Share

Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon
Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon
Author: Alwida Alem

Kabanata 001

Author: Alwida Alem
last update publish date: 2026-01-14 14:41:43

Alyanna’s Pov

"Hindi kita kayang pakasalan, Alyanna," sabi niya sa matalas, mapurol, walang awa na tono, habang nakatayo sa harap ko.

Sa harap ng pamilya niya na saksi sa buong love story namin. Sa loob ng simbahan. Sa araw na dapat magiging isa kami.

Sa sandaling iyon ay tumigil ang mundo ko.

"A-ano bang pinagsasabi mo, E-Ethan?" nanginginig ang boses ko kahit pilit ko itong pinatatatag.

Maging ang mga daliri ko ay nanginginig na rin habang nakakapit sa tela ng gown ko, lumulubog ang lace sa aking palad.

Hinawakan ko kamay niya, desperadong dumampi sa kanya upang kumuha ng lakas pero umatras siya. At doon ay nabasag ang puso ko sa ginawa niya.

Hindi niya puwedeng durugin ang puso ko pagkatapos ng mga sakripisyong ginawa ko. Pagkatapos ng lahat—ang pagtalikod ko sa pamilya ko, ang pagpili ko sa kanya, at paglagay ko sa kung saan siya ngayon.

Sasabihin niya sa akin na ayaw na niyang pakasalan ako?

"Ayoko na, Alyanna."

Tatlong salita. Tatlong salita lang. Pero parang bubog na bumaon iyon sa aking dibdib at mukhang hindi na gagaling.

Sa lahat ng tao siya ang inaasahan kong makakaintindi sa akin. Na mamahalin ako ng buo. Na hindi ako iiwan.

"B-bakit?" halos hindi lumabas ang boses ko, dinudurog ang aking lalamunan. "Ano'ng nagawa kong mali? E-Ethan..." Umagos ang luha ko sa aking pisngi.

"You’re just too much for me,” sagot niya sa malamig, at malayong boses.

May umalingasaw na bulungan sa paligid sa loob ng simbahan, mga kuwentong parang usok na gumagapang pero wala akong pakialam. Kasi kahit anong mangyari ay si Ethan lang ang nakikita ko.

"Anong klaseng rason iyan, Ethan? Apat na taon na tayo!" sigaw ko, basag ang boses. “Sinabi mong mamahalin mo ako hanggang sa huling hininga mo! Na ako lang ang babaeng pakakasalan mo, na hindi ka magsasawa sa akin!"

Malamig siyang tumingin sa akin, wala na iyong pagmamahal na kumikislap ang kanyang mga mata sa tuwing makikita ako. Tumiim ang kanyang panga. "Hindi ko rin alam, Alyanna. Basta nagising na lang ako isang araw na hindi na kita mahal."

Nanlambot ang tuhod ko, ayaw maniwala. Pakiramdam ko nanlabo ang buong simbahan sa paningin ko. Lumulutang ang paningin ko sa sakit na mga salita niya, brutal at tila hindi na magpapapigil pa.

Na kahit ata lumuha ako ng dugo ay hindi na niya ako papakinggan.

Tiningnan niya ako na parang estranghero. Parang wala akong halaga sa kanya, at wala kaming pinagsamahan.

"Hindi. Ethan," bulong ko. "Mahal mo ako." Inabot ko ulit kamay niya, kumakapit sa huling pag-asa. "Pwede nating i-postpone ang wedding. Please...huwag mo lang sukuan ang tayo."

Umiling siya. "Tama na, Alyanna!" singhal niya, tinulak ang kamay ko na parang nakakapasong apoy.

Tumama sa dibdib ko ang talim ng tinig niya. Namilipit ang mga daliri ko. Isang mabigat, at nakakasukang realisasyon ang gumapang sa akin.

Hindi lang ito dahil nagising siyang hindi na ako, mas may malalim na dahilan ito.

This is betrayal.

"May iba ka," sabi ko. Hindi iyon tanong kundi akusasyon. Alam ko na.

Ang kanyang ay mata ay dumapo papunta sa isa sa bridesmaids. Nanlamig ang sikmura ko nang sundan ko iyon.

Criza.

Ang babaeng ipinakilala niya bilang kaibigan lang. Ang babaeng tinulungan namin kaya ginawa naming housekeeper pero wala naman masyadong ginagawa at maging scholar.

Hindi ko alam na ang babaeng pinapasok ko sa aking tahanan ay siya ring sisira nito.

Pikit mata ko iyong benalewala, alam kong maagapan ko pa ang lahat. Kaya ko, kakayanin ko huwag lang akong iwan ni Ethan. Kasi kapag pinakawalan ko pa si Ethan, wala ng ibang magmamahal pa sa akin.

