Share

5

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-12-02 22:50:54

Narinig agad ang mahinahong boses ng babae bago pa makalapit si Draven.

“Kung sa tingin ng kakambal ko na ang pagluluto dito ay parang pagtrato sa akin bilang katulong… e paano ’yon? Dati sa bahay natin noon, ako ang nagluluto ng tatlong beses sa isang araw. Ibig sabihin ba, tinatrato rin akong katulong ng Papa at mga Kuya natin?”

Natigilan si Draven at napatingin sa payat at marupok na likod ni Avery, hindi kalayuan sa kanya. Napabuntong-hininga si Avina, bahagyang nanigas ang tono nang magsalita.

“Paano mo naman maikukumpara ’yon? Wala tayong pambayad ng kasambahay noon. Hindi marunong magluto si Papa, at ang mga Kuya, hindi rin marunong mag-ayos. Kaya ikaw na lang ang gumagawa.”

Bumuntong-hininga si Avery, ngunit hindi iyon reklamo, parang simpleng pagbanggit lang ng nakasanayan.

“Hindi naman ako maarte. Pero kahit hindi sila marunong magluto, marunong naman silang mamulot ng gulay, maghugas, mag-set up ng table… kahit papaano. Pero pag-uwi ko galing part-time job, ang una kong maririnig ay, ‘Bilisan mo, gutom na kami.’ Either naglalaro ng sila ng games, nanonood ng TV, o nakahiga habang nag–phone. Wala man lang tumulong kahit minsan. Tapos kapag nakahain na, magrereklamo pa kung alin ang maalat at alin ang kulang sa anghang.”

Habang nagsasalita siya, walang pait sa boses niya, puro katotohanan lang. Ngunit sa dulo, may bahagyang lungkot, para bang ngayon lang niya tunay na naramdaman ang bigat ng mga iyon.

Sumakit ang dibdib ni Draven. Hindi niya alam kung bakit, pero ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ng pamilya ni Avery.

Napatigil naman ang buong Tamayo sa narinig mula sa kabilang linya. Tahimik ang lahat hanggang sa si Arnold, ang unang nag-react.

“Family tayo. Ilang putahe lang naman, kailangan mo pa bang ma-offend?”

Napahigpit ng kamao si Draven. Para bang inaamin mismo ng ama ang totoo.

Sanay na si Avery sa ganitong pagtrato kaya imbes na sumagot diretso, nagtanong siya nang malamig pero malinaw.

“Kung hindi na ako nakatira sa atin, sino ang magluluto?”

Napatingin sa kanya si Draven, hindi makapaniwala sa kawalan ng malasakit ng pamilya.

Humina ang ekspresyon ni Arnold, tila napagtatanto na baka sumosobra na siya. Ngunit mas nangingibabaw ang takot niya na baka lumaki ang pakpak ng anak dahil nakapasok sa Guzman.

“Huwag mo nang iniisip ’yan. Mag-order na lang sa labas.”

Hindi pa rin tumigil si Avina. “Ate, kahit sabihin pang dinala ka ni Mama pag nag-remarry siya, dapat alam mong hindi ka puwedeng ituring na katulong ng iba. Dapat daughter ka nila, hindi taga-kusina. ’Pag nagluluto ka roon, ano’ng sasabihin ng iba? Paano na ang image ni Mama?”

Bago pa makasagot si Avery, may boses na sumingit mula sa likuran. Paglingon niya, kita sa camera ang mukha niya at ang guwapong mukha ni Draven. Bahagyang yumuko si Draven, at dahan-dahang tinanggal ang puting chef’s hat sa ulo ni Avery.

“Tama siya. You’re my sister now,” sabi ni Draven, may lambing at may diin. “How can you cook? Ayaw kitang pagurin sa ganyang trabaho. Come on, tanggalin mo na ’yang apron. I’ll bring you to eat something good.”

Napako sa pagkakatayo si Avina. Hindi niya matanggap ang narinig.

In the past life, hindi man lang siya pinapansin ni Draven, kung hindi siya minamaliit. Pero ngayon… ‘bakit ganito ang trato niya kay Avery?’ isip niya.

Hindi siya makapaniwala. Pero agad ding sumagi sa isipan niya na marahil ay iniingatan lang ni Draven ang image ng pamilya nila sa harap ng camera. Kung tunay niya itong pinoprotektahan, bakit ba nasa kusina si Avery kanina?

