Sarmiento MansionIlang minuto kong tinititigan ang puntod nina Mama at Papa na magkatabi, malinis pa rin ito at parang hindi pinaglumaan ng panahon, halatang inaalagaang mabuti ng care taker ng mansion ang puntod ng mga magulang ko. Walang pinagbago ang lugar na 'to, 30 years na ang lumipas pero pakiramdam ko'y ang lahat ng ala-ala ko sa lugar na ito ay habang-buhay ng nakaukit sa aking puso. "Makipagkita ka sa akin sa lugar kung saan una tayong nagkita. Lubos akong aasa sa iyong pagpunta, maghihintay ako sa iyo mahal.Lubos na nagmamahal,TonioDumilim ang aking paningin at napuno ng galit ang aking puso sa nabasang liham na galing kay Antonio. "Mga taksil!!! Mga walang hiya! Humanda kayo sa 'kin, hindi ako papayag na sasaya kayong dalawa. Hindi ako papayag na mapapasakamay ng walang hiyang Antonio Vergara na 'yon ang pinakamamahal kong si Sylvia! hinding-hindi mangyayari 'yan!" nanggagalaiti kong sigaw habang malakas na hinampas ang mesa sa aking kwarto. Hindi ko alam kung paano
Adrian's Point of View"Anong pakay mo sa 'kin at kailangan pa talagang sa liblib na lugar tayo magkita?" tanong ko kay Maam Anne. Nandito kami sa gilid ng isang coffee shop, sinabi niya sa 'kin na hindi na namin kailangan pang mag-usap sa loob dahil mahalaga ang pag-uusapan namin ngayon. Balisa ito at bakas sa mukha ang labis na kaba, kanina pa ito nagpapakawala ng malalalim na buntong hininga. "Adrian...hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat pero kailangan nating iligtas si Ariah, nanganganib ang buhay niya," natataranta nitong sabi. Taas kilay ko siyang tinitigan at halatang hindi nga ito nagbibiro. "Wala na akong pakialam sa kaniya at kung hindi mo mamasamain ay aalis na ako, kung alam ko lang na 'yan lamang ang sasabihin mo ay hindi na sana ako nakipagkita sa 'yo," prangka kong wika. "Adrian! nanganganib ang buhay ni Ariah sa kamay ni Edward! May masama siyang balak kay Ariah, at alam kong hindi mo kayang tiisin si Ariah. Pinapangako ko sa 'yo na kapag naili
"Good morning dear? Kumusta ang tulog mo, mahimbing ba?" Ang nakangising mukha ni Ms. Anastacia Sarmiento ang bumungad sa aking paningin pagmulat ko ng aking mata.Kinurap-kurap ko pa ang aking mata dahil medyo malabo pa ang aking paningin. Sinubukan kong kumilos pero napagtanto kong nakaupo ako sa isang kahoy na silya habang nakatali ang aking mga kamay at paa. "Anong nangyari? Bakit ako nakatali? Anong binabalak mo sa 'kin?!" natataranta kong tanong."Relax dear, hinay-hinay lang sa pagtatanong. Well, nandito ka sa playground ko and ngayon ay ipapakita ko sa 'yo kung paano ko papahirapan ang mga taong sagabal sa mga plano ko. Just sit here and enjoy the show!" ani nito habang nakangisi na parang demonyo. Napatingala ako nang may isang malaking kahon na gawa sa bakal ang unti-unting ibinaba sa harapan ko. Nanginig at nanlambot ang buo kong katawan nang unti-unti itong bumukas at lumitaw ang duguan at walang malay na katawan ni Ninang Trishia. Halos hindi ko na makilala pa ang mukha
Napahawak ako sa aking kaliwang braso, napangiwi ako sa sakit at ramdam ko ang preskong dugo na malayang umagos dahil sa daplis ng bala. Kung hindi ako naging maagap sa pagtulak sa ama kong si Sebastian ay tiyak sa dibdib niya tatama ang bala. "Tama nga ang kasabihang 'Blood is thicker than water' hindi mo nga kayang tiisin ang ama mong demonyo." Nanlamig ang buo kong katawan nang mapagtanto kong ang lalaking kaharap namin ngayon ay walang iba kundi si Adrian. Tinanggal nito ang suot na mask at itim na cap, batid kong nanginginig ang mga kamay niya dahil sa galit, mariin niyang hinawakan ang baril na nakatutok sa aming dalawa ng ama ko. "Adrian...please, huwag mong gawin ang masama mong balak! kung ano man ang kasalanan ng ama ko sa 'yo please, huwag mong dungisan ang mga kamay mo! May batas tayo Adrian, handa akong kumbinsihin ang ama ko na pagbayaran niya ang kasalanan niya sa inyo ng pamilya mo!" pagmamakaawa ko rito. "Hindi ang batas rito ang nararapat na magparusa sa demonyo mo
Dumadagundong ang kalangitan dahil sa walang humpay na kulog at kidlat. Masama ang pakiramdam ng panahon parang may babala ang langit.Mag-asawang sampal ang pumukaw sa lasing na diwa ni Antonio, nasundan pa ito ng isang kabit na hambalos na tuluyang gumising sa kanya."Ama!"gulat ang rumehistro sa mukha niya nang makita ang nanlilisik na mata ng kanyang ama."Anong—"hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil bigla na lamang siyang kwenilyuhan ng nang-gagalaiting ama, dahan-dahan siyang hinatak palabas ng kwarto niya."A-am-ma, Ba-ba-kit? nauutal niyang tanong."Wala kang ibang ginawa kundi magbigay ng sakit sa ulo, Antonio! Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?! Dinungisan mo ang pangalan ng ating angkan! Sucio Bastardo!"sa tanang buhay niya ngayon lang niya nakita ang ama na ganoon ka galit. Parang umurong ang kanyang dila at wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya.Hi
November 11, 1992-One hundred eleven people werekilledin Hacienda Vergara, the victims were mostly farmers and workers, their corpses hastily buried in shallow graves...SarmientoPress HeadlinesHacienda Vergara Massacre: One hundred eleven people were brutally killed on a stormy afternoon, and the dead bodies were buried near the vicinity of Vergara's mansion.The Daily Inquirer
BREAKING NEWS! Wala ng buhaynangmatagpuanng mgapulisang killer na maypakanasapagpataysakanyangbuongpamilya.Ayonsa mgapulissa San Fernando police station ay suicide angdahilanngpagkamatayng suspect.Hinalanila ay hindi nakinayapanitoangbigatngkonsensyadulotngpagpaslangniya sakanyangbuongpamilya. "Nakakalungkot naman, siguro nga talaga hindi na niya kinaya pa ang konsensya at siya na mismo ang kumitil sa buhay niya," ani ni Tanya na nasa tabi ko na pala. Nagitla ako sa nalaman ko.Nagpakamatay si Ka Pening? "Hooooy! Ayah...ano ka ba kanina pa ako nagdadaldal dito para lang pala akong nakipag usap sa hangin. Ano na namang tinutunganga mo diyan?” maarting tanong nitong katabi ko.
Sylvia Dela CruzSylvia Dela CruzSylvia Dela CruzPaulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang huling sinambit ni Beatrice."Damn Ma! Anong kinalaman mo sa nangyaring pagpatay sa pamilya ni Ka Pening?" frustrated kong sambit, naguguluhan ako at kailangan kong malaman kung ano ang totoo.I