Beranda / Romance / Beyond That One Night Mistake / CHAPTER 44 => Paparazzi.

Share

CHAPTER 44 => Paparazzi.

Penulis: Lazydaydreamer
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-20 22:27:09

Pagbukas nila ng pintuan palabas ng klinika, isang matinding liwanag ang sumalubong sa kanila, hindi mula sa araw, kundi mula sa mga kamera flash ng mga paparazzi.

Agad na sumirit ang mga tanong, sabay ng palakpak ng shutter ng kamera. “Yukisha! Totoo bang buntis ka?” “Xayvier, handa na ba kayo sa magiging responsibilidad niyo?” “Ano ang masasabi ng magulang niyo tungkol dito?” At ang tanong na rumaragasang parang ulan sa kanilang dalawa ay. “Magtatagal ba kayo bilang magulang? Makakaya niya ba?”

Sa napakabigat na sandaling iyon, parang tumigil ang mundo. Hindi na nila narinig ang ibang tanong, pati ang ingay ng sasakyan at nag mamadaling tunog ng pag pindot ng mga daliri sa kamera. Ilang segundo silang nagkatitigan, si Yukisha, mahinhin at matatag habang si Xayvier, ay buo ang determinasyon at abot langit ang ngiti, tila walang pake alam sa nangyayari.

Nakakasilaw ang ilaw galing sa mga flash ng kamera at masakit sa mata. Pakiramdam ni Yukisha na parang tumalon ang kanyang puso. Ngun
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 44 => Paparazzi.

    Pagbukas nila ng pintuan palabas ng klinika, isang matinding liwanag ang sumalubong sa kanila, hindi mula sa araw, kundi mula sa mga kamera flash ng mga paparazzi.Agad na sumirit ang mga tanong, sabay ng palakpak ng shutter ng kamera. “Yukisha! Totoo bang buntis ka?” “Xayvier, handa na ba kayo sa magiging responsibilidad niyo?” “Ano ang masasabi ng magulang niyo tungkol dito?” At ang tanong na rumaragasang parang ulan sa kanilang dalawa ay. “Magtatagal ba kayo bilang magulang? Makakaya niya ba?”Sa napakabigat na sandaling iyon, parang tumigil ang mundo. Hindi na nila narinig ang ibang tanong, pati ang ingay ng sasakyan at nag mamadaling tunog ng pag pindot ng mga daliri sa kamera. Ilang segundo silang nagkatitigan, si Yukisha, mahinhin at matatag habang si Xayvier, ay buo ang determinasyon at abot langit ang ngiti, tila walang pake alam sa nangyayari.Nakakasilaw ang ilaw galing sa mga flash ng kamera at masakit sa mata. Pakiramdam ni Yukisha na parang tumalon ang kanyang puso. Ngun

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 43 => Pregnant for real.

    “Buntis ako...?” mahinang ulit ni Yukisha, halos pabulong. “Imposible…” Ngunit naroon sa harap nila ang katibayan. Ang maliit na tuldok sa screen, ang gumagalaw na bagay na ayon kay Hanna ay isang embryo. Masyado pa itong maliit para makilala, ngunit sapat na para masabing may buhay. May namumuong nilalang sa kanyang sinapupunan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Takot? Saya? Wala. Putlang-putla si Yukisha habang tulala pa rin sa screen. Si Xayvier naman ay tahimik lang, pero hindi inaalis ang tingin sa monitor. Parang biglang huminto ang oras para sa dalawa. Tahimik ang buong silid maliban sa mahinang ugong ng makina at ang marahang paghinga nila, na tila pilit na kinakalma ang sarili. Pakiramdam nila'y hindi na sila humihinga. Parang wala sa realidad, parang panaginip na hindi nila alam kung gusto nilang magising o manatili na lang. Naramdaman ni Xayvier ang panginginig ng kamay ni Yukisha. Marahan niya itong hinawakan at pinisil ng bahagya. Walang salitang lumabas sa

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 42 => SHOCKING NEWS.

