Home / Romance / Behind the CEO’s Scandalous Marriage / Kabanata 3: Edad Na Hindi Ko Dapat Binilang

Share

Kabanata 3: Edad Na Hindi Ko Dapat Binilang

Author: lainnexx
last update Last Updated: 2026-02-05 12:53:27

Nakaupo ako sa loob ng kotse ni Anderson, nakatingin sa kalsadang dumadaan sa harap namin. Tahimik ang biyahe. Walang musika. Walang usapan. Ang tanging maririnig ay ang maayos na pagtakbo ng makina at ang kontroladong paghinga niya sa tabi ko.

Hindi siya nagmamadali magmaneho. Hindi rin mabagal. Eksakto lang, parang lahat sa kanya ay sanay sukatin.

Mas matanda siya.

Iyon agad ang pumasok sa isip ko nang nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. 

Hindi ko pa alam ang numero, pero alam ko na ang bigat. Kita iyon sa paraan ng paghawak niya sa manibela na tila hindi mahigpit at hindi rin maluwag. Parang hindi niya kailangang magpatunay ng kahit ano.

“May orientation ka, ‘di ba?” tanong niya, hindi lumilingon.

“Oo.”

“Anong oras matatapos?”

“Hindi ko po alam.”

Tumango siya. “Mag-text ka kapag tapos na.”

Humigpit ang kapit ko sa bag na nasa kandungan ko.

“Don’t worry, kaya ko namang umuwi-”

“Hindi iyon ang punto,” putol ni Anderson, mahinahon pero walang puwang para tutulan.

Tumahimik ako.

Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nag-utos. Pero may bigat ang boses niya na parang sanay siyang sundin kahit hindi niya hinihingi.

Pagdating sa building, bumaba ako agad. Hindi ako nagpaalam nang matagal. Ayokong makita ang mukha niya kapag tumagal pa ako sa loob ng kotse.

Ayokong maramdaman ulit ang katahimikan niya.

Sa orientation hall, malamig ang hangin.

Umupo ako sa gitna ng mga bagong empleyado, nakatingin sa malaking screen habang nagsisimulang magpakita ang kasaysayan ng Valdez Group. Mga taon. Mga numero. Mga mukha.

At doon ko siya nakita.

Mas bata. Mas payat. Mas kaunti ang linya sa mukha. Pero pareho ang mga matang parang laging may iniingatang distansya.

May petsa sa ilalim ng litrato.

Hindi ko agad binasa.

Pero bumaba ang tingin ko.

Forty-one.

Isang salita lang ang pumasok sa isip ko.

Huwag.

Mas matanda siya kaysa sa gusto kong isipin.

Mas delikado kaysa sa gusto kong aminin.

Biglang nagkaroon ng saysay ang lahat sa paraan ng kanyang kontrol, ang pag-iwas, ang paraan ng pagtigil niya bago magsalita. Ang uri ng lalaking natutong umatras bago pa man siya masaktan… o makasakit.

Sa edad na iyon, ilang beses na ba niyang piniling hindi gawin ang gusto niya?

At bakit sa lahat ng tao ako?

Hindi ko na narinig ang kasunod ng presentation.

Ang alam ko lang, may isang numerong tumatak sa isip ko, at hindi ko na iyon kayang burahin.

Nang matapos ang orientation, naroon siya sa labas. Ni hindi ako nag text sa kanya dahil ayoko talagang sunduin pa ako. 

Nakasandal sa kotse, hawak ang phone, parang wala siyang hinihintay pero naroon pa rin. Nang makita niya ako, agad niyang itinabi ang phone.

“Tapos na?” tanong niya.

“Hindi naman ako tatakas sa kasunduan na magpakasal sa kung sino man,” reklamo ko imbes na sagutin siya.

Binuksan niya ang pinto para sa akin.

Pumasok ako. Tahimik ulit ang loob ng sasakyan.

“Anderson,” sabi ko bigla, bago ko mapigilan ang sarili ko.

Napatingin siya sa akin sandali. “What?”

“Matagal ka na ba sa kumpanya niyo?”

Isang segundo siyang tumahimik.

“Halos dalawampung taon.”

Tumango ako sa pagkamangha. “Maaga ka palang nagsimula.”

“Maaga akong kinailangan. That’s why I’m the CEO now. I made a lot of sacrifices to be on the top,” sagot niya.

Nagkatinginan kami.

Wala siyang ipinapaliwanag. Hindi rin siya nagbibiro. Parang tanggap na niya ang bigat ng sagot niya at ayaw niya itong ipasa.

