Share

Kabanata 8

Author: Ensi
last update Huling Na-update: 2025-04-10 19:59:11

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa taong nakayakap sa akin ngayon. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa takot na lumulukob sa akin.

Kailanman ay hindi ko hinangad na may masaktan dahil sa akin. Pero ngayon—nanlamig ako nang pumatak sa pisngi ko ang sariwa niyang dugô.

Natulala ako habang pinapanood kung paano dumaloy ang dugò niya sa kamay nito papunta sa kanyang braso. Doon ko nagpagtantong ginawa niyang panangga ‘yon para protektahan ako laban sa tiyahin ko.

“R-Raze?” halos pabulong kong sambit sa pangalan niya kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. “R-Raze.” Nanginig ang boses ko sa pangalawang pagkakataon na tawagin ko ito.

“Lyl…” mahinang tawag niya sa akin. Napapikit ako nang patakan niya ako ng halik sa noo na para bang binibigyan niya ako ng assurance na safe ako sa kanya, na walang mangyayari sa akin na masama basta kasama ko siya. “You’re safe, Lyl. Nandito lang ako. I won't let anyone hurt you again. No one will harm you while I'm here
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
ipakulong MN un tiya m bgo kpa saktan ulit..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 253

    Hindi niya ako sinagot bagkus inupo niya ako sa malaking bato sabay luhod sa harap ko. “Hoy, anong ginagawa mo? Bakit kailangan lumuhod?” gulat na bulalas ko, napahawak sa batok at nag-iwas ng tingin. “Para naman ‘tong magp-propose.” Narinig ko siyang tumawa ng mahina. “Bakit? Magye-yes ka ba kapag nagpropose ako ngayon sa’yo?” “Ha?! Sinasabi mo dyan?” nahihiyang sabi ko, mahinang-mahina at hindi makatingin sa kanya ng deritso. “Hilutin mo na. Kung anu-ano pa kasi sinasabi,” bumubulong kong sabi pero alam kong narinig niya. “I can hear you, Lira.” Natatawang saad niya at sinimulan ang paghilot sa bukung-bukong ko. “Tiisin mo ang sakit ha? Kulit mo kasi.” “Ano bang ginawa ko? Inako mo ‘di ba?” Palihim akong napangiti sa sinabi ko at napailing. Tumingin siya sa akin pero mabilis kong nailihis ang tingin ko. “Oh, bakit na naman?” “Inaako ko naman Talaga,” aniya. “Masakit ba?” “Alin?” Tumawa siya at hindi ko malaman kung bakit. “Bakit ba? Pinagtatawanan mo ‘ko?” Pinagtaasan ko

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 252

    Kinakabahan akong nakatayo sa harap ng office library niya. Magpapaalam sana ako kung pwede maglibot-libot sa lugar at baka may bawal na puntahan kaya maigi na 'yong magpaalam. Pag-angat ng kamay ko para sana kumatok nang biglang bumukas ang pintuan. Napaatras ako at agad na ibinaba ang kamay. "Uh..." hindi matuloy-tuloy na sabi ko, nakalimutan ang dapat sabihin. "P-Pwede bang maglibot sa lugar?" Hindi siya umimik. Sumandal lang siya sa frame ng pinto at humalukipkip na tumingin sa akin. "Sinong kasama mong maglilibot? Ikaw lang?" tanong niya. Tumango ako. "Oo sana. Balak ko maghanap ng ilog para maligo." "Maligo? Ba't hindi ka sumabay sa mga kasama mo? Sa pool? May shower naman sa kwarto niyo," dere-deritso niyang sabi na nagpayuko sa akin. "Don't tell me... bawal din?" Dahan-dahan akong tumango. "Nangangati katawan ko," nahihiyang pag-amin ko. "Hindi naman sa maarte pero—" "Samahan na kita." Mabilis akong napatingin sa kanya. "H-Hindi na. Kaya ko naman. Saka maliligo ako."