    “Teka saglit, pwede ba akong sumama sa loob?” pigil na tanong ni Xayvier kina Yukisha at Hanna na noo’y papasok na sa isa pang silid sa loob ng naturang klinika. Bahagyang napahinto si Hanna at nilingon siya bago sumagot.“Pwede, ikaw naman ang ama eh,” aniya habang tumuloy na sa paglakad, maingat na inalalayan si Yukisha papasok sa loob. Agad namang sumunod si Xayvier, halatang kinakabahan ngunit hindi nagpapahalata.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang amoy ng alcohol na pamilyar sa loob ng mga klinika. Sa gitna ng silid ay naroon ang isang single bed na may puting bed sheet at unan. Nakapalibot dito ang iba’t ibang aparato na ginagamit para sa pagsusuri. May ultrasound machine, monitor, tray ng gamit, at iba pa.“Higa ka na muna rito, Yuki.” malumanay na sabi ni Hanna habang inaayos ang ilan sa mga kagamitan. Dahan-dahan namang inalalayan ni Xayvier si Yukisha papahiga sa kama, marahang inalalayan ang balikat at bewang nito. Nang makahi

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 41 => On the verge of truth.

    Kumapit si Yukisha sa naka-umag na braso ng binata, saka sila sabay na lumabas ng kwarto. Sabay nilang tinahak ang hagdan pababa, at ang malawak na sala, hanggang sa makarating sila sa harap ng main door ng bahay kung saan nag hihintay ang kanilang mga magulang. "Nariyan na sila sa wakas!" Nagagalak na saad ni Delilah habang naka turo pa sa kanila. "Mga anak tara na, dito nalang tayo sasakay para isa na lang ang gamitin nating sasakyan." Tawag naman sa kanila ni Donatella habang naka umag ang kamay sa isang Customized Toyota Hiace. Kaagad naman siyang marahang hinila ni Xayvier. "Heto na pag sakay natin sa Van ay hindi ko na alam ang mangyayari pa. Ngunit ano man ang mangyari, ano man ang maging reaksyon nila kapag nalaman nila na hindi ka totoong buntis, ipaglalaban kita. Ipaglalaban pa rin kita Yukisha, Dahil mahal kita. Mahal na mahal." Bulong sa kanya ni Xayvier na nag pawala nang tinik sa puso niya. "Salamat Xayvier, salamat." Naluluha nanaman siya dahil sa simpleng salita na

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 40 => Caught?

    Mabilis na nag tataas baba ang dibdib ni Yukisha dahil sa kaba. Nasa kwarto siya kasama si Xayvier parehong kinakabahan dahil sa gustong mangyari ni Harold kanina. Flashback“Alam mo, iha? Napagdesisyunan lang namin na ipacheck-up ang tiyan mo. Mas maganda ‘yon, hindi ba? Para masiguro natin na makapit nga ang baby mo at healthy siya.”Boom. Ayun na ang kinakatakutan niya. Alam niyang sasabihin iyon ng ama ni Xayvier, ngunit hindi niya inakalang agad-agad itong magtatanong.Saglit siyang napatingin kay Harold, na nakangiti sa kaniya. Ganoon din ang ngiti nito kagabi. Ito ba ang planong binabalak niya? Ang ipacheck-up si Yukisha upang malaman kung tunay ang ipinagbubuntis niya?Nagkatinginan sina Yukisha at Xayvier, at parehong napalunok.“Naloko na.”“Oo maigi nga iyon, tapos sasama kami sainyo! Na-eexite na ako!” Tila bulateng inasinan si Donatella habang sinasabi iyon. “Ako rin, gusto ko rin siyang makita! Mag pa ultrasound ka anak! Pwede yon kahit ilang weeks palang si baby.” Pag

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 39 => Hangging by a Lie

    “Maiba ako, kanina ko pa naririnig ang tungkol sa pagbubuntis na iyan, ngunit nasaan ang pruweba na totoong buntis si Miss Dawson?”Nagsimulang mamuo ang tensyon dahil sa tanong ni Mr. Harold Juaquin. Kanina pa ito tahimik, animoy nagmamasid kung nagsasabi ba sila ng totoo o hindi. Muling nagkatitigan sina Yukisha at Xayvier, tila nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.“‘Oo nga, nang makita ko kayo sa penthouse ay wala kayong ipinakita. Kung tutuusin ay hindi na kailangan, dahil nahuli ko naman na kayong—”“Mom, ito na. Pwede po bang ‘wag niyo nang ungkatin ang nakita niyo?!”Putol ni Xayvier sa ina at tumango kay Yukisha na nag bigay ng hudyat sa dalaga upang ipakita na ang tatlong pregnancy test na inorder nila, lahat nang iyon ay inihian niya at pahapyaw na hinugasan saka pinatuyo at isinilid sa isang malinis na lalagyan. Ngunit tiniyak niya na hindi maalis ang amoy ng ihi para mas kapanipaniwala.“Narito po ang pregnancy test ko. Dalawa po ito upang masigurado na totoo ang pagbubun

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status