Home / Romance / Behind the CEO’s Scandalous Marriage / Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Iisang Bubong

Share

Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Iisang Bubong

Author: lainnexx
last update Last Updated: 2026-02-05 12:51:24

Nagising ako sa katahimikan at sa alaala ng lalaking katabi kong huminga sa dilim ilang gabi lang ang nakalipas.

Pero mas masahol pa ang lalaking iyon ay nasa ibaba ng hagdan.

Hindi ko pa siya nakikita, pero alam kong naroon siya. Parang may presensiyang hindi ko kailangang pangalanan para maramdaman dahil sa mabigat, tahimik, at pilit kinokontrol.

Umupo ako sa kama at ipinikit ang mga mata.

Hindi siya iyon.

Hindi puwedeng siya iyon.

Pero kahit ilang ulit kong ulitin sa sarili ko, ayaw sumunod ng dibdib ko. Naaalala ko ang init ng palad niya, ang paraan ng paghinga niya sa leeg ko at mga detalye na dapat matabunan ng liwanag ng umaga, pero nanatili sa isipan ko.

Tumayo ako at nagbihis. Pinili ko ang pinakasimpleng damit ngunit pansin ko na fitted ito sa aking dibdib. Hinayaan ko na laman ito dahil komportable naman ako.

 Hindi ko alam kung kanino ako nagtatago: sa kanya, o sa sarili ko.

Nang makababa ako ng hagdan, bumungad kaagad sa aking ilong ang masarap na amoy ng kape. Ngunit pagdating ko sa huling baitang, doon ko siya nakita.

Nakatayo siya sa kusina, nakaharap sa bintana, hawak ang tasa ng kape na parang sandata. Maayos ang ayos niyang puting polo, maitim na slacks, at ekspresyong walang bahid ng emosyon. Parang hindi niya ako hinawakan sa dilim. Parang hindi kami nagbahagi ng gabing walang pangalan.

Hindi siya nakatingin sa akin.

Pero tumigil siya sa paggalaw.

Isang segundo.

Dalawa.

Parang naramdaman niya ang presensiya ko.

“Magandang umaga,” sabi niya, hindi lumilingon.

Mababa ang boses niya. Maingat. Parang pinipili ang bawat himig.

“Magandang umaga,” sagot ko, halos pabulong.

Umupo ako sa pinakadulong upuan na pinakamalayo sa kanya. Parang may guhit sa pagitan namin na bawal tawirin. Tahimik kaming kumain.

At ang katahimikan ay parang tanong na ayaw naming sagutin.

Naririnig ko ang tunog ng kubyertos, ang pag-inom niya ng kape, ang mahinang paghinga niya. Ang lahat ng iyon ay pamilyar. Masyadong pamilyar at iyon ang mas nakakapanginig.

Tumayo siya para magdagdag ng kape. Tumayo rin ako para kumuha ng tubig.

Nagkabanggaan ang mga balikat namin.

Isang simpleng aksidente.

Pero parang may kuryenteng dumaan sa balat ko—isang mabilis, mapanganib na init na agad kong pinigil.

Mabilis siyang umatras.

“Sorry,” sabay naming sabi.

Napatingin ako sa kanya.

Maling desisyon.

Mas madilim ang mga mata niya ngayon kaysa noong gabi sa bar. Parang may hinahawakang galit, o takot, o pareho. Mabilis niyang iniwas ang tingin, parang siya ang mas nahirapan.

“Hindi ka dapat nagigising nang maaga,” sabi niya bigla. “Mahaba ang araw mo nitong nakaraang araw.”

Nanlamig ako.

Alam ba niya? O simpleng obserbasyon lang iyon?

“S-sanay naman ako,” sagot ko. “Salamat.”

Tumango siya. Walang ngiti. Walang lambot.

Hindi siya tumingin sa akin. 

Lumipas ang umaga na parang mabagal na panaginip. Sinubukan kong magbasa, manood, mag-isip ng kahit ano pero paulit-ulit akong binabalik ng isip ko sa mga detalye.

Kung paano niya iniwas ang tingin.

Kung paano siya umatras na parang may pinipigilan.

Kung paano niya binigkas ang pangalan ko na parang matagal na niya akong kilala.

Tanghali na nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Iniluwa nun ang isang babae na medyo may edad na pero nananatili ang kanyang natural na ganda. She looks sophisticated and… powerful. Minsan nai-intimidate pa rin ako sa kanya. 

Victoria Velasco.

A powerful woman. 

