Share

Chapter 3

Penulis: bashiranakahara
last update Tanggal publikasi: 2026-06-12 13:27:29

Kinaumagahan sa sikat na Salvacion Villa District, idinaraos ang ika-80 kaarawan ng matandang matriarca na si Madam Gloria Luiz-Walker. Bagama’t sa pinakamagandang hotel sa lungsod gaganapin ang marangyang salu salo para sa mga bisita, iniutos ng matanda na mag ipon muna ang pamilya sa kanyang mansyon. 

Agad na lumapit si Sapphire upang batiin ang kanyang lola. “Happy Birthday, Lola ko! Nawa’y humana pa ang iyong buhay nang higit sa dalawangdaang taon.” 

Si Madam Gloria at ang yumao niyang asawa na si Don Cassius Luiz ay may dalawang anak na lalaki: Sina Rheagan Walker at Kian Walker. Si Ashanti Walker naman na asawa ng isa sa magkakapatid ay may anak na lalaking si Sinead Walker at ang anak na babaeng si Avionna Walker, na halos kasing edad lang ni Sapphire.

Sa kasalukuyan, ang kayamanan ng Pamilya Luiz na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyon, pati na ang kapangyarihang magpasya sa kumpanya, ay halos hawak na lahat ni Madam Gloria. Kaya naman, ginagawa nina Rheagan at Kian ang lahat para lang langisan ang matanda at mag agawan sa ari arian.

Sa gitna ng sala, nakaupo ang matandang si Madam Gloria sa isang silyang gawa sa mamahaling kahoy na mahogany na nagkakahalaga ng daang libo. Masaya siyang tumatanggap ng mga regalo at pagbati mula sa kanyang pamilya habang kalong ang paborito niyang aso. 

Bigla niyang napansin na nadumihan ng asong si Saoirse ang sahig sa ilalim ng kanyang silya. Agad na sumigaw si Madam Gloria sa galit. “Nasaan ang basurang manugang na ‘yon? Papuntahin ninyo rito at palinisin ang dumi ng asong ito!” 

Ang tinutukoy ni Madam Gloria na “basurang manugang” walang iba kundi si Ethan De Valle. Sa nakalipas na tatlong taon, ang maging tagasalo ng dumi ng aso ang siyang naging pangunahing trabaho niya sa mansyon.

Tumingin sa paligid si Sapphire at nagkunwaring nagtaka “Ano ba yan.. wala ka na namang silbi rito, Ethan.” 

Nagdilim ang mukha ni Madam Gloria. “Anong sabi mo Sapphire? Tandaan mo, kaarawan ko ngayon tapos naglakas loob siyang hindi pumunta? Ano bang nangyayari sa lalaking ‘yan?” 

“Baka po… pumasok sa trabaho si Ethan, Lola—” 

“Trabaho? Hah! Nakakatuwa naman” pang aasar ng matanda.

“At talagang nagbibigay nakaw at kahihiyan ang taong ‘yan sa pamilya natin!” sabat ni Ashanti habang nakangisi. “Isang beses, habang nagmamaneho ako papunta sa Solmira Company, nakasalubong ko siya. Hindi ko man lang maamin sa mga kaibigan ko na kamag anak natin ang hampaslupang yan!” 

Nagliliyab sa galit ang mga mata ni Madam Gloria. “Tawagan ninyo ang walang hiyang yan! Walang modo at walang alam sa patakaran!” 

Nang makitang galit na ang kanyang lola, sinamantala ni Sapphire ang pagkakataon upang bitawan ang kanyang patibong. “Lola, sa totoo lang po… wala siya rito dahil ngayong araw na ito ang divorce namin” 

“Divorce?! At sinong nagpahintulot sa inyo? Hindi mo ba alam na ang kasal ninyo ang huling hiling ng pumanaw mong lolo?!” dumagundong ang boses ni Madam Gloria.

“Hindi ko po gustong suwayin ang huling hiling ni Lolo, pero kasi si Ethan… sobra sobra na po ang pang aapi niya sa akin!” Biglang lumuhod si Sapphire sa harap ng matanda habang umaagos ang pekeng luha sa kanyang mga mata.

