Share

CHAPTER 3

EIZZRIE

I woke up and its already dark outside when I look at the transparent door of the terrace. Bumangon ako kahit medyo nahihilo pa. I reached for my phone at the table and checked the time. 7:00 pm na pala, I've been asleep for 9 hours yet I still feel dizzy.

Mabigat din ang pakiramdam ko at inuubo-ubo. Mula sa kama ay nagsalin ako ng tubig sa baso at tinungga ang iyon. Ramdam ko rin ang lamig kaya nanatili akong nasa ilalim ng comforter. Nasapo ko ang noo ko at naramdaman ko na mainit ito. 

Suddenly, someone knocked on the door and revealed Aling Perla. May dala-dala siyang tray na may mangkok. Nasisigurado kong mainit pa iyon dahil sa usok na nanggagaling dito. She closed the door and went straight to me. 

"Kumain ka muna, hija. Kanina ka pa tinatrangkaso kaya kailangan mong kumain." she worriedly said. Nilapag niya ang tray sa table at nakita ang cream soup na may sahog na carrots at broccoli doon. Nakakatakam rin ang amoy nito pero wala ata akong gana.

"I have no appetite po, Aling Perla." I plainly said, but she refused by letting out a deep sigh. 

"Pero hindi ka magkakaroon ng lakas, masasayang lamang ang bakasyon mo, kung ganon hija." dagdag niya pa, may bahid ng pag-aalala sa kaniyang boses.

I realized that she was right. Inalalayan ako ni Aling Perla na umupo sa higaan at saka niya ibinigay sa akin ang tray. Inilapag ko iyon sa lap ko na nakacover sa comforter. Inutusan ko rin si Aling Perla na hinaan ang air conditioner sa kuwarto dahil giniginaw ako.

Dinampot ko na ang kutsara at nagsimulang kumain. Napakasarap no'n at hindi ko inaasahan na may maliliit na shrimp sa soup kaya dahil doon ay bigla akong ginanahan. It has a rich taste, balance sweetness and saltiness of the soup compliments the vegetables. 

Hindi na rin ako nagtaka sa sarap ng pagkain dahil halos lahat ng taong nakatira dito ay magagaling at masasarap magluto especially when it comes to seafood. Maipagmamalaki talaga ang lugar na ito dahil na rin sa pagkain na ihahain.

Tinapos ko ang pagkain at hinintay lamang ni Aling Perla iyon. Binigyan na niya rin ako ng gamot para sa trangkaso at ininom iyon. I feel better. I exhaled at muling humiga.

"Kamusta nga po pala ang pag-alis ni Z kanina, Aling Perla?" sabi ko bago siya makarating sa pinto, dala-dala ang pinagkainan. Nilingon niya ako at nagsalita.

"Maayos naman siyang inihatid ni Pedro sa paliparan kanina hija." sabi nito. Tumango-tango na lamang ako para malaman na kuntento na ako sa isinagot niya.

"Ay siya nga pala, pinasabi niya sa akin na i-text mo raw siya pagkagising mo dahil tulog ka nung umalis siya." pahabol pa ni Aling Perla at saka lumabas.

Kinuha ko muli ang cellphone ko at nagtipa ng letra rito at saka pinadala kay Z. Sinabi ko lang na okay na ako at katatapos lamang kumain. Binitawan ko ang telepono at tumitig sa kisame.

Dahil sa haba ng tulog ay sa tingin ko ay hindi na ako makakatulog pa ngayong gabi. Nag-isip isip na lamang ako sa mga pwedeng gawin sa pagbabakasyon ko rito sa Forteza Coast. 

Naisip ko na magsandbar dahil may bagong bukas na sandbar dito ayon sa nakita ko kahapon. Naisip ko rin na magsight-seeing para malibot ko ang buong coast dahil hindi ko naman nagagawa iyon noong pumupunta ako dito dati. Gusto ko rin magtry ng ibang putahe mula sa mga kainan na narito at magvolleyball.

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko yung bastos na lalaki na umakyat sa terrace ko. Manyakis na turista siguro yon. Nag-init tuloy ang dugo ko dahil sa naalala. Umiling ako at tinanggal sa isipan ang manyak na lalaki.

Pinagpatuloy ko ang pagpaplano ng mga gustong gawin sa pagstay ko rito. Bigla kong naisipan na gusto ko magjetski at magsurfing pero para mangyari iyon ay kailangan ko munang matutong lumangoy. Naisipan kong magtake ng swimming lessons pagkagaling ko, mayroon naman atang ganoon rito lalo na't halos lahat ng residente ata rito ay mga maninisid maliban na lamang sa mga bata.

Ngayon naman ay ang nagligtas naman sa akin ang sumagi sa isipan ko. I owe my life to that person, I want to take him or her kasi sobrang laki ng utang na loob ko sa kaniya. Gusto ko siyang makilala at suklian ang kabutihan na ginawa niya.

Napabuntong hininga ako. I admit na mataray at mataas ang pride ko pagdating sa mga hindi ko ka-close or hindi ko kalevel, pero nadidismaya ako dahil buhay ko na ang niligtas ng taong iyon pero hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Pero ang ipinagtataka ko lamang ay kung, bakit nakita ako ni Z na mag-isa sa pampang? Iniwan na lamang niya ako doon mag-isa pagkatapos niya akong sagipin? What if I got raped because he left me unconscious there? 