Hindi na ako nagtanong kahit gusto ko pa at marami pang gustong malaman.

Pero sa isip ko, binibilang ko na ang mga bagay na hindi ko dapat binibilang.

Tumingin na lamang ako sa labas sa buong byahe habang iniisip ang malaking agwat ng edad namin. Hindi lang kita sa mukha pati sa experience sa buhay.

Kinagabihan, ipatawag ako ni Anderson sa maliit na study room sa ikalawang palapag ng mansyon. Tahimik ang lugar na amoy kahoy at papel, malamig ang ilaw, at masyadong malinis para sa mga lihim na tiyak na naroon.

Nakatayo siya sa may bintana nang pumasok ako. Hindi siya lumingon agad. Parang sinadya niyang patagalin ang pagitan namin.

“Umupo ka,” sabi niya sa huli.

Umupo ako sa tapat ng mesa, tuwid ang likod, magalang. Parang interview ang set up. Parang hindi kami nagbahagi ng katahimikan na masyadong pamilyar sa nakaraang gabi.

May folder sa harap niya.

“Hindi ito kontrata,” panimula ni Anderson, tinutulak ang folder palapit sa akin. “Mga alituntunin lang. You need to stick with this.”

Alituntunin.

Binuksan ko ang folder. Maikli lang ang laman ang ilang pahina, malinaw ang mga puntos.

Walang paglabas nang mag-isa sa gabi.

Iwasan ang hindi kinakailangang exposure sa media.

Lahat ng lakad na may kinalaman sa pamilya, ipaalam muna.

Wala roong nakasulat tungkol sa amin.

At iyon ang mas nakakakaba.

“Para saan ito?” tanong ko, maingat.

“Para sa kapakanan mo,” sagot niya, diretso.

“Dahil asawa na po ako ng anak ni Victoria?” tanong ko, hindi ko napigilan. “Sino ba ang papakasalan ko?”

Huminto siya.

Hindi siya nagalit. Hindi rin siya ngumiti. Pero may kung anong dumaan sa mga mata niya na isang mabilis na aninong agad niyang tinakpan.

“Dahil babae ka,” sagot niya. “At may mga mata ang mundong ito na hindi patas.”

Tumango ako na may pagtataka pa rin. “Sanay naman ako. Wala rin namang pinagkaiba dito di ba? Nandito ako kasi hindi patas ang mundo.”

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon.

Marahil dahil iyon ang totoo o marahil dahil gusto kong makita kung paano siya tutugon.

“Hindi ka dapat masanay,” pagtututol niya sa mababa ang boses.

Nagkatinginan kami.

Mabilis akong umiwas.

“Susundin ko naman lahat ng gusto niyo dahil iyon ang kabayaran sa pagtulong niyo sa pamilya ko,” pagsang-ayon ko na lamang. “At iyon ang makakabuti sa lahat.”

Tumango siya. “Good.”

No argument.

Isinara ni Anderson ang folder. Parang iyon na ang hudyat na tapos na ang usapan.

Pero hindi ako tumayo.

“Anderson,” tawag ko, bago ko mapigilan ang sarili.

Napatingin siya sa akin.

“Kung sakaling… kung sakaling may hindi ako sundin,” sabi ko, pinipiling maigi ang mga salita, “a-ano ang mangyayari?”

Matagal siyang tumahimik.

“Sabihin mo muna sa akin,” sagot niya sa huli. Unexpected. “At hayaan mong ako ang humarap.”

Ako ulit.

Hindi tayo. 

Hindi itong pamilya.

Ako.

Nagkatitigan kaming maigi, hindi ko napansing napalapit kami sa isa’t-isa. Gusto ko siyang may gawin, gusto kong maulit kung paano may nangyari sa amin nung una kaming nagkita at kung paano… niya ako halikan…

“Are you both busy?”

Kaagad akong napaatras sa aking pwesto samantalang nakakagulat na hindi man lang gumalaw sa pwesto si Anderson. 

Pinilit kong kumalma pero naghuhurumentado ang aking puso sa kaba.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at ngumiti. Nakatayo siya sa may pinto at hawak ang tasa ng tsaa.

“H-hindi po. Nagtatanong lang ako tungkol sa napag usapang nung o-orientation,” palusot ko. 

Nagpabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Victoria bago ito tuluyang natigil sa akin. She pressed a thin smile.

