam Gloria, kumuha siya ng baso ng alak at naglakad patungo kay Sapphire.“Congrats sayo Sapphire, sa wakas ay may nahanap ka na ng lalaking handang ibigay ang lahat ng yaman at ari arian mo, medyo naiingit ako kasi pwede ka niya hawakan at yakapin, o kaya naman halikan.”Malamig na nagsingasing si Sapphire sa kanya dahil alam niya ang ngiti ni Ethan na may halong pait at hinanakit.“Kung luluhod ka at magmamakaawa sa akin ngayon, baka pakiusapan ko si lola na tantanan ka muna pansamantala” malamig na saad ni Sapphire.Napatawa nang bahagya si Ethan. “Pinagtaksilan mo na ako, tapos ikaw pa ang may ganang magpaluhod at magpamakaawa sa akin? Ha! Ang kapal ng mukha mo para gawin ko yun sayo!” “Ito nga ang tinatawag na Upper class society, at talagang isang first class na pamilya!”Inubos na ni Ethan ang alak at pagkatapos ay binigkas nang dahan dahan ang bawat salita. “Hindi–ka–karapat dapat!”“Ikaw!” Namula sa ga
Nalaman ni Basque ang employee number at ang rate review ni Ethan at tama nga na binigyan ni Clarence si Ethan ng one-rate-review. Matapos macheck tumango naman ito.“Tama si Young Master Espanto, nakatanggap si Ethan ng one star negative review kahapon! At eksaktong eksanto ang sinabi mo Young Master” Sa sandaling ito, nagbago rin ang opinyon ng Publiko, at nagsimula nang maniwala ang lahat kina Basque at Sapphire. Tiningnan lang ni Ethan si Sapphire. “Bakit ko naitapon ang takeway sa lapag? Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ha?” Nakakrus ang mga braso ni Sapphire sa kanyang dibdib, na laron nagpalinaw sa kanyang magandang pigura, ngunit nagkunwari siyang walang malay. “Dahil hindi ka naging seryoso sa trabaho mo! Kaya mababa ang kakayahan mong magtiis!” “Goodjob naman sa dahilan na hindi ako nagseseryoso sa trabaho ko? Napakahusay na dahilan na mamababa ang kakayahan kong magtiis? Oo, nagtiis ako ng matagal na panahon dahil sayo at sa pagsisinungaling mo!” Gustong gusto ni Eth
Tiningan ni Ethan ang magandang mukha ni Sapphire ngunit naramdaman niyang napakapangit nito.“Una mo akong pinagtaksilan, tapos ngayon binibintamgan mo ako na nangaliwa? Hindi pa ba sapat yan ha? Ngayon naman, na gusto mo akong sampalin? Sige! Sampalin mo ako! Sampalin mo ang asawa mo sa loob ng tatlong taon!” Umabot na sa sukdulan ang galit ni Ethan sa kanyang asawa. Sino ang mag aakala na sa sandaling ito, biglang hinablot ni Sapphire ang dragon ruler at sumugod nang diretso kay Ethan. “Hayop ka! At ang lakas ng loob mong saktan ako? Tingnan natin kung hindi ko madurog ang mukha mo!” Iwinasiwas ni Sapphire ang dragon ruler patungo sa mukha ni Ethan. Nanatiling nakatayo si Ethan at hindi umiwas. Hinawakan niya ang pulso ni Sapphire gamit ang kanyang kaliwang kamay, at saka ito pinaluwas at binaligtad upang ang mismong dragon ruler ang sumampal sa sarili nitong mukha.Nasampal sa mukha si Sapphire ng mismong dragon ruler na hawak niya. Lalo nitong pinapangit ang dati nang nakatat
“Tingnan mo nga naman, ang Pamilyang sumira sa buhay ko” Alam na ni Ethan ng patibong ito ng pamilya Luiz sa kanya. Diretsong lumakad si Basque palapit sa kanya.“Hubarin mo ang lahat ng damit at sumbrero mo! Ngayon din!” gait na utos niya. “At bakit ko huhubarin?At isa pa anong ibig mong sabihin ha?” Sa pagkakataong iyon, lumapit si Rheagan na may pasa pa sa mukha. “Anong ibig sabihin? Kilala mo ba kung sino siya? Siya lang naman ang boss mo! Si Basque! Ang pangkalahatang ahente ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo!” “Hindi ka naniniwala? Pwes ipapatawag ko kay Manager Carl na kumuha sayo!” malamig na banat ni Boss Basque sa kanya.Hindi nagtagal ay tumawag nga si Manager Carl sa kanya. “Ethan, paano mo nagawang bastusin si Mr Bas? Isiniwalat ka niya sa trabaho”Ngumisi lang si Ethan dahil hindi niya akaling ganito matatapos ang karera niya bilang isang delivery rider. Dahil sa totoo lang,nagustuhan niya ang paghahatid ng pagkain—nakatagpo siya ng iba’t ibang uri ng tao at nahasa n
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer. “Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya. Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz. Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hi
Kinaumagahan sa sikat na Salvacion Villa District, idinaraos ang ika-80 kaarawan ng matandang matriarca na si Madam Gloria Luiz-Walker. Bagama’t sa pinakamagandang hotel sa lungsod gaganapin ang marangyang salu salo para sa mga bisita, iniutos ng matanda na mag ipon muna ang pamilya sa kanyang mans
Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo a
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel
“Nagmamatigas ka pa, Sumakah ka na sa kotse dali! Pumunta ka muna sa hotel para batiin mo ang mga bisita ni Lola” naiinip na sinabi ni Rheagan kay Ethan. “Pagkatapos ng birthday party ngayong araw, tanggapin mo ang parusa mo nang maayos at makinig ka sa desisyon ni Lola tungkol sa Divorce.” Nanlil







