Share

CHAPTER 2

EIZZRIE

Nagising ako ng 6:00 am. Nagsipilyo muna ako at saka nag-apply ng skin care sa aking mukha. Nang matapos ay lumabas ako ng banyo at saka nagsalin ako ng tubig mula sa pitsel na nakalagay sa lamesang katabi ng kama. Ininom ko ang vitamins ko at saka tinungga ang tubig.

Lumabas ako ng kwarto at pumanhik pababa. Dumiretso ako sa kusina at nakitang nandoon si Z, nagpapainit ng tubig mula sa electric kettle. 

"Good morning." nakangiti kong bati.

Nilingon ako ni Z na ngayo'y hinuhugasan ang kamay sa sink.

"Oh I was about to wake you up." tugon niya, ibinalik ang paningin sa kamay.

"Where's Aling Perla?" tanong ko dahil si Z ang nagpeprepare ng coffee doon na dapat siya ang gumagawa.

"Bumili ng bacon and egg for breakfast." sabi niya, sinasalin ang mainit na tubig sa mug. Hinalo niya ito at ibinigay sa akin ang isa.

"Here, coffee." she handed me the mug that I immediately accept. Inamoy ko iyon at doon pa lang ay gising na gising na ako.

"This is what I call coffee." pabiro kong sabi. Z is flower shop owner as of now, but she'll be a great wife for being a great cook, she also makes the best coffee.

Hindi nagtagal ay dumating si Aling Perla, dala-dala ang mga pinamili. Pinapunta niya kami sa dining room at sinabing ihahain na lamang ang almusal.

"I'll surely miss this place." sabi niya, nakatingin lang sa nilalarong baso na may lamang kape.

"I'll miss you too, Z." nagtama ang paningin namin.

"Me too Eizz, send my regards to tito and tita, I miss them too." sabi niya. I nodded.

Hinain nga ni Aling Perla ang almusal namin na bacon, eggs and fried rice. Nagsimula na kaming kumain ni Z at binilisan rin namin iyon para makapaghanda na sa paglangoy.

Nang matapos ay umakyat kami sa tinutuluyang kuwarto at naghanda. Nagshower ako saglit para mapreskuhan matapos iyon ay nagbihis ako. 

Nagsuot ako ng black one piece cut out swimsuit at pinatungan iyon ng white swimming cardigan, at beach sandals. I also applied sunblock to my face, legs and arms. Nagsuot na rin ako ng beach hat at sunglasses para makumpleto ang outfit.

I stepped out of my room at nakasalubong si Z na kalalabas lang din sa kaniyang kuwarto. She's wearing black two piece swimsuit na pinapatungan ng black see-through mantle at black beaded beach sandals. She's also wearing sunglasses and her dark-brownish hair is perfectly loosed.

"You look hot, Z!"papuri ko sa kaniya, her dress reveals her charm and sexy body.

"You think so?" tawa niya pa.

"You look sexy too, your dress fits you." puri niya pabalik, nginitian ko naman siya dahil doon.

Niyaya ko na siya na pumanhik na habang maaga pa at healthy pa ang sunlight. It's 6:48 am in the morning nang lumabas kami ng bahay. Nilibot ko ang paningin at nakitang mangilan-ngilan pa lamang ang mga taong nasa labas, karamihan ay mga taong nakatira dito.

Tinanaw ko naman ang dagat at may bilang na tao na rin ang lumalangoy, mayroon din namang mga pumapalaot para mangisda. Tinungo namin ang dagat, kahit medyo naiirita dahil sa mga buhanging pumapasok sa beach sandals ko ay tinakbo ko ang dagat.

Tumigil ako sa pampang na kung saan tumatama ang mga alon. Dinama ko ang malamig ngunit nakakabanayad na tubig. Pinakatitigan ko rin ang malinaw na tubig ng dagat. 

"Parang ayoko na tuloy umalis dahil sa white sand and clear water dito." bahagyang natawa si Z sa sariling biro na sinabayan ko naman.

"Let's go!" sabik niyang tugon at hinatak ako papunta sa tubig. 

"Teka lang! Yung hat at sunglasses ko!" pigil ko kay Z pero masyado siyang malakas kaya ang ending ay nabasa ang mga ito. Tumatawa siyang naglalakad patalikod, binato ko naman sa pampang ang salamin at sumbrero.

"Ang lamig!" sigaw ko at tumawa.

Inakap ko ang sarili dahil sa lamig ng tubig pero hindi nagtagal ay nasanay rin ang katawan. Parang mga bata kaming nagbasaan kahit na basang-basa na kami pero gayunpaman ay tawa lang kami ng tawa sa ginagawa.

Nang mapagod sa pinaggagagawa ay sandaling umahon si Z para kumuha ng litrato, samantalang ako ay nagfloating na lamang sa malinaw na tubig dagat. Dinama ko ang tubig sa ilalim ko, pinakinggan ang agos ng tubig at nakatitig lamang sa asul na langit. 

Pumikit pa ako para mas marelax sa ginagawa. Nanatili lamang ganoon ang posisyon ko pero sinira iyon ni Z nang batuhin niya ako ng buhangin at nasapol ako sa mukha, mabuti na lamang ay nakapikit ako. Napaayos ako ng tayo at nasira ang paglutang. 

Sumisid ako para mabanlawan ang mukha at pag-ahon ko ay naririnig kong humahalakhak si Z. Pinunasan ko ang tubig sa mukha ko at sinamaan siya ng tingin, pero patuloy lamang siyang tumatawa.