Mother ni Anderson.

“Althea,” tawag ng magiging biyenan ko. “May bisita ka.”

Nagulat ako. “Sino po?”

“Isang kaibigan ni Anderson.”

Lalong sumikip ang dibdib ko.

Hindi pa rin nila pinapakilala kung sino ang ipapakasal nila sa akin na lalo kong kinakatakot. 

Pati bakit ako bibisitahin ng kaibigan ni Anderson?

Pagbaba ko sa sala, naroon ang isang babae na maganda, elegante, at halatang sanay sa ganitong klaseng bahay. Tumayo siya nang makita ako, sinukat ako mula ulo hanggang paa sa isang iglap na parang sanay siyang magbasa ng mga tao.

“Ikaw si Althea?” tanong niya, may ngiting hindi ko agad mawari.

“Yes. Nice meeting you.”

“I’m Mara. Nice meeting you too,” sabi niya. “Matagal na kaming magkakilala ni Anderson.”

Sa paraan ng pagkakabigkas niya ng pangalan ni Anderson, alam kong hindi iyon simpleng alaala.

“Gusto mo bang umupo?” alok ko.

Ngumiti siya at umupo, parang siya ang may-ari ng espasyo. Habang nag-uusap kami, paulit-ulit niyang binabanggit si Anderson kung gaano siya kaingat, karesponsable, at kahirap basahin na tao.

“Anong kailangan mo sa’kin?” magalang kong tanong kay Mara. 

“Gusto lang kitang makilala,” simple nitong sagot na hindi ako kombinsido.

Tinapik niya ang balikat ko. 

Tila may awa akong nakikita sa kanyang mukha. 

May alam ba siya sa kasunduan ng pamilya namin? Bakit ganyan ang ekspresyon niya?

“Hindi siya madaling lapitan,” sabi pa ni Mara. “Pero kapag may pinili siyang protektahan… ginagawa niya iyon hanggang dulo.”

Mas lalo lamang akong naguluhan. “P-protektahan?” takang tanong ko. 

Tumango siya. “May mga taong handa siyang masaktan ang sarili para lang hindi sila masaktan.”

Parang may humigpit sa dibdib ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. 

Bago pa ako makapagtanong, bumukas ang pinto ng entrance. Tanaw ko mula sa kinauupan namin ngayon ni Mara ang tinutukoy niya.

Si Anderson.

Huminto siya nang makita kaming magkasama.

“Hindi mo sinabi na darating ka,” sabi niya kay Mara.

“Biglaan lang,” sagot ng babae, nakangiti. “Mukhang maayos ang bagong tahanan mo.”

Hindi siya sumagot agad. Tumingin si Anderson sa akin.

Isang mabilis, matalim na sulyap parang tinitingnan kung ayos lang ako.

“Oo,” sabi niya sa huli. “It’s better than before.”

Tumahimik ang sandali. Mabigat.

Tumayo ako. “Iwan ko muna kayo.”

“No need. Aalis din kami ni Mara.”

“Saan kayo pupunta?” bigla kong tanong bago ma-realize na mali iyon.

“I-I mean, sure.”

“Saglit lang kami.”

Tumango lang ako at hindi nagsalita.

“Ihahatid mo ba bukas si Althea sa office?” tanong ni Mara.

Napatingin ako sa kanya, gulat.

Hindi agad sumagot si Anderson.

“H-hindi na kailangan,” sabi ko agad. “Kaya ko naman-”

“Hindi,” putol niya, masyadong mabilis. Masyadong madiin. “Sasabay ako.”

Nagkatinginan kami.

May tanong sa mga mata ko.

May babala sa kanya.

Hindi na nagsalita si Mara. Ngumiti lang siya parang may alam na hindi ko alam.

Pag-alis niya, nanatili kaming dalawa sa sala.

Magkalayo sa isa’t-isa pero ramdam na ramdam ang bigat sa pagitan namin. 

“Hindi mo kailangang sumama,” sabi ko sa huli. “Hindi naman ako bata para kailangan pa ng bantay. Kahit sino pa sa inyo ni Mara.”

Hindi ko nga alam bakit nandito si Mara. Para saan di’ba?

“Alam ko,” sagot niya lamang.

“Kung ganoon—”

“Pero sasama pa rin ako.”

Tumahimik ako.

Bumuntong-hininga siya, saka nagsalita ulit na mas mababa ang boses, mas seryoso. “Kung may kailangan ka sa bahay na ito, huwag mong solusyunan mag-isa.”

