Share

Chapter 029 — My Rules

Penulis: Eliana Asher
last update Tanggal publikasi: 2026-09-06 23:29:57

SENNA

Ilang segundo lang akong tinitigan ni Lucien matapos kong sabihin na papayag akong maging fake fiancée niya.

Hindi siya ngumiti o nagpakita ng kahit anong excitement. Bahagya lamang siyang sumandal sa upuan bago itinuro ang bakanteng silya sa harapan ng desk niya.

“Sit down,” sabi niya habang pinagmamasdan ako.

Tahimik akong naupo at inilapag ang bag sa kandungan ko. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang magiging epekto ng desisyong ito sa buhay namin ni Ashley, pero wala na akong balak uma
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
thank u miss Author 🩷🩷🩷
goodnovel comment avatar
Meludy Tuazon
update pls.....
goodnovel comment avatar
Dhenz
d kaya may kutob n c lucien o alam n nya na anak nya c ashley
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 031 — He’s Not Cured

    SENNAMakalipas ang ilang araw, bumalik na ako sa Ellington Biopharm bilang executive assistant ni Lucien. Light duty pa rin ako dahil hindi pa fully healed ang ankle ko, kaya karamihan ng trabaho ko ay schedules, emails, meeting files, at documents na maaari kong asikasuhin habang nakaupo.Mas okay na rin iyon. At least, unti-unti nang bumabalik sa normal ang routine ko matapos ang ilang araw na halos puro hospital lang ang mundo ko.Bandang alas-dos ng hapon, dumating si Dr. Adrian para sa meeting nila ni Lucien.“Kamusta na ang paa mo, Senna?” tanong niya habang humihinto sa harap ng desk ko.“Mas okay na po ngayon doc kumpara noong mga nakaraang araw” sagot ko habang bahagyang itinataas ang paa ko. “Hindi na po gaanong masakit.”“Good. Huwag mo lang abusuhin.” paalala niya habang itinuturo ako.“Opo, Doc,” sagot ko habang bahagyang ngumingiti.Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang elevator sa kabilang bahagi ng executive floor. Lumabas mula roon ang isang babaeng may hawak na

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 030 — She’s Coming Home

    SENNATatlong araw matapos ma-admit si Ashley, saka lang ako nakahinga nang maayos nang sabihin ng doktor na mas maganda na ang response ng katawan niya sa bagong treatment.Nakatayo ako sa tabi ng hospital bed habang pinagmamasdan siyang kumakain ng mansanas. Mas maayos na ang kulay ng mukha niya kumpara noong unang araw, at kahit halata pa rin ang pagod, mas madalas na rin siyang ngumiti.“Mrs. Chavez, stable sa ngayon ang condition ni Ashley, pero hindi ibig sabihin non na tapos na ang kanyang treatment, maganda din ang response niya nitong mga nakaraang araw.” paliwanag ng doktor habang tinitingnan ang chart niya. “Kaya puwede na natin siyang i-discharge mamayang hapon.”Parang biglang gumaan ang dibdib ko.“Talaga po, Doc?” tanong ko habang hindi ko mapigilang mapangiti.Tumango ang doktor bago niya ipinakita sa akin ang discharge instructions.“Yes, pero kailangan nating maging strict sa medications at follow-up schedule niya,” paalala nito. “May laboratory tests pa rin siya sa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 029 — My Rules

    SENNAIlang segundo lang akong tinitigan ni Lucien matapos kong sabihin na papayag akong maging fake fiancée niya.Hindi siya ngumiti o nagpakita ng kahit anong excitement. Bahagya lamang siyang sumandal sa upuan bago itinuro ang bakanteng silya sa harapan ng desk niya.“Sit down,” sabi niya habang pinagmamasdan ako.Tahimik akong naupo at inilapag ang bag sa kandungan ko. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang magiging epekto ng desisyong ito sa buhay namin ni Ashley, pero wala na akong balak umatras nang hindi man lang naririnig nang maayos ang terms and conditions niya.Kumuha si Lucien ng folder mula sa drawer at inilapag iyon sa harapan ko.“Before anything else, kailangan nating linawin ang tungkol sa one million pesos,” sabi niya habang itinutulak ang folder papunta sa akin. “Separate iyon sa engagement.”Napatingin ako sa kanya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko habang hindi ko muna binubuksan ang folder.“You still owe me one million,” paliwanag niya nang diretso. “You can r

