/ Romance / Behind the CEO’s Scandalous Marriage / Kabanata 50: Matinding Pagsisisi

공유

Kabanata 50: Matinding Pagsisisi

작가: lainnexx
last update 게시일: 2026-04-06 19:09:18
Althea’s POV

“A-ang b-baby k-ko?” takang tanong ko kay Anderson nang magkamalay ako. Ngunit hindi ako nakakuha ng sagot galing sa kanya. “A-Anderson… a-ang anak natin? Okay ba siya?” pag-uulit ko.

Pero katahimikan lamang ang aking natanggap.

Nagtataka kong pinagmasdan ang mukha ng asawa ko. Mugto ang kanyang mata at banayad ang labis na pagkapagod sa kanyang ekspresyon.

Alam kong hindi basta-basta iiyak si Anderson dahil lang sa mababaw na dahilan. Or should I say that I never saw him cry… not
lainnexx

Maraming salamat po sa pagbabasa!

| 좋아요
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 53: Bangungot

    Anderson’s POV“A-anak ko…” Kaagad akong naalimpungatan sa tinig na aking narinig. Hindi agad ako napakali at nagmulat ako ng aking mata. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking asawa na umiiyak at pawis na pawis sa kanyang pagtulog. Mukhang pati sa panaginip ay hindi kayang patahimikin ng sakit na nararamdaman ang asawa ko. Isang bangungot.Masakit mawalan ng anak. Masakit na makitang nasasaktan ang mahal kong asawa. Marahan kong hinaplos ang mukha ni Althea para na rin alisin ang tikwas na buhok at pawis sa kanyang mukha. Mahina ang mga tinig na lumalabas sa kanyang boses. “Althea…” malambing kong sambit. “A-anak-”Naputol ang sasabihin ni Althea nang magising siya. Deresto ang tingin niya sa akin at kaagad akong niyakap. Tulad ng kanyang nakasanay nitong mga nakaraang linggo, nilulubog ni Althea ang kanyang mukha sa aking dibdib at doon umiiyak.Hinagod ko ang likod niya at marahang hinaplos para aluhin siya kahit alam kong hindi mapapawi nun ang sakit na kanyang dinadala. “I am h

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 52: Tahimik Na Pagguho

    Hindi ako bumaba kinabukasan. Makalipas ang dalawang linggo, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Tuwing gigising ako sa umaga, una kong hinahanap ang buhay na dapat ay nasa loob pa ng aking tiyan pero wala na. I feel like I lost the meaning of my life after I lost my baby. Hindi ako lumabas ng kwarto at kahit ang bintana ko ay hindi ko na binuksan pa. At hindi ko hinayaang pumasok ang liwanag.Para bang kung mananatili akong nakapikit sa dilim, may posibilidad na hindi totoo ang lahat. Na kapag hindi ko nakita ang mundo, hindi rin ako makikita ng sakit na nasa puso ko. Ngunit kahit gaano ko piliting tumakas, hindi ako pinapalaya ng alaala.Ang malamig na sahig ng simbahan.Ang amoy ng pulbura.Ang bigat ng dugo sa aking mga kamay.At ang sigaw ko na hanggang ngayon ay parang paulit-ulit na umaalingawngaw sa loob ng aking ulo.Ang anak ko.Unti-unti akong napadilat.Tahimik ang kwarto, ngunit ang dibdib ko ay parang hindi mapakali. May kung anong gumugulo sa akin, isang bigat na

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 51: Hindi Pagpansin

    Althea’s POVTulala ako nang makauwi kami sa mansyon. Wala akong sinabi sa buong byahe at wala akong ibang narinig din kay Anderson kundi ang malalalim na buntong hininga at ang mga pasimpleng tingin na tila ba may gustong sabihin pero hindi niya magawa. Naramdaman ko na lamang na naglalakad ako papasok sa loob ng mansyon habang inaalalayan ni Anderson. “A-althea…” tunog nangangaralgal ang boses.Nasa baba ang aking tingin kaya hindi ko agad nalaman kung sino ang tumawag sa akin. Pero wala akong lakas para mag-angat ng tingin kung sino man ang nagsalita. Dumapo ang tingin ko sa aking tiyan at mabilis na namang nangilid ang aking luha. Ramdam ko ang marahang pisil ng kamay ni Anderson sa aking braso. “Althea,” si Anderson na mismo ang tumawag sa akin.Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. “A-a-anak ko…” bigo kong tinig. Nilunok ko ang laway na namumuo sa aking lalamunan at agad na pinaalis ang aking luha. Malungkot ang mga mata ng asawa kong hindi alam kung paano ako tutulu

