Mag-log inHello guys, I'm currently working po sa "Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me", baka po starting next week eh mag daily UD ako. Yun lang! Enjoy reading🥰
SENNAHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Lucien mula sa magkabilang bahagi ng ballroom.Siguro ilang segundo lang iyon, pero pakiramdam ko napakatagal.Bahagyang kumunot ang noo niya habang diretso lang sa akin ang tingin. Bumaba iyon sandali sa catering uniform na suot ko bago muling bumalik sa mukha ko.Agad akong umiwas ng tingin.Hindi ako naroon para ipaliwanag sa kanya kung bakit ako nagtatrabaho bilang waitress. Hindi ko rin kailangang malaman kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin.Trabaho lang ito.Kailangan ko lang tapusin ang shift para makauwi nako.Huminga ako nang malalim bago lumapit sa unang mesa at nagsimulang mag-serve ng appetizers.“Would you like some, Ma’am?” tanong ko sa isang guest habang bahagyang inilalapit ang tray sa kanya.“Yes, thank you,” sagot ng babae habang kumukuha ng isang appetizer mula sa tray.Ngumiti ako nang magalang bago lumipat sa susunod na mesa.Ilang grupo pa ng bisita ang nilapitan ko. Habang tumatagal, unti-unti r
SENNANanatili akong nakatayo sa harap ng mansion habang nakatingin sa malaking floral signage malapit sa entrance.Kanina pa kakaiba ang pakiramdam ko mula nang makilala ko ang daan papunta rito. Pero ngayong nakatayo na ako mismo sa De Alcantara Mountain Estate, mas lalo akong hindi mapakali.Ito ang lugar kung saan marami akong alaala kasama si Mommy.At ngayon, bumalik ako rito bilang catering staff.Huminga ako nang malalim bago muling itinuon ang tingin sa signage.Doon ko tuluyang nabasa ang nakasulat.THE ENGAGEMENT CELEBRATION OFLUCIEN ELLINGTON & CASSANDRA DE ALCANTARANanigas ako.Parang ilang segundo akong nakalimutang huminga habang paulit-ulit kong binabasa ang dalawang pangalan.Lucien Ellington At Cassandra De Alcantara.Hindi nga ako nagkamali.Ang engagement party na pagtatrabahuhan ko ngayong gabi ay para sa dating boss kong nagtanggal sa akin at sa sarili kong half-sister.Biglang bumalik sa isip ko ang araw na pumunta ako sa mansion para humingi ng tulong kay Dad
SENNAApat na buwan na ang lumipas mula nang magsimula akong tumanggap ng kung anu-anong trabaho para lang maitaguyod kaming mag-ina.Sa loob ng apat na buwang iyon, halos wala na akong araw na walang ginagawa. Kapag may catering event, pumapasok ako bilang waitress o kitchen helper. Kapag walang booking, naglilinis ako ng condo, nagpa-pack ng parcels, nagluluto ng packed meals, o nagbebenta online ng kahit anong puwedeng pagkakitaan.Malaking tulong ang limang daang libong pisong ibinigay sa akin ni Ma’am Emery, pero mabilis din iyong nabawasan. May mga gamot si Ashley na kailangang bilhin, laboratory tests, consultations, hospital visits, renta, pagkain, at iba pang gastusing hindi puwedeng ipagpaliban.Hindi ko pinagsisihan kahit isang piso.Kung para kay Ashley, kahit maubos pa lahat ng pera ko, ayos lang.Ang problema, may isa pa akong obligasyong hindi ko kayang takasan.Ang isang milyon kong utang.Naupo ako sa maliit na mesa ng apartment namin at binuksan ang notebook kung saa