"What the fudge Z?!" angil ko.

"Kanina pa kasi ako nagsasalita dito, hindi mo ako naririnig."  pigil tawa niyang sabi.

Mas sinamaan ko siya ng tingin.

"Fine, papasok muna ako, kukuha ng chips." patuloy niya sa pagtawa.

Inismiran ko siya at hindi siya sinagot. Tinalikuran niya ako at saka siya naglakad patungo sa bahay.

Nakapikit akong lumangoy sa ilalim ng tubig, sa hindi inaasahan ay nakasinghot ako ng tubig dagat, sumakit ang ilong ko dahil doon, pero may mas malala pang nangyari bukod doon.

Nawalan ako ng kontrol sa sarili and I found myself on the deep part of the water. Ang kaba't takot ay gumapang sa dibdib ko, lumakas ang kabog no'n. Sinubukan kong ipadyak ang paa ko pero hindi ako makalutang, nakakalunok na rin ako ng tubig alat.

Bigla ay may humigit sa aking kamay at narinig ko ang pagtalon niya sa tubig. Inilagay niya ang mga kamay ko sa kaniyang leeg at pinasan ako. Nakaangat na ang ulo ko sa tubig at doon nagsimulang matinding umubo, pilit niluluwa ang nainom na tubig.

Tinanggal ko ang tubig sa mukha ko at nagsimulang maghabol ng hininga. Hindi ko namalayan ay nakarating na pala kami sa pampang.  Inilapag niya ako  sa buhangin at nanghihinang napahiga doon.

Umuubo man, pilit kong inaninag ang taong sumagip sa akin. Nakaluhod siya at ang mukha ay nakatapat sa akin. Pero ang tanging nasilayan ko lang ay ang kaniyang malapad na balikat at saka nanlabo ang paningin ko hanggang sa nagdilim ang paligid.

Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko sa aking paanan. I pulled down the blanket that's covering my body using my feet, but it wasn't enough, I still feel cold. I opened my eyes and find myself inside my room. Umupo ako pero muling pumikit at nasapo ang noo dahil sa sakit ng ulo.

"Finally, you're awake.." nag-aalalang tinig ng isang babae mula sa tabi ko. I opened my eyes and followed the voice.

It was Z, staring at me with her concern. 

"Are you okay, Eizz?" nag-aalala niya pa rin na tanong. I nodded and smiled at her.

"Just a headache.." habang hawak pa rin ang noo.

I can see a sign of relief on her face. But then I remembered about her flight. I immediately look at my watch but unfortunately, its not on my wrist.

"Don't worry, its still 10 am, maaga pa." sabi niya, nalaman ang kinikilos ko.

I sighed. Thank god I didn't cause trouble to her. 

"But where's my watch?" I asked. Nagtataka naman niya akong tinignan.

"You're not wearing any nang makita kita sa shore kanina." she said wondering.

Taka ko namang tinignan ang palapulsuhan ko, its weird because I never remove my watch no matter what I do. Muli kong nasapo ang noo ko nang maramdaman ang pagkahilo.

"Don't force yourself Eizz, you need to rest." Z said with concern in her voice.

I lay down in the bed and closed my eyes, pilit kong inaalala ang mga nangyari pero sumasakit lamang lalo ang ulo ko dahil doon.

"Z, can I asked what happened?" tanong ko habang nakapikit pa rin. Narinig kong tumikhim siya at saka nagsalita.

"I really don't know Eizz.." buntong hininga niya.

"I just found you unconscious on the seashore when I returned." dugtong niya. 

Hindi na ako nagsalita matapos sabihin ni Z yon. I stayed quiet, besides I have no energy to talk now, I just want to rest, but my mind won't let me. I'm really bothered.

"I'm okay now Z, you can go, you still have flight." I assured her not changing my position.

"Are you sure? I can stay here for a while and just reschedule my flight, Eizz." she worriedly said.

"No, I'm really okay, I swear. I don't want to trouble you also." dipensa ko.

I heard her let out a heavy sigh and the chair creaks, a sign that she already stood.

"Okay then, get a good rest, sasabihan ko na lang sila Aling Perla about your condition, siya na lang ang mag-aasikaso sayo." she said. Tumango ako sa kaniya kahit nakapakit.

"Thanks Z, be safe and always be careful, I'm gonna miss you." doon lamang ako muling dumilat at saka ngumit sa kaniya.

Gumanti siya ng ngiti kahit na nag-aalala.

"I will, you too Eizz, be careful next time, I'll miss you." she sincerely said.

"I'm sorry we didn't get to bond and I made you worried." sabi ko.

"Good bye Eizz, I'll text you more often to check on you." tugon niya at kumakaway pa na ginantihan ko naman. Lumabas siya ng kuwarto at isinara ang pinto.

I looked up to the ceiling. I hope she didn't tell my parents, for sure mapapauwi ako dahil dito. 

Madaming bumabagabag sa isipan ko at isa na nga rito ang mga magulang ko, pero ang pinakapinag-aalala ko ay kung sino ang sumagip sa akin at nabuhay ako. Gusto ko siyang pasalamatan pero wala akong maalala.

Sa sobrang dami nang iniisip ay bigla akong inantok, I closed my eyes and rest, I need this to regain my strength even though I feel like I'm catching a fever. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status