Kinuha ni Avery ang chef’s hat na hawak ni Draven. “Draven, binigyan ako ni Grandma ng napakaraming regalo. Nakakahiya namang hindi ako maghanda ng pagkain kahit minsan.”

“Regalo?” bulong ni Avina. “Anong regalo?”

Mas matangkad si Draven kaya tinaas pa niya lalo ang hawak na sombrero, natatawa habang pinagmamasdan si Avery na pilit inaabot ito.

“Regalo lang naman na isang milyon,” sagot niya nang walang pakialam. “Mas maliit pa nga sa allowance ko. Come on, I’ll tour you around the house para hindi ka maligaw.”

“Isang… milyon?” Halos hindi makahinga si Avina. Bakit siya walang nakuha noon kahit kusing?

Pinandilatan siya ni Avery nang marahan, hindi dahil nagyayabang, kundi dahil mukhang nagmumukhang mayabang si Draven dahil sa kanya. “Draven, I did this because I wanted to. Ako ang may gusto magluto.”

Napangisi si Draven at nilapitan ang camera, tila alam niyang pinapanood sila ng mga Tamayo.

“Narinig n’yo?” sabi niya, malamig pero sarkastiko. “She cooks because she wants to. Nobody in the family forced her. Unlike you… who act shamelessly and still think it’s normal.”

Hinawakan niya ang sarili para hindi maglabas ng mas masakit na salita. Pero sapat na ’yon para magmukhang guilty ang mga Tamayo.

Nagkunwaring mahinahon si Avina. “Draven, misunderstanding lang po talaga lahat. Hindi kasi malinaw magsabi si Ate…”

Umiling si Arnold, halatang desperado. “Sabi ko na nga ba, hindi tutupad ang mga Guzman kung hindi nila kaya.”

Nagpaulan ng sisi ang magkakapatid.

Ang panganay, si Joshua, napataas ang boses. “Avery, mag-sorry ka. Humingi ka ng tawad kay Draven.”

Ang pangalawa, si Jerry, walang pakialam. “Baka paalisin pa tayo niyan.”

Ang pangatlo, si Jonathan, galit. “Opportunity na ’to! Ikaw pa mismo ang nanggugulo!”

Nanlalabo na ang mata ni Avery, namumula ang gilid, nanginginig ang pilik-mata habang sinisikap pigilan ang luha. Maputla na ang balat niya dahil sa gutom at pagod, pero ngayon, mas lalo siyang namula dahil sa sobrang sakit at hiya.

At sa unang pagkakataon, alam niyang hindi lang pala siya napapagod, napapabayaan din pala siya. At ngayong narinig niya ang totoong tingin ng pamilya niya… doon lang niya naramdaman kung gaano kabigat ang lahat.

Nag-aalab pa rin ang dibdib ni Draven matapos ang tawag. Hindi niya alam kung dahil kay Avery siya nagalit, o dahil lang hindi niya matanggap na ganoon tratuhin ng isang pamilya ang sarili nilang anak. Parang gusto niyang suntukin ang screen, pero wala siyang magawa kaya mabilis niyang inagaw ang cellphone mula kay Avery at pinatay ang video call. Pagkatapos, binuksan niya ang contacts at iniabot iyon pabalik.

“Don’t cry,” sabi niya, medyo malamig pero halatang may pag-aalala. “’Yong mga taong ganyan, hindi ba dapat i-delete at i-block? Para kang nag-iipon ng bad luck for New Year.”

Kinuha ni Avery ang cellphone. Hindi siya umiiyak dahil sa lungkot, kundi dahil naaalala niya ang sarili niyang kahinaan sa nakaraang buhay, kung paano niya ibinuhos ang oras at puso sa pamilyang hindi man lang marunong umintindi. Nakakatawang mas masakit ang pagka-realize kaysa sa mismong pangyayari.

“Pamilya ko pa rin sila,” mahinahon niyang sagot. “Kahit pangit ’yong sinabi nila, hindi naman mawawala ’yong dugo namin dahil lang sa delete o block.”

Alam niyang hindi niya kayang talikuran ang pamilya. Sa totoo lang, kahit pa ganoon ang trato nila, may parte pa rin sa kanya na nag-aalala para sa kanila.