SENNADumating ang araw ng malaking catering event na sinabi ni Ma’am Liza. Maaga pa lang ay nakahanda na ako. Ang problema, ilang minuto bago ako umalis ay tumawag ang aking kapitbahay na pinakiusapan kong magbantay sana kay Ashley. Hindi raw siya makakapunta dahil may emergency sa pamilya nila.Napahawak ako sa noo.Hindi ko pwedeng iwan mag-isa si Ashley. Pero hindi ko rin kayang hindi pumasok. Mas mataas ang bayad sa event na ito kaysa sa karaniwang booking namin.Wala akong ibang choice kundi isama siya.Pagdating namin sa catering office, agad akong lumapit kay Ma’am Liza habang hawak ang kamay ng anak ko.“Ma’am, pasensya na po. Biglang hindi po makakapunta iyong magbabantay sana kay Ashley. Pwede po bang dito lang siya sa staff lounge habang nagtatrabaho ako?” pakiusap ko habang bahagyang hinihigpitan ang hawak sa kamay niya.Tiningnan muna ni Ma’am Liza si Ashley bago napabuntong-hininga.“Sige,” sagot niya habang itinuturo ang staff area. “Pero siguraduhin mong hindi siya la
Part TwoSENNADoon nagsimula ang bago kong routine.Kapag may catering event, pumapasok ako bilang waitress o kitchen helper. Kapag walang booking, naghahanap ako ng ibang puwedeng pagkakitaan.Hindi na mahalaga sa akin kung anong trabaho iyon. Basta marangal, may bayad, at may maiuuwi akong pera para kay Ashley.Nag-online selling ako ng mga damit at gamit na hindi na namin kailangan. May ilang branded bags pa akong natira mula noong maayos pa ang buhay namin ni Mavix. Dati, iniingatan ko pa ang mga iyon dahil mahal ang bili ko, pero ngayon, kahit halos kalahati lang ng original price ang ibinabayad sa akin, ibinenta ko pa rin.Ano pa bang gagawin ko sa mamahaling bag kung wala naman akong pambili ng gamot ng anak ko?Naglinis din ako ng condo units kapag may nagpapahanap ng cleaner. May isang araw na dalawang unit ang nilinis ko mula umaga hanggang hapon. Pagkatapos no’n, dumiretso pa ako sa catering event sa gabi.May mga araw ding nagpa-pack ako ng parcels para sa isang online sho
Part OneSENNAPagkauwi namin mula sa ospital, halos hindi pa ako nakakapagpahinga nang maalala ko ang text message na natanggap ko tungkol sa part-time work sa catering service.Agad kong kinuha ang cellphone ko at muling binasa ang message.[ May kakilala akong naghahanap ng part-time staff sa catering service. Kailangan nila ng waitress at kitchen helper. Hindi kalakihan ang sahod pero puwedeng magsimula agad. Interested ka? ]Napatingin ako kay Ashley na nakahiga sa kama habang tahimik na naglalaro ng stuffed toy niya.Hindi na ako puwedeng mamili ng trabaho.May gamot siyang kailangang bilhin. May renta kaming kailangang bayaran. May pagkain at araw-araw na gastusin. At higit sa lahat, may isang milyon akong utang na kailangan kong bayaran sa loob ng apat na buwan.Agad kong tinawagan ang numerong ibinigay sa akin.“Hello po. Ako po si Senna Chavez. May nagsabi po sa akin na naghahanap kayo ng part-time staff,” bungad ko habang nakaupo sa maliit na mesa ng apartment namin.“Yes, h
SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m
SENNA“Mrs. Chavez, lumabas na ang resulta ng bone marrow biopsy niya. Confirmed, may leukemia ang anak mo at delikado iyon. Ire-refer namin siya sa ibang ospital dahil kulang kami sa gamit dito. Pero kailangan niyo munang i-settle ang bill bago kayo lumipat.”Nanlumo ako pagkatapos kong marinig iy
SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n
SENNATuluyang nagulo ang isip ko. Bakit bibili si Mavix ng mga gamit na pambabae? Hindi naman ako mahilig sa gano’n kung reregaluhan niya ako. At alam niyang nasa ospital kami ni Ashley—bakit siya gagastos nang ganoon kalaking halaga?O baka naman… na-hack ang account namin?Agad kong tinawagan an