"P-papatawarin kita, Ethan," bulong ko sa basag na boses, muling kinakapitan ang mga kamay niya kahit nanginginig ang buong katawan ko. "Alam kong hindi mo sinasadya 'to. Hindi mo na uulitin... 'di ba?"

"Limang buwan na siyang buntis."

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ng sandaling iyon. Maging ang paghinga ko ay halos makalimutan ko na. Para akong nabingi sa aking narinig. Napakapit ako sa aking sariling wedding gown para di ako matumba.

Five months? Five months na niya akong niloloko?

Isang mapait na tawa ang kumawala sa bibig ko.

Napatingin lahat kay Criza, maging ako. Nakangiti siya sa akin. Mapanghamon. At tila ba pinapakita niyang nanalo na siya laban sa akin.

At ang mga magulang ni Ethan? Nakayuko. Umiiwas ng tingin.

Alam nila? Alam nilang lahat ang kababuyan na nangyayari sa sarili kong tahanan?

Uminit ang luha ko, napalitan ng galit na matalim, nakakahilo.

"Lahat binigay ko sa 'yo!" sigaw ko. "Nirerespeto ka ng tao dahil sa 'kin! Ako ang dahilan bakit ka umangat! At napunta diyan sa posisyon mo." singhal ko. "Mananagot kayong lahat!" Tumingin ako sa mga taong nandoon.

May mga nakayuko, ngumisi, at masaya sa nangyayari. "Lahat kayo!" Madiin kong sinabi.

May nagtaas ng kilay, may napabulalas, pero wala akong pakialam.

Maybe I stepped on his ego, which was why he gritted his teeth, staring at me.

"What are you talking about? I built everything on my own! Nagsumikap ako upang makuha ang gusto ko!" He snapped pero malakas akong humalakhak.

Ang kapal ng mukha niya upang sabihin iyon sa akin! I build him and he kept on denying it.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Then, good luck with making it successful, Ethan. Because I will make sure that you are going to pay for this!"

Tumakbo ako palabas, kumalampag ang takong ko sa sahig ng simbahan habang palayo ako. At habang papalabas na ako ng simbahan, bumuhos ang ulan.

Malamig. Mabigat. Parang maging ang langit mismo ay nakikiramay sa akin.

Kaya pala gusto niya ng maliit na kasal lang.

Kasi may tinatago pala siya at kababuyang hindi niya kayang ipakita sa publiko dahil ngayon pa lang siya nagkaroon ng pangalan sa business.

Hinawakan ko ang aking basang gown, nanginginig habang nilalakad ang madilim, basang kalsada. Hindi ko na alam saan pupunta. Basta makalayo lang—sa lugar na iyon... sa kanya.

Halu-halong luha at ulan. Parang lumulubog ang mundo ko.

Walang sakit na katulad nito.

Nakatulala lang ako habang naghihintay na may babangga sa akin sa gitna ng kalsada. Kasabay ng mga patak ng ulan ay ang pagdausdos ng luha sa aking pisngi.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nanatili doon. Hanggang may isang itim na sasakyan ang huminto sa tabi ko, humihiyaw ang gulong sa basa. Hindi ako nagbigay ng kahit anong emosyon.

Dalawang lalaking naka-itim ang lumabas na may dalang payong. Kumunot ang noo ko. At mula sa bumukas na pinto... nakita ko siya.

Si Giovanni Octavian Russo.

Ang makapangyarihang negosyanteng minsang ipinilit ng magulang ko para pakasalan ako. At hindi lang siya business man kundi hinahangaan ni Ethan sa negosyo.

Anong ginagawa niya rito? At bakit sa ganitong paraan pa kami nagkita? O baka ito ang paraan upang makapaghiganti ako?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon   Kabanata 068

    Arabella's Pov And the next thing I know, he has already fired all the maids who served him for many years. And even Manang Cherry, too. "Anong ginawa mo, Giovanni?!" Sigaw ko habang pumasok sa kanyang kwarto nang hindi man lang nagpaalam o kumatok pa dahil sa nalaman ko. Hindi siya nagpatinag. Nakatingin lang siya sa kanyang laptop at tila hindi niya ako narinig. Mas lalo akong lumapit sa kanya, padabog na naglakad. “Giovanni! Tinatanong kita!” I shouted with all my strength. “Wife,” he sighed heavily. Mukhang pagod na pagod na ang kanyang mukha at mga mata, pero hindi nawala ang galit na nararamdaman ko. I was fuming mad, “What did you do?” My voice was shaking, but he just looked at me plainly. “Giovanni, answer me!” “They don’t like you, so I let them leave to make you comfortable, Selene.” Mahina niyang sinabi, kumuyom ang aking kamao.

  • Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon   Kabanata 067

    Arabella’s Pov “Hi,” bati sa akin ng dalawang kapatid ni Giovanni na sina Elaine at Tiara sa Skype. Nasa may balcony ako ng aking kwarto, hindi pa kasi ako nakakaramdam ng antok kaya minabuti kong manatili muna dito sandali. “Hindi namin alam na nagpunta kayo sa Switzerland.” Nakapout na sambit ni Tiara. Kumunot ang aking noo, “didn’t Giovanni tell you? Sinabi ko sa kanya na pupuntahan namin kayo, pero sabi niya ay busy raw kayo.” Nagkatinginan silang dalawa tapos tumingin sa gawi ko, sabay na tumango. Weird. “Oo nga pala, nagpunta kasi kami sa L.A dahil may inaasikaso kaming mga papel doon,” pagrarason ni Elaine na akala mo ay hindi nagtatampo na hindi namin pinuntahan. Ano ba talaga? “Ahh, okay.” Sagot ko dahil wala naman na akong masabi. Isa pa ay sobrang sakit ng katawan ko sa biyahe. “By the way, luluwas ka ba ulit kayo ng bansa?” “Hindi ko kasi sigurado dahil si Giovanni naman ang gagastos ng lahat.” Elain shook her head, “Dapat paminsan-minsan ay

  • Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon   Kabanata 066

    Giovani’s Pov I made everything special for her. Gusto kong hindi niya makalimutan ang pagpunta niya sa Maldives. Gusto na sa tuwing iniisip niya ang mga araw na magkasama kaming dalawa ay masaya lang at walang kahit anong problema ang iniisip niya. I want everything to be special for her. That everything was her dream, that came true. Kaya mula sa Maldives, papunta sa New York at Uganda. I made everything perfect just like her. I know what I should do and when things will happen perfectly. But yeah…not everything is meant to be what I am, even though I’m trying really hard to do it perfectly. Nasa may isang maliit na café lang kami. Hindi siya masyadong dinadayo ng mga turista dahil hindi naman siya nakikita masyado ng mga nandoon, pero maganda ang lugar, maaliwalas at presko ang hangin. It came from an aesthetic vibe, and the view from up here? Masyadong maganda upang palampasin namin. I stared at it for a second and felt the moment before I turned to my wife, who

  • Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon   Kabanata 065

    Arabella’s Pov Sa dami ng nagawa naming activities ay agad akong dinalaw ng antok pagkatapos kong maligo sa kanyang banyo. Paano at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matakpan ang malaking butas ‘kuno’ sa aking kwarto. Talagang sa lahat ng kwarto ay iyong sa akin pa talaga! Nakatulog ako, pero bago ako tuluyang mawalan ng ulirat ay naramdaman ko pa ang pag-uga ng kama, na ibig sabihin ay humiga na rin siya sa kama. “Good night, wife.” I heard him whisper in my ear and kiss my forehead. I wasn't sure if it was real or just my imagination dahil hindi ko na alam kung alin ba ang totoo at hindi, basta ay gusto ko na talagang matulog. Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na lumagpas sa kusina, kaya nirub ko ang aking mata bago bumangon. Pagtingin ko sa kabilang banda ay wala nang tao doon. M

  • Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon   Kabanata 064

    Arabella’s Pov Pangatlong araw na ngayon namin dito sa Maldives, pero hindi pa rin kami nakakapag-activities dahil sa dalaw ko, kaya napagpasyahan naming mag-scuba diving, snorkeling, at kung anu-ano pang activities ang gagawin namin. Dalawang araw lang kasi ang period ko. Kapag natapos na iyon, wala na, pero sobrang sakit nga lang sa puson. “Ano? Saan tayo?” tanong ko sa kanya na nasa likuran ko. “Island hopping raw ang una, doon na rin tayo mag-snorkeling at scuba diving,” sambit niya habang naglalakad patungo sa akin. I watched how charismatic he was, even in a beach shirt and black sandals, showing off how good his muscles are. May time pa ba siyang mag-gym sa dami ng ginagawa niya sa kanilang kumpanya? Tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad para sumakay sa maliit na bangka. Siya lang kasi ang nakiki

  • Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon   Kabanata 063

    Arabella’s Pov Nagising akong may nakadagan sa aking hita sa aking maliit na baywang. Nanlaki ang aking mga mata nang na-realize ko kung sino ang kasama ko. Babangon na sana ako, pero sobrang higpit ng pagkayakap niya sa akin na halos ayaw na niya akong pakawalan. He even pulled me closer to him, his nose sniffing my neck, so I held my breath for a second—ang mainit niyang hininga ay dumampi sa aking balat dahilan upang makiliti ako. Tila nagsitayuan ang aking mga balahibo sa kanyang ginawa. No, this isn't fvcking true. Para na akong mababaliw sa mga ginagawa niya at hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin. “You smell good,” he whispered in his bedroom voice, and my heart almost wanted to explode at how he said

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status