“Yie! Kumekerengkeng na si Lylia! Parang kanina nag-aaway pa kayo tapos ngayon may pakiss na? Anong pakulo niyo?” pang-aasar pa ni Love.
Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanila ang tungkol doon. “Wag kang issue, wala lang ‘yon!” singhal ko sa kanya. “Anong pinag-uusapan niyo kanina? Ba’t napatigil kayo?” Nagkatinginan sila ni Lira at nagpalitan ng magkahulugang tingin. “Intriga kasi kami kung anong score niyo ni Kapitan. Eh ‘di ba naka-VIP room tayo ngayon tapos narinig ko pa kanina kay doc na siya ang nagbayad no’ng bills at gamot ni Lira and now siya pa ang bibili ng pagkain natin. Spill the tea.” Tukso pa ni Love at nagkilitian pa sila ni Lira. Napabuntong hininga lamang ako. Sabihin ko na lang nang matapos na. Kinuwento ko sa kanila ang deal namin ni Raze at ito pareho silang nakanganga, hindi makapaniwala. “Shocks!” bulalas ni Love. “Pumayag ka?” “Kailangan, eh.” Napakamot ako ng buhok. Wala rin namang mangyayari kung ililihim ko sa kanila. Malalaman at malalaman din naman nila kalaunan. Mas mabuti na ‘yong alam nila sa umpisa pa lang kesa mag-assume sila na may relasyon kami when in fact wala naman talaga. “Paano kung mahulog ka sa kanya? Anong mangyayari? Sasaluin ka ba? O hahayaan na lang na mahulog ka at masaktan sa huli?” Iyan ang iniwan sa akin ni Love na naging palaisipan ko buong gabi. “Ang payo ko lang ate, huwag kang mainlove kung alam mong ikaw din ang talo sa huli. Pigilan mo kung kinakailangan.” Payo ng kapatid ko na tinatak ko sa isipan ko. Bangag ako kinabukasan dahil sa mga payo nila. Pinag-isipan ko talaga mabuti kung tama ba ang naging desisyon ko sa deal namin ni Raze pero hindi ko na mababawi ‘yon dahil naka-oo na ako sa kanya. Besides, tinulungan pa ako no’ng tao kahit malaki ang utang namin sa kanya. Kung anuman ang mangyari sa deal namin, it’s all on me kasi ako ang nag-decide. Hindi ko na nagawang maghilamos pa dahil maaga kaming nag-discharge sa ospital. Hindi na rin namin hinintay si Raze na sunduin kami dahil wala namang sinabi si Ashel no’ng siya ang maghatid no’ng pagkain kagabi na dapat ay si Raze. Hindi ko alam kung saan pumunta ang lalaking ‘yon pero wala na akong pakialam. We’re just doing the deal and that’s it. Nagtraysikel na lang kami pauwi kasi kailangan ko pang mamamalengke para sa ibebenta namin ngayon dahil sabungan na naman. Hindi pa naman gano’n karami ang tao at mga hapon pa ‘yan sila kakain since abala sila sa pagko-kondisyon ng kani-kanilang manok. “Ate Lylia! Pwede po bang umutang ng ulam? Bayaran ko lang po mamaya!” bungad ni Buboy. “Hindi pa ako namamalengke kaya walang ulam.” “Eh?” nakangiwi siyang napakamot ng buhok. “May traysikel ka ‘di ba? Samahan mo’ko mamalengke para libre ka ng uulamin ngayong araw—” “Sige ba—oy si Kapitan!” Mabilis kong sinundan ng tingin ang tinitingnan niya at no’ng makita kong si Raze nga, agad kong ibinaba ang taklob ng karinderya— “Aw!” Nabuksan ko ‘yon ng wala sa oras at tarantang hinawakan ang kamay niya. Mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang taklob ng karinderya kundi babagsak ‘yon sa ulo ko. “Masakit?” nag-aalalang tanong ko dahil may lumabas na dugó ro’n. Mukhang naipit talaga. “Oo,” sagot nito. Hindi ko pinansin ang paninitig niya sa akin at nanatiling sinusuri ang sugat niya. “Galit ka ba—aray Lylia! Huwag mong pisilin. Dahan-dahan lang.” “Masakit?” sarkastikong tanong ko at nag-angat ng tingin dito. “Saan ka galing?” Napangisi siya. “Gusto mong malaman?” Tinaliman ko siya ng tingin. “Malamang. Magtatanong ba ako?” pambabara ko sa kanya. “Sa simbahan—kung saan tayo ikakasal.” Natulala ako. “Ha?” “Inasikaso kung saan tayo magpapakasal,” paliwanag niya. “Kaya hindi ako nakabalik kagabi. Hindi ba sa’yo nasabi ni Ashel?” kunot noo’ng tanong niya. Umiling ako. “Wala siyang sinabi.” I heard him cursed kaya tinakpan ko ang bibig niya. “No cursing, Kapitan. Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin agad? Si Ashel? Malaki ang galit no’n sa akin at sa tingin ko hindi siya sangayon na makasal tayo.” Ibinaba ko ang kamay niya. “Ikaw gusto mo ba?” tanong niya pagkatapos maibaba ang kamay ko. “Balikan mo ang sagot ko kahapon.” Tinalikuran ko siya. “Ba’t ang sungit mo? I already explained myself, Lyl.” Sinubukan niya akong iharap sa kanya sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay ko pero mabilis kong binawi ‘yon. “Busy ako,” tipid kong sabi. “Kailangan kong mamalengke.” “Then we’ll go. Sasamahan kita.” He initiated. “Hindi na, kaya ko naman.” Kahit hindi kasi marami akong bibilhin. “Ba’t ang tigas ng ulo mo, Lylia?” “Walang malambot na ulo, Raze.” Narinig ko siyang nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Sana maisip niyang bawiin ang offer niya sa akin at hayaan na lang ako na magbayad kahit monthly. “Ano bang gusto mo? Galit ka ba dahil hindi ako bumalik kagabi? I’ll make it up to you, Lyl.” Panunuyo niya. “Hindi,” malamig kong tugon dito. “Deal lang naman ‘to ‘di ba kaya walang kaso. I have my own life, you have yours, we’re good.” Natahimik siya. “Gusto mo bang totohanin natin?” Ako naman ngayon ang natahimik. “A-Ayoko. Hindi naman kita type.” “Humarap ka sa akin at sabihin mo ‘yan,” panghahamon niya. “Look at me, Lyl and say that to me, eye to eye.” “Ewan ko sa’yo, Raze!” nagmartsa ako palabas ng karinderya at bumaba ng bundok. “Huwag mo’kong sundan—Raze!” “Ang tigas ng ulo mo, Lylia.” Hinatak niya ako papasok ng kotse niya. Halos makalimutan kong huminga nang isuot niya sa akin ang seatbelt kaya hindi ko na naman napigilan na langhapin ang pabango niya. “Mabango?” tumitig siya sa akin. “Oo—hindi!” Nag-iwas ako ng tingin dahil nakakailang! “Eh ba’t sinisinghot mo? And you’re blushing,” pilyong wika niya. “Anong blushing?! Mainit lang ‘no!” defensive kong sabi. “A-At saka hindi ko sinisinghot! Kapal mo!” “Ayaw mo no’ng natitikman?” Nanlaki ang mga mata ko. “Bastos!” tinulak ko siya na siyang tinawanan niya. “Ano bang nasa isip mo?” Mas lalo akong nag-init. “A-Ano bang matitikman sa’yo ha?! Wala naman ‘di ba?!” “Meron, dalawa. Gusto mong malaman?” halos maduling na ako kakatitig sa kanya nang ilapit pa niya lalo ang mukha sa akin. “Isa, Raze…” banta ko pero ngumisi lang ito ng nakakaloko. “Isa sa taas, isa rin sa baba. Gusto mong makita?” “A-Ano bang sinasabi mo?” I tried to push him kaso hindi siya natinag. “Iyong isa mahaba, iyong isa naman, pa-curve.” Ano bang tinutukoy niya? Bwisit!Lira's POV Pasado alas syete ng gabi nang matapos kami sa paglilinis dito sa labas ng mansyon. Pare-pareho kaming nakaupo ngayon sa tig iisang upuan na gawa sa bakal, walang imik, pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang mauunang magsasalita. Nakakapagod man ang araw na 'to, at least nakatulong kami kay Kuya Kap, at masaya ako na nakabalik na sila dito sa amin. Habang pinupunasan ko ang pawis sa noo, napansin ko ang panakaw na tingin ni Love kay Razen. Mukhang may gusto pa yata siya sa kakambal ni Kuya Kap. Nang makapagpahinga na ako, sabay-sabay silang napatingin sa akin nang bigla akong tumayo. Napansin kong kumunot ang noo ni Love pero iningusan ko lang. Napaghahalataan, eh. Gwapong-gwapo sa katabi. "Doon na kayo maghapunan sa amin," alok ko at ngumiti. Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip ni Raze dahil nakatanaw lang siya sa malayo. Hm, parang may idea na ako kung sino ang iniisip niya o baka ako lang 'tong assumera. "Magluluto kami ni Love," dagdag ko.
