MasukMay rhythm na ang bahay pagdating sa oras ng almusal, oras ng hapunan, oras ng katahimikan. Sa gitna ng lahat, naroon si Anderson na laging maaga, laging tahimik, laging may distansiyang parang sinukat.
Hindi kami madalas mag-usap. Ngunit sa bawat pagkakasalubong, ramdam ko ang presensiya niya na parang aninong alam kong naroon kahit hindi ko tinitingnan. Isang umaga, inutusan akong tulungan ang magiging biyenan ko sa paghahanda para sa isang maliit na pagtitipon. Marahil sa pagdating ng kanyang anak. May mga papeles sa mesa at mga listahan, imbitasyon, at ilang dokumentong kailangang ayusin. “Nasa study room ang ilang files,” sabi ni Victoria. “Pakikuha.” Tumango ako at umakyat. Pagbukas ko ng pinto ng study room, naroon si Anderson na nakaupo sa mesa, nakatutok sa laptop. Napatingin siya agad sa akin. “May kailangan ka?” “Mga files lang utos ni Victoria,” sagot ko. “Para sa imbitasyon.” Tumayo siya at nagturo sa istante. “Nasa ikatlong shelf.” Lumapit ako sa istante. Mataas ito sa malayuang tingin ngunit nang makalapit ako, mas mataas ito kaysa inaasahan ko. Tumayo ako sa dulo ng mga daliri ko, inabot ang folder, pero kulang. “Sandali,” rinig kong sabi ni Anderson pero di ako tumigil sa pag-abot. Lumapit siya sa likod ko. Masyadong malapit. Nararamdaman ko ang init ng presensya niya kahit hindi sa balat, kundi sa pagitan ng mga balikat ko. Huminto ang hininga ko at malakas ang pintig ng puso ko na takot akong marinig niya. “Ingat,” sabi niya, mababa ang boses, halos sa tenga ko. Inabot niya ang folder sa itaas. Nang iaabot niya iyon sa akin, sabay kaming gumalaw. At nagtagpo ang mga kamay namin. Isang iglap lang. Isang simpleng pagkakamali. Pero parang huminto ang oras. Hindi niya agad binitiwan ang hawak. Hindi ko rin agad binawi ang kamay ko. May init na dumaloy kahit hindi mabilis, hindi marahas kundi mabagal, parang paalala ng bagay na pilit naming iniiwasan. Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin. Walang salita. May lalim ang titig niya na parang may digmaang hindi niya gustong ipakita. Parang isang hakbang na lang ang pagitan ng dapat at gusto. Kung lumapit ako ngayon, mararamdaman ko bang muli ang dampi ng kanyang halik? Ngunit bago ko pa magawa ang nasa isip ko… Siya ang unang bumitaw. Mabilis. Maingat. Parang nasunog. He clears his throat. “Are you okay?. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit - ang paghawak, o ang pagbitaw. “O-okay lang po,” sagot ko, pilit i-steady ang boses. Kinuha ko ang folder at mabilis na lumabas ng silid. Hindi ako lumingon. Kung lumingon ako, baka hindi na ako makaalis. Pagkalabas ko, naabutan kong nakatayo sa kabilang dulo ng sala ang magiging biyenan ko. Nakatitig. Hindi siya nagsalita. Hindi siya kumilos. Ngunit ang paraan ng pagtitig niya na diretso, matalim, at tahimik ay parang ilaw na biglang tumama sa isang lihim na akala kong ligtas sa dilim. “Iwan mo na lamang ‘yan sa office room ko,” walang emosyon na wika ni Victoria. “Okay po.” Siya ang unang tumalikod. Naiwan ako hawak ang folder, nanginginig ang mga daliri, at isang pakiramdam na hindi na namin kayang ibalik ang lahat sa dati. Dumating si Adrian eksakto sa oras. Narinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas na makinis at bago. Pagbukas ng pinto, pumasok ang isang lalaking naka-suit, maayos ang ngiti, at malinaw ang kumpiyansa. “Althea,” tawag ni Victoria. “Halika.” Lumapit ako. “Ipapakila kita bilang anak ko. Mom ang itatawag mo sa akin kapag kaharap natin si Adrian pero Victoria kapag nandito lang sa mansyon,” mariin niyang sabi habang titig na titig sa aking mata. “Huwag kang magkakamali.” “P-pero po…” “Wala munang pero ngayon, gawin mo lang ang aking sinabi. Papaliwanag ko sa’yo mamaya dahil mukhang walang balak sabihin ni Anderson sa’yo ang plano.” Gulat ako. Hindi ko alam kung paano magrereact gayong