Naawa ang matanda nang makita ang iyak ng kanyang paboritong apo, iniisip ang sinapit nito sa tatlong taong pagsasama nila ni Ethan. “Sapphire, apo ko, huwag ka munang umiyak dyan. Tandaan mo, makapangyarihan ang pamilya natin at isang hamak na manugang lang siya na nakikitra sa atin! Paano ka niya nagawang apihin? Sabihin mo sa akin at ako ang magpaparusa sa kanya!” 

Pinunasan ni Sapphire ang kanyang mga mata at humarap sa lahat. “Si Ethan De Valle… may kinakasamang ibang babae sa labas!”

“Ano?! Bwisit siya! Paano niya nagawa ‘yan sa pamilya natin? Nakakadiri siya!” reaksyon ng mga naroon.

Sa tindi ng gulat at galit ni Madam Gloria ay halos mawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at mabilis siyang inalalayan ni Kian upang hindi matumba. 

Nanginginig ang matanda. “Sa tatlong taon niyang paninirahan sa bahay natin, binihisan ng maayos, pinakain, pinatulog sa mansyon, at pinagmamaneho pa ng mamahaling kotse… tapos eto? Naghanap ng ibang babae?! Hayop siya! Isa siyang nakakasukang hayop!” 

Sa pagbaligtad ni Sapphire sa sitwasyon, mas madali niyang nakuha ang simpatiya ng matanda. Alam na alam niya kung paano magpanggap na isang mabait at masunuring apo sa harap ng pamilya. Kung hindi lang siya nahuli ni Ethan sa hotel kahapon, aakalain pa rin ni Ethan na si Sapphire ay isang suplada lamang ngunit inosenteng babae.

Dahil nalinlang din ang mga magulang ni Sapphire nagsimula na rin silang magmura laban kay Ethan. Subalit kabaligtaran naman ang reaksyon ng pamilya ni Rheagan na palihim na natutuwa sa kahihiyan ni Sapphire. 

“Si Sapphire pa naman ang itinuturing na pinakamagandang babae, pero paano ka natalo ng ibang babae ni Ethan?” mapang asar na saad ng pinsan niyang si Avionna.

Sumang ayon naman ang ama nitong si Rheagan habang tumatawa. “Sapphire, huwag mo sana mamasamain ang sasabihin ko, ha? Pero may kasalanan ka rin naman. 3 years na kayong kasal pero hindi mo man lang siya hinayaang hawakan ka? Kahit gaano kaganda ang prutas, walang silbi kung tinitingnan lang. Hindi kataka takang maghanap ng iba si Ethan, tama ba ako? 

“Mali ang sinasabi mo, Rheagan!” galit na pagtatanggol ni Emerald, ang ina ni Sapphire. “Ano ba ang estado ng anak ko kumpara sa basurang si Ethan De Valle? Kung naging tunay na mag asawa sila ng walang silbing yan, hindi ba’t madudungisan lang ang katawan ng anak ko?” 

Samantala si Ashanti naman ay matagal nang naiingit kay Sapphire, sa ganda ng hubog ng katawan ni Ashanti, sikat siya sa social media bilang isang “Faceless Influencer” na may 100 milyong likes at 10 milyong followers dahil sa likod lang niya ang ipinapakita niya sa mga short videos. Kaya lang, ordinaryo lang ang mukha niya kumpara kay Sapphire.

Kaya naman, sumingit din sa usapan ang kapatid ni Avionna na si Sinead, “Sus, di ba kaya niyo lang pinapanatiling inosente si Sapphire ay para kapag hiwalay na sila ng bilyonaryo ng kumpanya ng mga Luiz, makakahanap kayo ng mas mayaman?” 

“Ikaw—!” galit na suwau ng ama ni Sapphire na si Kian.

“Tama na yan!” malakas na utos ni Madam Gloria, na nagpa tahimik sa lahat.