“May darating bukas,” sabi ni Victoria, pagbabago sa usapan. “Ang lalaking pakakasalan mo, Althea.”

Parang may humampas sa dibdib ko.

“T-talaga po?” sagot ko sabay sulyap kay Anderson na nasa tabi ko na ngayon ay nakatingin na kay Victoria. 

“Si Adrian Velasco,” dagdag niya. “Kilala mo na ba siya?”

Umiling ako.

“Hindi mo pa ba sinabi sa kanya, Anderson?” takang tanong ni Victoria.

“Hindi pa. Sasabihin pa lamang sana,” tila walang ganang sagot ni Anderson.

Naguguluhan ako dahil halata namang wala siyang balak sabihin sa akin. 

Lumapit si Victoria sa akin, nilapag niya ang dala niyang tasa para hawakan ang dalawa kong kamay na may malaking ngiti.

“Magkakaroon kayo ng sapat na panahon,” pangungumbinsi ni Victoria. “Mahalaga ang unang impresyon.”

Tumango ako muli.

“Pahinga ka na,” wika niya sa huli. “Mahaba ang araw natin bukas.”

Tiningnan ko si Anderson, walang mababasang reakson sa kanya na lalo kong kinatakot para sa aking sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 6: Bago Ang Panata

    Mabilis na dumaan ang mga araw. Kasal ko na pala. Hindi nanginginig ang mga kamay ko.Nakapatong lang sila sa ibabaw ng puting tela ng gown na hindi ko pinili.Sa labas ng tinted na bintana ng sasakyan, normal ang mundo. May mga naglalakad. May mga tumatawid. May mga businang paulit-ulit. Walang nakakaalam na sa loob ng sasakyang ito, may babaeng patungo sa altar na hindi sigurado kung gusto niya talagang umabot doon.“Ma’am, thirty minutes po, nasa church na tayo,” sabi ng driver.Thirty minutes.Tatlong pung minuto bago ko ilagay ang pangalan ko sa isang buhay na hindi ko ginusto.Pinikit ko ang mga mata ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako tumatakbo.Hindi rin ako lumalaban.At iyon ang mas nakakatakot.Dalawang buwan matapos ang engagement ko nang mawala si Anderson. Walang mensahe. Walang tawag. Parang bigla siyang naglaho. At sa pagkawala niya, mas lalo akong naramdaman na mag-isa ako sa desisyong hindi ko naman ginawa.Mas naging kontrolado ako ni Victoria. Walang balita sa magu

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 5: Ang Anunsyong Walang Palakpak

    Maaga akong ipinatawag ako ni Victoria sa maliit na tea room sa likod ng bahay. Isang silid na bihirang gamitin, tahimik, at laging amoy dahon ng tsaa at lumang kahoy. Ang uri ng lugar kung saan hindi ka iniimbitahan para magkwento kundi para pakinggan.Nakatayo siya sa may bintana nang pumasok ako. Nakaayos, elegante, walang bakas ng emosyon sa mukha. Parang hindi siya ang babaeng tumitig sa akin noong gabing nagkahawak ang kamay namin ni Sebastian.“Umupo ka, Althea,” sabi niya, hindi lumilingon.Umupo ako.Maayos. Diretso. Handa.“Hindi kita ipinatawag para pagalitan,” dagdag niya. “Ayokong mali ang unang akala mo.”Tumango ako. “Naiintindihan ko po.”Ngumiti siya nang bahagya. Isang ngiting hindi ko alam kung kanino ba ito, sa akin, o sa sarili niyang desisyon.“Maraming mata ang nakatingin sa pamilyang ito,” sabi niya. “At kapag pumasok ka rito, awtomatiko kang bahagi ng lahat ng iyon.”“Opo,” sagot ko.“Tahimik ka,” dagdag niya. “At iyan ang gusto ko.”Nanlamig ang batok ko.“Pe

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 4: Hindi Totoo

    May rhythm na ang bahay pagdating sa oras ng almusal, oras ng hapunan, oras ng katahimikan. Sa gitna ng lahat, naroon si Anderson na laging maaga, laging tahimik, laging may distansiyang parang sinukat.Hindi kami madalas mag-usap. Ngunit sa bawat pagkakasalubong, ramdam ko ang presensiya niya na parang aninong alam kong naroon kahit hindi ko tinitingnan.Isang umaga, inutusan akong tulungan ang magiging biyenan ko sa paghahanda para sa isang maliit na pagtitipon. Marahil sa pagdating ng kanyang anak. May mga papeles sa mesa at mga listahan, imbitasyon, at ilang dokumentong kailangang ayusin.“Nasa study room ang ilang files,” sabi ni Victoria. “Pakikuha.”Tumango ako at umakyat.Pagbukas ko ng pinto ng study room, naroon si Anderson na nakaupo sa mesa, nakatutok sa laptop. Napatingin siya agad sa akin.“May kailangan ka?”“Mga files lang utos ni Victoria,” sagot ko. “Para sa imbitasyon.”Tumayo siya at nagturo sa istante. “Nasa ikatlong shelf.”Lumapit ako sa istante. Mataas ito sa

