Share

Kabanata IX: Santa Cruzan

Halos mahimatay na ako sa nerbiyos kahapon nang malaman kong dinatnan na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkaroon ka na ng dalaw sa unang pagkakataon... nakakatakot. Akala ko may malubhang sakit na ako at mamamatay na.

Pinaalam ko kaagad 'yon kay Nanay pagkarating ko sa bahay. Tuwang-tuwa naman ito at sinabihan na ako raw ay isang dalaga na. Napakamot ako ng ulo no'n at medyo nakaramdam ng inis. Hindi pa naman kasi ako dalaga, bata pa ako.

Ngayong dalaga na raw ako ay kailangan ko na raw mag-ingat at higit sa lahat ay alagaan ko na raw ang sarili ko. Hindi lang 'yon ang naging paalala ni Nanay. Bawas-bawasan ko na raw ang katigasan ng ulo ko dahil hindi na raw ako bata.

Sa unang beses na paggamit ko ng napkin ay naiilang ako sa paglalakad. Kasi naman eh, pakiramdam ko may suot akong diaper. Hindi ako makapaglakad ng maayos. Hindi ako komportable.

Isa pa 'tong prino-problema ko ang pagsasagala ko mamaya. Napilitan na nga akong magsagala, maglalakad na naman akong naiilang dahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status