بيت / Romance / Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy / Chapter 016 – One Million Pesos

مشاركة

Chapter 016 – One Million Pesos

مؤلف: Eliana Asher
last update تاريخ النشر: 2026-08-15 22:02:02

SENNA

Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko si Peter na bumababa sa van. Siya ang lalaking pinagkakautangan ko ng isang milyon. At mas lalo akong kinabahan nang may sumunod pa sa kanya.

Kasunod niyang bumaba ang dalawa pang lalaki. Nakilala ko rin agad ang isa sa kanila. Kasama siya ni Peter noong araw na pumunta ako sa kanila para mangutang ng isang milyon.

Napaatras ako nang isang hakbang habang mahigpit na hawak ang cellphone ko.

Hindi ko maintindihan kung paano nila nalaman na nandit
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
kawawa nmn si senna🥲sana may makatulong sa kanya
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 020 - Paid in Full

    3rd Person POVMatapos masigurong maayos na si Senna sa guest room ng penthouse niya, hindi doon nagpalipas ng gabi si Lucien. Dumiretso siya sa mansyon ng pamilya Ellington, at pagpasok pa lang niya sa sala ay sinalubong na siya ng galit na boses ng kanyang ama.“Ano bang pumasok sa kokote mo at bigla ka na lang umalis sa engagement party ninyo ni Cassandra?” galit na tanong ng Chairman habang nakatayo sa gitna ng sala. “At ano itong nabalitaan kong ginamit mo ang company chopper nang walang approval ko?”Hindi agad sumagot si Lucien.Nang hilahin siya ni Cassandra pabalik sa ballroom kanina, pilit niyang binalewala ang nangyayari kay Senna sa service parking. Personal na problema iyon ng babae at wala siyang obligasyong makialam.Pero hindi siya mapakali.Kaya bago pa tuluyang magsimula ang engagement program, bumalik siya sa service area. Doon niya nakita mula sa malayo si Senna na tumatakbo habang hinahabol ng mga lalaking nakausap nito kanina. Sinundan niya ang direksyong tinakbo

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 019 - More Important Than His Engagement

    SENNA“It’s late and you’re injured,” sagot niya habang diretso akong tinitingnan. “Hindi kita pauuwiin nang mag-isa ngayong gabi.”Agad kong naisip si Ashley.“Pero may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan ko pong umuwi,” sabi ko habang nag-aalala.Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. Ang gusto ko lang talaga ay makauwi kay Ashley.Siguro napansin iyon ni Lucien dahil ilang segundo niya akong tinitigan bago siya bahagyang napabuntong-hininga.“Sige, ihahatid kita,” sabi niya habang tumatalikod papunta sa private elevator. Makalipas ang ilang minuto, nasa loob na kami ng isang itim na luxury car. May driver sa harapan habang magkatabi kami ni Lucien sa backseat. Nakaangat nang kaunti ang paa ko dahil sa sprain, at tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang dumaraan ang mga ilaw ng siyudad.Hindi rin nagsasalita si Lucien.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa cellphone niya na parang wala siyang pakialam sa nangyari buong gabi. K

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 018 – The Billionaire’s Chopper

    A/N: Play “Stay With Me” by Chanyeol & Punch as background music while reading this chapter! SENNA Hindi nga ako nagkamali. Si Lucien nga. Parang biglang bumagal ang paligid habang pinapanood ko siyang bumaba mula sa chopper. Sa lakas ng hangin mula sa umiikot na blades, nagliliparan ang mga dahon at damo sa paligid, pero parang wala akong marinig kundi ang mabilis na tibok ng puso ko. Paano niya nalaman na nandito ako? Bakit siya umalis sa sarili niyang engagement party? At higit sa lahat, bakit ako niniligtas ng ugok na ’to? Napailing ako sa sarili kong naiisip. “Senna, maghunos-dili ka nga,” saway ko sa sarili habang nakatitig pa rin sa papalapit niyang pigura. “Assuming ka rin, eh, no? Hindi naman siguro ikaw ang hinahanap niya. Tsaka bakit ka naman niya hahanapin? Fiancé niya si Cassandra.” Pero habang papalapit siya sa akin, lalo kong hindi maitanggi ang obvious. Sa akin talaga siya papunta. May ilang security personnel na kasunod niya, pero si Lucien ang unang nakal