Maaga pa lang, nagbukas na ng talyer si Raze para ayusin ang sirang motor tapos isusunod pa niya ang sirang kotse. Sa talyer na rin siya nag-agahan habang sinisipat ang mga sira sa mga sasakyang kailangan niyang ayusin. Habang iniikot niya ang wrench sa isang bolt sa ilalim ng motor, bigla siyang napatigil. Sa gilid ng kanyang paningin, may napansin siyang dalawang pares ng sapatos, isang panlalaki at isang pangbabae. "Finally, nahanap ka rin namin," nakangusong sabi ni Nicole habang nakapamewang. Raze wiped the sweat from his forehead and stood up slowly. "Balak mo bang magtago rito habang buhay, bro?" seryosong tanong ni Razen sa kapatid. "You have a life in Barangay Abueña. Iyong mansyon, hacienda, ang mga tao roon na umaasang babalik ka. I have the money to help them, pero hindi sapat. Kailangan nila ng lider." "And besides," dagdag ni Nicole, "nandoon ang pamilya mo. Ang anak mo. May chance ka nang mabuo ulit 'yon. Don’t you want that, Raze?" Napayuko si Raze. His jaw
Mula nang tuluyang mawala sa mata ng publiko, pinili ni Raze ang katahimikan, isang buhay na malayo sa nakagisnan niya, sa ingay ng syudad, at sa lahat. Tinalikuran niya maski ang pagiging prinsipe. Ngayon, kilala siya sa isang baryo bilang Kapitan Radleigh. Sa tuwing may kargamento mula sa bayan, siya mismo ang umaalalay sa pagbubuhat. May munting talyer sa gilid ng kalsada kung saan siya mismo ang nag-aayos ng mga sirang motorsiklo at tricycle. Kapag may kailangang ayusin sa barangay, poste ng kuryente, sirang bubong ng barangay hall, drainage, nandoon siya, walang reklamo. Nakatutok lang siya sa lahat. Minsan, nagpapatulong siya sa mga binatilyong tambay. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may lihim siyang itinatago. Isang parte ng buhay niya na hindi kailanman nawala sa puso niya, si Dalgona, ang anak nila ni Lylia. Sa tuwing sasapit ang ikalawang linggo ng buwan, gumigising siya ng alas-tres ng madaling araw. Tahimik siyang umaalis, nagsusuot ng maskara, sumasakay sa luma at
Pagkatapos ng gabing ‘yon tuluyan nang binitawan ni Lylia ang lahat. The next day, she secretly placed her resignation letter on Raze's table. Kael was the first to know. And he didn’t try to stop her. In fact, siya pa ang nag-book ng ticket ni Lylia patungong Paris kung saan nandoon ang isang baking institute na ni-refer ng mommy niya. “If you’re going to dream, Lylia… dream in the capital of patisserie,” he said with a proud smile. Doon nagsimula ang lahat. The transition wasn’t easy. She struggled with the language. Minsan umiiyak siya habang nagme-memorize ng French terms para lang maintindihan ang mga chef instructors niya. Pero tuwing gusto na niyang sumuko, inaalala niya ang lahat ng pinagdadaanan niya noon. Ang pagtrato sa kanya ni Ylona, ng pamilya ni Raze, ang pagtitiis para lang sa mahal niya. Lahat ng 'yon, naging motivation niya para magpatuloy. At ang mga pangarap na ilang taon niyang kinimkim para lang unahin ang ibang tao. Ngayon, ang sarili naman niya ang uunahi
Mabigat ang mga hakbang ni Lylia pabalik sa hallway ng event. Nagtatalo ang loob niya, galit, sakit, lungkot, at pagod. Hindi niya akalaing ang simpleng paglabas lang para makahinga ay magiging simula ng isa na namang pasakit. Nanatiling sariwa sa isip niya ang mga huling sinabi ni Raze: “I’m trying to protect you.” Pero anong klaseng proteksyon ‘yon kung pakiramdam niya, siya palagi ang kailangang mag-adjust? Magtago? Manahimik? Nakatitig lang siya sa tiles ng hallway, pilit kinakalma ang sarili. Pero kahit anong pigil niya, ramdam niyang unti-unti siyang nanghihina. Naninikip ang dibdib niya. Parang wala siyang ibang gustong gawin kundi maglaho sa lugar na ‘to. Hindi ko na kaya... Isang hakbang pa at tuluyang nanghina ang mga tuhod niya. “Lylia?” Napatingin siya sa tumawag sa kanya. Bumungad si Kael mula sa madilim na parte. Nakasuot ito ng dark brown na suit, halatang hinahanap siya. Pero nang makita nito ang itsura ni Lylia, maputla, magulo ang buhok, at namamasa ang
Dahil anniversary ng kumpanya, nagkaroon ng party. Naghalo ang mga empleyado at royalties sa malaking hall. Lumabas muna si Lylia dahil pakiramdam niya nahihilo na siya. Hindi na siya makahinga. Siksikan, maingay, at punung-puno ng mga matang sumusunod sa bawat kilos niya. Kanina pa siya pinapakiramdaman ng mga bisita, lalo na ng ilang royalties na naroon dahil sa koneksyon ni Rafaela. She needed air. She needed space. And most of all, she needed clarity. Dumiretso siya sa isang side ng corridor kung saan madalang ang tao. Suot pa rin niya ang cream-colored midi dress na binagay niya ng emerald earrings na regalo ni Rafaela noong gala. Habang naglalakad, napaisip siya ng malalim, tama pa ba 'tong ginagawa ko? Hindi pa siya nakakalayo nang may humablot sa braso niya. “Lylia,” tawag ng pamilyar na boses. “Raze?” Nagulat siya, napaigtad at agad na pumalag. Pero mabilis ang lalaki, hinatak siya nito papasok sa isang emergency stairwell at hindi na siya binitiwan. “Anong ginagawa