“Kahit pa hindi siya hinahawakan ni Sapphire, wala pa rin siyang karapatang magtaksil! Ano ang tingin niya sa pamilya natin? Tawagan ninyo kaagad ang walang hiyang yan ngayon din! Ako mismo ang maglalapat ng batas ng pamilya sa kanya!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Beg me, Mr. President    Chapter 18

    Sa nakalipas na tatlong taon bilang mag asawa nagtapos ang lahat, ngunit ngayon na naging presidente na si Ethan halatang halata ang kanyang kasabikan.Sa kanyang pananabik ay hindi ang pagiging presidente, mula pagkabata ay lumaki na siya sa isang mayamang pamilya—Kaya matagala na siyang nagsawa sa pakiramdam ng pagiging makapangyarihan na tao.Ang nagpapasabik na lang sa kanya ay wala iba kundi si Ms Shin Quinto, ang vice president ng Walker Group at ang babaeng kinahuhumalingan ng halos lahat ng mamayamang lalaki sa Salvacion.Pagdating sa lobby ng gusali, hinarangan siya ng access control.Ang Salvacion na malapit sa Metro Manila, ang first tier city sa buong Pilipinas, at nangunguna rin ito sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Ang fingerprint at facial recognition ay ginagamit na bilang access control sa unang palapag.Gayunpaman, unang araw pa lamang ni Ethan sa trabaho kaya wala pa siyang nakarehistrong fingerprint o facial data.Kaya nilabas niya ang access card na binigay n

  • Beg me, Mr. President    Chapter 17

    Tumingin si Director Chua si Sapphire at Clarence at agad niyang nahulaan na may espesyal na ugnayan ang dalawa kahit hindi na siya magtanong sa kanila.“Madam Sapphire, wala kaming karapatan na arestuhin si Sir Ethan De Valle hangga’t wala pang malinaw at matibay na ebidensya tungkol sa naganap na nakawan” magagalang na sabi niya.“At kung talagang gusto lang ninyo na ipahuli, kailangan ninyong magpakita ng ebidensya gaya ng CCTV footage o larawan katibayan na may ginawang pagnanakaw sa relo ng pamilya ninyo” Nagpatuloy ito sa pagsasalita.“At isa pa, tigilan ninyo ang pagtawag sa dati mong asawa na isang mahirap o walang silbi. Masakit para sa mag asawa na magsalita ang ganoon alam ko na nirerespeto ko po kayo pero sana huwag masyado personal” Malamig na suminghal si Sapphire.“Wala naman akong sinabing mali—Noon pa man ay wala na siyang mararating kaya iniwan ko siya!” Ngumisi naman ito.“Ikaw ang nakipag divorce kay Sir De Valle, hindi ba?” Gulat na tanong ng pulis sa tabi.“Oo

  • Beg me, Mr. President    Chapter 16

    Ang calling card na ito na gawa sa Swiss metal at may dilaw na mga letra sa itim na background na nilagyan pa ng mga dyamante at may isang set ito na ay may gumamit ng mahigit na 30 carats ng diyamante.Sa madaling salita, ang isang calling card katumbas ng 10,000 dollars o higit pa!At imposibleng ang isang calling card lang ang ipagawa, Dahil espesyal ang mga ito sa Walker Group ang buong set neto at tanging kay Ethan lang ang isang set na iyon. Sapat na para makabili ng bahay sa isang third tier na lungsod.Agad na kinuha ni Director Chan ang calling card at halos napatulala nang makita ang kumikislap na dyamante rito.At nakasulat ang pangalan niya sa Calling card.Muli niyang sinuri ang kontrata at nakasaad doon ang mga shares ng dating presidente at opisyal na nailipat sa kanya.“Director, posible na peke ang mga ito?” takang tanong ng kasama niya pulis.“Ang mga kontrata at calling card ay maaring pekein. Hindi na bago iyon sa atin bilang mga pulis” sabi ni Director Chan.“Maki

  • Beg me, Mr. President    Chapter 15

    Magkasama kahapon nagcheck in sa iisang kwarto sina Sapphire at Clarence dahil sa wakas ay permanente na wala na sila ni Ethan. Nang aksidente silang naabutan ni Ethan.Gusto sana pumasok ni Ethan pera saktan si Clarence, pero sinabi ni Sapphire ma ang mga paa neto ay hindi karapat dapat sa isang Five star hotel.Ngunit ngayon, hindi lang basta nakatayo si Ethan kundi nakatira na ito bilang guest. Hindi lang yan, nanunuluyan siya sa isang presidential suite na binigay sa kanya ni Don Maximus na lolo niya.Kahit parehong nasa iisang gusali ang presyo ng kwarto sa hotel ay mas mahal nang ilang beses kumpara sa ibang hotel.Nakatayo ito sa harapan ni Sapphire at bigla niyang naalala ang isang linyang sa sikat na pelikula noon na— “Nakatayo ako sa harapan mo, at pinagmasdan ka ng maigi. Ngunit, mukha ba akong tulad ng dati?” “Sige, ayaw mo akong papasukuhin ba.” matapos tanggihan, nagngingitngit sa galit si Sapphire.“Gusto ko lang naman sanang pagbigyan sa pangalawang pagkakataon na umuw