Napakamot si Draven sa buhok, halatang hindi niya gusto ang sagot pero ayaw niyang makipagtalo. “Bahala ka. Pero ngayong nandito ka na, tandaan mo ’to, You’re my sister now. Kapag may nang-away pa sa ’yo, sabihin mo pangalan ko. I’ll deal with them.”

Nagulat si Avery. Isang simpleng video call lang ang nakapagpabago ng tingin ni Draven sa kanya? Hindi niya inaasahan ang ganito. May konting init sa dibdib niya, at napangiti siya kay Draven kahit namumula pa ang sulok ng mga mata.

“Okay,” bulong niya. “Thank you….Kuya.”

Natigilan si Draven. Para bang tumama sa tenga niya ang salitang “kuya” nang may kakaibang tamis. Hindi niya inaasahan na maganda pala pakinggan iyon mula kay Avery. Bigla siyang natulala, pero agad ding natauhan.

“So,” tanong niya, kunwari kalmado, “magluluto ka pa ba?”

“Mm. Halu-halo na lahat, konting stir-fry na lang.”

“Bilisan mo na. Gutom na ako.”

Napatawa si Avery. “Late na ba? Kaya pala. Lumalaki pa kasi katawan mo, mabilis magutom. Pero… sigurado ka bang kakainin mo ’to? Baka ma-disappoint ka sa cooking skills ko.”

Habang nakatingin siya kay Draven, na nakasandal sa counter, guwapo at laging nakangiti nang parang walang bigat sa mundo, bigla niyang naalala ang isang alaala mula sa nakaraang buhay.

Noon, nabalitaan niyang nabalian si Draven ng binti. At simula noon, hindi na siya nakalakad nang normal.

Mabilis siyang napakurap, parang gustong itaboy ang alaala. Hindi niya gustong maisip pa iyon.

At sa sandaling iyon, nagdesisyon siya, na hindi niya hahayaang mangyari ulit iyon.

***

Author's Note: 

Ang theme po ng story at reborn story. So, parehong nag-reborn sina Avery at Avina (ang kambal) Noong unang life, si Avina ang kasama ng mama nila sa Guzman. At nang pareho silang namatay doon sa aksidente sa kotse na si Avery mismo ang ginawa, sinama niya ang pamilya niya. Pero ang nag-reborn lang ay sina Avina at Avery. Kaya ayon, nagkapalit na muli sila ng kapalaran. Si Avery na ang kasama ng mama nila at ng mga Guzman. 

Baka po kasi may malito. Bago ko pong susulatin ang theme na reborn dahil iyon ang request ng editor so yeah, sana magustuhan niyooo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Beneath His Shadow   5

    Narinig agad ang mahinahong boses ng babae bago pa makalapit si Draven.“Kung sa tingin ng kakambal ko na ang pagluluto dito ay parang pagtrato sa akin bilang katulong… e paano ’yon? Dati sa bahay natin noon, ako ang nagluluto ng tatlong beses sa isang araw. Ibig sabihin ba, tinatrato rin akong katulong ng Papa at mga Kuya natin?”Natigilan si Draven at napatingin sa payat at marupok na likod ni Avery, hindi kalayuan sa kanya. Napabuntong-hininga si Avina, bahagyang nanigas ang tono nang magsalita.“Paano mo naman maikukumpara ’yon? Wala tayong pambayad ng kasambahay noon. Hindi marunong magluto si Papa, at ang mga Kuya, hindi rin marunong mag-ayos. Kaya ikaw na lang ang gumagawa.”Bumuntong-hininga si Avery, ngunit hindi iyon reklamo, parang simpleng pagbanggit lang ng nakasanayan.“Hindi naman ako maarte. Pero kahit hindi sila marunong magluto, marunong naman silang mamulot ng gulay, maghugas, mag-set up ng table… kahit papaano. Pero pag-uwi ko galing part-time job, ang una kong mar