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 251

    "A-Anong nangyari?" bungad ko nang imulat ko ang mga mata, napahawak sa sentido dahil sa sakit ng ulo. "N-Nasaan ako?" "Finally! Gising na rin!" Si Ara na agad tumabi sa akin. "Oh, inom ka muna nito nang mawala 'yang hangover mo. Grabe ka naman kasi 'te." Tinanggap ko ang binigay niya, uminom pero napangiwi nang malasahan ko. "Lemon with honey?" takang tanong ko pagkatapos kong inumin lahat. Tumango siya at inagaw 'yon sa akin. "Yes, mahal na prinsesa." Inilibot ko ang tingin sa lugar. Wala kami sa amin. Ibang lugar 'to. Hindi ako pamilyar. Mabundok—teka, nasa kalagitnaan kami ng kakahuyan? Mansyon? Nahilot ko ang noo at napapikit ng mariin. "N-Nasaan ba tayo? Ang mga kasama natin?" "Sa mansyon ni Arkin. Teh, ang yaman pala no'ng tanod na 'yon. Akalain mo may resort tapos mansyon. No wonder lakas manglibre. Tinalo pa si Van," binulong niya ang huling sinabi. "Nalula ako teh. Pero mas nagulat ako sa ginawa mo kagabi. Matapos mo kasing halikan si Arkin, sumuka ka. Like what the he

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 250

    Ilang oras na silang nagk-kwentuhan, nagkantahan na rin pero ito ako, kain pa rin nang kain. Iyon lang yata ang ambag ko dito, ang kumain. Nawala na yata sa isip nila ang rides. Bahala sila. Hindi naman nila ako kinakausap, maski si Van dahil siya ngayon ang nag-gigitara, alangan naman na abalahin ko pa. Kanina kasi, inasar nila na sample daw since alam ni Jessa at Ara na marunong siyang tumugtog. Ayaw na sana niya dahil wala raw akong kausap pero ako na ang pumilit at baka masabihan pa akong masyadong pa-baby, eh ayoko no'n. Habang patuloy ang kantahan, lumiban ako dahil pakiramdam ko masusuka ako. Ang dami ko yatang nakain. Halo-halo na. Dali-dali akong pumunta sa madilim na parte sa may puno at doon na nilabas ang sama ng loob. Masakit din ang tyan ko kaya hindi ko mapigilan mapangiwi. Ayan, kain pa ng kung anu-ano. Napakapit ako ng mahigpit sa puno at muling sumuka. Nang wala nang maisuka, pupunasan ko na sana ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko nang may maglahad ng tis

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 249

    Lira's POV "Uy, ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik." Kalabit sa akin ni Ara. "Kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo. Di mo bet? Sabihan mo si Van oh." Umiling ako. "Huwag na. Paubos na 'to," tanggi ko at napatingin kay Van nang sumilip siya sa amin. "Gusto mo ba? I mean, I can order again if you want. Pansin ko rin na kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo. Ubusin ko na lang?" Marahas akong umiling. "Hindi na. Kaya kong ubusin. May iniisip lang." "Oh, iyong tanod ba?" biglang tanong niya. Tumungo si Ara at sumulyap sa akin. "Hm, parang 'yon nga," dagdag nito. "May nakaraan kayo?" Hilaw akong ngumiti. "Wala. May kamukha lang siya na kilala ko noon," sagot ko at pinagtuunan ng pansin ang kinakain. "Kumain na kayo. Huwag niyo 'kong pansinin." "Akala ko sasabihin mo huwag niyo kong tadtadin ng tanong." Tumawa si Ara at napapailing na kumuha ng barbecue. Pagkatapos kong ubusin ang pagkain, inisang lagok ko ang kape na medyo malamig na. Sandali akong napatingin

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 248

    Third Person POV Hindi nagpatinag si Lira at nakipagsukatan ng tingin kay Arkin. Kahit maingay, kahit ang daming tao, sa kinaroroonan nila nakulong ang tensyon. The smell of grilled food, the laughter of kids, and the colorful rides all blurred out in the background. She couldn’t take her eyes off him. Blonde hair catching the neon light, sharp eyes locked on her. Everything about him screamed Kael, but at the same time… hindi na siya ang Kael na kilala niya noon. “Arkin?” halos pabulong na tawag ni Lira, nagbabakasakaling sagutin siya nito. He didn’t answer right away. Instead, he toyed with the crown-shaped keychain, letting it dangle between his fingers before suddenly clenching it tight. Then his voice came, low and cold. “You. You are the problem.” Bahagyang nagulat si Lira. “B-Bakit? A-Ano bang ginawa ko?” Bago pa ito makasagot, dumating na sina Van, Jessa, Ara, at pati na rin ang grupo ni Lexi. May dala silang trays of food, tumatawa pa habang naglalakad, walang a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status