Share

CHAPTER 5

EIZZRIE

Sa gulat ko ay napatayo na rin ako. Nakatingin lang ako sa kaniya, ang mukha niya ay biglang pumait at bumalik sa pagkaseryoso. Hindi rin siya sumagot, sa halip inip niya akong binawian ng tingin.

"Out of all people, why you?" inis kong tanong sa kaniya. Hindi ako kumportable kung siya ang magtuturo sa akin. 

Nagkibit balikat lang siya. Wala siyang balak magsalita o sumagot sa mga tanong ko. Lalo lang akong nainis dahil sa inasta niya. 

"Answer my question, you pervert!" angil ko. Tinignan niya lang ako at tumikhim.

"I don't know, ma'am. You're the one who inquired surfing lessons, I'm not responsible for your choices, ma'am." pagdidiin niya sa bawat Ma'am na sinabi niya.

"So its my fault now?" hindi makapaniwala kong tugon. 

"Wala po akong sinabing ganiyan, miss. Now if you want to cancel your inquiry, please proceed to the office." ayon lamang ang sinabi niya at nilagpasan ako. Rinig kong kalabog ng surfboard mula sa likod.

I will really cancel my inquiry! This is ridiculous. Padabog akong naglakad palayo, hindi ko na siya nilingon dahil sa inis. Binilisan ko na rin ang mga hakbang ko kaya ang mga buhangin ay pumapasok na sa tsinelas ko.

While heading towards the office, nilingon ko ang nagsisigawang mga lalaki't babae sa dagat. Lumalangoy sila at naghaharutan. Nakaramdam ako ng inggit dahil marunong sila lumangoy, samantalang ako ay hindi. 

Hindi ko na tuloy ma-eenjoy ang vacation ko rito dahil doon. Napabuntong hininga at nag-isip ako. Wala akong choice kung hindi kunin ang opportunity na iyon, kasi kung hindi ko kukunin ay masasayang lang ang oras ko sa Coast.

Inis akong napabuntong hininga sa pangalawang pagkakataon. Bagsak balikat akong bumalik sa surfing station. Kahit sobrang labag sa loob kong makipag-usap o makipa-interact sa lalaking iyon ay siya lang ay choice na mayroon ako.

Mabigat man ang mga hakbang, nakarating ako sa surfing station. Naroon pa rin siya, abala sa pagpupunas ng mga surfing boards. Nameke ako ng ubo at nilingon niya ako. 

He just plainly looked at me. Pero hindi ko inaasahan na magsalita siya.

"Na-cancel niyo na po ba ang surfing lessons nyo, ma'am?" may diin pa rin sa pagkakasabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin dahil bigla akong nailang sa titig niya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, nahihiya ako na naiinis sa sarili. 

"Uhm..."panimula ko, sa iba pa rin nakatingin.

Nangangapa ako ng salitang sasabihin. Feeling ko matatapakan yung pride ko pag ginawa ko ito at ayoko naman sirain iyon dahil sa lalaking ito.

'Oh my god! I can't.' tugon ko sa isip

"Actually, ano..." hindi ko pa rin matuloy ang sinasabi. Humugot ako ng malalim na hininga at nilakasan ang loob. This is not the time para pairalin ang pride!

"I won't cancel my surfing lessons, ginawa ko lang ito kasi wala akong choice, kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano at gusto ko ng rules para masigurado ko ang kaligtasan ko." mabilis kong tinugon iyon kaya medyo hiningal ako.

"Okay, spill." walang gana niyang tugon.

"First, don't get too close, nakakailang lalo na't manyak ka pa naman. Second, don't be late sa call time. Third, don't touch me if not necessary. Fourth, don't talk back at me, especially if you'll just insult me. Fifth, respect me and my decisions. Lastly, don't be demanding. Also, I'll add more rules if I want to." tinarayan ko siya.

"Bakit hindi mo na lang sabihin na sambahin kita? Napakadami mong alam." pambabara niya.

"Rule number fo--"pinutol niya ang sinabi ko.

"Then be the instructor since you have so many rules, I'll listen." sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at inirapan. He's really hitting the right nerve!

