Share

98 (Unedited)

Kaagad naman siyang napalingon saakin, "Oh siya. Ay sandali lang."

May kinuha siya saka niya inilahad iyon saakin. Isang nakabalot na mukhang alam ko na ang laman.

"Ito. Dalhin mo 'to."

Nakangiti kong kinuha iyon, "Salamat po. Alis na po ako."

"Oh sige, hija. Mag-iingat ka sa biyahe, ha?"

Nakangiti akong tumango saka ko ikinaway ang kamay ko at tumalima na.

Napawi lang ang ngiti ko dahil saktong pagdating ko sa salas ng bahay ay siya ring pagbaba ni Khalid sa hagdanan. Mag-isa lang siya at mukhang papasok na rin sa trabaho. Pareho kaming napatigil nang magtagpo ang mga mata namin. Pero tumikhim ako at ako ang unang nag-iwas ng tingin saaming dalawa dahil hindi ko pa rin kayang tagalan ang mga mata niyang walang emosyon.

"A-aalis na ako."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil hindi ko naman ini-expect na sasagot siya. Kung sasagot man siya, alam ko namang kasing walang emosyon ng ekspresyon ng mukha niya ang boses niya.

Tinalikuran ko na siya at lumakad palabas ng bahay dahil hi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status