papalapit na sa amin si Adrian. Buong akala ko magiging biyenan ko siya. Hindi dahil sa gusto ko pero dahil iyon ang tinanggap na ng sistema ko. Batid ko na pagdating ko dito ay parte na ako ng plano nila kahit wala akong ideya kung ano iyon, hindi ko lang naisip na kailangan kong magsinungaling. “Althea, naiintindihan mo ba ang sinabi ko?” bakas ang pagmamadali sa kanya. Mabilis akong tumango. “Opo, Mom.” She smiled in relief. “Good, Althea, my daughter.” Wala akong nagawa kundi tuluyang hintaying makalapit sa akin ang lalaking papakasalan ko. Ito si Adrian Valdez na matangkad, presentable, at may matang sanay makipag-negosasyon. Nang ngumiti siya sa akin, maayos, walang pagdududa at parang alam na niya ang papel ko sa buhay niya. “Ikaw pala,” panimula niya. “Mas maganda ka kaysa sa mga litrato.” “Salamat,” sagot ko, pormal. “Relax,” sabi niya, tumatawa nang bahagya. “Hindi tayo nasa boardroom.” Hindi ako ngumiti. Napansin iyon ni Victoria. Masimple niyang pinisil ang braso ko at may makahulugan akong nginitian. “Mag-uusap muna kayo,” sabi ni Victoria. “Sa sala.” Tumango kami pareho. Umupo kami sa sofa. May pagitan. May hangganan. “Alam kong biglaan ito,” sabi ni Adrian. “Pero praktikal tayo pareho, ‘di ba?” Hindi ko agad sinagot. “Ang kasal na ito,” dagdag niya, “ay may malinaw na layunin. Walang drama. Walang komplikasyon. It’s a deal between two families.” Inalala ko ang sinabi ni Victoria. Tumango ako. “Naiintindahan ko.” Ngumiti siya, iyong ngiting may kumpiyansang hindi ko hiningi. “Sanay akong may kontrol,” bigla niyang sabi. “At mukhang sanay ka ring sumunod.” Parang may tumusok sa dibdib ko. Kinuyom ko ang aking mga kamay. “Hindi ako sunud-sunuran,” sagot ko, mahinahon. Tumigil siya sandali. Saka tumawa. “Maganda iyan. I’m just saying. Alam kong matapang ang dugo ni Victoria, I can see it on you.” Marahil wala siyang alam sa plano ni Victoria. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto. Gusto kong tumakas. Iniluwa ng pinto si Anderson. May namuong galit sa aking puso ngunit gusto ko ring humingi sa kanya ng tulong kahit alam kong parte siya nito. Huminto siya sa bungad. Isang iglap lang pero sapat para magbago ang hangin sa loob ng sala. “Anderson,” bati ni Adrian, tumayo. “Sa wakas, nagkita rin tayo.” Nagkamayan sila pero maikli lang at propesyonal. “Adrian,” sagot ni Anderson. Umupo si Sebastian sa kabilang sofa. Hindi siya malapit, hindi rin malayo. Parang sinukat ang espasyo. “Magkakasama na pala tayo sa bahay,” sabi ni Adrian. “Pansamantala,” sagot ni Anderson. Ngumiti si Adrian. “Of course, sa bahay ko na siya titira,” sabi niya sabay hawak sa aking bewang para hapitin ako papalapit sa kanya. Nagulat ako sa kanyang naging galaw pero hindi ako makaatras lalo na nang mapansin kong lumapit na rin sa amin si Victoria. Tumango lamang si Anderson, hindi inaalis ang tingin kay Adrian. “Magiging madalas ang pagkikita natin, Althea.” Halos maglapit ang mukha namin. Umiwas ako ng tingin at tumango. “Shy,” bulong ni Adrian sa tenga ko. Kinilabutan ako kaya napaatras ako. Nakatitig lamang si Anderson na may madilim nang ekspresyon ngayon pero nanatili siyang nanonod lang. Tahimik. “May mga patakaran ang bahay,” sabi ni Victoria, biglang sumingit. “At inaasahan kong igagalang ng lahat.” “I understand,” sagot ni Adrian. “Lalo na kung para sa ikabubuti ni Althea.” Napatingin siya sa akin ulit nang diretso, malinaw. Hindi ko alam kung bakit, pero sa pagkakataong iyon, hinanap ng mata ko si Anderson. Hindi niya ako tinitignan. Ngunit ramdam ko ang presensiya niya na mas mabigat, mas malamig, parang may iniingatang salita na ayaw niyang bitawan. Abot langit ang pasasalamat ko nang umalis si Adrian, nakahingi ako ng maayos. Pero hindi rin iyon nagtagal dahil sinamantala ko ang pagkakataong umakyat din si Victoria sa kanyang kwarto at lumabas