Hindi sa akin.

Hindi ako.

Pero ramdam ko ang bigat ng sinabi ni Anderson.

“Bakit?” tanong ko, halos pabulong.

Matagal siyang tumingin sa akin. Parang pinag-iisipan kung alin ang mas delikado, ang katotohanan o ang katahimikan.

Sa huli, tinitigan niya ako, diretso, walang pagtatago.

“Dahil may mga pagkakamaling isang beses mo lang dapat gawin,” sabi niya.

Parang may sumabog sa dibdib ko.

Sa puntong ito,  akong ibang makita kundi siya lang.

Alam niya.

Hindi niya balak sabihin sa’kin at hindi rin balak aminin.

Pero sa sandaling iyon, malinaw sa akin na ang katahimikan niya ay hindi kawalan ng kaalaman, kundi isang desisyon na mas mabigat kaysa anumang salita.

Habang magkatapat kami sa gitna ng sala, sa ilalim ng iisang bubong, may tanong na bumangon sa isip ko, isang tanong na mas kinakatakutan ko kaysa sa kasalanan.

Gaano na niya ako katagal nang kilala?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 6: Bago Ang Panata

    Mabilis na dumaan ang mga araw. Kasal ko na pala. Hindi nanginginig ang mga kamay ko.Nakapatong lang sila sa ibabaw ng puting tela ng gown na hindi ko pinili.Sa labas ng tinted na bintana ng sasakyan, normal ang mundo. May mga naglalakad. May mga tumatawid. May mga businang paulit-ulit. Walang nakakaalam na sa loob ng sasakyang ito, may babaeng patungo sa altar na hindi sigurado kung gusto niya talagang umabot doon.“Ma’am, thirty minutes po, nasa church na tayo,” sabi ng driver.Thirty minutes.Tatlong pung minuto bago ko ilagay ang pangalan ko sa isang buhay na hindi ko ginusto.Pinikit ko ang mga mata ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako tumatakbo.Hindi rin ako lumalaban.At iyon ang mas nakakatakot.Dalawang buwan matapos ang engagement ko nang mawala si Anderson. Walang mensahe. Walang tawag. Parang bigla siyang naglaho. At sa pagkawala niya, mas lalo akong naramdaman na mag-isa ako sa desisyong hindi ko naman ginawa.Mas naging kontrolado ako ni Victoria. Walang balita sa magu

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 5: Ang Anunsyong Walang Palakpak

    Maaga akong ipinatawag ako ni Victoria sa maliit na tea room sa likod ng bahay. Isang silid na bihirang gamitin, tahimik, at laging amoy dahon ng tsaa at lumang kahoy. Ang uri ng lugar kung saan hindi ka iniimbitahan para magkwento kundi para pakinggan.Nakatayo siya sa may bintana nang pumasok ako. Nakaayos, elegante, walang bakas ng emosyon sa mukha. Parang hindi siya ang babaeng tumitig sa akin noong gabing nagkahawak ang kamay namin ni Sebastian.“Umupo ka, Althea,” sabi niya, hindi lumilingon.Umupo ako.Maayos. Diretso. Handa.“Hindi kita ipinatawag para pagalitan,” dagdag niya. “Ayokong mali ang unang akala mo.”Tumango ako. “Naiintindihan ko po.”Ngumiti siya nang bahagya. Isang ngiting hindi ko alam kung kanino ba ito, sa akin, o sa sarili niyang desisyon.“Maraming mata ang nakatingin sa pamilyang ito,” sabi niya. “At kapag pumasok ka rito, awtomatiko kang bahagi ng lahat ng iyon.”“Opo,” sagot ko.“Tahimik ka,” dagdag niya. “At iyan ang gusto ko.”Nanlamig ang batok ko.“Pe

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 4: Hindi Totoo

    May rhythm na ang bahay pagdating sa oras ng almusal, oras ng hapunan, oras ng katahimikan. Sa gitna ng lahat, naroon si Anderson na laging maaga, laging tahimik, laging may distansiyang parang sinukat.Hindi kami madalas mag-usap. Ngunit sa bawat pagkakasalubong, ramdam ko ang presensiya niya na parang aninong alam kong naroon kahit hindi ko tinitingnan.Isang umaga, inutusan akong tulungan ang magiging biyenan ko sa paghahanda para sa isang maliit na pagtitipon. Marahil sa pagdating ng kanyang anak. May mga papeles sa mesa at mga listahan, imbitasyon, at ilang dokumentong kailangang ayusin.“Nasa study room ang ilang files,” sabi ni Victoria. “Pakikuha.”Tumango ako at umakyat.Pagbukas ko ng pinto ng study room, naroon si Anderson na nakaupo sa mesa, nakatutok sa laptop. Napatingin siya agad sa akin.“May kailangan ka?”“Mga files lang utos ni Victoria,” sagot ko. “Para sa imbitasyon.”Tumayo siya at nagturo sa istante. “Nasa ikatlong shelf.”Lumapit ako sa istante. Mataas ito sa