"Let's start with the lessons, sayang bayad ko sayo kung sasayangin mo ang oras ko." mataray kong tugon sa kaniya, tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Hindi na niya ako tinugon, sa halip ay kumuha siya ng isang surfboard at isang life vest. Lumakad na siya papunta sa dagat pero agad ko rin siyang pinigilan.

"Wait! Hindi pa natin napag-uusapan yung top-up para sa swimming lesson!" sigaw ko para marinig niya. Nilingon niya ako nang magkasalubong ang kilay at saka bumalik sa station. Hinarap niya ako.

"You decide, it's up to your satisfaction about my service, miss." pagdidiin niya. 

Tinarayan ko naman siya. Naghubad na ako ng see-through cover at inilapag sa may bench kasama ang bag ko. Pero pagkalapag ko pa lamang nito ay kinuha niya. 

"Anong gagawin mo diyan?!" angil ko pero hindi siya sumagot. Nilagay niya ito sa locker sa ilalim ng bench. Hindi ko napansin iyon kanina. Gawa siya sa kahoy pero mukhang bago dahil sa barnis.

Ibinigay niya sa akin ang susi nito. Padarag ko iyong hinablot at nag-iwas ng tingin, dahilan para mahagip ng mata ko ang maliit na nameplate niya sa polo shirt na suot niya. 

'Dyq.'

Nanlaki ang mata ko sa paraan kung paano ko nabasa iyon sa isip. Napatakip pa ako ng bibig at nanatiling nakatingin doon.

'Anong klaseng pangalan iyon?! Ang bastos!' sabi ko sa isip.

"It's pronounced as 'Dayk', you dumb." naiirita niyang sabi. Napansin niya siguro na nagulat ako sa nameplate niya.

"I'm not dumb! Besides, it still suits you even if it's pronounced the other way around, Dickhead!" pang-aasar ko, diniinan ko pa ang huling salita dahil akala ko talaga ganoon ang basa sa pangalan niya. 

I flipped my hair at nilagpasan siya. Tumungo na ako papunta sa dagat, suot-suot lang ang one-piece swimsuit. 

Rinig ko ang matunog niyang hakbang sa buhangin kaya alam kong nakasunod siya.

Nang makarating ako sa pampang, tinitigan ko ang malinaw na tubig ngunit napalunok rin matapos maalala ang nangyari. Bigla tuloy pumasok nanaman sa isip ko yung sumagip sa akin. I sighed.

"Pumunta ka sa abot dibdib na parte ng tubig. Tantsahin mo kung hanggang saan iyon." Iyon ang seryosong utos niya at saka ibinagsak ang life vest sa paanan ko.

"How can I know if the water is on my chest level if I'm wearing a vest?" pagtataray ko, nakapamewang ang isang kamay at ang isa ay bahagyang nakataas habang sukbit ang vest sa dulo ng hintuturo.

"You really are dumb. I didn't tell you to wear that." Irita niyang tugon.

Napakamoody naman ng lalaking ito! Sarap tirisin!

'I can't!' pagpipigil ko sa sarili.

Pabato kong ibinaba ang vest at saka dahan-dahan lumubog sa tubig. The water's cold yet cozy. Super soothing.

Ginawa ko nga ang sinabi niya kahit labag sa kalooban ko. Onti-unti kong nilakad hanggang sa umabot sa dibdib ang tubig dagat. Doon pa lang ay pakiramdam ko ay malulunod na ako. Namumuo na ang panic sa isip ko.

Mabuti na lamang ay lumapit si Dyq at medyo nabawasan ang pangamba ko. Sa oras na ito ay hindi ko na uunahin ang inis. Natatakot ako.

"Just feel the water flowing on your skin. Feel its warmness or coldness. Let it be absorb by your body and relax." mahinahon niyang tugon. Bigla ay nagsisi ako na gumawa ako ng rules na hindi niya ako maaaring hawakan dahil gustong gusto ko na siyang kapitan ngayon. Parang inaanod ako sa mas malalim.

"Don't panic. Inhale then exhale. Treat the water as your friend not an enemy. Just relax." Dugtong niya pa.

Sinubukan kong gawin ang sinasabi niya. Slowly, my panic and fear is fading.