naman sa hardi si Anderson. Sumunod ako sa kanya. “Maayos ba ang pag-uusap?” tanong niya, hindi humaharap. “Praktikal pero ‘yon ba talaga ang dapat mong sabihin?” sagot ko. “Kailangan mo lang sumunod, Althea. Iyon ang kasunduan kaya nandito ka.” “Kasunduan, oo. Pero hindi ko maintindihan bakit kailangang magpanggap ni Victoria bilang magulang ko,” nalilito kong sagot sa kanya. Doon lamang ako hinarap ni Anderson. Nanatili na walang mabasang ekspresyon sa mukha niya. “Lubog sa utang ang pamilya mo. Ibinigay ka sa amin bilang kabayaran. Kailangan namin-” naputol siya dahil sa pagbuntong hininga bago magpatuloy. “Dahil kailangan ni Victoria ang pamilya ni Adrian. And that’s all you need to know, Althea.” Hindi agad ako nakapagsalita. Nakatitig lamang ako. Tumahimik kami. Nanlamig ako. “Naiintindihan mo ba,” he’s now commanding. Lumunok ako at tila hindi ko na kilala ang nasa harap ko. “Naiintindihan ko,” sagot ko nang dahan-dahan. Hindi ko nga pala siya kilala. “Alam kong maiintindihan mo rin, Althea. Para sa’yo iyon.” Gusto kong maiyak dahil hindi yon totoo. “I will protect you.” Nagkaroon ng di pamilyar na lambing sa kanyang boses ngunit di ko iyon pinansin. Masama ang tingin ko sa kanya bago tuluyang tumalikod kay Anderson. Sa may pintuan ng hardin, may aninong nakatayo. Ang hindi ko totoong ina. Hindi siya lumapit. Hindi siya nagsalita. Pero ang paraan ng pagtayo niya na tahimik, matuwid, at walang emosyon ay parang isang paalala na may mga taong hindi kailangang magsalita para magsimulang kumilos. At sa gabing iyon, alam kong ang katahimikan ay hindi na proteksyon kundi simula ng laro na hindi ko piniling pasukin. “Paramdam mo sa’kin.”Mabilis na dumaan ang mga araw. Kasal ko na pala. Hindi nanginginig ang mga kamay ko.Nakapatong lang sila sa ibabaw ng puting tela ng gown na hindi ko pinili.Sa labas ng tinted na bintana ng sasakyan, normal ang mundo. May mga naglalakad. May mga tumatawid. May mga businang paulit-ulit. Walang nakakaalam na sa loob ng sasakyang ito, may babaeng patungo sa altar na hindi sigurado kung gusto niya talagang umabot doon.“Ma’am, thirty minutes po, nasa church na tayo,” sabi ng driver.Thirty minutes.Tatlong pung minuto bago ko ilagay ang pangalan ko sa isang buhay na hindi ko ginusto.Pinikit ko ang mga mata ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako tumatakbo.Hindi rin ako lumalaban.At iyon ang mas nakakatakot.Dalawang buwan matapos ang engagement ko nang mawala si Anderson. Walang mensahe. Walang tawag. Parang bigla siyang naglaho. At sa pagkawala niya, mas lalo akong naramdaman na mag-isa ako sa desisyong hindi ko naman ginawa.Mas naging kontrolado ako ni Victoria. Walang balita sa magu
Maaga akong ipinatawag ako ni Victoria sa maliit na tea room sa likod ng bahay. Isang silid na bihirang gamitin, tahimik, at laging amoy dahon ng tsaa at lumang kahoy. Ang uri ng lugar kung saan hindi ka iniimbitahan para magkwento kundi para pakinggan.Nakatayo siya sa may bintana nang pumasok ako. Nakaayos, elegante, walang bakas ng emosyon sa mukha. Parang hindi siya ang babaeng tumitig sa akin noong gabing nagkahawak ang kamay namin ni Sebastian.“Umupo ka, Althea,” sabi niya, hindi lumilingon.Umupo ako.Maayos. Diretso. Handa.“Hindi kita ipinatawag para pagalitan,” dagdag niya. “Ayokong mali ang unang akala mo.”Tumango ako. “Naiintindihan ko po.”Ngumiti siya nang bahagya. Isang ngiting hindi ko alam kung kanino ba ito, sa akin, o sa sarili niyang desisyon.“Maraming mata ang nakatingin sa pamilyang ito,” sabi niya. “At kapag pumasok ka rito, awtomatiko kang bahagi ng lahat ng iyon.”“Opo,” sagot ko.“Tahimik ka,” dagdag niya. “At iyan ang gusto ko.”Nanlamig ang batok ko.“Pe