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 017 – Lost in the Dark

    SENNAHindi ko alam kung gaano na ako kalayo mula sa estate. Ang alam ko lang, patuloy akong tumatakbo.Sumasabit sa damit ko ang mga sanga at matataas na damo habang pilit akong lumulusot sa pagitan ng mga puno. Halos wala akong makita dahil sa dilim. Naririnig ko pa rin ang mga yabag sa likuran. Hinahabol pa rin nila ako.“Senna! Huwag mo na kaming pahirapan! Kung hindi ka titigil sa pagtatago dyan, mapipilitan talaga kaming gumawa ng marahas na paraan para pagbayaran iyon!” sigaw ng isang lalaki mula sa hindi kalayuan.Hindi ako lumingon. Mas lalo akong tumakbo kahit hinihingal na ako. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Basta kailangan ko lang makalayo sa kanila. Kailangan kong makabalik sa anak ko.Iyan ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.Naghihintay sa akin si Ashley. Hindi ako puwedeng mahuli ng mga lalaking iyon.“Senna, sa oras na makita ka namin, hindi ka makakalabas ng buhay pa dito!” sigaw ng isa pa habang naririnig ko ang pagkaluskos ng mga halaman

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 016 – One Million Pesos

    SENNANanlamig ang buong katawan ko nang makita ko si Peter na bumababa sa van. Siya ang lalaking pinagkakautangan ko ng isang milyon. At mas lalo akong kinabahan nang may sumunod pa sa kanya.Kasunod niyang bumaba ang dalawa pang lalaki. Nakilala ko rin agad ang isa sa kanila. Kasama siya ni Peter noong araw na pumunta ako sa kanila para mangutang ng isang milyon.Napaatras ako nang isang hakbang habang mahigpit na hawak ang cellphone ko.Hindi ko maintindihan kung paano nila nalaman na nandito ako.“Ano’ng ginagawa ninyo rito? Paano ninyo nalaman na nandito ako?” tanong ko habang pilit na pinatatatag ang boses ko.Ngumisi si Peter habang dahan-dahang lumalapit sa akin.“Hindi na mahalaga kung paano namin nalaman, Mrs. Chavez,” sagot niya habang inilalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. “Ang mahalaga, nagkita na tayo. Lumampas ka na sa usapan natin.”Mabilis akong napalingon sa service entrance.Hindi naman kami ganoon kalayo sa mansion, pero nasa pinakatahimik na baha

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 015 - Caught in the Kitchen

    SENNAHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Lucien mula sa magkabilang bahagi ng ballroom.Siguro ilang segundo lang iyon, pero pakiramdam ko napakatagal.Bahagyang kumunot ang noo niya habang diretso lang sa akin ang tingin. Bumaba iyon sandali sa catering uniform na suot ko bago muling bumalik sa mukha ko.Agad akong umiwas ng tingin.Hindi ako naroon para ipaliwanag sa kanya kung bakit ako nagtatrabaho bilang waitress. Hindi ko rin kailangang malaman kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin.Trabaho lang ito.Kailangan ko lang tapusin ang shift para makauwi nako.Huminga ako nang malalim bago lumapit sa unang mesa at nagsimulang mag-serve ng appetizers.“Would you like some, Ma’am?” tanong ko sa isang guest habang bahagyang inilalapit ang tray sa kanya.“Yes, thank you,” sagot ng babae habang kumukuha ng isang appetizer mula sa tray.Ngumiti ako nang magalang bago lumipat sa susunod na mesa.Ilang grupo pa ng bisita ang nilapitan ko. Habang tumatagal, unti-unti ri

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 006- The Man Allergic to Children

    SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 005- A Million Debt 

    SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 004- Rejected by My Own Family

    SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 003- She’s Not My Daughter

    SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status