I can't help to think bad about that person but it's really scary and questionable. Muli akong bumuntong hininga. 

'Bilhan ko na lang kaya siya ng bahay para wala na akong utang na loob?' 

sabi ko sa isip ko.

'O kaya naman ay bigyan ko ng milyong pabuya?' dagdag ko pa.

Umiling ako dahil sa sariling naiisip. Pinagpatuloy ko na lamang muli ang pagpaplano hanggang sa makatulugan ko ito.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Uminat-inat ako at naramdaman ang init. Tinanggal ko ang comforter sa katawan at umayos ng higa. Mas umayos at gumaan ang pakiramdam ko ngayon kaya masigla akong umupo.

Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang sunrise. Nakatitig lamang ako doon at ngiting tinapos iyon. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkalabas ay uminom ng vitamins at ng tubig.

Tinignan ko ang oras mula sa telepono at 5:34 am pa lamang. Maaga man nagising ay kumpleto ang tulog ko at ang pahinga ko. Masaya akong pumanhik sa kusina para magtimpla ng kape. Nakita ko si Aling Perla na nag-aayos ng kaniyang mga pinamiling gulay at mga fresh na seafood. Binati ko siya at nginitian na ginantihan niya naman.

"Ayos ka na ba, hija?" nag-aalala niyang tanong. Tinanguan ko na lamang siya at saka lumapit sa may tabletop. 

Nagtimpla lamang ako ng black coffee at muling pumanhik sa kuwarto at tumungo sa terrace. Nakaupo lamang ako doon habang nakatitig sa magandang dagat. A great way to start my day. Tahimik kong pinanood ang sunrise. Nakangiti akong nakatingin kung paano ito umangat at sa gandang ipinapakita nito.

Halos lahat na ata ay nandito sa Forteza Coast, napakaperpekto kung tutuusin. Masarap na pagkain, preskong hangin, maganda at malinaw na dagat,  nagtatangkarang mga puno, magandang tanawin, magandang sunrise at sunset, kakaunti ang tao at mababait na residen--.

Naputol ang pagmumuni ko nang bigla ay may tumama sa aking bola. Napapikit ako dahil sa sakit. Sa ulo pa talaga ako tinamaan. 

Inis kong dinilat ang mga mata ko at nakita ang isang volleyball na ngayo'y nasa sahig na ng terrace. 

'Ano bang meron dito sa terrace at puro volleyball ang napupunta rito?'

inis na

sabi ko sa isipan ko.

Salubong na kilay kong pinulot ang bola at saka dumungaw sa ibaba. May nakita akong isang lalaki na nakashorts at hapit na plain white shirt na nakatingala sa akin.

Naalala ko ang mukha niya, siya yung manyakis na umakyat sa terrace noong isang gabi. 

"Ikaw nanaman?! Ano ba ang problema mo at binabato mo ng bola ang terrace namin ha?!" inis kong sigaw sa kaniya. Mabuti na lamang ay maaga pa lamang, hindi pa gaano karami ang mga tao.

"It was an accident, don't judge too quickly, miss." ngisi niyang tugon, diretsong nakatitig lamang sa akin.

Hindi naman ako nagpatinag. "Oh an accident that happened twice in the same place with the same person?" sarkastiko kong tugon.

"Then don't believe it, I won't explain it to a entitled women either." sabi niya, hindi binabali ang titig.

'Entitled? Did he just call me entitled? This man right here is getting on my nerves.'

"Oh really? So I'm the one to blame now? Hindi ka man lang mag-sorry, ikaw na nga ang may kasalanan, so I'm the entitled one now?" pagtataray ko, panira ng umaga.

"No one's blaming you, miss. Now if you don't mind, can you pass me the ball already? I got tons of stuff to do." naiinip at seryoso niyang tugon.

Nainis ako dahil doon, hindi man lang siya nag-sorry dahil sa nangyari. Dahil sa inis, binato ko ng malakas ang bola papunta sa gawi niya, binuhos ko ang buong pwersa ko at inasinta ang ulo niya, para malaman niya kung gaano ba kasakit yon.

Pero sa hindi inaasahan ay may babaeng tumatakbo papunta sa manyakis. Nakatalikod siya kaya nasisigurado kong galing siya sa loob ng bahay namin. Dahil doon, siya ang tinamaan ng bola. 

Natumba siya at tumalsik ang bola sa sand. Nagulat ako at napatakip sa bibig ko. Tumama ang bola sa kaniyang bunbunan at siguradong nahilo siya dahil doon. Bago pa siya tuluyang bumagsak ay sinalo siya ng manyakis.

Nakaluhod siya sa isang tuhod at ang ulo ng babae ay nakapatong sa dibdib niya. Narinig ko pang tinanong ng manyakis kung ayos lang ba ang babae, samantalang ako ay gulat pa rin na nakatingin. Hindi ako makapaniwala.

Sinamaan ako ng tingin ng lalaki at saka bumaling muli sa babae. Hindi nagtagal ay lumabas si Aling Perla. Patakbo siyang lumapit sa babae at natatarantang nagsalita. Inakay niya sila papasok sa loob ng bahay at doon ako napatulala.

Hindi ako makapaniwalang nakasakit ako ng tao dahil sa inis na naramdaman sa ibang tao. Nabuhay lalo ang inis ko sa manyakis na lalaking iyon. Dali-dali akong naglakad at nagbihis ng maayos na damit saka pumanhik sa baba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status