Share

Chapter 12 Sweetie

Author: Switspy
last update Last Updated: 2023-05-04 23:27:29

MAGANDA ANG MOOD ni Khaira habang naghihiwa ng mga gulay. Tinulungan niya si Ate Nida para sa kanilang hapunan. She was craving for ginataang gulay with pritong galunggong. 'Sarap!'

Biglang nag-init ang kanyang mukha nang maalala na naman ang nangyari sa kanila kagabi ng asawa. Kung hindi niya pa pinaalala rito ang kanilang baby ay mukhang walang balak si Peter na tigilan siya. Pakiramdam niya nga ay nakabaon pa rin hanggang ngayon ang Bazooka nito sa kanyang pagkababae. Bakit ba nagiging mahalay na siya? Ganito ba talaga kapag buntis?

"Ay palakang buntis!" Tili niya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Narinig niya pa ang mahinang pagtawa nito na para bang tuwang-tuwa pa na ginulat siya. And she doesn't need to look to know who it is. Ang amoy pa lang nito ay kilalang-kilala na niya.

"Did you already see a pregnant frog, hmmm?" malambing nitong tanong habang hinahalikan ang balikat niya na litaw na litaw sa suot niya na off shoulder na dress. At hindi niya alam kung bakit ti
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Switspy
maaga pa haha
goodnovel comment avatar
Ading Tok Ling
oh Noh...mag uumoisa na BA ang iyakan miss A?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 70 SPECIAL CHAPTER

    "WHERE ARE WE GOING, DADDY?" tanong ni Khairynn Mien kay Peter. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok ng kanilang anak. "Daddy, I'm done!" sigaw naman ni Nherynn Pete na nasa bungad ng pinto ng banyo habang nakasuot ng roba at nakapulupot pa ang tuwalya sa buhok nito."Just wait, Nherynn. Let me finish your sister," tugon naman ni Peter habang mas binilisan ang pagsusuklay kay Khairynn."Ouch! Daddy, be careful naman po," maarteng d***g ni Khairynn."Don't move kasi para matapos tayo—""Daddy! I'm so cold na po." Mariing napapikit si Peter kaya naman nailing na lang si Khaira na kanina pa nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ng kambal. Yes, she gave birth to twins. Both girls. Not identical pero may pagkakahawig naman. "You wish for it, remember?" Pukaw niya sa asawa na mabilis siyang nilingon. "Thank God you are here." Mabilis siyang niyakap nito na para bang hulog siya ng langit. "Comb Khairynn hair and I will attend to another little brat there," pagkasabi niyon ay ibinig

  • Billionaire's Unexpected Heir   CHAPTER 69 SPECIAL CHAPTER

    "Qīzi!" "I'm here, Zhāngfū!" sigaw niya upang marinig siya ng asawa. Kasalukuyan siyang nasa may pool at binabantayan si Nyra. Narito sila ngayon sa mansion. Napagpasyahan niya na rito na tumira dahil nga nandito ang trabaho ng asawa. Humanap sila ng mapagkakatiwalaan para sa resort. Siya pa rin naman ang namamahala rito pero idinadaan niya lang sa online or kung talaga mahalaga ay madali lang naman ang magbiyahe. Habang ang mga magulang naman ay nakakapasyal din naman sa resort. Gusto niyang isama rito pero tumanggi ang mga ito. Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang mga labi. "Ang sarap," komento nito matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Iiihhhh. Daddy stop kissing Mommy," boses ni Nyra na nakatingin sa kanila. Natawa na lang siya sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw na ayaw kasi nito na hinahalikan siya ni Peter. Baka raw kasi may germs ito at mapunta sa kapatid nito. She is now three months pregnant.