  • Beneath His Shadow   4

    Narinig ang katahimikan sa kusina matapos bumagsak ang mga salita, parang kahit ang tunog ng karayom ay malinaw. Habang ang head chef ay hindi makapagsalita, kinakabahan na baka kung makapagsalita siya ng mali ay mapatalsik siya ni Davian at mawala ang trabahong pinaghirapan niya. Kaya pinili na lang niyang manahimik.Huminga nang malalim si Avery at nagsalita nang kalmado,“Narinig ko po na gusto mo ng steak na medium-rare, dapat ay hugis diyamante, may kapal na 1 cm hanggang isa’t kalahati, at kailangang ihatid sa araw din na iyon para siguradong sariwa. Ang dami na po ng standards ninyo, para sa tulad kong ordinaryong tao, masasabi kong sobrang disente na ang pagkakasabi ko.”Sumimangot si Davian. Para sa kanya, normal lang ang ganitong mga detalye.“Sino ang nagsabi sa’yo niyan?” tanong niya, malamig ang boses.Pinagpawisan ng malamig ang chef at tiningnan si Avery na para bang umaasa ng tulong, sana huwag siyang idamay. Alam nilang kapag nainis si Davian, kahit hindi siya basta na

  • Beneath His Shadow   3

    Maayos na sumagot si Avery, kalmado ang tinig. “Ang required score para makapasok sa Sanien University ngayong taon ay 695 points. Kung regular college entrance exam, kailangan ng mahigit 700 para may pag-asang makapasok. Hindi ako nakapag-high school, kaya alam kong halos imposibleng mangyari iyon, maliban na lang kung genius ako. At alam kong hindi ako gano’n. Hindi ko rin balak gambalain si Sir Davian para gastusan ako. Ang gusto ko lang… ay makilala si Professor Kemp Butan kahit isang beses.”Napakunot ang noo ni Draven. “Professor Kemp Butan? Who’s that?”Sumulyap si Davian sa kanya, malamig ngunit mabigat ang tingin kay Avery. “Isa siya sa mga kilalang eksperto sa artificial intelligence. Kakabalik lang niya sa bansa at kinuha bilang visiting professor ng Sanien University.”Hindi na nito idinagdag na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Guzman Group kay Professor Butan para imbitahing maging technical director ng kumpanya. Ang nakakagulat kay Davian ay kung paanong nalaman ni Aver

  • Beneath His Shadow   2

    Tulad ng dati, malamig pa rin ang ugali ni Davian. Sa nakaraang buhay ni Avery, madalas niyang marinig na ang presidente ng Guzman Group ay kilala bilang taong walang puso, lalo na pagdating sa pamilya. Hindi niya inasahang magiging ganito pa rin ito sa pagbabalik niya.Ngunit sa totoo lang, hindi rin niya hinahangad na tanggapin agad ng mga Guzman ang presensya niya. Wala sa loob niya ang magkaroon ng mga panibagong “kamag-anak.”Matapos masaktan sa nakaraang buhay, alam na niya, ang tanging dapat niyang sandalan ay ang sarili.“Mr. Guzman,” sabi niya, mahinahon.Bahagyang kumunot ang noo ni Davian, pero hindi nagsalita. Tumalikod ito at naglakad papasok sa sala. Sumunod si Avery at magalang na lumapit sa matandang ginang.“Magandang araw po, Ma’am,” bati niya.Ang matanda, halos pitumpung taong gulang, ay maayos pa rin ang postura, elegante kahit puti na ang buhok. Nang makita siya, agad itong ngumiti nang may lambing.“Ikaw si Avery? Naku, mabuti at narito ka na. Draven, tingnan mo

  • Beneath His Shadow   1

    “Today is a good day for our BW Technology to go public. I believe that under the leadership of our founder, Ms. Avery, BW Technology will embark on a new glory. “Narinig ni Avery ang boses mula sa cellphone.Napaigtad siya. Napadilat. Ang unang tumambad sa kanya, madilim, masikip, at malamig. Nakatali siya sa loob ng sariling kotse.Sandaling naguluhan ang isip niya. Naalala niya ang huling sandali bago siya mawalan ng malay, ang basong alak na inabot ng kanyang ama, ang ngiti nito habang sinasabing gusto lang makipag-celebrate.Ngayon, nasa gilid siya ng isang bangin. At sa labas ng kotse, nandoon ang buong pamilya niya, ang ama, at tatlong kapatid na lalaki. Lahat sila, nakatingin sa kanya nang malamig.“Dad, kuya… ano ‘to? Bakit niyo ako dinala rito?” nanginginig ang boses niya.Sa tabi ng ama, nakatayo si Avina, ang kakambal niyang kapatid. Suot nito ang parehong suit at make-up, pati lipstick, eksaktong kopya ng kanya. Para silang salamin.Limang taon na ang nakalipas mula nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status