Nag-inhale and exhale na rin ako para mas matanggal ang pagkagaslaw ng mga paa ko sa ilalim ng tubig na nagtataboy ng mga buhangin na tinatapakan ko palayo.

Gumana nga ito. Onti-unti ay kumalma ako at medyo nawala ang pangamba sa loob ko.

"Good. That's it." kalmado niyang tugon. Napakamoody talaga! Pero gayunpaman ay napangiti ako dahil natututo ako.

"Just keep your feet on the sand." dagdag niya pa.

'Paano ako matututo lumangoy kung nakatapak lang ang mga paa ko? My god!'. Pagrereklamo ko sa isip.

Dahil sa naisip ay nadistract ang isipan ko, nawalan ako ng balanse, sumakto pa ang paghampas ng malaking alon. Ang pangamba ay nanumbalik sa akin. Ginapang na rin ako ng takot.

"Help!" Sabi ko pa habang umuubo dahil sa tubig na nainom. Ang alat!

Mabuti na lamang ay sa tangkad ni Dyq ay nasalo niya ako sa dibdib niya. Hinawakan niya ang bewang ko at inangat. Doon ako umubo ng umubo. Medyo humapdi rin ang mga mata ko.

Nang makabawi ay noon ko lang napagtanto ang itsura namin. Kita ko ang mga tao sa pampang na nakatingin sa amin. Agad akong nagpababa habang nagpupumiglas pa.

"Teka lang, Simba!" He irritatedly said.

'What the fudge?! Simba?!'

"How dare you call me a Lion?!" asik ko sa kaniya. Napupuno na talaga ako sa matabil na dila ng lalaking ito eh.

"I didn't call you a Lion." Doon pa lamang niya ako binaba at mas mababaw na ito kaysa sa kanina. Hanggang bewang ko na lamang ang tubig.

"You called me Simba a while ago, and he's a Lion, you Male Reproductive Organ!" asik ko na may halong pang-aasar sa dulo.

Finally, may maaasar na ako sa kaniya, thank you sa nametag.

"Tama naman hindi ba? Ganoon ang ginawa kay Simba nung bago siyang panganak..." ngumisi siya nang nakakaloko.

"And would you stop calling me that? Baka makita mo ang hinahanap mo." Lalo pa siyang ngumisi. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

"Let's stop the lesson for today, you need to rest because of what happened. Practice in your bathtub how to paddle your feet. I'm going." Tuloy tuloy niyang sinabi at saka umahon. Dumiretso siya sa station at tinanaw ko lang siya dahil sa hiya.

Hindi rin nagtagal ay umahon na ako dahil baka maulit pa ang nangyari, walang sasagip sa akin pag nagkataon.

Pagkaahon ay bumuntong hininga ako. Tumungo ako sa station at kinuha ang gamit mula sa locker. Binalik ko ang susi sa sabitan nito at umalis na rin.

Matamlay akong umuwi ng bahay. Walang tao kundi ako lang. Pumanhik ako sa kuwarto at nagbanlaw.

I checked my watch and it's only 9:12 am. I still have an hour sa lessons sana. Bigla ay inisip ko kung paano ako nainsulto sa sinabi nung instructor na iyon. Naiinis ako pero wala siyang kasalanan sa nangyari.

I sighed. Nagbabad lang ako sa tub at nag-isip ng mga nangyari at ng mga pwedeng gawin. Naalala ko rin na hindi pa pala ako bayad sa kaniya.

Naalala ko rin ang sinabi niyang nagpahiya sa akin. Pero hindi niya rin kasalanan iyon dahil ako ang tumawag sa kaniya noon.

Wala pa man akong isang linggo sa coast ay napakarami ng nangyari. Nakakapagod. Doon ko lamang naramdaman ang matinding pagod at sakit ng katawan.

Umahon na ako at tinapos ang pagbanlaw saka humilata sa kama. Matutulog na lamang muna ako at aalis mamaya para hanapin si Dyq. I need to pay for his service and for what he has done for me.

Hindi nga nagtagal ay nakatulog na rin ako dahil sa mga iniisip. Sobrang nakakadrain!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status