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 50: Matinding Pagsisisi

    Althea’s POV“A-ang b-baby k-ko?” takang tanong ko kay Anderson nang magkamalay ako. Ngunit hindi ako nakakuha ng sagot galing sa kanya. “A-Anderson… a-ang anak natin? Okay ba siya?” pag-uulit ko. Pero katahimikan lamang ang aking natanggap.Nagtataka kong pinagmasdan ang mukha ng asawa ko. Mugto ang kanyang mata at banayad ang labis na pagkapagod sa kanyang ekspresyon. Alam kong hindi basta-basta iiyak si Anderson dahil lang sa mababaw na dahilan. Or should I say that I never saw him cry… not until today.Hinawakan ko ang kanyang kamay at bahagya akong umangat sa pagkakahiga na kinaalerto niya at inalalayan ako. Dumapo ang kamay ko sa kanyang damit at matindi kong kinuyom ang kamay ko doon. Bahagya ko siyang inalog.“A-anderson, sumagot ka. O-okay ba ang anak natin?” tanong kong muli habang mas lalo kong hinihigpitan ang hawak ko sa kanyang damit, tila doon ko hinahanap ang sagot na hindi niya maibigay.Hindi siya agad nagsalita, at ang katahimikan na bumalot sa pagitan namin ay ma

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 49: Pagkatalo

    Anderson’s POVMasyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang tinig na mula kay Althea ay siyang nagpawala sa aking sarili lalo na sa kanyang isinigaw. “Althea!” malakas kong sigaw sabay dampot ng aking baril. Kita ko ang matinding pagkagulat ni Adrian sa mabilisang pangyayari ganun din si Amira pero nagawa nitong makawala sa pagkakakapit ni Adrian dahil kinagat nito ang kanyang braso. “Ate!” sigaw ni Amira at mabilis siyang tumakbo ngunit mabilis siyang binaril ni Adrian at natumba siya sa sahig. Walang pagdadalawang isip kong binaril si Adrian, pinaulanan ko siya ng bala hanggang sa hindi ko na alam ang aking ginagawa. Nandilim ang aking mga mata dahil sa matinding galit at pagkamuhi kay Adrian dahil sa lahat ng kanyang ginawa. Kahit alam kong hindi na gumagalaw pa si Adrian ay patuloy pa rin ako. Natigil na lamang ako nang may humawak sa aking braso.“Anderson, stop it!” malakas na sambit ni Mateo at doon lamang ako natauhan. “Puntahan mo si Althea. Ngayon na!” utos pa niya sa akin.

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 48: Dugo

    Althea's POV Hindi mawala ang aking kaba dahil sa planong ito ni Mara. Ideya ko rin naman na gusto kong makausap si Anderson…pero mukhang huli na ang lahat.Maraming tao dito sa labas ng lumang simbahan at bigla na lamang silang nagkagulo at nagsimulang magpalitan ng putukan ng baril. Parehas kaming nataranta ni Mara at hindi alam kung saan pupunta. Nanatili kaming nakatago sa likod ng sasakyan. Kahit may kalayuan ang pwesto namin, mataas pa rin ang chance na matamaan kami ng ligaw na bala.“Ah!” napasigaw ako sa gulat nang sumabog ang unang putok na halos tumama sa direksyon namin. Napayuko ako at napahawak sa ulo ko habang ang tunog ng mga bala ay tila dumudurog sa katahimikan ng gabi.“Huli na tayo…” bulong ni Mara sa tabi ko, nanginginig ang kanyang boses habang pilit niya akong hinahatak paatras.Ngunit hindi ako natinag.Hindi pwede.Hindi dito matatapos ang lahat.“I know there’s still a way,” bulong ko sa sarili ko kahit hindi ako sigurado kung naniniwala pa ba ako sa sinas

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 33: Karanasan at Edad

    CEO Anderson Velasco is now engaged with Althea Del Fuego!Iyan agad ang headline sa mga balita at media news outlet pagkatapos pinakalat ni Mara ang engagement namin ni Anderson sa isang exclusive hotel sa Tagaytay. Nakipagkuntsaba kami sa isang media reporter para ipakalat ito. Tila isa itong apo

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 32: Salitan

    “Ahhh!” malakas akong nakapadaing sa sarap nang ilapag ako ni Anderson sa isang malambot na kama. Umibabaw siya sa akin at nagmamadaling tinanggal ang kanyang damit. Wala na akong saplot pagkapasok pa lang namin ng isang private suite room dito sa Tagaytay. Hindi ko na napagmasdan ang aming kwa

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 31: Matamis na Sagot

    Halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba at takot. Nataranta ako at panay ang baling sa paligid. Kung ano-anong pumasok sa isip ko, mga senaryong hindi maganda. “Mara?” takot kong tawag. “Mara! Hindi ‘to nakakatuwa ah.”Kanina may mga tao pa, nung tumayo langGinapangan ako ng kaba na baka nasun

  • Behind the CEO’s Scandalous Marriage    Kabanata 30: Pagmamahal

    “A-anong sinasabi mo?” kabado kong tanong na dinaan ko rin sa mahinang pagtawa.Pero seryoso sila kaya nawala ang tawa ko.

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status