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 028 — My Father Called

    SENNAKinabukasan, habang inaayos ko ang mga gamit ko bago pumunta sa Ellington Biopharm para sa light duty, biglang tumunog ang cellphone ko.Napahinto ako nang makita ang pangalan sa screen.Si Dad ang tumatawag.Hindi kami iyong tipo ng mag-ama na nagtatawagan para mangumusta. Matapos niya akong itakwil limang taon na ang nakalipas, halos wala na kaming matinong pag-uusap maliban noong bumalik ako sa mansion para humingi ng tulong para kay Ashley.Kaya alam kong may problema.“Hello, Dad?” bati ko habang sinasagot ang tawag.“Anong ginawa mo kay Lucien Ellington?” malamig na tanong ni Daddy mula sa kabilang linya.Napakunot agad ang noo ko. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong ko habang inilalapag ang bag sa mesa.“Huwag mo nang pagtakpan, Senna,” mariing sabi niya. “Alam kong nagtatrabaho ka ulit sa kompanya niya. Ngayon naman, ayaw na niyang ituloy ang engagement niya kay Cassandra dahil ikaw daw ang gusto niyang ipalit.”Nanigas ako.“Ano?” tanong ko habang humihigpit ang hawa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 027 — The Cancelled Engagement

    SENNAPaglabas ko ng Ellington Biopharm, saka ko lang napansin ang sunod-sunod na notifications sa cellphone ko. May ilang messages si Aling Rosa tungkol kay Ashley, pero mas napansin ko ang notification mula sa article na nabasa ko na ilang araw ang nakalipas—iyong tungkol sa biglang pagkawala ni Lucien sa sarili niyang engagement party.Akala ko tapos na ang issue, pero mukhang lalo lang itong pinag-uusapan online. Libo-libo na ang reactions at comments, at nang buksan ko iyon, sunod-sunod agad ang nabasa ko.“Bakit biglang nawala ang groom? Parang may malaking nangyari.”“Nakakahiya naman kay Cassandra. Imagine, engagement party mo tapos biglang mawawala iyong fiancé mo.”“May problema kaya silang dalawa? Kasi kung emergency lang, bakit hanggang ngayon wala pa ring bagong engagement date?”“Something is definitely off. Hindi basta-basta aalis ang groom sa sarili niyang engagement party.”Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.Alam ko kung nasaan si Lucien noong gabing iyon. Hinahanap

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 026 - Back to Ellington Biopharm

    SENNAIlang araw matapos ipakita ni Dr. Adrian ang results tungkol kay Lucien at Ashley, pinapunta ako ng HR sa Ellington Biopharm para ayusin ang employment status at benefits ko.Hindi pa tuluyang magaling ang paa ko. Kaya ko nang maglakad nang mas maayos, pero naka-ankle support pa rin ako at bawal tumayo nang matagal. Ayon kay Dr. Adrian, kailangan ko pa ng ilang araw bago ako puwedeng bumalik sa normal na trabaho.Pagdating ko sa HR, agad akong dinala ng isang staff sa maliit na conference room. May ilang documents nang nakahanda sa mesa.“Active na po ulit ang employee profile ninyo, Ma’am Senna,” paliwanag ng HR staff habang inilalapag sa harapan ko ang mga forms. “Kasama na rin po ulit ang health insurance, medical coverage, at iba pang employee benefits ninyo.”Napatingin ako sa effective date na nakalagay sa form.Parehong gabi iyon nang mawala ako sa kagubatan.Kahit alam ko na kung bakit ginawa ni Lucien iyon, kakaiba pa ring isipin na habang sugatan at nawawala ako sa git

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 006- The Man Allergic to Children

    SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 005- A Million Debt 

    SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 004- Rejected by My Own Family

    SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 003- She’s Not My Daughter

    SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status