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 3: Edad Na Hindi Ko Dapat Binilang

    Nakaupo ako sa loob ng kotse ni Anderson, nakatingin sa kalsadang dumadaan sa harap namin. Tahimik ang biyahe. Walang musika. Walang usapan. Ang tanging maririnig ay ang maayos na pagtakbo ng makina at ang kontroladong paghinga niya sa tabi ko.Hindi siya nagmamadali magmaneho. Hindi rin mabagal. Eksakto lang, parang lahat sa kanya ay sanay sukatin.Mas matanda siya.Iyon agad ang pumasok sa isip ko nang nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Hindi ko pa alam ang numero, pero alam ko na ang bigat. Kita iyon sa paraan ng paghawak niya sa manibela na tila hindi mahigpit at hindi rin maluwag. Parang hindi niya kailangang magpatunay ng kahit ano.“May orientation ka, ‘di ba?” tanong niya, hindi lumilingon.“Oo.”“Anong oras matatapos?”“Hindi ko po alam.”Tumango siya. “Mag-text ka kapag tapos na.”Humigpit ang kapit ko sa bag na nasa kandungan ko.“Don’t worry, kaya ko namang umuwi-”“Hindi iyon ang punto,” putol ni Anderson, mahinahon pero walang puwang para tutulan.Tumahimik a

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Iisang Bubong

    Nagising ako sa katahimikan at sa alaala ng lalaking katabi kong huminga sa dilim ilang gabi lang ang nakalipas.Pero mas masahol pa ang lalaking iyon ay nasa ibaba ng hagdan.Hindi ko pa siya nakikita, pero alam kong naroon siya. Parang may presensiyang hindi ko kailangang pangalanan para maramdaman dahil sa mabigat, tahimik, at pilit kinokontrol.Umupo ako sa kama at ipinikit ang mga mata.Hindi siya iyon.Hindi puwedeng siya iyon.Pero kahit ilang ulit kong ulitin sa sarili ko, ayaw sumunod ng dibdib ko. Naaalala ko ang init ng palad niya, ang paraan ng paghinga niya sa leeg ko at mga detalye na dapat matabunan ng liwanag ng umaga, pero nanatili sa isipan ko.Tumayo ako at nagbihis. Pinili ko ang pinakasimpleng damit ngunit pansin ko na fitted ito sa aking dibdib. Hinayaan ko na laman ito dahil komportable naman ako. Hindi ko alam kung kanino ako nagtatago: sa kanya, o sa sarili ko.Nang makababa ako ng hagdan, bumungad kaagad sa aking ilong ang masarap na amoy ng kape. Ngunit pag

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 1: Ang Lalaking Hindi ko Dapat Tingnan

    Nalaman kong ipapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kilala sa madaling panahon.Labinlimang minutong paulit-ulit kong naririnig ang tibok ng sarili kong puso habang nakatitig sa mesa sa harap ko, parang doon ko makikita ang paliwanag kung bakit ganoon kadaling ipamigay ang buhay ko.“Para sa pamilya natin,” sabi ng tiyahin ko, maingat ang tono, parang maselang porselana ang pinag-uusapan. “Sandali lang naman. Isang kasal lang.”Isang kasal lang.Parang sapatos. Parang kontrata. Parang bagay na maaaring ipalit kapag hindi na kailangan.Hindi ko na hinintay ang iba pang paliwanag. Tumayo ako, kinuha ang bag ko, at lumabas ng bahay na hindi lumilingon. Ayokong makita ang awa sa mga mata nilao mas masahol pa, ang ginhawang hindi na nila kailangang pumili para sa akin.“Matutuwa ang mga magulang mo,” nakangiting pilosopo ng pinsan ko.Napairap ako at hindi na lamang pinansin pa ang kanyang sinabi at tuluyan akong umalis sa nakakasakal na bahay na iyon. Hindi ko alam kung paano ako napu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status