May rhythm na ang bahay pagdating sa oras ng almusal, oras ng hapunan, oras ng katahimikan. Sa gitna ng lahat, naroon si Anderson na laging maaga, laging tahimik, laging may distansiyang parang sinukat.Hindi kami madalas mag-usap. Ngunit sa bawat pagkakasalubong, ramdam ko ang presensiya niya na parang aninong alam kong naroon kahit hindi ko tinitingnan.Isang umaga, inutusan akong tulungan ang magiging biyenan ko sa paghahanda para sa isang maliit na pagtitipon. Marahil sa pagdating ng kanyang anak. May mga papeles sa mesa at mga listahan, imbitasyon, at ilang dokumentong kailangang ayusin.“Nasa study room ang ilang files,” sabi ni Victoria. “Pakikuha.”Tumango ako at umakyat.Pagbukas ko ng pinto ng study room, naroon si Anderson na nakaupo sa mesa, nakatutok sa laptop. Napatingin siya agad sa akin.“May kailangan ka?”“Mga files lang utos ni Victoria,” sagot ko. “Para sa imbitasyon.”Tumayo siya at nagturo sa istante. “Nasa ikatlong shelf.”Lumapit ako sa istante. Mataas ito sa
Nakaupo ako sa loob ng kotse ni Anderson, nakatingin sa kalsadang dumadaan sa harap namin. Tahimik ang biyahe. Walang musika. Walang usapan. Ang tanging maririnig ay ang maayos na pagtakbo ng makina at ang kontroladong paghinga niya sa tabi ko.Hindi siya nagmamadali magmaneho. Hindi rin mabagal. Eksakto lang, parang lahat sa kanya ay sanay sukatin.Mas matanda siya.Iyon agad ang pumasok sa isip ko nang nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Hindi ko pa alam ang numero, pero alam ko na ang bigat. Kita iyon sa paraan ng paghawak niya sa manibela na tila hindi mahigpit at hindi rin maluwag. Parang hindi niya kailangang magpatunay ng kahit ano.“May orientation ka, ‘di ba?” tanong niya, hindi lumilingon.“Oo.”“Anong oras matatapos?”“Hindi ko po alam.”Tumango siya. “Mag-text ka kapag tapos na.”Humigpit ang kapit ko sa bag na nasa kandungan ko.“Don’t worry, kaya ko namang umuwi-”“Hindi iyon ang punto,” putol ni Anderson, mahinahon pero walang puwang para tutulan.Tumahimik a
Nagising ako sa katahimikan at sa alaala ng lalaking katabi kong huminga sa dilim ilang gabi lang ang nakalipas.Pero mas masahol pa ang lalaking iyon ay nasa ibaba ng hagdan.Hindi ko pa siya nakikita, pero alam kong naroon siya. Parang may presensiyang hindi ko kailangang pangalanan para maramdaman dahil sa mabigat, tahimik, at pilit kinokontrol.Umupo ako sa kama at ipinikit ang mga mata.Hindi siya iyon.Hindi puwedeng siya iyon.Pero kahit ilang ulit kong ulitin sa sarili ko, ayaw sumunod ng dibdib ko. Naaalala ko ang init ng palad niya, ang paraan ng paghinga niya sa leeg ko at mga detalye na dapat matabunan ng liwanag ng umaga, pero nanatili sa isipan ko.Tumayo ako at nagbihis. Pinili ko ang pinakasimpleng damit ngunit pansin ko na fitted ito sa aking dibdib. Hinayaan ko na laman ito dahil komportable naman ako. Hindi ko alam kung kanino ako nagtatago: sa kanya, o sa sarili ko.Nang makababa ako ng hagdan, bumungad kaagad sa aking ilong ang masarap na amoy ng kape. Ngunit pag
Nalaman kong ipapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kilala sa madaling panahon.Labinlimang minutong paulit-ulit kong naririnig ang tibok ng sarili kong puso habang nakatitig sa mesa sa harap ko, parang doon ko makikita ang paliwanag kung bakit ganoon kadaling ipamigay ang buhay ko.“Para sa pamilya natin,” sabi ng tiyahin ko, maingat ang tono, parang maselang porselana ang pinag-uusapan. “Sandali lang naman. Isang kasal lang.”Isang kasal lang.Parang sapatos. Parang kontrata. Parang bagay na maaaring ipalit kapag hindi na kailangan.Hindi ko na hinintay ang iba pang paliwanag. Tumayo ako, kinuha ang bag ko, at lumabas ng bahay na hindi lumilingon. Ayokong makita ang awa sa mga mata nilao mas masahol pa, ang ginhawang hindi na nila kailangang pumili para sa akin.“Matutuwa ang mga magulang mo,” nakangiting pilosopo ng pinsan ko.Napairap ako at hindi na lamang pinansin pa ang kanyang sinabi at tuluyan akong umalis sa nakakasakal na bahay na iyon. Hindi ko alam kung paano ako napu