  • Beg me, Mr. President    Chapter 14

    Inutusan ni Ethan ang isang Delivery boy na magdala ng regalo, ngunit hindi alam ng lahat na ang butler niya si Fernando yun.May lakas ng loob ang pamilya De Valle na ipagkatiwala ang mga bagay na nagkakahalaga ng 10 milyon sa isang delivery person.“Mrs. Walker, ang Jade bracelet na ito ay bigay ni President De Valle para sa kaarawan mo” Sa birthday party, lahat ng mga bisita ay nagulat sa regalong ito.“Ang bracelet na yan! Ang pinakamahal sa lahat ng mga regalo ngayon!”“Madam Gloria, napakagalante naman ni Mr De Valle, nais ko siya makaharap ng personal” Lumapit ang lahat ng tao at nagtanong kay Madam Gloria.Sa katunayan, nalilito na rin ang matandang Walker ngayon na hindi lubos maisip kung sino ba talaga si President De Valle? “Nagtataka ako dahil lahat ng pamilyang may pakikipagkaibigan sa pamilya Luiz ay narito ngayon, ngunit ni isa sa De Valle Family ay wala?” Nagkatinginan ang mga miyembro ng Pamilya Luiz.Tinignan ni Ashanti ang bracelet na nagkakahalaga ng sampung mi

  • Beg me, Mr. President    Chapter 13

    Matapos itong marinig ng pamilya Luiz, napatayo silang lahat.“Ethan, ano ka ba! Napakawalang kwenta mo naman, Bodyguard na nga inaalok sayo tapos aayaw ka pa? Alam mo naman na wala kang pagkakataon na makahanap ng maayos na trabaho dito sa Salvacion noh” Malakas na tumawa si Sapphire.Bagama’t naawa si Ashanti kay Ethan, mayabang pa rin nitong itinaas ang kanyang ulo at lihim na sinabi sa kanyang puso.“Kasalanan mo ang lahat ng ito! Dapat mong tiisin ang lahat ng ginagawa ko sayo!” Gayumpaman, nanatiling kalmado si Ethan at tinanong si Shin.“Ms Shin, ang sinabi mo ba ngayon ay kinakatawan ka lang ba nang personal o ng Walker Group?” “Syempre, kinakatawan nito ng kumpanya” sabi niya.Nagpatuloy sa pagtanong si Ethan.“Ikaw ang Vice President ng Walker Group, hindi ang Presidente. Ano ang karapatan mong katawanin ang posisyon ng Walker Group?” Napahiya si Shin sa pagtatanong ni Ethan.Bagama’t kinikilala ng lahat ang kakayahan ni Shin hindi nga ang pinakamataas ang kanyang posisy

  • Beg me, Mr. President    Chapter 2

    Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo a

  • Beg me, Mr. President    Chapter 1

    Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel

  • Beg me, Mr. President    Chapter 7

    “Tingnan mo nga naman, ang Pamilyang sumira sa buhay ko” Alam na ni Ethan ng patibong ito ng pamilya Luiz sa kanya. Diretsong lumakad si Basque palapit sa kanya.“Hubarin mo ang lahat ng damit at sumbrero mo! Ngayon din!” gait na utos niya. “At bakit ko huhubarin?At isa pa anong ibig mong sabihin

  • Beg me, Mr. President    Chapter 6

    “Buset ka talaga kahit kailan Sapphire! Lalo na sa pamilya mo! Buti at buhay pa ako, kundi hindi ko na maisasagawa ang plano kong paghihiganti sa inyo” galit na bulong ni Ethan habang nakababad sa Bathtub na halos kasukat lang din niya. Ilang sandali pa, tumunog ang kanyang telepono. Si Don Maximu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status