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 3: Edad Na Hindi Ko Dapat Binilang

    Nakaupo ako sa loob ng kotse ni Anderson, nakatingin sa kalsadang dumadaan sa harap namin. Tahimik ang biyahe. Walang musika. Walang usapan. Ang tanging maririnig ay ang maayos na pagtakbo ng makina at ang kontroladong paghinga niya sa tabi ko.Hindi siya nagmamadali magmaneho. Hindi rin mabagal. Eksakto lang, parang lahat sa kanya ay sanay sukatin.Mas matanda siya.Iyon agad ang pumasok sa isip ko nang nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Hindi ko pa alam ang numero, pero alam ko na ang bigat. Kita iyon sa paraan ng paghawak niya sa manibela na tila hindi mahigpit at hindi rin maluwag. Parang hindi niya kailangang magpatunay ng kahit ano.“May orientation ka, ‘di ba?” tanong niya, hindi lumilingon.“Oo.”“Anong oras matatapos?”“Hindi ko po alam.”Tumango siya. “Mag-text ka kapag tapos na.”Humigpit ang kapit ko sa bag na nasa kandungan ko.“Don’t worry, kaya ko namang umuwi-”“Hindi iyon ang punto,” putol ni Anderson, mahinahon pero walang puwang para tutulan.Tumahimik a

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Iisang Bubong

    Nagising ako sa katahimikan at sa alaala ng lalaking katabi kong huminga sa dilim ilang gabi lang ang nakalipas.Pero mas masahol pa ang lalaking iyon ay nasa ibaba ng hagdan.Hindi ko pa siya nakikita, pero alam kong naroon siya. Parang may presensiyang hindi ko kailangang pangalanan para maramdaman dahil sa mabigat, tahimik, at pilit kinokontrol.Umupo ako sa kama at ipinikit ang mga mata.Hindi siya iyon.Hindi puwedeng siya iyon.Pero kahit ilang ulit kong ulitin sa sarili ko, ayaw sumunod ng dibdib ko. Naaalala ko ang init ng palad niya, ang paraan ng paghinga niya sa leeg ko at mga detalye na dapat matabunan ng liwanag ng umaga, pero nanatili sa isipan ko.Tumayo ako at nagbihis. Pinili ko ang pinakasimpleng damit ngunit pansin ko na fitted ito sa aking dibdib. Hinayaan ko na laman ito dahil komportable naman ako. Hindi ko alam kung kanino ako nagtatago: sa kanya, o sa sarili ko.Nang makababa ako ng hagdan, bumungad kaagad sa aking ilong ang masarap na amoy ng kape. Ngunit pag

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 1: Ang Lalaking Hindi ko Dapat Tingnan

    Nalaman kong ipapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kilala sa madaling panahon.Labinlimang minutong paulit-ulit kong naririnig ang tibok ng sarili kong puso habang nakatitig sa mesa sa harap ko, parang doon ko makikita ang paliwanag kung bakit ganoon kadaling ipamigay ang buhay ko.“Para sa pamilya natin,” sabi ng tiyahin ko, maingat ang tono, parang maselang porselana ang pinag-uusapan. “Sandali lang naman. Isang kasal lang.”Isang kasal lang.Parang sapatos. Parang kontrata. Parang bagay na maaaring ipalit kapag hindi na kailangan.Hindi ko na hinintay ang iba pang paliwanag. Tumayo ako, kinuha ang bag ko, at lumabas ng bahay na hindi lumilingon. Ayokong makita ang awa sa mga mata nilao mas masahol pa, ang ginhawang hindi na nila kailangang pumili para sa akin.“Matutuwa ang mga magulang mo,” nakangiting pilosopo ng pinsan ko.Napairap ako at hindi na lamang pinansin pa ang kanyang sinabi at tuluyan akong umalis sa nakakasakal na bahay na iyon. Hindi ko alam kung paano ako napu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status