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 68 FINALE

    "SULIT NA SULIT, ah." Natawa si Peter sa sinabi ni Arsen. Matapos ang isang linggo pananatili sa isla ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ayaw niya pa sana pero nami-miss na raw ng asawa ang anak at maging siya rin naman. Tutal ay nagkaayos na sila kaya naman pumayag na rin siya na umuwi. "Siguro naman may magandang balita, sa ganda ng ngiti mo," patuloy nitong panunukso. Kakarating lang kasi nila at sinabi ng katulong na nasa resort daw ang mga ito. At nasalubong nga nila si Arsen."Mukhang pati rin naman ikaw, ah. Bakasyon mo?" Tinanggap niya ang man-hug nito. "Daddy! Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ang nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan nito. Nasa may dagat ito at ngayon ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila. Tinapik niya ang braso ni Arsen. "Later, bro," paalam niya at sinundan na ang asawa na nauna nang naglakad sa kanya. Agad na yumakap si Nyra kay Khaira nang magtagpo ang dalawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Nyra!" tawag niya rito. Kumawala ito kay Kha

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 67 RAVISH ME(SPG CONTENT)

    NAKANGITING pinagmamasdan ni Khaira ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Mabuti na lang ay talaga pinush niya na mapaamin ang asawa. Kung sakali hindi naman ito umamin o talagang walang nararamdaman para sa kanya ay handa niyang tanggapin. Pero…tama ang hinala niya at narinig na mahal siya nito. Matapos ang mapusok nilang halikan mag-asawa ay ipinaliwanag ni Peter ang tunay na nangyari sa England. Kung paano nito nahuli si Zena sa mga kalokohan nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang heart attack ng daddy nito ay kasinungalingan din pala. Masyado nitong binilog ang isip ng asawa niya. Ang galing talaga nito magpanggap at nagawa pa pala nito na muntik pag-awayin sina Peter at Arsen. Mabuti na lang at sadyang matalino si Arsen o talagang plinano na nito ang bagay na 'yon. She was thankful to him for saving her husband from that bitch. Sorry for her words but she meant it. Masyado nang malaki ang atraso ni Zena sa kanila. At kung s

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 66 CONFESSION

    Seeing her crying made Peter's heart broke into pieces. Ito ang isang bagay na ayaw niyang makita. Ang masaktan ang babaeng pinakamamahal. Naging tanga siya at naging manhid. Pero natuto na siya at umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. "Who is Zena to you, Peter?" muling tanong ni Khaira. He closed his eyes to stop his tears from falling. Kalalaki niyang tao pero heto siya at umiiyak. Pero wala siyang pakialam do'n ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos sila ng asawa. Magkalinawan. Muli niyang iminulat ang mga mata at diretsong tumingin sa asawa na nanatiling nakatayo sa harapan niya at basa ng luha ang mga mata nito. Nag-aalala siya dahil buntis ang asawa at ayaw niyang may mangyaring masama rito…pero alam niya na desidido na rin ang asawa na ayusin o alamin kung ano nga ba ang totoong lugar nito sa buhay niya. "Qīzi…tulad ng unang sinabi ko sa 'yo. Zena is just a childhood friend. Malapit na kaibigan, itinuturing kong nakababatang kapatid na babae. Tanging 'yon laman

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 65 PAST

    UMAWANG ang bibig ni Khaira sa sinabi ng asawa. He can really remember her. Akala niya ay hindi na siya nito naaalala. Kung gano'n totoo ang narinig niya nang gabi na 'yon. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya makaya ang ibinibigay nitong titig sa kanya. "Qīzi," tawag nito. "Akala ko hindi na kita ulit makikita. Pero nagkita tayo sa 26th birthday ko. Ang laki nang ipinagbago mo. You grew up into a fine lady. Pero hindi ako pwede magkamali na ikaw ang nakita ko." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I want to talk to you but I heard you introducing Cyrius as your boyfriend…kaya nagdesisyon ako na huwag ka na lang lapitan. Saka hindi rin naman ako sigurado na ikaw nga si butterfly ko. But I did investigate you and I find out that it was really you. I'm happy but at the same time confused. Masaya ka na sa buhay mo at ayoko magulo ka. I let you be." "Then?" She asked unconsciously. Hindi niya alam ang bagay na 'yon. At kung nagkita man sila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status